Post(s) tagged with "roseisbulaklak"

Bago ko mag Birthday. Sinabi ko sa kanya na pinapatawad ko na siya. Na kakalimutan ko ang lahat at sisimulan ko na ulit na masaya ang buhay ko. Gusto ko kasi nung April 3.. Matapos ko ang lahat ng gusot na meron ako sa edad kong yun. Para pagpasok ng edad kong 22. Wala akong proproblemahin. 

At eto.. Parang walang nangyari.. Parang walang nakaraan.. Sa huli, naging magkaibigan kami. Tulad ng iba, na walang halong bitterness sa isa’t-isa. 

Ito yung palagi kong sinasabing masarap magpatawad. Kasi ang nangyari eh nangyari na eh. Hindi mo na mababago yun. Eto eh kung paano mo ihahandle yung problema mo. Kung paano mo tatanggapin.

Naniniwala na rin ako sa 2nd Chance. Na lahat ng tao eh kailangan nun. Kailangan mo silang pagbigyan magbago. At nasasa kanila na yun kung sisirain pa nila ulit un. Normal lang ang lahat ng tao at hindi perpekto. Madalas nagkakamali. Dapat tanggap natin sa sarili nating nagkakamali rin tayo at tska natin ilugar ang sarili natin sa posisyon nila.

Tapos sabi pa nila, kung naging kaibigan mo daw yung EX mo eh hindi mo siya talaga minahal. Kalokohan yun. Alam ko sa sarili ko kung ano ang naramdaman ko sa taong to. Naniniwala akong kapag importante ang tao sayo. Hindi mo hahayaang mawala ito. Kahit wala na yung label. Ang mahalaga na masagip mo eh yung tao.

Ngayon, ok na. At paano kaming dalawa? Hindi ko alam. Sapat na siguro yung nangyari noon. Maaring maalala ko pa rin ung dating ginawa nito ni Roseleng. Pero wala na yun. Naiintindihan ko. Masaya ko na masaya siya.  Masaya ako na sa huli, ok kami. Sabi nga eh if it’s meant to be. It’s meant to be. Bakit ka matatakot magmahal? Kung yun ang magpapatahimik sayo at magpapaligaya ng puso mo. Pero sa ngayon. Time out muna ko dyan.

Haha habang may fireworks to eh :))

Haha habang may fireworks to eh :))

Dafuq.. Saan kami nakatingin :))

Dafuq.. Saan kami nakatingin :))

How to troll a group picture. 

How to troll a group picture. 

Thank you sa lahat Rose. Andito lang ako palagi para sayo. :)

Thank you sa lahat Rose. Andito lang ako palagi para sayo. :)

YAN. GANYAN MISMO. GANYAN MISMO. MISMONG MISMO. Yung mas matangkad sayo yung BABAENG gusto mo. HAHA

Ingat! 
Salamat sa mahal kong rosas sa pag gising sakin :)

Ingat! 

Salamat sa mahal kong rosas sa pag gising sakin :)

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack