Dahil mainstream ang pagbibigay ng Flowers this Valentines Day. Bigas ang ibibigay ko sa Valentines Day. Praktikal na. Dagdag pogi points pa sa magulang niya. Syempre iisipin nila, “aba! Praktikal at Marunong siya sa buhay!
Post(s) tagged with "sabaw"
Kung gusto nang taong makasama siya sa buhay mo. Gagawa ito ng paraan para makapasok dito.
Kailangan ng sapat na oras at sapat na effort para maniwala ang babae sayo.
Pag sinabi niyang magpapakamatay siya dahil mahal ka niya. Murahin mo siya. Sarap niyang kotongan kamo. Paano ka niya mamahalin kung patay na siya? Hindi totoo yung ikaw ang buhay niya. Dahil may sarili siyang buhay. Kung sinabi niyang gusto ko i share sayo ang buhay ko. Eh dun ka maniwala. Alam niyang gamitin sa maayos at wasto ang bawat salita. Seryoso siya sayo.
Kaya wag tayong padalos dalos. Parang magnet lang yan. May taong lalapit at lalapit sayo. Kung kayo talaga ang magkakadikit. Kasi ang taong nakatalikod at hindi para sayo hindi didikit diba? Parang magnet nga lang.
Source: matabangutak
Evolution.
Sa friendster
- Uso ang cellphone at webcam pictures.
- Ma stiffneck ang mga tao kaka posing sa pictures.
Sa facebook
- Nauso ang digicam at DSLR pero meron pa ring mga cellphone pictures.
- Nauso ang wacky Pictures, nauso din ang jumpshot.
Sa tumblr
- Karamihan ng kuha DSLR at Digicam.
- Nauso ang GPOY, TTH, na hindi alam ng mga taong walang tumblr na puro facebook at friendster lang.
- Adventures of Boy Bastos
Source: matabangutak
About
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.


Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.
Iba ang payo ko kay Papa Jack




