Westlife Greatest Hits.
Sabihin mo nang baduy, pero kapag sinabing Westlife eh hands down ako diyan. Bata palang ako ito na ang paborito kong kanta. Yung mga
- Swear it Again
- I lay my love on you
- Uptown Girl
- My Love
- World Of our Own
- Flying Without Wings
- Evergreen
- Fool Again
- At marami pang iba.
Eh talagang maalala mo ang kabataan mo, tipong kinakanta mo mga kanta nila na hindi mo pa sila kilala lahat, basta kilala mo lang sila sa pangalan ng banda nila na Westlife.
At mapapansin mo lahat ng lyrics ng kinakanta nila eh magaganda ang mensahe, may mga itsura at naiintindihan mo yung kanta. Di tulad ng Kpop na nauuso ngayon na mga taong nag aral lang ng Foreign Language 1 and 2 ang makaka intindi. Minsan nga hindi pa, dahil wala namang Korea Tutorial pa atang inooffer dito sa ating mga Paaralan, madalas eh Chinese at Japanese Class lang.
Basta nakakatuwa itong mga kanta ng westlife. Hindi ko pa nga rin lubos kilala lahat, basta ang alam ko dati nung bata ako ang Vocalist eh yung maliit na maitim ang buhok at ang gwapo eh yung si Mark ba yun.
Wala ng lalabas na ganito, wala na sa passion ang ibang singer sa pagkanta. Ang gusto na lang nila eh makabenta.


329 

