UTAK vs. PUSO
UTAK
Ang utak ng tao, yan ang nakakaalam ng tama at mali. Utak din ang nagsisilbing gabay naten upang mapunta sa tamang daan at ganun narin sa maling daan. Ito ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay na gagawin mo. Kontrolado ng utak ang bawat parte ng katawan mo. Pero meron din namang di kaya nitong kontrolin sa parte ng katawan mo, yun yung mga kusang gumagalaw, gumagana o umaandar, tulad ng puso mo. Hindi lang sa pisikal na aspeto nagiging independent ang puso naten na halos di niya na kailangan ng utos mula sa utak mo, kaya mong mabuhay na patay ang utak mo wag lang ang puso mo. (gulay ka nga lang nun) Matalino, tuso at praktikal ang utak ng tao, kaya pag ito ang pinairal mo, tiyak na matutupad mo ang ano mang naisin mo (mabuti o masama) hindi ka basta basta matitinag ng kahit ano, doon ka sa sigurado at sa lamang ka. Hinding hindi ka magiging martir dahil inuuna at pinahahalagahan mo ang sarili mo higit sa lahat ng bagay.
PUSO
Ang puso ang syang nagbibigay buhay sa buong katawan ng tao, dahil sa puso mo kaya patuloy na dumadaloy ang dugo sayong mga ugat. Isa sa pinaka malaking dahilan ng pagkakapahamak ng tao ay ang kanyang puso. Ang puso ang syang nasasaktan, umiibig, nagagalit at nagpapatawad. Ito ang parte ng katawan mo kung saan madaling napapagod. Maraming namamatay dahil sa sakit sa puso dahil nga sensitibo ito. Ang puso mo ang pinakapasaway sa lahat ng parte ng katawan mo dahil hindi ito sumusunod sa ano mang sabihin ng utak mo. Pilit nitong kinokontrol ang mga desisyon mo, ang pagiisip mo, ang mga galaw mo, lalo na ang nararamdaman mo kahit pa sa totoong buhay, mas mataas ang utak kesa sa puso sa pisikal na aspeto, kumbaga ang utak ang boss ng katawan mo pero pilit na pumapapel ang puso mo. Kapag puso ang pinairal mo, tiyak na mabuti ang kalalabasan ng bawat galaw mo. Ang puso ay natural na matiisin, mapagparaya, malambot at mapagmahal. Ngunit kung ito ang susundin mo, hindi tiyak ang kaligayahan mo, dahil mas pipiliin mo ang kaligayahan ng taong mahalaga sayo kesa sa sarili mo, martir kang matatawag dahil ikaw ay umiibig.
ikaw? ano ang kadalasang sinusunod mo?
UTAK o PUSO mo?









