Post(s) tagged with "thoughts"

Makaka move on ka ren. Huwag kang mainip. Huwag mong biglain. Bigla mo na lang maiisip isang araw kung bakit mo na kailangan pakawalan siya. Hindi mo kailangan hanapin ang sagot. Maniwala ka sakin, matagal mo ng alam ang sagot. Hindi mo palang maisip ngayon dahil nga andun ka pa sa moment na nasasaktan ka at hindi mo pa tanggap. Time will heal. Hindi iniisip ang pag momove on. Hindi ka rin mag dedecide sa sarili mo na naka move on ka na. Basta, ang pakiramdam ng naka move on na eh yung normal na lang ang lahat sayo. Kapag nakikita mo siya, parang wala na lang. At higit sa lahat bukas na ulit ang sarili mo na kumilala ng ibang tao.

Source: matabangutak

Madalas natin ipagdamot ang taong hindi naman atin. Maybe, we’re just that selfish kasi we like that person? Nakikita natin ang future na kasama sila? At ayaw mong may babalakid sa inyong dalawa? Or.. Sayo lang pala.

Source: matabangutak

Dapat kasi balanse lang, may iniingatan kang relasyon sa taong mahal mo at inaalagaan na relasyon sa mga kaibigan o tropa mo. Ang hinihiling ng tropa mo o ng mga kaibigan mo eh yung minsang maalala mo sila. Hindi naman nila hinihingi yung buong pagmamahal eh. Ang hiling nila eh yung maalala mo sila, yung lumilingon ka pa rin sa mga taong nag-alaga sayo at nagpasaya sayo nung araw na wala pa yang taong nagmamahal sayo. Huwag yung kakalimutan mo sila. Hindi kayo magtatagumpay nyan kapag inalis niyo ang tropa sa relasyon niyo. Ipakilala mo, masaya ang tunay na tropa kapag masaya ka sa taong kinakasama mo ngayon.

Source: matabangutak

Ang problema kasi sa tao akala nila sila lang ang may mabibigat na problema. Guys, lahat tayo ay may mabibigat na problema. Huwag mo isiping espesyal ka at ikaw lang ang merong ganyang uri ng problema. Minsan nga dapat tinatanong mo sa sarili mo na mabigat ba talaga problema mo ikumpara sa iba? Lahat ng tao na nasa paligid mo eh may dinadalang problema. Kaya nga dapat magpasalamat ka pa kapag may oras pa silang kausapin ka o kamustahin ka eh. O kaya may oras pa silang pasayahin ka habang yung kanila hindi nila ma resolba. You should never take things for granted. Hindi lahat ng tao handang maglaan ng oras sayo.

Source: matabangutak

Yung akward feeling kapag nakikita mo Ex mo. Parang may bumabalik na ayaw mong ibalik kasi ok ka na.
Madalas, na tataken for granted yung tao dahil akala lagi nung mga gumagawa nun eh  may nagmamahal sa kanila na marami. Tapos ang gusto nitong mga taong ito eh makuha ang lahat ng taong may gusto sa kanila. Kaya kapag ginawa na nila nag makasariling desisyon eh bigla nilang mapapansin na wala palang nagkakagusto sa kanila. Kumbaga, hindi siya nakuntento sa kung anong meron siya. 
Akala niya lahat ng tao sa paligid niya gusto siya. Pero madalas ang mga tao sa paligid mo eh tukso lang sa relasyon niyo. At siguradong kapag nagpa apekto ka dito eh siguradong hindi maganda ang kalalabasan.
Dapat matutunan ng tao makuntento at higit sa lahat maging loyal. Kumbaga, maging fair ka naman sa taong kinakasama mo. Ayaw ka niyang masaktan at ayaw mong masaktan kaya niya ginagawa yun. Tapos yung mga taong makasarili eh iiwan ka lang basta at iiwan kang parang walang nangyari. Iiwan kang parang walang pakialam sa nararamdaman mo. Palibhasa, nakakuha ng atensyon ng iba at “mas” may itsura eh dun na agad siya. Mga taong nakalimutan na hindi mahalaga yun.. na hindi niya makikita ang kasiyahan sa taong yun.. Mga taong pinakawalan ang pagkakataong sumaya ng husto kasama ang taong wagas magmahal.
Ganyan ata talaga, kapag “AKALA” ng tao eh marami siyang options. Well.. Karma’s a bitch ika nga :)

Sarap kapag papalitan mo na yung Relationship status mo no? Tapos yung taong gustong gusto mo yung mapupunta sayo. Para bang excited kang ipaalam sa mga kaibigan mo na 
Sa wakas! Hindi na ko nag-iisa!
Sa wakas! May nagmamahal na sakin!
Sa wakas! May dadamay na sakin sa oras na malungkot ako!
Sa wakas! May taong may pakialam na sakin!
At marami pang iba.
Minsan naging factor na rin ang pagpapalit ng relationship status sa Facebook eh. Kahit na hindi naman dapat itong big deal ng karamihan. May mga tao kasing nag-aaway dahil sa relationship status. Kung bakit daw naka private. Bakit daw hindi ipaalam sa mga friends niya, kesyo hindi pa daw alam ng magulang at friend niya sa facebook ang magulang niya eh baka mahuli sila.
Pero yun ang pangarap ng iba eh. Mailagay ka sa relationship status kung saan pakiramdam mong espesyal ka sa kanya. Napakababaw na dahilan diba? Pero that’s the trend na eh. Mababaw, pero yan minsan ang nagbubunga ng away ng dalawang mag uumpisa palang. Ngayon kasi it’s all about the labels na rin. Kahit na mag M.U palang kayo parang gusto mo na ring angkinin. Kasi hangga’t hindi nagiging kayo. Kahit na sabihin mong MU pa kayo eh iba pa rin talaga kapag BF o GF mo na.
Kulet ng epekto ng relationship status sa Facebook no? Kung paano niya naapektuhan ang pag-iisip ng ibang tao. Dahil ba kalahati ng buhay nila eh dito na umiikot? Malay natin diba? Wala naman tayo ang nasa katayuan nila :)

Sarap kapag papalitan mo na yung Relationship status mo no? Tapos yung taong gustong gusto mo yung mapupunta sayo. Para bang excited kang ipaalam sa mga kaibigan mo na 

  • Sa wakas! Hindi na ko nag-iisa!
  • Sa wakas! May nagmamahal na sakin!
  • Sa wakas! May dadamay na sakin sa oras na malungkot ako!
  • Sa wakas! May taong may pakialam na sakin!
  • At marami pang iba.

Minsan naging factor na rin ang pagpapalit ng relationship status sa Facebook eh. Kahit na hindi naman dapat itong big deal ng karamihan. May mga tao kasing nag-aaway dahil sa relationship status. Kung bakit daw naka private. Bakit daw hindi ipaalam sa mga friends niya, kesyo hindi pa daw alam ng magulang at friend niya sa facebook ang magulang niya eh baka mahuli sila.

Pero yun ang pangarap ng iba eh. Mailagay ka sa relationship status kung saan pakiramdam mong espesyal ka sa kanya. Napakababaw na dahilan diba? Pero that’s the trend na eh. Mababaw, pero yan minsan ang nagbubunga ng away ng dalawang mag uumpisa palang. Ngayon kasi it’s all about the labels na rin. Kahit na mag M.U palang kayo parang gusto mo na ring angkinin. Kasi hangga’t hindi nagiging kayo. Kahit na sabihin mong MU pa kayo eh iba pa rin talaga kapag BF o GF mo na.

Kulet ng epekto ng relationship status sa Facebook no? Kung paano niya naapektuhan ang pag-iisip ng ibang tao. Dahil ba kalahati ng buhay nila eh dito na umiikot? Malay natin diba? Wala naman tayo ang nasa katayuan nila :)

Source: matabangutak

Minsan, sinasabi satin ng tao na ayaw nilang mawala tayo sa buhay nila. Pero sila pala yung hindi mag iistay. Pero tama nga.. Hindi tayo nawala sa buhay nila. Kasi, patuloy tayong nag-aalala sa kanila. Habang sila, ibang lovelife na nya ang pinoproblema.

Source: matabangutak

Siguro minsan nasasabi nating life is unfair kapag hindi natin nakukuha yung gusto natin. Pero sa totoo lang na fair ang buhay. It’s just the people that making life unfair. Kung natututo lang siguro sila agad tanggapin ang mga nangyayari sa kanila. Then, malalaman nilang life is good para sa kanila. Hindi lahat ng gusto natin ay ating makukuha. Kailangan natin mag sakripisyo para sa ibang bagay pang darating :) Ngiti lahat kaibigan :)

Source: matabangutak

Girls! Payong kaibigan lang.

Huwag  mangungunang sabihin na gusto mo siya. Kahit na gaano mo siya kagusto. Hintayin mong yung lalake muna ang magsasabi sayong gusto ka niya. Para naman kahit minsan sa buhay nung lalakeng gusto mo eh maging lalake siya para umamin sayong gusto ka niya. 

Minsan kasi kapag sinasabi mong gusto mo siya na tataken for granted ka at minsan inaabuso ka nila or yung nakakatakot na baka pagsamantalahan ka nila or gamitin ka lang nila for their own pleasure.

Iparamdam mo lang sa kanya na mahalaga rin siya sayo para magkaroon siya ng lakas ng loob sa nararamdaman niya. Tulungan mo siya, pero huwag mo agad sasabihin na gusto mo siya. Kapag mahal mo. Huwag mong pakawalan. At kapag ayaw niyang umamin. At para siyang si Juan Tamad na naghihintay bagsakan ng bayabas sa bunganga niya. Eh maging handa siya sa magiging consequences dahil pakipot pa siya. Babae lang ang nagpapa chicks. Hirap sa ibang lalake parang ewan eh.

Yun lang! Goodluck! Kindat ^_~

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack