Post(s) tagged with "thoughts"

Pinakamasarap? Yung hindi sinasabi pero nararamdaman. Yung walang sumpaan, pero walang iwanan. Ayan ang tunay na pag-iibigan.

Source: matabangutak

Ang buhay ay parang Halo halo. Minsan espesyal ka. Minsan ang buhay ay matabang, at may taong dadating na magpapatamis nito. Sabihin na natin yung mga sahog yung problema natin sa buhay. Alam mo yun, yung kahit na anong dami ng problema natin. Andun pa rin yung pag-asa na naghihintay. Yung mga sahog na yun ang tutulong sayo para maging maganda ang lasa ng iyong buhay. Kapag wala ka kasing problema, paano ka magiging maayos diba? Kadalasan ng desisyon natin sa buhay eh ung mga problema at pagkakamali. 

Kaya kapag may problema ka. Huwag kang susuko. Andyan naman ang mga kaibigan mo sa paligid eh. Huwag kang mamimili ng taong dadamay sayo. Magpasalamat ka sa mga taong handang dumamay. Kasi unang una sa lahat, tulad mo may problema din sila at nakaka touch na mayroon silang oras para kausapin at payuhan at damayan ka diba? :)

Source: matabangutak

May mga tao kasing ayaw ka maging masaya. May mga taong ayaw ka nilang makaka move on sa kanila. Tipong ang gusto nila lagi eh naiisip mo sila pero alam mo yung hindi ka naman nila kayang alagaan? Hindi ka naman nila handang saluhin. Tipong gusto lang nila yung pakiramdam na may naghahabol lang sa kanila. Yung maguguluhan ka kasi hindi mo alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya sayo o ipagpapatuloy mo na lang ang pag move on sa kanya. Nakakainis talaga yung mga taong pa fall at paasa no?

Source: matabangutak.tumblrr.com

I’m not asking you to believe. I’m asking you to trust.
Dyan mahilig ang tao. Mag pa fall. Tapos iiwan ka kapag na fall ka na sa kanila. Gusto kasi nila yung may naghahabol sa kanila. Sa dahilang yun, natutuwa sila kapag may nagdadrama sa kanila. Nakakainis yung mga ganung tao. Mga masyadong magaganda/gwapo ang tingin sa sarili.

Source: matabangutak

Nakakamiss yung unang register mo sa Tumblr. Yung kung paano mo didiskartehan yung blog mo. Yung binabalak mo kung ano ba trip mo sa blog mo. Kung magsusulat ka ba, ano una mong topic, sino una mong mga ifofollow, paano didiskarte ng kaibigan at marami pang iba.

Nakakatuwa yung galak dati kapag nag tutumblr ka. Lalo na yung first 3 months mo dito eh talagang halos di ka maka log out dahil natutuwa ka sa mga nakikita mo. 

Yung minsan pinoproblema mo na nakakapag post yung mga tao ng magagandang entry tapos ikaw gusto mo makipagsabayan. Yung sasagot ka sa mga TA nila. Yung tatanungin mo sila tapos matutuwa ka kapag na publish yung Ask mo dahil sa ginandahan mo ang tanong sa kanya. 

Nakakatuwa talaga nung umpisa. Talagang information overload eh. Tapos makakabuo ka ng barkada sa mga simpleng pa like like lang at TA. Tipong sa isang araw eh pwede mo silang maka close tapos kinabukasan eh i lolook forward mo ulit sila. 

Nakakatuwa at nakakamiss no?

Pero ngayon? Yung mga magkakaibigan na yung nagkakasiraan. Syinota ang bespren, syinota ang ex, syinota ang tropa tapos naghiwalay. Nainggit sa achievement ni ganito, nainggit sa atensyon si ganyan. Na insecure siya, siniraan yung tropa at marami pang iba.

Ano kaya ang nagpabago sa kanilang mga ugali? Na dati todo pakikisama para magkaibigan. Tapos yung mga tao na yun ang naninira. Why? Bakit kailangan maging ganun?

Well… Who knows? Kailangan na lang natin makipag deal sa mga taong ganyan. i unfollow? No, not a good idea. May mga pagkakataon kasing maganda din ang nilalagay nila. May mga pagkakataon lang na napaghahalataan na kapag wala na silang maisulat eh papansinin na nila yung mga flaws ng mga kaibigan nila. Parinig dito, parinig dyan. Ganyan yan eh.

Well, kung sobrang mature ka e hindi mo na papansin yan hindi ka magpapaapekto sa mga nakikita mo. Pagpapatuloy mo lang kung ano ang nasimulan mo dati. At yun ang cool. :)

Source: matabangutak

Ang hirap na kasi magtiwala ngayon eh. Tapos minsan ka na nga lang magtitiwala sa isang tao tapos minsan yun pa ang time na gagaguhin ka at lolokohin. Hindi nila alam gaano kahirap gumawa ng desisyon na magmamahal ba ulit ako? Magtitiwala na ba ulit ako? kailangan ko ba siyang saluhin? mahal niya ba talaga ako at kailangan ko na ring umamin na gusto ko siya?

Tapos sa huli assumptions lang pala ang lahat. Dapat kasi hindi kayo nagpapakita ng motibo kung sa huli hindi niyo kayang saluhin yung taong pinapakitaan niyo nun eh. Hindi naman kasi dummy ang tao na walang nararamdaman. Mahirap eh. Nasira mo na yung tiwala ng tao sayo. Tapos yung ibang tao sa kanya nawawalan pa ng pagkakataon dahil nga nasayang na yung tiwala sayo.

Hindi alam ng tao gaano kahirap ibigay ang tiwala. Sana gets niyo yun. Ang tao maaring pabigla bigla ng desisyon yan kapag nagmamahal. Paano kasi nasa isip nila na baka mawala pa. Eh nandyan na.

Source: matabangutak

Minsan talaga masaya ka lang na mag-isa eh. Kahit na yung kalungkutan mo eh dinadalaw ka paminsan minsan eh napapansin mong hindi ka pa talaga handa kapag ganun ang nararamdaman mo. Kumbaga minsan sinasabi natin na sana may gf/bf na tayo. Pero kapag masaya ka na ulet eh para bang nasasabi mong “Ay! Hindi pa pala ko ready”. Yun kasi ang madalas na problema ng tao. Kapag nalulungkot at naiinggit sa iba eh basta na lang papasok sa mga desisyon. Minsan, atensyon lang pala ang gusto pero hindi sila ready sa pang matagalang relasyon. So ayun, nakakasakit sila ng taong willing magbigay ng pagmamahal. Tapos etong si willing magmahal, magtatampo sa mundo at mag cocome up sa desisyon na hindi na ulit siya magmamahal tulad ng pagmamahal na binigay niya sayo. Hindi ba’t unfair yun sa susunod na taong magmamahal sa kanya? At higit sa lahat ikaw ang naging dahilan nun?

Kaya dapat, kapag sinabi mong gusto mo eh handa ka. Hindi yung puro ikaw lang dapat ang sumaya. Maawa ka naman sa mga willing mag sakripisyo sayo.

Source: matabangutak

Meeting again Long Lost Friends.

Sarap lang kapag may matagal ka ng kaibigan na hindi nakikita tapos nagkaroon kayo ng pagkakataon magkita.. Tipong Machine Gun ang pinag uusapan niyo dahil hindi kayo nauubusan ng kwento. Kapag sobrang tagal niyo ng hindi nagkita kasi marami na kayong mapapansin sa isa’t-isa. 

  • Unang mapapansin panigurado eh kung tumaba ka ba o pumayat ka. Syempre, yun agad ang unang mapapansin dahil yun ang mabilis makita.
  • Pangalawa eh nag-iiba yung topics niyong dalawa. Lalo na kung taon kayo nawala eh masasabi mong nag mamature na kayo sa mga pinag uusapan niyo.
  • Hindi na puro love life. Kapag college na rin ang long lost friend mo eh mapag uusapan nyo ang ginagawa niya sa kurso niya at mga bagay na ginagawa mo rin sa kurso mo.
  • Yung mga bagay na tatanungin niya kung ano ano na ba ang ginagawa mo at pinagkakaabalahan sa buhay,
  • Mga tanungan bakit ngayon lang ba kayo nagkita?
  • Yung way paano niyo i handle ang pag-ibig. Napagkwekwentuhan niyo bakit kayong parehong single, kung ano yung mga pananaw niyo sa buhay bakit kayo nanatiling ganun.
  • O kaya naman kung taken eh todo open itong si kasama mo ng problema nila at happy moments ng bf/gf niya. Minsan naman napagtatanungan kung paano nakawala sa GF/BF niya. Itatanong kung ano ang pinaalam dahil nga naman kapag taken na eh pinagdadamot na sila ng Partner nila.

Sarap lang ng ganung klase ng usap. Napaka informative at nakakagaan ng loob at the same time. Syempre, yun naman ang masarap na feeling eh. Yung may nakikinig sayo at alam mong inaabsorb niya ito. Kumbaga nakakakuha ka ng suporta mula sa kanya at alam mo sa sarili mong hindi ka nag-iisa. 

Source: matabangutak

  • Girl: Blood type mo?
  • Boy: Ikaw type ko.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack