Post(s) tagged with "thoughts"

Paano hindi ma bully sa eskwelahan?

Alam niyo bang naranasan kong ma bully sa eskwelahan? Yung dumating sa punto na ayaw ko ng pumasok kasi alam kong aasarin ako ng mga kaklase ko sa oras na makita nila ako? Yung lahat ng mata nila sa akin kasi nakikita nila akong mahina at nakikita nilang hindi ko kayang lumaban? Dumating  sa punto na nagsasakit sakitan ako noon para lang makaiwas ng isang araw na hindi pumapasok sa eskwelahan. Maka iwas sa pang aasar, maka iwas sa pambubully ng mga inaasahan mo sanang maging kaibigan.

Madalas ito sa tingin ko kapag transferee ka sa eskwelahan, yung ikaw eh bagong estudyante, tapos magkakaklase dati yung mga nambubully sayo sa school. Yung nakakaramdam sila ng superiority sa mga sarili nila kasi nga “alam nilang may kakampi sila”.

Paano nga ba ito maiiwasan?

  • Labanan mo ito sa pag-aaral ng mabuti - ipakita mo na hindi mo kailangan yung mga taong nambubully sayo. Yung ibang nambubully sayo titiwalag sa grupo yun at sasama sayo. Mag uumpisang magpaturo sayo sa oras na nahihirapan na sila sa mga academics.
  • Mag-iba ka ng target na magiging kaibigan - Minsan ito ang susi eh, minsan kasi kung sino ang mga tingin mong astig, yun ang gusto mo agad kasama. Bakit hindi mo subukan yung mga taong kumakausap sayo? Seatmate mo? O yung mga ibang mga tao na sa tingin mo eh naghahanap ng kaibigan tulad mo?
  • One Time Big Time Ipakilala mo sarili mo kapag inaaway ka - Hindi sa pag gamit ng dahas, hindi sa pag gamit ng pisikal. Tanungin mo sila bakit nila ginagawa sayo yun? Tanungin mo sila ano ba ang pagkakamaling ginawa mo? Kung kinakailangan humingi ka ng tulong sa teacher mo, tandaan mong siya ang pangalawa mong magulang. Para makuha ang atensyon ng mga taong nang aaway sayo.
  • Huwag mo pansinin. Magsasawa din sila - andun na tayo sa puntong kahit hindi mo pinapansin eh patuloy silang nagpapapansin. Hayaan mo lang sila, gawin mo lang ang gusto mong gawin. May mga taong sadyang pasaway. At parte ng buhay sa eskwelahan yan. May nang aaway, may mabait, may kaibigan, may kaibigan na nangongopya, may kaibigan na nagpapakopya at marami pang iba. 

Malalagpasan mo din yan, tandaan mong sa huli magiging kaibigan mo lahat yan. Marahil sila eh bata ang isip palang sa ngayon. Pero in the long run, sila sila rin ang makakausap mo at kayo kayo rin ang magtutulungan. It takes time.. Pero worth it ang pakikisama sa mga taong nakapalibot sayo.

Source: matabangutak

Paano umiwas kahit papano sa Cyber Bullying?

Marami na ang nakakaranas nito, at maraming tao na ang hindi ma handle ang mga ganitong sitwasyon. Naawa ako sa mga taong nakakaranas ng Cyber Bullying. Hindi ko rin ma gets yung mga taong na bubully, kung bakit sila nag papaapekto sa mga taong wala namang kinalaman sa buhay nila, na bakit mas pinapaniwalaan nila yung sinasabi ng tao kesa sa sarili mismo nila.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanila yun.. Kung pwede ko lang sabihin na huwag nilang hahayaan na ma cyber bully sila, na wag na nilang patulan yung mga bagay na naninira sa kanila. In the first place, kung alam mo namang hindi totoo, bakit mo pa papatulan hindi ba? Doon lumalala at gumugulo ang buhay mo eh, sa pagpatol. Pinapalabas mo na totoo kasi nga may dinidepensahan ka.

Magsasawa at magsasawa rin yang mga yan, may mga buhay din kasing sarili yan. So minsan nga nakakainggit yung mga nambubully. Tipong may oras pa sila manira ng buhay ng ibang tao, eh may sarili naman silang buhay. Hindi ko rin sila maintindihan bakit nila kailangang gawin yun. Minsan nga napapaisip ako, ano kaya yung environment o ano yung kwento sa likod ng buhay nila bakit sila nagiging ganun? Minsan trip lang nila, minsan yun na ang nakagisnan nila, yung ramdam nila yung superiority sa Cyber World.

Basta ang tips ko lang sa lahat eh ang internet eh isang panibagong mundong iniikutan mo na may ibat-ibang tao. Accept the fact na this is Internet, at kahit ano eh pwedeng mangyari. Huwag mo hayaang patumbahin ka ng mga salita. Minsan ayos din bawas bawasan yung pag gamit ng Internet para hindi ka lagi napapansin. Nakakatulong yun, lumabas ka ng bahay niyo, sumama sa mga kaibigan niyo, gumala sa malls etc.

Kaya mo yan :) Part ng buhay yan. Lahat tayo nakakaranas niyan :)

Source: matabangutak

Alam mo yun? May mga taong kahit ano ang gawin mo eh parang hindi napapansin ang effort mo. Yung mga effort na pinaghihirapan parang wala lang sa kanila, yung mga bagay na akala mo ma appreciate niya eh balewala lang pala sa kanya. Minsan nga nakangiti ka na lang tatanggapin ang lahat ng pangyayaring ginagawa niya sayo bilang tao. Wala kang magawa kasi pinili mong gawin eh.
Minsan mapapaisip ka talaga kung tama lang ba yung effort na ginawa mo. Kung worth it ba siya o kung ano pa man. Kasi kapag napapagod ka na, naiisip mo lahat ng ginawa mo sa kanya, parang nauuwi lang sa wala.

Alam mo yun? May mga taong kahit ano ang gawin mo eh parang hindi napapansin ang effort mo. Yung mga effort na pinaghihirapan parang wala lang sa kanila, yung mga bagay na akala mo ma appreciate niya eh balewala lang pala sa kanya. Minsan nga nakangiti ka na lang tatanggapin ang lahat ng pangyayaring ginagawa niya sayo bilang tao. Wala kang magawa kasi pinili mong gawin eh.

Minsan mapapaisip ka talaga kung tama lang ba yung effort na ginawa mo. Kung worth it ba siya o kung ano pa man. Kasi kapag napapagod ka na, naiisip mo lahat ng ginawa mo sa kanya, parang nauuwi lang sa wala.

Source: matabangutak

User na Kaibigan. ( Hinanapan ng Positibong Butas )

Nakakatuwa kapag naalala ka ulit ng mga kaibigan, OO alam na nating may kailangan yung mga yun, pero andun pa rin yung isa ka sa mga running option nila kasi alam nilang may aasahan sila sayo eh, kumbaga ang blog entry na ito eh yung positive side sa mga user friendly na tao.

Siguro nga kaya ka lagi nilang nakikita kasi alam nilang ikaw yung maasahan nila, kumbaga ikaw yung isa sa mga tunay na kaibigan nila, kahit na sa oras ng kagipitan ka lang nila nakikita. Pero nakakayamot nga naman minsan kapag ganun diba? Pero look on the positive side pa ren, kaibigan pa rin ang tingin nila sayo. Pero parang ang hirap hanapan talaga ng positive side ng mga user na kaibigan eh, pero eto tayo at hahanapan natin ng butas kung may positive side man ang pang gagamit nila sa atin.

Ano nga kaya ang naiisip nila kapag naiisip nila ang pangalan natin?

  • Kagipitan = Ikaw
  • Pera = Ikaw
  • Projects = Ikaw
  • Thesis = Ikaw
  • Payong Pag-ibig = Ikaw

Puro ikaw, pero pagkatapos eh totoo nga bang nakalimutan ka na nila? Siguro nga eh hindi naman lahat ng kaibigan mo eh magkakaroon ng oras para kamustahin ka palagi. Minsan ba naitanong mo sa sarili mo na baka ganun ka rin sa iba? Na kaya mo naiisip yung mga bagay na tulad ng ginagamit ka ng isang tao eh dahil ikaw ang biktima nito? Pero yung mga taong nabibiktima mo eh hindi mo rin naman napapansin. 

Lahat tayo ay masasabi nating may isang tao o ilan tayong na tataken for granted, reality check na yan eh. Minsan nagagalit tayo sa mga ganung ugali, pero hindi tayo nagagalit sa sarili natin. Syempre, may benefits yun eh. Tulad nila, ikaw ang benefits nila.

Source: matabangutak

Pasukan 101

Ilang araw na lang at magpapasukan na, kanya kanyang trip yan syempre. May mga unang araw eh papasok sa kwarto ng syota niya at hindi sa loob ng silid aralan. Lalo na Highschool Days? Incoming 3rd Year at 4th Year? Sabi nga eh napagdaanan na yan. Pero malay nga naman natin kung ako lang ang gumawa nun hindi ba? Naku po! Alam na syempre! Pero syempre joke lang yun.

Pero isa lang naman ang dapat isipin kapag magpapasukan na eh yung pampalubag loob sa mga highschool o college stundents ay may

  • Baon ka na ulet
  • Makakagala ka na ulet
  • Pwede ka na ulet mag cutting classes para lang makagala kasama ang kaibigan.
  • I extend ang Vacant dahil talo ka sa First Game mo sa DOTA.
  • Kumain kasama ang barkada.
  • Iwas sermon sa bahay dahil nga nasa school ka.\
  • Tapos syempre, panibagong pasukan ibig sabihin mga bagong kaklase, syempre kung lalake ka ang unang hanap mo eh magandang bebot na hihilingin mo na sana seatmate mo siya o kaya naman ang apelyido niya eh malapit sa apelyido mo.
  • At sobrang rami pang iba.

Enjoy nga eh. Yun dapat mga iniisip mo. Kasi hindi ka naman pumasok sa eskwelahan para magpakabanal, ayos na yung paminsan minsan eh sinusubukan mo yung mga bawal, hindi naman sa tinotolerate kong wag kayong pumasok. Yung mga simpleng bagay na sinasabi nating “Breaking the rules” ng pagiging estudyante, ano nga ba tawag dun… HMM.. ESTUDYANTE BLUES!!

Source: matabangutak

Casual Blog.

Ang problema ng karamihan kapag mag susulat eh kung paano tatapusin ito. Tipong my idea sila sa umpisa at sa gitna. Pero di nila alam paano ito tapusin. Eto tips lang, kapag gagawa ka ng casual blog or general thoughts na blog ganito gawin mo.

  • Problema
  • Solusyon
  • Resulta

I mean umpisahan mo ang blog mo sa pagkakaroon ng problema, kung ano ba ang tanong ng karamihan, kumbaga ikwekwento mo or isusulat mo kung ano ang problema ng post mo, then yung solusyon ilalagay mo rin dun sa blog na yun para malalaman nila yung solusyon sa sinulat mong problema ng maraming tao o ng sarili mo. Dahil sa solusyon na yun, masasabi ng tao na may matututunan ka nga sa bawat problema na tinatahak mo.

At kapag naibigay mo ang mga posibleng solusyon sa isinulat mo, ilagay mo ang mga posibleng resulta kapag naisulat mo na yung mga solusyon, para magka idea nila na if ever gawin nila yung solusyon na sinabi mo, may idea ang tao kung ano ang kalalabasan nito. 

Ito ang lagi mong tatandaan, sabihin mo lang ang gusto mong sabihin “Hindi kasi lahat ng tao naiisip ang naiisip mo. Gets?”

Kaya ayun, goodluck sa pagsusulat ng magagandang entries mga kaibigan!

Source: matabangutak

Siguro nga kaya ako single pa rin ngayon eh nasa sarili ko na ang problema.. Tipong wala akong oras sa mga taong nagbibigay ng pagmamahal sa akin. Hindi ko alam, sobrang busy ko kasing tao kung tutuusin, di ko nga alam, naiiyak ako minsan sa dami ng nakapatong na responsibilidad sa akin. Wala pa rin atang babaeng nakakaintindi sa kalagayan ko, nalulungkot ako, natatakot akong tumanda akong binata, pero at the same time di ko rin naman talaga minamadali ang sarili kong magkaroon ng girlfriend.

Nalulungkot ako na sa kalagayan ko eh mawala at mapagod yung taong nagmamahal sa akin, dahil sa wala akong oras sa kanila, humanap sila ng oras sa iba, kumuha sila ng atensyon sa iba. Hindi ko siya mapipigilan, dahil kasalanan ko naman talaga yun in the first place.

Pero nakakatakot talaga, naiinis ako sa kalagayan ko.. May mga babae na natatakot sakin makipag usap, kasi “ako” daw “ako”. Di ko ma gets yun.. Marami daw ako kaibigan.. Marami daw ako kakilala, ewan ko, ang gulo basta. Di ko na alam gagawin ko.

Kaya minsan takot na lang ako pumasok sa relasyon.. Kasi yung pakiramdam na nasanay na akong single.. Naging masaya na kong single, Nabuhay na kong single, kumbaga naka survive na.. Dumating sa point na hindi na naghahanap.. Naghihintay na lang…

Tiwala - ito dapat ang hindi mawawala sa relasyon mo sa taong mahal mo. Kahit na sa kaibigan mo. 

Oras - lahat ng taong gusto kang makasama ay kailangan ng oras mo. Ang pagbibigay ng oras ay nangangahulugang pagbibigay ng atensyon. 

Komunikasyon - Pinaka importante at pinakamahalaga sa lahat ng aspeto. Kapag ito ang nawala ng ilang linggo, ilang buwan. Ilang taon. Mawawala ang mga importanteng tao sayo.

Pagkakaintindihan - kapag may problema, mahalaga ang pagkakaintindihan ng bawat isa. Ilugar mo ang sarili mo sa sarili niya bakit siya nag kakaganun. At kapag nalaman mo na. Lambingin mo na para ma resolba ang simpleng problema.

Pagmamahalan - kapag wala na kayong hinangad na dalawa. Ang tawag dun ay pagmamahalan. Ang tanging hinahangad niyo eh mapasaya ang bawat isa.

Pagsasakripisyo - kapag may ginagawa ang isa. Kailangan mong magsakripisyo sa sarili mo na hindi lahat ng oras eh maari mo siyang makasama. Dahil sa may mga bagay itong ginagawa. Ito ang kulang sa karamihan ng relasyon. Ito ang kulang. Maaring may tiwala ka. Pero kung hindi mo maibibigay ang onting sakripisyo para mas mapabuti ang relasyon niyo, maaring magkaroon ito ng onting bahid. Pero ayos pa rin naman kung madadaan sa mabuting usapan.

Source: matabangutak

Ipaglaban mo ang taong mahal mo, hindi yung para kang gago naghihintay sa wala.

Kapag magka aaway kayo, suyuin mo hanggat sa makakaya mo. At kapag matigas talaga ang ulo at ayaw kang batiin nito. Ipakita mo na nagtatampo ka rin. Ipakita mo sa kanya na hindi lang lagi ikaw ang makikisama sa ugali niya.

Hindi na mahalaga kung ano ang sabihin ng tao sa inyong dalawa. Tandaan na mahalaga na kayong dalawa lang naman ang nagkakaintindihan. Hindi na mahalaga ang opinyon ng ibang tao, as long na mahal niyo ang isat-isa.

Isipin mo yung mga bagay na makakapagpasaya sa kanya, huwag mo itanong kung ano ang gusto niya. Subukan mong hulaan ito, o kaya naman magtanong sa mga kaibigan niya. Para sa ganung paraan, masorpresa siya.

Minsan hindi busy ang isang tao. Minsan kulang lang talaga sa effort. May mga tao lang talagang mas binabalingan ng atensyon kesa sayo.

Source: matabangutak

Muling pagbangon kapag bumagsak ka sa mga subjects.

Kapag bumagsak ka sa isang subject, isipin mo muna mga pagkakamali mo, kung ano ba mga pagkukulang mo bilang estudyante. At kung sa tingin mo naman wala kang problema dahil napasa mo ang lahat ng requirements mo at nag-aral at talagang medyo trip ka ng Professor mong ibagsak dahil daw “TERROR” siya at bilang lang sa kamay niya ang pumapasa sa kanya. Maari mong itanong ang grades mo sa kanya. At maari mong sabihin sa magulang mo na walanghiya lang talaga yung Professor na yun.

Kaya minsan maganda ipakita sa magulang na nag-aaral ka eh, tipong mag-aaral ka na bukas ang pintuan. Hindi ka magkakandado, tipong dapat mong isigaw na “NAG-AARAL AKO!!”

Basta huwag mawawalan ng pag-asa. Tandaan mong nasa paaralan ka para matuto, hindi magbibigay ng exam ang guro na hindi lumabas sa itinuro niya. Napakaboring naman mag exam kung spoon feeding ang ginagawa sayo, syempre kailangan mo rin mag isip. Ayun yung challenge sayo eh :) At kung irregular student ka naman tulad ko. Gawin mong inspirasyon yung mga kasabayan mong gagraduate na. Sabihin mo sa sarili mong “KAYA MO RIN”. GAGRADUATE DIN AKO! HINDI LANG NGAYON, PERO GAGRADUATE AKO. CAPSLOCK PARA MAALALA AT INTENSE!

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



Iba ang payo ko kay Papa Jack