Masaya yung ganito kahit minsan malungkot. Tipong mag-isa ka pero ang maganda dito eh wala kang iniexpect. Malungkot ka man, alam mo yung dahilan. Mas gusto ko yung ganitong format kesa nasa relasyon ka nga tapos ang pinoproblema mo eh yung mga kumakausap sa taong gusto mo. Yung mga pagseselosan mo, yung mga away niyo na wala ng katapusan. Tipong, bakit kaya sila pumasok sa relasyon kung hahayaan nilang ganun ang mangyari? Kung ako kasi siguro bababaan ko pride ko at kakausapin ng ayos. Syempre relasyon yun eh, dapat hindi pinapabayaan yun. Parang virus yan eh, tipong kakalat kapag hindi naagapan. Dadami ang butas, lalong maghahanap ng ibang kausap. Syempre, kapag nag-away ang magkarelasyon ng dalawang ma pride eh kanya kanyang gantihan eh.
Kaya minsan oks tong ganitong tahimik lang. Tipong ganito lang.. Easy lang, pero still hoping na makakita, or may makapansin na may nag eexist na ganito. Yung handang magmahal.. Malandi kasi single, pero loyal na kapag taken. Yung tipong ganun.
Kung tutuusin hindi naman ganun kalungkot. Mas enjoy nga eh, minsan nakaka ulila, pero pansamantala lang naman lahat ng un eh. Kapag iniisip mo ang pangarap mo, parang masasabi mo pa ngang parang hindi mo kayang pumasok dahil kailangan ng maraming oras na solo para makapag focus ka sa pangarap mo.
Saya lang diba? Kaya ikaw, kung parehas tayo. Ngiti na :) Blessed ka pa rin.
Source: matabangutak



