Post(s) tagged with "sariling wika"

Bilang isang 90s kid o early 90s kid masasabi ko na may mga bagay talaga na kahit ngayon ay natutuwa pa din akong balik-balikan noong ako ay bata pa.

May mga laro tulad ng mga paborito kong Playstation 1 o kahit SEGA games pati na din ang ilang Game Boy games na nilalaro ko noon sa Game Boy Color na kahit malaro ko ngayon ay natutuwa pa din ako. May mga pagkain o candy tulad ng Haw-Haw, Haw Flakes, Bazooka, pretzel (yung may asukal, basta yun alam niyo na yun), Stay Fresh at iba ipa na sa tuwing makikita ko sa grocery ay bigla akong natutuwa at isasama ko sa mga bibilhin ko. May mga palabas o cartoons o anime noon tulad ng Hirayang Manawari, Sineskwela, Popeye, Rocko’s Modern Life, Dexter’s Laboratory, Ghost Fighter, Flame of Recca, Dragon Ball Z, Slam Dunk, Voltes V, Shaider at iba pa na kung minsan ay di ko maiwasang hanaphanapin ngayon.

Masasabi natin na mas simple talaga ang buhay ng mga tao noon sa ngayon isang kadahilanan dito ay ang limitadong teknolohiya dati. Hindi namin maiwasang matawa ng mga kaibigan ko sa tuwing naiisip namin na parang sobrang tagal na panahon ang pagitan ng henerasyon namin at henerasyon ngayon pero hindi. Sa loob ng isang dekada napakabilis ng pagunlad ng teknolohiya at sadyang naging malaking dahilan din ito kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan dati sa ngayon.

Ngayon, may mga bata pa naman na naglalaro ng mga larong-kalye at may mga bata na nagbabasketball kahit ala syete na ng gabi. Pero sa puntong ito wala pa akong nakikilala na bata (sabihin natin nasa 10 years old) na makakapagsabi sa akin na nakapag laro na siya ng mga laro sa Family Computer (Contra, Circus Charlie, etc.) habang ang madalas na gadget nila ay PSP na. May bata akong pinsan na kung minsan ay nakipaglaro ako ng ilang lumang laro gamit ang emulator sa laptop ko at iba din ang tuwa niya na kahit hindi kagandahan ang graphics, nakakatuwa pa din.

Sa tingin ko may mga mapagmamalaki naman sila ngayon na pinagmalaki natin dati tulad ng pagkain/candy, mga laro, mga palabas at iba pa pero siguro nga hindi natin maiiwasan ikumpara sa kung anong meron tayo dati. Sa ibang aspeto siguro masasabi natin na higit tayo at may ibang aspeto na higit din sila. Pero kung iisipin mo, hindi naman na habang buhay kung anong meron tayo yun din ang meron sila. Kung nagbago man ang mga palabas at laro na kinaki-adikan nila ngayon at sa iyong palagay mas maganda ang meron tayo dati, hindi naman maari na hindi na gumawa ng mga bagong palabas at laro diba?

Naalala niyo pa ba kung gaano tayo kasaya ng unang nalaro natin yung NBA Live 2003 sa PC? Yung pagkakaiba ng NBA Live 2003 sa PC at sa Playstation 1 noon? Tapos yung mga bata ngayon malamang NBA 2K series na ang nasubaybayan nila. Naalala niyo pa ba noong dial-up connection pa ang gamit natin at palaging nadidisconnect sa tuwing may tumatawag kaya sobrang late na talaga kung mag internet dati? Ngayon karamihan ay may DSL connection na at unlimited ang oras, mas mabilis at mas stable ang connection.

Siguro sa mga susunod na henerasyon hindi man nila na alam ang Fruit Ninja, Doodle Jump, Angry Birds, Plants Vs Zombies, Adventure Time, Ben 10, Sponge Bob at iba pa sigurado akong may mga papalit dito at siyang maipagmamalaki din nila sa mga susunod pang henerasyon. Sa dami ng meron tayo ilan lang talaga ang mananatili. At para manatili ito dapat hindi natin ipagdamot kung ano ang meron tayo noon at ngayon para maranasan din ito ng mga tao ngayon at ng mga darating pa.

Sa lahat ng bagay na mapagmamalaki ng mga kabataan at isama na din natin ang henerasyon natin ngayon, ang pinakamaipagmamalaki ko ay: may ilan sa mga kabataan ngayon na nakikita ang mga mali na nangyayari sa paligid natin at sa maliliit na pamamaraan nila siguro at sana gumagawa sila ng paraan para maitama ito. Alam natin ang estado ng karamihan ng kabataan ngayon pero para sa akin, hangga’t naririto ang ilan na ito, masasabi natin na may pag-asa pa talaga na magbago para sa ikabubuti ng karamihan.

Masasabi ko ang malaking diperensya ng henerasyon natin sa mga darating pang henerasyon ay nakita at nabuhay tayo sa bilis ng pagbabago ng mga bagay-bagay sa mundo. Tulad nga ng sabi ko, sa loob ng di kahabaang panahon madami ang nagbago. Gaano kabilis pa ang magiging pagbabago at pag-unlad natin? Yan ang dapat nating abangan.

«benjcyclopedia.tumblr»

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack