Post(s) tagged with "thoughts"

Kalokohan yung magsasabing naghiwalay dahil walang communication. Tapos parehas nasa Pilipinas lang. Haha! Eh nagkalat ang komunikasyon dyan. Andyan ang Facebook, Twitter, Voxer, Skype, Viber, Kakao Talk, KiK Messenger, Yahoo Messenger, Facetime, BBM, Camfrog ( haha ) at sobrang dami pang libreng Applications na magiging daan para magkausap kayo. 

Sabi ko nga, naging busy din ako na tao. Pero hindi tamang excuse yung busy ka para lang hindi makausap yung taong importante sayo. Hangga’t kayang isingit eh sinisingit ko. Tska, wala bang break yung pag kabusy na yun? Syempre, kakain ka at magpapahinga. Pwede naman isabay yung simpleng pag text lang eh. 

Hirap kasi ngayon, papasok sa relasyon tapos kung sino yung mas nagmamahal eh i tataken for granted lang. May mga succesful relationships nga na nasa ibang bansa pa yung isa eh. Pero kung nasa same country lang naman kayo. It means nagkukulang ng effort yung isa. Or taken for granted yung isa. Kumbaga hindi siya natatakot dahil alam niyang hindi siya kayang iwan. Kaya ginagawa niya lahat ng gusto niya habang yung isa nag-iintay sa kanya. Napipikon ako sa taong ganun.

8 out of 10 na humihingi ng payo sakin. Karamihan ng problema nila ay tungkol sa pagkawalan  ng oras ng tao sa kanila. Ako, iniimagine ko. How the fuck na pwede mangyari yun? Mahal? Tapos komunikasyon lang at oras hindi maibigay? Why bother pumasok sa relasyon kung ganun din lang? Ano yun? Pag encode lang ng Isang program? Trial and Error lang?

Source: matabangutak

Paano ba daw pag rebound lang? Tapos ano daw gagawin?

  • Kapag hinanap ka niya agad sa oras na nalungkot siya.
  • Kaka break palang nila, ikaw na agad nilapitan niya at umpisang lambingin niya.
  • Lagi ka niyang kausap, yung usap na parang nagpapakita ng motibo. Pero wala naman talaga.
  • Madalas maputol ang komunikasyon niyo ng walang paalam. Kumbaga, kung kailan ka lang niya gusto kausapin. Tska ka lang niya papansinin.
  • Nagsasabi ng matatamis na salita sayo. Pero hanggang dun lang. 

Ano ang dapat gawin? Dapat meron kang common sense kahit papano na ni rerebound ka nalang ng taong yun. Kunwari, kaka break lang. Imposibleng gusto ka agad nun. Minsan nalulungkot lang sila kaya kailangan nila ng dadamay sa kanila. After nila maging masaya? Wala na. Iiwan ka na nila. At kapag sa tingin niya ok na ulit sila nung iniwan niya? Babalikan niya yun. At ikaw? Nganga? Tulala sa isang tabi. Puro pag aassume ang ginawa. Habang sa kanya. Walang nawala. Hindi ko rin masasabi sayo na lumayo ka sa kanya dahil alam kong hindi mo gagawin yun dahil gusto mo siya. Pero hangga’t maari eh dapat open ang isip mo na wala naman talagang posibleng mangyari sa inyong dalawa.

Naalala ko sa dati kong blog post na ang Rebound ay

Ito yung taong nagmamahal ng ibang tao para makalimutan lang yung isa.

Kung baga ikaw yung sumalo. Parang sa basketball. Yung bola para pumunta sayo. Kailangan mo i rebound.

In short.Pwede rin nating sabihin Panakip butas.

Marami rami na rin ang gumagawa sa ganitong paraan. Panandaliang kasiyahan lamang. Pero ang totoo ang tunay nilang mahal ay yung taong nangiwan sa kanila.

Sa rebound relationship. Maaring hindi alam nung isa na rebound siya. Dahil nung araw na tinanong siya kung mahal ba naman talaga siya. Sinabi nung isa na OO.

Pero sino nga ba naman ang aamin kung rebound lang niya yung isa diba? Edi hindi pumayag. 

Minsan ang rebound ay ang mga taong hindi matimbang ang pagmamahal. Mga taong naguguluhan. Maaring mahal niya yung taong nangiwan sa kanya. Pero pwede ring naawa lang siya dun sa isa. Pwede rin namang mahal rin niya pero mas mahal niya talaga yung isa.

Akala mo masaya na kayo. Tapos bigla na lang siya mag sasabing 

“Sorry, rebound lang kita.”

Pero masisisi mo ba sarili mo? Niloko ka man niya. At least ikaw, naging totoo sa sarili mong gusto mo siya or nagmahal ka :)

Source: matabangutak

Effective na Campaign Ad

  • Palalamigin ang Pilipinas.
  • Batas na bawal mag lagay ng password ng WIFI ang Kapitbahay.
  • Batas na No Friendzone Policy.
  • Batas na Maximum of 2 Landi Policy. Para balanse pa rin ang Relasyon.
  • Batas na Libreng Mcdo sa lahat ng taong gising ng Madaling Araw.
  • Batas na kapag broken hearted ka. May lalandi sayo automatically na walang hinihinging kapalit. At kapag ok ka na. Mawawala na sila.
  • May Bill na makukulong ang mga taong may binitawang salita tapos mag papaasa lang.

Source: matabangutak

Sarap ng gigising ka sa umagang wala ka pa masyadong pinoproblema. Ayun ata purpose ng bakasyon. Magpuyat na walang inaalalang mangyayari kinabukasan. Pahinga kung pahinga kumbaga. Isang patunay na kapag inisip mo ang hinaharap eh hindi mo ma eenjoy ang kasalukuyan.

Parang bakasyon. Kung graduating ka at OJT mo din ngayong summer eh nakakainis isipin na mag eenrol ka pa at nalalapit na ang pasukan mo bilang trabahador na ikaw pa ang nagbabayad hindi ba?

Sa ganung tema.. hindi mo na eenjoy ang bakasyon dahil iniisip mo ang OJT mo. Or kapag highschool ka pinoproblema mo agad kung ano ang meron sa buhay ng college. Iniisip mo yung pressure at yung mga bagong kaibigan. Sayang tuloy yung moment ng pahinga mo. Iniistress mo agad yung sarili mo.

At kapag may tao kang mahal iniisip mo agad yung hindi pwede dahil ganito ganyan ng hindi na eenjoy yung kasalukuyan. Hindi mo binibigay ang lahat dahil alam mong maghihiwalay din kayo dahil nagkaroon kayo ng problemang dalawa. Kaya kadalasan bitterness ang nakukuha dahil yung iniisip mo about the future eh hindi mo naranasan or nangyari. Di mo naeenjoy yung kilig dahil iniisip mo yung bagay para masaktan ka.

Bottomline is, seize the moment. Enjoyin mo lang kung ano meron ngayon. Dahil if it’s meant to be it’s meant to be. Sabi nga sa kasabihan na eenjoy mo mag set ng goal pero ang madalas makalimutan ng tao eh yung proseso. Start appreciating small things. Tulad netong bakasyon.. minsan lang yan sa isang taon mangyayari. Kaya enjoyin mo lang.

Source: matabangutak

I think the best way na gawin ng tao is magpatawad. Then nasa taong may kasalanan na yun kung sasayangin niya pa yun.

Source: matabangutak

Sabihin mo man o hindi yung nararamdaman mo. Mawawala sayo yung tao kung ayaw niya talaga sayo eh. Kaya much better pa sabihin. Alam mo yun, hindi ka ma ta trap sa idea ng “What If’s?” Tapos panatag ka pa kasi alam mo na. Kung wala kang pag-asa. Edi titigil ka na. Hindi yung palaisipan kung ano yung pwede mong makuha mo sa kanya if mag stay ka pa.

-  

Source: matabangutak

20+

For me eto yung edad dapat na nag mamaintain na lang ng relasyon eh. Tipong hindi na to yung maghahanap ka pa. Ang problema kasi sa ganitong edad. Yung mga prospects mo, may iba na rin. Swerte nung iba. May childhood sweethearts, may highschool love na binabalikan. O kaya naman freshmen palang pagdating sa college eh may nahanap agad at naka survive.

Syempre, ilang taon na lang kapag 20+ ka eh magpapakasal ka na. Kailangan mong makahanap ng taong mabobonding or magagawan ng memories. Hindi naman overnight nangyayari ang true love eh. Tipong bukas, papakasalan mo na agad. Ang sarap kung kilalang kilala mo na yung taong papakasalan mo in the near future.

Pero yung maiwanan ka sa edad na bente uno or bente dos ang hirap maghanap ng taong para sayo. Know why? Syempre, kanya kanyang bakod ang karamihan. Lalo na kung lalake ka. Karamihan ng matitinong babae eh taken na. Syempre, matino nga eh.So malamang na nahunting na agad ng mga lalake yun.

At sa mga babae naman na naiwan na din sa ganitong edad. Eh nahihirapan nadin maghanap. Paano, naiwan sa kanila madalas din eh yung mga lalakeng mapaglaro sa relasyon. Pero hindi naman lahat, dahil matino din naman ako pero isa rin ako sa naiwan. What I mean is, nahihirapan din sila dahil hindi naman sila pwedeng umamin na gusto nila yung lalake agad agad dahil sa baka ma take advantage sila. 

Hirap ng ganung pakiramdam no? Feeling mo wala ng natira para sayo. Pero deep inside your heart. Ramdam mong sobrang lapit na eh. Sobrang darating na siya. So tamang hintay ka lang. At least, alam mo sa sarili mong handa ka. Alam mong parte ng buhay yan eh. Sana no? Makakita na tayo ng atin. Yung mamahalin tayo. At yung taong SABAY LALABAN sa pagsubok ng relasyon na darating sa inyo in the near future.

Source: matabangutak

There is no such thing as destined kayong dalawa. Kailangan niyong paghirapan at ipaglaban ang isa’t-isa. Kung naniniwala kang siya na gagawin mo ang lahat para makuha siya. Hindi uubra ang destiny na yan kung walang gagalaw sa inyong dalawa. Kunwari ako, may gusto ako pero hindi ko sinasabi. Sa tingin nyo ba may mangyayari?

Minsan swerte yung mga taong nasasabi nilang may spark yung kanila. Tipong gusto siya ng taong gusto niya. Ayun yung mga taong natataken for granted nmn ang relasyon. Minsan kapag nalaman na gusto mo siya eh hindi mo namamalayan na ikaw nalang nagbibigay ng effort sa kanya.

Hindi magwowork ang relasyon kung isa lang ang gumagalaw at isa lang ang lumalaban. Mahal mo? Gusto mo? Ipaglaban mo. Walang pakialam sa ginagawa mo? Edi gawin mo pa rin. Gawin mo ang gusto mo. In the first place ikaw ang may gusto niyan at hindi siya. Huwag mag aassume kahit obvious na. And kapag wala pa rin ang lahat. Then wala kang dapat problemahin. Dahil nagawa mo na part mo.

Source: matabangutak

OP sa Dash.

Napag usapan namin ng isa kong kaibigan na yung “ka batch namin sa tumblr eh halos nawala na” kaya madalas naming sabihin na out of place na kami sa sarili naming dashboard. Pero tama siya na nagiging busy ang tao at nagkakatrabaho. So why bother mag blog pa kung magpapahinga ka nalang galing sa trabaho at gumawa ng pera. Siguro people come and go lang talaga dito. Nasasayo na lang talaga kung hilig mo ang pagsusulat eh siguradong babalik at babalik ka dito.

Siguro parang sa paaralan lang ito. Dati, kami ang 4th Year Highschool. Kami yung enjoy na enjoy noon dito. Tapos yung batch namin eh tapos na din. Kumbaga gumraduate na. May mga bagong makata na mag eenrol, may mga bagong ideya na lalabas muli. Pero yung mga topics eh paulit ulit na lang. Kumbaga sa libro na rerevised na lang. Pero ewan ko, ang pinagtaka ko lang dito eh medyo nag-iba. Naging natural na social networking site na lang. Dati, sabay sabay pang nag tetrend ang karamihan. Tska dati, kapag masaya ka sa isang bagay eh masaya na rin ang lahat. Hindi tulad ngayon. Maging masaya ka, sa 10 kaibigan mo may isang kokontra. Kaibigan nga ba? Let’s say mga kinikilalang kaibigan na lang para mas safe. Ewan ko, yung iba nag register dito para magpasikat. Tipong i ko close yung mga nasabing kilala tapos kapag ok na eh sila tong mismong maninira. Sila tong mismong makakalimot sa mga taong tinanggap sila. 

Sabi nga ng kaibigan ko dahil sabi ko sa kanya na 

“Inevitable yung change”

then ang sabi niya is

Yan na yan. Yan na yung change eh, andun na nga lang ‘yan kung magbabago sya for worse or for better. Pero may worse nga ba talaga? Minsan kase iniisip ng iba samin na ang panget na ng tumblr ngayon kase hindi na kami makarelate dahil ang dami nang bago at iba yung konsepto nila ng pagb-blog kumpara nung time namin. Pero panget nga ba sya? o sadyang hindi nalang talaga kami yung kahenerasyon ng mga batang ‘to kaya di namin maappreciate.

Yun din ang point ko. Dahil sa point ko, madali naman ako maka appreciate ng blog at ramdam kong pinaghirapan. Pero karamihan kasi nga ng nababasa ko is puro rant or parinig sa mga kaibigan. Tatawagin ang tropang nasa “kada” tapos sila sila nagkakasiraan. Parang ang panget naman sumubaybay, Kaya madalas, tahimik na lang, silent reader, Random Like ng GPOY. At ganun na lang. Dati, parang may brainstorming pa eh. Tipong naka tag ka pa dahil naka relate sila sa recent post mo. Then nagdadagdag sila ng dagdag impormasyon tungkol sa sinabi mo.

Ngayon wala na eh. Ewan ko. Dumaan din naman kami sa edad na yan pero ewan ko, iba henerasyon ngayon. Haha!

Minsan nakakalokong isipin na yung mga taong sobrang ka close mo dati eh parang wala na lang ngayon. Yun bang wala namang nangyari, wala namang nagalit, wala namang isyu. Pero alam mo yun? Yung mga kaibigan na bigla na lang nawala. Siguro busy sila? Pero nagiging busy rin naman tayo diba? Pero bakit nga kaya ganun? Minsan kaya sa buhay natin eh nag assume tayong close tayo sa kanila? Parang ang awkward isipin no? Kaya ayun, hanggang tingin ka nalang. Parang bumalik sa pagiging stranger ang turingan niyo sa isa’t-isa.

Bakit nga kaya ganun? At ang mahirap pa kasi dun eh wal ka namang i eexpect sa kaibigan dahil bawal ka naman mag demand ng time sa kanila. Baka sabihin pa sayong makapal ang mukha mo. 

Kaya yun… Nasa isang tabi ka lang, hinihintay kausapin nila. Nakakamiss no? Tapos nakakainis din kasi…

Close kayo… Dati :)

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack