Post(s) tagged with "thoughts"

Hirap nung pakiramdam na akala mo totoo na lahat no? Tipong masaya ka na kasi nasabi na niya yung hinihintay mong sabihin. Pero ang malungkot dun? Hindi para sayo ang mensahe.. At para sa ibang tao. That feeling… Sobrang nakakainis.. Kahit isipin mo lang. Mayayamot ka talaga. Yung pangarap mo muntik mo ng maabot.. Parang napakahirap magising sa oras na gising ka naman talaga. Yung hihilingin mo sana panaginip na lang para may chance ka ulit. 

Hirap nung pakiramdam na akala mo totoo na lahat no? Tipong masaya ka na kasi nasabi na niya yung hinihintay mong sabihin. Pero ang malungkot dun? Hindi para sayo ang mensahe.. At para sa ibang tao. That feeling… Sobrang nakakainis.. Kahit isipin mo lang. Mayayamot ka talaga. Yung pangarap mo muntik mo ng maabot.. Parang napakahirap magising sa oras na gising ka naman talaga. Yung hihilingin mo sana panaginip na lang para may chance ka ulit. 

Source: matabangutak

Pag ang tao ba nagsabing hahanapin ang sarili niya at iniwan ka eh hahanapin ba talaga nila?

For me? Ayon sa mga naranasan ko? Hindi siguro? Isang white lie na lang yun, or I should say.. “Pampalubag loob” Para pwede kang umasa at huwag masyadong masaktan. Dahil gusto niya pa rin i preserve yung “karakter” ng pagkakakilala mo sa kanya. Kumbaga, siya ang may hawak sayo. Kasi hahanapin ang sarili niya tapos kapag hindi niya nahanap sa iba at wala siyang nakita. May option siya para balikan ka. Alam mo yun? Win Win Situation sa kanya at Win Lose Situation sayo? 

Win sayo kasi posible siyang magbago after nung mga nangyari.

Lose sayo kasi pwede ka niyang iwan ulit. Anytime pwede niya ulit gawin. Kasi ikaw yung nakikisama at naghihintay sa kanya eh. So anytime na may humadlang at may magustuhan siya. Palaging ganun ang gagawin niya. Bibigyan ka niya ng cold approach at kapag naging cold eh makakahanap na siya ng butas para iwan ka at hahanapin na naman ang sarili?

Win sa kanya kasi may babalikan siya anytime na gusto niya. Kumbaga may ulam na siya.. Kumuha pa ng isa pang ulam dahil masiba ang mokong eh.

Win ulit sa kanya dahil hindi siya makakaramdam ng pag-iisa. Makasarili eh. Talagang ganyan ang mga makasarili. Palaging win win situtation. Kasiyahan ng sarili at wala siyang pakialam sa nararamdaman mo.

Eto.. Matanong kita. Paano niya hahanapin ang sarili niya? Kung umpisa palang ng relasyon niyo eh ikaw na ang kukumpleto dito? May tao bang naghanap ng iba pa kung kumpleto na siya?

Pag ganyan lang din at hahanapin ang sarili eh kailangan mo ng tanggapin ang katotohanang wala na yan kaibigan. Inuumpisahan mo na rin ang pag tanggap na people come and go. Na yung mga hahanapin ang sarili na yan eh “GIMMICK na lang ngayon para mabango pa rin at hindi maging masama ang imahe niya sayo at sa mga kaibigan mo”.

Source: matabangutak

Minsan akala natin gumagalaw na tayo. Tapos sa pag galaw na yun wala tayong direksyon. Basta galaw lang tayo ng galaw. At sa bawat galaw natin may humaharang na akala natin nasa kanila yung tama na daan. Edi sasama at sasabay tayo sa ruta kung saan sila papunta habang ikaw ay papalayo sa daan na binabalak mong daanan. Pero sa huli.. Yung taong sinamahan mo eh may sasabayan ding iba. Bali ikaw maiiwan sa daan na dinaanan niya at hindi mo na alam ang daan pabalik sa ruta na dapat eh nilalakaran mo ngayon.

Alam mo yun? Yung lakad ka ng lakad. Pero wala ka namang napupuntahan. Yung pagod hindi worth sa mga nararanasan mo. Akala kasi natin porket may nakikisabay sa atin eh dun din ang punta nila sa gusto mo. Yun pala, nakikisabay lang din sila para hindi sila mainip sa pupuntahan nila at iiwan ka nila kapag nakita na nila yung dapat eh kasabay talaga nila.

Napaka ironic.. Maglakad ng akala mo sobrang layo na pero walang progress dahil may mga taong humahadlang dito. Mga taong akala natin sila na. Pero hindi eh. Napakahirap ibalik ang daan dahil hindi mo na ito napansin dahil busy ka sa daan na tinatahak niyong dalawa.

Gademit.

Source: matabangutak

May mag tetext. Free Globe Advisory. Lalo lang nakakalungkot e. Tipong maiisip mo. Ganun na ba ka walang kwenta ang Inbox ng Cellphone ngayon?

Source: matabangutak

Kung may tiwala ang tao sayo. Dapat mas may tiwala ka sa sarili mo. Huwag mawawalan ng pag-asa sa bawat pagsubok na darating sa buhay mo.

Source: matabangutak

Payong Ka Single.

Single ako kasi gusto ko yung taong mahal ko. At hindi mahal ako. Alam kong mahirap. Pero mas panatag ako dun. Di bale ng ako ang masaktan. Kesa ako ang makasakit. Mas kaya kong i absorb ang hirap, kesa sa ibang taong aasa sa pagmamahal na ibibigay ko sa kanila. Ayaw kong minamahal nila ko pero at the same time sa iba ako nakatingin.

Alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan. Ilang beses ko ng naramdaman yun. Hindi na nga ko sineryoso eh. Dahil alam na masayahin akong tao. Pero di nila alam na ang mga masasayahing tao ang may pinakamabigat na dinadala na problema sa mga sarili nila. Patuloy na nakatago ang tunay na emosyon sa maskara na hindi alam kung paano matatanggal. Tipong ang susi eh nasa ibang tao para lumabas ang tunay na kaligayahan na dulot ng pagmamahalan.

Mahirap maghanap ngayon. At nakakalungkot maghintay. Alam mo yung pakiramdam na wala kang idea sa hinihintay mo? Kung kailan dadating, kung ano itsura. Kasi ang hirap maghintay na wala kang prospect. Tipong mga prospects mo eh may iba ring gusto. At syempre alam mo na pasikot sikot dun. Bakit ka maghahabol sa taong may ibang gusto diba? Edi umasa ka na lang rin na tsatsamba ka sa taong magugustuhan mo eh gusto ka rin. Ganun na lang ngayon eh. Tska mararamdaman mo yun. Unang tingin mo sa tao. Masasabi mong “Mahal ko to.” o kaya naman masasabi mo biglang “Akin ka.” Pero syempre. Papatunayan mo yun sa kanya. Once na naramdaman mo yung pagmamahal na yun. Gagawin mo best mo. Magkakaroon ka ulit ng pagkakataon na sumaya ulit.

At kapag hindi dumating sa punto na iyong inaasahan? Edi go with the flow. Tanggapin na ganun talaga ang pag-ibig. Tandaan mong may mga hindi ka rin taong pinansin para sa taong mahal mo. Well, ganun din siya. Hindi ka niya pinansin dahil may tao rin siyang gusto. Ganyan ang cycle palagi eh. Ngayon.. Alam mo na? Ok. Goodluck!

Source: matabangutak

Iilan lang ang pinanganak na loyal at totoong magmahal. Kaya ang swerte mo kung mahal kita. Pero kung tutuusin di totally swerte. Dahil yun naman talaga dapat ang ginagawa ng taong nagmamahal.

Source: matabangutak

Mas masaya kapag legal ang relasyon. Hirap nung tinatago no? Didiskarte ka kung paano ka magpapaalam kapag aalis kayo. Tapos mas pipiliin mo pang magsinungaling para lang maka alis kayo ng taong mahal mo. Hindi mo mahawakan ang kamay niya dahil takot kang may makakita sa inyo. Kaya dapat hanggat maari maging open ka sa magulang mo at sabihin mong may BF/GF ka na. Kasi mas nakakatibay din ng relasyon yun dahil may basbas na ng pamilya. Hihi!

Source: matabangutak

Gaano daw ka simple mag let go?

Hindi simple ang mag let go. Kailangan mo ng enough time para dito. Sinasabi mong gusto mo mag let go kasi sobrang enough na yung naranasan mo sa taong yun. So kailangan mong kalimutan at kailangan mong diskartehan yung pag lelet go na yun. Kung tutuusin mahirap yun kasi yung minsang naging espesyal sa buhay mo tatanggapin mo na lang onti onti na wala na siya.

Maraming nagsasabi na kailangan na nilang i let go yung taong mahal nila. Kasi dumating na yung time na alam nilang hindi na talaga mag wowork yung gusto niyang mangyari. Ang pag lelet go ay pag tanggap na wala na siya at the same time pagmamahal na rin sa sarili nila.

Source: matabangutak

Dati nung bata ako, di ko talaga gets paano kinakain ng batang manika ito. Ito yung kino commercial sa TV nun na “gusto ko rin dati kahit lalake ako dahil cool at gusto ko ipabili kay Mama para sa Kapatid ko para makakalaro ako kasama siya! Haha! Tapos hindi namin afford dahil sobrang mahirap lang kami dati. Pero cool talaga ng mga taong nagkaroon ng ganitong laruan noon. Meron dati ganito pinsan ko eh, sa ibang bansa pa nabili ng Ninong niya. Grabe, inggit na inggit kapatid ko non. Ngayon? Tablets na ang gusto ng kabataan dahil mas gusto nilang maglaro ng Temple Run kesa mag alaga ng creepy na sangol sa murang edad. Pag ako nagkaroon ng anak na babae bibilan ko ng manika at hindi ko imumulat agad sa gadget world para ma enjoy niya ang pagkabata niya.

Kakamiss din yung mga ganitong commercial dati sa TV eh. Haha! Masasabi kong pangarap ng mga batang 90’s ang laruan na ito.

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack