Post(s) tagged with "thoughts"

Isang araw ka lang naging masaya sa kanya. Ilang linggo mo na agad inisip kung paano mauulit.

Yun bang hinahanap mo ulit yung magical moment paano ulit mangyayari yun. Kasi alam mong hindi imposible kasi nangyari na eh. Pero dahil nga sa umaasa ka lang na mauulit muli. Ayaw mo magpaka clingy or mag demand ng kahit na anong oras dahil nga magkaibigan lang naman kayo. So aasa ka ulit na mapansin niya at hindi mo na ulit papakawalan ang pangyayaring iyon. 

Sa tingin ko yun ang ginagawa ng mga taong pinipilit sumaya mag-isa. Yun bang masaya siya kapag naaalala siya ng mga random na tao sa paligid niya. Yung mga taong patuloy na naghihintay ng spark or magical moment ng taong papansin sa kanya.

Pero tulad nga ng sinasabi ko, nawawala lahat ng magical at sparking moment na yun kapag napuputol ang komunikasyon. Minsan kasi, nag aassume tayo na magiging ok kayo dahil naging masaya kayo sa isa’t-isa. Pero di natin alam na kaya lang rin nila tayo kinakausap dahil bored sila at tayo ang kilala nilang once na kausapin nila.. Eh siguradong papansinin agad natin sila.

Ganyan na ngayon eh. Ganyan na.

Source: matabangutak

Kapag inasa mo sa ibang tao ang kasiyahan mo.

Mahirap pala i-asa ang kasiyahan mo sa ibang tao. Yung tipong makakalimot ka na pwede mong pasayahin ang sarili mo pero patuloy ka paring nagtitiwala sa ibang tao na mapapasaya ka ng mga ito. Tapos may mga pagkakataon na sasanayin ka nila na andyan sila. Tapos bigla naman silang nawawala. Tapos magpaparamdam sila kung kailan lang nila gusto magparamdam sayo.

May mga pagkakataon na sobrang saya mo sa kanya. Pero after nun.. Good for 1 day lang yung kasiyahan na yun. Kumbaga sa linya. Broken Line. Putol putol yung linya patungo sa kasiyahan. Masaya ka ngayon, malungkot ka kinabukasan.  Ganun kapag inaasa ang kasiyahan sa ibang tao. 

Alam natin sa sarili nating kaya naman nating tumayo sa sarili nating mga paa. Pero yung saya na dinudulot ng ibang tao satin. Iba yun eh.. Wala naman kasi tayong magagawa kundi pilitin ang sarili nating sumaya dahil yun ang kailangan eh. Kaya kahit patuloy tayong walang ginagawa pangsamantala eh pinipilit natin enjoyin ang sarili natin. Kaso dahil nga sa kabagutan natin eh na eentertain natin yung mga taong dumadating pangsamantala din sa buhay natin. Umaasa tayong sila na, kasi nga malungkot ka mag-isa. Tapos sa huli tulad lang din sila ng iba. Na parang gutom lang.. Lumilipas din.

Kaya sa tingin ko, palagi mo na lang tatagan ang sarili mo at maging handa sa anu mang mangyari sayo. Na ok lang mag assume sa lahat ng tao at the same time alam mo dapat ang kahahantungan mo. Tipong gawin mo best mo para makisama sa taong yun kasi who knows diba? Na siya na pala ang nakalaan sayo. Pero dapat matibay ka.. Kasi mas malaki ang probability na mawala ang isang tao sa panahon ngayon kesa mag stay ito. Kaya ingat palagi sa mga binibigay kaibigan.

Source: matabangutak

Di mo mahiwalayan dahil ayaw mong makitang may kasama na siyang iba.

Eto yung madalas na problema ng mga taong naiipit mag desisyon. Yung gusto na niyang makipaghiwalay dahil palagi na lang siyang nasasaktan sa relasyon niya. Pero sa kabilang banda eh ayaw din niya dahil nga hindi pa siya handang makita ang partner niya na may kasama ng iba. Wala eh, mahal eh. 

Kahit sino naman ata ganito sa umpisa. Pero kailangan mo minsan tapangan ang desisyon mo kesa mas lumala pa ito. Kumbaga kung ikaw na lang ang lumalaban at hindi mo na nakikitaan ng ikakaganda ng relasyon niyo. Hindi naman masama kung mag dedecide ka ng ayaw mo na kung nagawa mo na part mo diba? 

Minsan kasi kapag paulit ulit kang ginawan ng kasalanan ng isang tao at palagi mo na lang itong pinatawad dahil “mahal mo kuno” eh baka ma taken for granted ka niya. Tipong kapag gagawa siya ng kasalanan eh alam niyang papatawarin mo lang ulit siya. Dapat mag dedesisyon ka ng limit sa sarili mo na once na ulitin pa niya. Eh tapos na. 

Sabi nga kapag nagbigay ka ng 2nd Chance. True Love yun. At kapag nagbigay ka ng 3rd Chance eh Super True Love daw. At kapag 4th Chance eh katangahan na yun. Sobra naman yun kung umabot pa sa point na ilang beses na niyang ginawa yung mga kasalanan. Hindi lang naman ikaw ang makikisama at iintindi. Tandaan mong nasa relasyon kayong dalawa. Dapat parehas kayong may boses at hindi ka under sa kanya. Pantay lang dapat.

Sa una lang lagi yang takot na yan eh. Pero in the long run masasabi mo pa sa sarili mo na buti na lang naging matapang ka para masabing ayaw mo na. Kesa naman sa kayo pa nga, hindi mo alam niloloko ka na. Nagpapakaloyal ka tapos siya naglilihim na. Mahirap yung ganun diba? Sayaw ang panahon na kasama mo ang maling tao. Give yourself a break. Kung ang gera ay may Cease Fire. At ang Basketball ay may timeout. Sa tingin ko ikaw kailangan mo din ng pahinga. Dahil tulad nila, tao ka lang din naman.

Source: matabangutak

Sobrang lakas ng tama sakin ng mga babaeng magagaling kumanta. Alam mo yung hatak na hatak ang puso mo sa kanila? Yung kapag kumakanta sila at naririnig mo sila eh para bang minamasahe nila ang puso mo at yung tenga mo. Para bang perpekto lahat sa kanila kapag kumakanta sila. Yung para bang wala kang problema, at ang gaan ng pakiramdam mo dahil hinaharana nila yung puso mo.

Kaya ewan ko ba, bilis ko ma inlove sa mga babaeng magaganda ang boses. 

Walang Title.

Yung mga araw na napamahal tayo ng husto sa isang tao tapos nawala ito. Akala natin palagi sila na dahil nga sa nararamdaman mong hindi mapigilan. Dahil naipapakita rin niya ang mga bagay na hinahanap mo sa isang tao. Kumbaga, sumakto siya sa gusto mong mangyari na gusto mo yung inaalagaan ka, nilalambing ka. At yung napaniwala ka nilang totoo yung pagmamahal na binibigay nila sayo. Siguro, in a way napamahal din sila sayo.  Pero dahil tao lang sila. Nagsasawa din sila at kawawa tayo kapag tayo yung natsambahan ng pagkasawa nilang yun.

Wala naman tayong magagawa kundi tanggapin na mawawala sila eh. Kapag ganun ang naranasan mo? Huwag ka malulungkot. Tandaan mong nagmahal ka lang. Hindi mo masisisi yung sarili mo dahil nagpakatotoo ka sa sarili mo. Hindi mo pwedeng sabihing sana niloko mo na lang rin siya. Who knows ng mangyayari diba? Paano na lang kung nag mindset ka ng lokohin mo na lang rin siya dahil niloloko ka lang rin niya. Why bother pumasok sa relasyon kung balak mo na lang rin lokohin partner mo diba? Paano pala kung mali yung assumptions mo? Edi ikaw pa ang lumabas na manloloko nyan.

Keep doing right things, tska ayun naman talaga dapat eh. Para sa huli wala kang guilty feeling sa sarili mo.

Hindi natin mapipigilan ang pag alis ng tao sa buhay natin. Ang tanging magagawa na lang natin eh kumuha ng lesson dito. Hindi natin sila mapapabalik kahit anong gawin natin. Kung mapapabalik mo man, andun na yung pwede ka nilang iwan kung kelan ka nila gusto. Ang hirap ng nasa relasyon ka na araw-araw iniisip mo na baka mawala siya diba? Kaya dapat, kapag gusto mo na talaga siyang mawala sa isip mo. Dapat tanggap mo sa sarili mong wala na talaga siya. Na people come and go.

Kapag sinasabi mo sa sarili mong gusto mo ng mag move on pero patuloy mong naalala ang pangalan niya eh walang mangyayari sayo. Maging thankful ka nalang din dahil alam mong hindi pala talaga kayo sa isa’t-isa. Think Positive!! Isipin mo na kaya nawala yung taong yun eh sa kadahilanang merong dadating na deserving. Ilang beses na rin akong nasaktan. Lahat ng taong napunta sa buhay ko eh akala ko lagi sila na. Kaya binibigay ko best ko. In the long run? Wala man kami nung mga babaeng dumating sa buhay ko? 

They keep saying good things about me.Kasi nagpakatotoo ako. Ginawa ko yung dapat. Minsan nagtataka nga ako. Bakit sila nahihirapan magmahal. 

Madali lang naman magmahal eh as long na tama yung ginagawa mo at kuntento ka at may isang salita ka sinasabi mo. 

Ewan ko ba bakit ginagawa nila itong kumplikado. 

Source: matabangutak

Di porket gwapings ka. Makukuha mo na lahat. Matatalino na babae ngayon boy. Hindi mo na madadaan sa magagandang ngiti at pag papacute ang mga kababaihan ngayon. Natutuwa ako na nag iiba na rin mindset ng kababaihan. At kapag natapos mo ang pagpapakyut mo at na fall sayo ang babae? Ano gagawin mo boy? Papaasahin na parang walang nangyari? Para ma fill yung ego mo na maraming naghahabol sayo? Hindi ganun ang tunay na lalake boy. Hindi porket kaya mo eh gagawin mo. Respeto sa nararamdaman nila. Hindi biro maglaro ng pakiramdam ng isang tao. Mapa babae man o lalake girl/boy!

Ang laruan ang pinaglalaruan. At hindi ang ang nararamdaman boy!

Source: matabangutak

Paano daw kapag gusto na ng karelasyon mo ng space and time dahil daw hindi na niya kialla sarili niya?

 Pasalihin mo sa AXE Search for Astronaut. Baka manalo dun at matupad niya ang hinihingi niyang space.  Tapos papuntahin mo ng Mall. Bilhan mo ng Rolex. Pota. Ang daming dahilan naman ng karelasyon na yan. Hindi nalang sabihin na ayaw na lang sayo eh. Hindi kilala sarili amp. Kinutusan mo ba yan at nagkaroon ng amnesia? Wala na yan. Booo siya kamo!! Booo! Paanong di makikialala ang sarili, eh makasarili siya. Lagi niyang iniisip ang sarili niya. Paano makakalimutan ang sarili niyan? Masyado na lang siyang nagmamalinis at pinapagaan ang loob mo sa mga kasinungalingan.

So much hateee~ in here~~ Haha!

Source: matabangutak

Di mo naman kailangan masaktan para matutong magmahal eh… Alam mo naman yun.. Yung mga tao lang talaga sa paligid ang nagsasayang ng mga taong willing magbigay ng unconditional love. Tapos darating sila sa buhay mo na akala mo hindi sila mawawala dahil sa mga sinasabi nila. Tapos self satisfaction lang na gusto nila hinahabol mo sila.

Source: matabangutak

Ang tao kapag kinamusta mo palaging sinasabing ok lang. Pero ang totoo nito eh may problema talaga sila. Madalas, sinasabi nilang ok lang dahil hindi pa naman ito ganung kabigat at may mga bagay na hindi na dapat i share sa iba. Pero yung kasiyahan sa sarili nila na naitanong mo sa kanila kung ok ba sila eh malaking tulong para magbigay ng lakas sa kanilang malagpasan problema nila. Ang tao kasi madalas gusto lang kinakamusta. Pero ayaw mag share. Pasaway eh. 

Source: matabangutak

Madalas na problema sa mag EX

 Ang madalas na problema sa mag EX eh kapag nagkakasama sila. Yun bang parang may access ka pa rin/siya maging sweet sa isa’t-isa. Yun bang gusto mo ng iwasan ang pakiramdam na yun pero hindi mo maiwasan dahil may natitira pa ring pagmamahal. Yun bang kapag ginagawa mo yun eh nagiging masaya ka ulit. Pakiramdam mo safe ka sa tabi niya. Pero yung katotohanang ilusyon ang naiisip mo. Iniiwasan mong mahalin yung taong dati mong minahal. Pero masasabi mo bang dating minahal? Kung hanggang ngayon mahal mo pa rin? Sa tingin ko yun ang problema ng karamihan pagdating sa EX nila. Yung wala na sila pero sweet pa rin sa isa’t-isa. 

Walang nabubuong pag-iibigan. Sweetness lang at false hopes. Na minsan hihilingin mo sana isang araw kayo na lang ulit. Pero sa totoo lang ayaw na rin talaga ng isa. So andun ka ulit sa Starting Line ng pag move on ulit. 

Minsan, kailangan natin isakripisyo ang isang tao para mahanap natin yung kasiyahan sa sarili natin. Alisin sa buhay natin ang mga taong nagpapalungkot. Tanggapin na people come and go. Maaring nasanay ka lang na andyan siya. Pero pwede mo rin namang sanayin ang sarili mong wala siya eh. Tandaan mong tulad ng iba. Nakilala mo lang din siya. Hindi naman masama ang magpahinga at maging masaya ulit diba? Huwag ka magstay sa isang bagay na alam mong talo ka at palaging kalungkutan na lang ang iyong madarama.

Kaya mo yan :)

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack