Post(s) tagged with "reblog"

Some people believe holding on and hanging in there are signs of great strength. However, there are times when it takes much ore strength to now when to let go and then do it.

Source: damnafricawhathappened

Not Tumblr Famous. 
TUMBLR CREATOR

Not Tumblr Famous. 

TUMBLR CREATOR

This is cool. Actually kinakanta ko siya habang binabasa. Haha!

This is cool. Actually kinakanta ko siya habang binabasa. Haha!

Source: vangaylen

Ang misteryong bumabalot sa HBW Ballpen.

  • Mura pero maganda ang tinta.
  • Madalas ang mga ganitong ballpen eh nasa bulsa.
  • Wala kang pakialam kahit mawala.
  • Good for 1 Day. At bigla na lang mawawala.
  • Mabilis bilhin, 6 pesos lang.
  • Pamalit sa nawalang MAIN BALLPEN. ( Gtec, My Gel etc. )
  • Panget na gamitin kapag nawala na yung takip.
  • Nakakatamad isulat kapag panget ang notebook.
  • KAHIT MALAGLAG DI NAWAWALAN NG TINTA, DI TULAD NG IBA.
  • Never naubos ang tinta ng ballpen na ito. Madalas kasing mawala.

Source: matabangutak

Tinunaw ako ni Manang Adele. Ang taray neto :))

Tinunaw ako ni Manang Adele. Ang taray neto :))

Source: cityinmyworld

Pag-ibig ng mga kabataan ngayon.

Sa tingin ko malaki ang naging kontribusyon ng teknolohiya sa mga tao ngayon, lalo na sa mga kabataan na sobrang galing pag dating sa teknolohiya ngayon. Lalo na pagdating sa komunikasyon, lalo na sa mga mapaglarong isip ng mga kabataan.

Kung walang teknolohiya ngayon sigurado akong 21 years old maguumpisa magligawan ang mga batang ito, bakit? Eh syempre doon lang magkakalakas ng loob manligaw ang lalake sa babae dahil sa edad na yun eh siguradong tapos na siya at baka may trabaho na at may maipagmamalaki na siya sa magulang ng babae.

Naalala ko lang dati na ang tanging pinoproblema ng mga babaeng kabataan dati eh kung ano ang pipiliin nilang bag kung Hello Kitty ba o Barbie. Ngayon sa edad na 11 years old hanggang 14 years old eh pag-ibig na ang pinoproblema nito. 

Hindi na ko magtataka bakit biglang lumabas ang RH Bill dahil nga sa mga unwanted pregnancies na yan. Dahil nga sa maagang natutukso ang mga bata at laging nandiyan lang ang internet para makahanap ng kani kanilang pantasya eh hindi na nakakapagtaka na ganito na nga ang nangyayari sa ating henerasyon ngayon.

Totoo namang walang pinipiling oras ang pagmamahal, pero sana alam nila ang tamang edad at tamang panahon para dito, nakakalungkot kasi makita na sa murang edad eh nasasaktan na agad sila, imbis na nakikipaglaro lang sila sa kalsada eh nagsisimula na silang ma depressed dahil sa iniwan sila ng taong mahal nila.

Hindi rin natin sila masisi, kung nagabayan rin sila siguro ng magulang nila hindi rin sana sila magiging ganun, kung na disiplina ng mas higit pa sa pagdidisiplina nila ngayon sa mga anak nila eh siguro maaring maiwasan pa.

Siguro nga eh may alam na sila pag dating sa pagmamahal, dahil sa may nabasa silang love story at marunong na silang umintindi ng tagalog o english, pero iba parin kapag nasa tamang edad ka na, makaka diskarte ka ng tunay at totoo.

Huwag mamasamain ng mga kabataan na nakakabasa nito ngayon, maaring may magagalit pero isa itong tulay at kaalaman na maaring makatulong sa pag-iisip at pag dedesisyon sa buhay mo.

Muli.. Ito ay opinyon lamang at hindi dapat seryosohin, pero ito galing sa puso at isipan na nakikita ko sa bawat taong nakikilala ko.

Source: matabangutak

Signs na may gusto na ang kaibigan mo sayo.

  • Sobra na mag-alala sayo.
  • Sobra na mag text sayo.
  • Mayat-maya ikaw na ang kausap nito.
  • Nag-aalala kapag hindi ka nag rereply.
  • Nag uumpisa na mag miscall sa cellphone mo.
  • Nagpapakita na ng mga joke na biro tulad ng “I love you! Joke lang!”
  • Ikaw ang huli niyang ka text at unang ka text sa umaga.
  • Tinatawagan ka niya tuwing gabi at nakikipagpuyatan.
  • May oras na nagtatampo na siya sayo.

Source: matabangutak

Ang effort ay para lang sa mga taong marunong maka appreciate nito.

Bakit ka mag bibigay ng effort na hindi naman niya na appreciate?

Ano yun taken for granted? Hindi sa sinasabi kong isumbat lahat ng bagay na ginagawa. Pero wag naman sana maging tanga. Hindi niya gagawin sayo yun kung hindi ka mahalaga. Hindi bat oras na nga niya ang ibinigay niya? Hindi mo alam kung ano ang likod sa dahilan nang pag sama sayo. Hindi mo ba alam na may mga taong gusto rin siya makasama pero ikaw ang pinili niya kasi mahalaga ang araw na iyon dahil ikaw ang kasama niya?

Marami satin ang nagiging manhid.

Hindi ako naniniwala sa quote na ” Walang taong manhid, hindi mo lang sinasabi ang sakto mong nararamdaman “.

May mga bagay na obvious na.

Kinakain tayo ng sarili nating kapansanan. Mga nagiging bulag sa damdamin. Bingi sa mga bagay na sinisigaw nang puso. Nagiging pilay tayo dahil hindi tayo marunong mag tiwalang may handang sumaklay sayo at umalalay.

Bakit? Bakit? Anong problema? Wag lahatin ang kalalakihan. Dahil hindi lahat ng lalake ay pareho ang magulang. Iba ang mga pinag aralan. Iba ang mga kinalakihan.

Bakit lagi na lang masama ang imahe ng mga lalake sa babae pag dating sa break ups? Hindi bat minahal mo rin at may ginawang mabuti sayo? 

Ang nagiging irony kasi

” Sa isang kasalanan lang, kaya nitong burahin ang napakaraming magandang bagay na ginawa ng isang tao “

Source: matabangutak

Highschool Love.

Bakit kapag highschool eh parang ang daling makahanap ng Girlfriend/Boyfriend? Dahil ba dito ang pundasyon ng Puppy Love? O ito ang taon na nag uumpisa na tayong magtaka sa ibang bagay? Alam ko sa highschool nauso ang 2 timer. Minsan pag halang ang kaluluwa. Three timer pa.

Pero hindi bat kapag naalala natin ito ay kinikilig na lang tayo? Bakit kamo? Dahil ngayong may mga mas isip na tayo. Naiisip natin yung mga bagay na masasaya dati. Yung tipong hinihintay mo siya bumaba sa service niya. Ihahatid ka niya. Ihahatid mo siya sa gate. Dadaan sa room niya. Sabay kayo kakain sa school. Tapos an lambing niyo pag tapos. Bibili kayo ng palamig. Ililibre ka niya. Ililibre mo siya. Parang give and take ang nangyayari. Madaling humanap ng pundasyon ng pag-ibig. Dahil matindi ang pinag sasamahan kapag highschool e. Mas madaling kiligin. Dahil wala pa rin experience ang mga estudyante masaktan sa ganto. Ayos lang sa kanila sumubok ng sumubok. Ang masayang pagmamahalan na nauuwi minsan sa sakitan lalo na kapag nag break kayo ng College na kayo. Sakit ano? Wala tayong magagawa. Ganyan ang pagibig. Wag kang mag alala. May college love pa nga naman daw.

Source: matabangutak

Yung taong

  • hindi puro salita pero puro paramdam.
  • hindi paasa.
  • alam ang tama at mali.
  • handa kang ipaglaban ninoman.
  • hindi ka iiwan sa ere.
  • pupunasan yung luha mo pag iyak.

Nasaan na yung mga taong ito? Hindi niyo ba alam na lahat ng taong nag iisa diyan eh may potensyal na gumawa ng lahat ng ito? Ito ang hinahanap mo diba? Pansinin mo ang mga taong mas marunong magpahalaga sayo. Walang gamot sa katangahan kapag laging fairy tale life ang pinairal. Wala naman talagang prinsepe. Pero tandaan mong merong taong ugaling prinsepe. Na ikaw ang gagawing prinsesa. Sobrang rerespetuhin ka. At sobrang aalagaan ka. Kung gusto mo mahanap ang pagmamahal. Payong kaibigan ” WAG Maging Mapili “. Kung sa tingin mo eh ayos naman at mapagkakatiwalaan. Bakit hindi mo pagbigyan?

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



Iba ang payo ko kay Papa Jack