Post(s) tagged with "rants"

Pinakamasakit palang malaman na ang pinaniniwalaan mong katotohanan eh isa lang palang malaking kalokohan.

Hirap ng ganun no? Yung ginawa kang tanga! Yung pinaniwala ka niya sa lahat ng sinasabi niya na wala dapat problemahin pero lahat pala ng sinisikreto niya eh proproblemahin mo pala. Alam mo yun.. Yun bang ang nais mo lang eh yung mapabuti siya pero hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pag gawa ng kasalanan sayo.

Sabagay.. Kung hindi ba naman masama ang ginagawa niya, isisikreto pa ba niya? Patuloy ba siyang magsisinungaling sayo mairaos lang ang masamang gusto niya?

Minsan, binigay mo na ang lahat pero wala pa rin. Bakit? Kasi, sa bawat gawin nating kabutihan sa kanya. Mag aassume tayong ma appreciate niya yun eh. Pero kung wala talaga siyang pakialam sayo, kahit na ano gawin mo. Patuloy at patuloy pa rin niyang gagawin ang mga bagay na ikakasakit ng damdamin mo.

Kaya mas maganda pa siguro, lumayo na lang kapag ganun na lang ang sistema palagi. Kesa sa paulit ulit kang gawing tanga dahil sa pinaniniwala kang wala ka dapat problemahin at intindihin. Sasabihing may mga bagay na siyang tinigil at hindi na niya gagawin eh patuloy pa rin ang pag gawa. Kaso yun nga, sa pasikretong paraan.

Para patuloy kayong ok, patuloy ka niyang mapaniwala na matino kayong dalawa. Pero hindi mo alam.. tinatarantado ka na pala.

Source: matabangutak

Paano daw kapag gusto na ng karelasyon mo ng space and time dahil daw hindi na niya kialla sarili niya?

 Pasalihin mo sa AXE Search for Astronaut. Baka manalo dun at matupad niya ang hinihingi niyang space.  Tapos papuntahin mo ng Mall. Bilhan mo ng Rolex. Pota. Ang daming dahilan naman ng karelasyon na yan. Hindi nalang sabihin na ayaw na lang sayo eh. Hindi kilala sarili amp. Kinutusan mo ba yan at nagkaroon ng amnesia? Wala na yan. Booo siya kamo!! Booo! Paanong di makikialala ang sarili, eh makasarili siya. Lagi niyang iniisip ang sarili niya. Paano makakalimutan ang sarili niyan? Masyado na lang siyang nagmamalinis at pinapagaan ang loob mo sa mga kasinungalingan.

So much hateee~ in here~~ Haha!

Source: matabangutak

Ang tao kapag kinamusta mo palaging sinasabing ok lang. Pero ang totoo nito eh may problema talaga sila. Madalas, sinasabi nilang ok lang dahil hindi pa naman ito ganung kabigat at may mga bagay na hindi na dapat i share sa iba. Pero yung kasiyahan sa sarili nila na naitanong mo sa kanila kung ok ba sila eh malaking tulong para magbigay ng lakas sa kanilang malagpasan problema nila. Ang tao kasi madalas gusto lang kinakamusta. Pero ayaw mag share. Pasaway eh. 

Source: matabangutak

Kalokohan yung magsasabing naghiwalay dahil walang communication. Tapos parehas nasa Pilipinas lang. Haha! Eh nagkalat ang komunikasyon dyan. Andyan ang Facebook, Twitter, Voxer, Skype, Viber, Kakao Talk, KiK Messenger, Yahoo Messenger, Facetime, BBM, Camfrog ( haha ) at sobrang dami pang libreng Applications na magiging daan para magkausap kayo. 

Sabi ko nga, naging busy din ako na tao. Pero hindi tamang excuse yung busy ka para lang hindi makausap yung taong importante sayo. Hangga’t kayang isingit eh sinisingit ko. Tska, wala bang break yung pag kabusy na yun? Syempre, kakain ka at magpapahinga. Pwede naman isabay yung simpleng pag text lang eh. 

Hirap kasi ngayon, papasok sa relasyon tapos kung sino yung mas nagmamahal eh i tataken for granted lang. May mga succesful relationships nga na nasa ibang bansa pa yung isa eh. Pero kung nasa same country lang naman kayo. It means nagkukulang ng effort yung isa. Or taken for granted yung isa. Kumbaga hindi siya natatakot dahil alam niyang hindi siya kayang iwan. Kaya ginagawa niya lahat ng gusto niya habang yung isa nag-iintay sa kanya. Napipikon ako sa taong ganun.

8 out of 10 na humihingi ng payo sakin. Karamihan ng problema nila ay tungkol sa pagkawalan  ng oras ng tao sa kanila. Ako, iniimagine ko. How the fuck na pwede mangyari yun? Mahal? Tapos komunikasyon lang at oras hindi maibigay? Why bother pumasok sa relasyon kung ganun din lang? Ano yun? Pag encode lang ng Isang program? Trial and Error lang?

Source: matabangutak

OP sa Dash.

Napag usapan namin ng isa kong kaibigan na yung “ka batch namin sa tumblr eh halos nawala na” kaya madalas naming sabihin na out of place na kami sa sarili naming dashboard. Pero tama siya na nagiging busy ang tao at nagkakatrabaho. So why bother mag blog pa kung magpapahinga ka nalang galing sa trabaho at gumawa ng pera. Siguro people come and go lang talaga dito. Nasasayo na lang talaga kung hilig mo ang pagsusulat eh siguradong babalik at babalik ka dito.

Siguro parang sa paaralan lang ito. Dati, kami ang 4th Year Highschool. Kami yung enjoy na enjoy noon dito. Tapos yung batch namin eh tapos na din. Kumbaga gumraduate na. May mga bagong makata na mag eenrol, may mga bagong ideya na lalabas muli. Pero yung mga topics eh paulit ulit na lang. Kumbaga sa libro na rerevised na lang. Pero ewan ko, ang pinagtaka ko lang dito eh medyo nag-iba. Naging natural na social networking site na lang. Dati, sabay sabay pang nag tetrend ang karamihan. Tska dati, kapag masaya ka sa isang bagay eh masaya na rin ang lahat. Hindi tulad ngayon. Maging masaya ka, sa 10 kaibigan mo may isang kokontra. Kaibigan nga ba? Let’s say mga kinikilalang kaibigan na lang para mas safe. Ewan ko, yung iba nag register dito para magpasikat. Tipong i ko close yung mga nasabing kilala tapos kapag ok na eh sila tong mismong maninira. Sila tong mismong makakalimot sa mga taong tinanggap sila. 

Sabi nga ng kaibigan ko dahil sabi ko sa kanya na 

“Inevitable yung change”

then ang sabi niya is

Yan na yan. Yan na yung change eh, andun na nga lang ‘yan kung magbabago sya for worse or for better. Pero may worse nga ba talaga? Minsan kase iniisip ng iba samin na ang panget na ng tumblr ngayon kase hindi na kami makarelate dahil ang dami nang bago at iba yung konsepto nila ng pagb-blog kumpara nung time namin. Pero panget nga ba sya? o sadyang hindi nalang talaga kami yung kahenerasyon ng mga batang ‘to kaya di namin maappreciate.

Yun din ang point ko. Dahil sa point ko, madali naman ako maka appreciate ng blog at ramdam kong pinaghirapan. Pero karamihan kasi nga ng nababasa ko is puro rant or parinig sa mga kaibigan. Tatawagin ang tropang nasa “kada” tapos sila sila nagkakasiraan. Parang ang panget naman sumubaybay, Kaya madalas, tahimik na lang, silent reader, Random Like ng GPOY. At ganun na lang. Dati, parang may brainstorming pa eh. Tipong naka tag ka pa dahil naka relate sila sa recent post mo. Then nagdadagdag sila ng dagdag impormasyon tungkol sa sinabi mo.

Ngayon wala na eh. Ewan ko. Dumaan din naman kami sa edad na yan pero ewan ko, iba henerasyon ngayon. Haha!

Sa mga nasa relasyon na puro away na nagbabalak na makipagbreak o sumuko.

Sa dami na ng away na napagdaanan niyo ngayon pa kayo susuko. Parang nakakaloko naman diba? Tipong sa dami ng luhang bumagsak sa inyong mga mata eh ngayon niyo pa maiisipang maghiwalay? Wala na bang pag-asa talaga yan? Talaga bang susuko ka na lang ng ganyan? 

Ang hirap kasi sa tao, kapag nag-aaway. Basta lang nag-aaway. Tipong sinosolve nila ang problema pero wala silang natututunan. Siguro kampante sa isa’t-isa na magkaka ayos din naman. Pero ang tanong dito eh, paano kung napagod na yung isa? Di ba mas mahirap yun? Mawalan ng taong minamahal? Hindi ba’t malaking batok sayo yun dahil sumuko ang tao sayo dahil parati na lang kayo nag-aaway? 

Dapat kasi may natututunan kayong dalawa kapag nag-aaway kayo. Hindi yung lalabas sa mga dahilan niyong dalawa na “Palagi na lang kasi kaming nag-aaway eh” dapat kasi pinag uusapan niyo yung problema hindi yung hahayaan mo dahil mahal mo. Hindi naman puro pag titiis ang pagmamahal. Jusmiyo, pumasok pa kayo sa relasyon kung magiging sunod sunuran ka rin lang. Dapat nagbibigayan kayong dalawa eh, may mga binibigay na sakripisyong ang bawat isa dahil nga sa committed na kayo. May pakialam kayo sa isa’t-isa.

Nakakairita kasi yung away ng away ng wala namang katuturan. Sobrang babaw ng problema pinapalalim. Tapos minsan yung may kasalanan pa ang may ganang mag taas ng pride. Tipong deny hangga’t mapapaniwala mong totoo ang sinasabi mo. Yung deny hangga’t walang ebidensyang pinapakita. Ayan ang hirap sa mga taong nasa taken for granted na relasyon eh. 

At sa mga na uunder naman sa relasyon. Eh magsabi kayo at hindi yung puro tahimik lang kayo diyan. Mag open ka sa kanya. At kapag hindi tinanggap ang problemang sinasabi mo at hinayaan kang mag-isa. Edi pabayaan mo. Aba loko pala siya eh, papasok pasok sa relasyon na kasama ka tapos iiwan ka mag-isa? Mas mabuti pang mag-isa kung ganyan na lang. Pumasok ka sa relasyon para mahalin at sumaya. Hindi magtiis at mamroblema. Oo kinuha mong package yan. Pero pakshet naman. Pwede bang lamang yung kasiyahan?

May mga relasyon kasi na mas madalas malungkot yung taong nandun eh. Tipong okay ngayon. Bukas hindi ulet. Nakakarindi diba? Kaya ayusin dapat hangga’t kayang ayusin. Huwag mo hayaang mag-isa yan.. Ikaw ang mahal niyan eh. Ikaw ang aasahan niyan. Ikaw rin ang nag-iisang kakampi na aasahan niyan. Swerte nga kayo eh. May pag-ibig kayong pinaglalaban. Yung iba nga na single, laban lang ng laban. Wala namang napapala.

Source: matabangutak

Nakakamiss yung unang register mo sa Tumblr. Yung kung paano mo didiskartehan yung blog mo. Yung binabalak mo kung ano ba trip mo sa blog mo. Kung magsusulat ka ba, ano una mong topic, sino una mong mga ifofollow, paano didiskarte ng kaibigan at marami pang iba.

Nakakatuwa yung galak dati kapag nag tutumblr ka. Lalo na yung first 3 months mo dito eh talagang halos di ka maka log out dahil natutuwa ka sa mga nakikita mo. 

Yung minsan pinoproblema mo na nakakapag post yung mga tao ng magagandang entry tapos ikaw gusto mo makipagsabayan. Yung sasagot ka sa mga TA nila. Yung tatanungin mo sila tapos matutuwa ka kapag na publish yung Ask mo dahil sa ginandahan mo ang tanong sa kanya. 

Nakakatuwa talaga nung umpisa. Talagang information overload eh. Tapos makakabuo ka ng barkada sa mga simpleng pa like like lang at TA. Tipong sa isang araw eh pwede mo silang maka close tapos kinabukasan eh i lolook forward mo ulit sila. 

Nakakatuwa at nakakamiss no?

Pero ngayon? Yung mga magkakaibigan na yung nagkakasiraan. Syinota ang bespren, syinota ang ex, syinota ang tropa tapos naghiwalay. Nainggit sa achievement ni ganito, nainggit sa atensyon si ganyan. Na insecure siya, siniraan yung tropa at marami pang iba.

Ano kaya ang nagpabago sa kanilang mga ugali? Na dati todo pakikisama para magkaibigan. Tapos yung mga tao na yun ang naninira. Why? Bakit kailangan maging ganun?

Well… Who knows? Kailangan na lang natin makipag deal sa mga taong ganyan. i unfollow? No, not a good idea. May mga pagkakataon kasing maganda din ang nilalagay nila. May mga pagkakataon lang na napaghahalataan na kapag wala na silang maisulat eh papansinin na nila yung mga flaws ng mga kaibigan nila. Parinig dito, parinig dyan. Ganyan yan eh.

Well, kung sobrang mature ka e hindi mo na papansin yan hindi ka magpapaapekto sa mga nakikita mo. Pagpapatuloy mo lang kung ano ang nasimulan mo dati. At yun ang cool. :)

Source: matabangutak

Hayaan mo ang isang tao kung paano niya eenjoyin ang blog niya. Kung panget ito para sayo, edi huwag mo ifollow. Hindi naman gumawa ng tumblr yan para i please ka eh. Masyado na kasing mahilig mangialam yung iba. Edi gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama. Hindi yung papansinin mo pa ang blog ng iba. Sasabihing walang pakialam, pero patuloy na pinapansin yung flaws ng iba. 

Accept the fact na hindi na ito tulad ng Tumblr dati. Na ang mababasa mo eh lahat may laman. More on Tumblr Asks na nga ngayon eh, puro published TA’s. Know why? Because nagawa na nila yung part nila eh. Tska hindi naman dapat siniseryoso dito. Karamihan busy na sa normal na buhay nila. Wala na yung prime days dito. Una unahan lang yan ng pagkasawa at pagiging sabaw. 

Ako nag tutumblr dahil eto lang ang pinagkakalibangan ko after ko pumasok ng eskwelahan at matapos ang gawain sa normal kong buhay.. Dahil wala akong mapagkwentuhan ng mga nangyayari sa buhay ko. Sinusulat ko na lang dito. Pati mga random thoughts, dito na lang rin nilalagay dahil nga baka makatulong sa iba at makarelate.

Tapos may mga tao pang bitter sa Notes. Masisisi mo ba yung blogger na nakakakuha ng maraming notes? Eh unang una hindi naman siya nagmakaawa para ilike yung posts niya. Hindi na nawala yung issue na ganito dito. 2010 ko pa nakikita yung ganyang issue. Ang tatanda niyo na eh napakababaw na problema pa ang pinoproblema niyo.

May dahilan lahat ng yan bakit nila narating yung bagay na yan. Malay mo sila nagpapakatotoo lang kaya nagustuhan sila ng maraming tao. Tapos sayo kaya walang pumansin eh gusto mo magpaka hipster sa blog mo na kokontra sa lahat ng mainstream. 

Kung magaling ka, edi magaling ka. Hindi yung mag sesegregate ka pa ng magaling sa hindi magaling. Kanya kanyang trip yan eh. 

Ayaw mong nababasag trip mo. Pero ikaw naman patuloy na nambabasag sa trip ng iba. Huwag ganun. Tropa tropa turingan natin dito eh. Wala namang ganyanan tropa.

Paano ba sabihin yung nararamdaman na to. 

Yung kapag sobrang selos na selos ka. Alam mo yung pakiramdam na parang may daga na umiikot at tumatakbo sa dibdib mo. Tapos nanghihina ka na ewan at kasama na rin ang pagtamlay ng buong katawan mo. Yung bumibilis ang tibok ng puso mo dahil sa takot na isang araw makuha siya ng taong gusto niya. Yung bilis ng tibok ng puso na hindi mo mapakalma dahil sobrang takot talaga ang nararamdaman mo. Yung hindi ka mapakali. Yung kapag nasa eskwelahan ka kapag naramdaman mo yung pakiramdam na yan eh gusto mo na lang agad umuwi dahil wala ng pumapasok sa isip mo dahil pakitid ng pakitid ang isip mo. Nagiging clingy ka pero pinipigilan mo tanungin yung mga bagay na yun dahil alam mong ikakagalit niya. Yung nawawalan ka ng gana sa lahat ng nakikita mo. Sa ginagawa mo, yung kahit gutom ka wala kang ganang kumain dahil sa puking inang selos na yan na hindi mo masabi dahil wala kang karapatan.

Source: matabangutak

Ayaw ko sayo. NO!

Diretsuhin mo na lang yung mga taong hindi mo gusto at iniirita ang araw mo. Payo ko sa mga babaeng gusto munang manahimik sa buhay, para mawala na yang mga admirers na puro pambobola lang naman ang ginagawa at binabalak kayong gawing porselana dahil ibabalandra nila sa MALL ang inyong ganda.

May mga tao kasing maprepresko at sasabihin lahat ng mabubulaklak na bagay sayo, kaso madaling malanta yung mga salitang iyon. Diretsuhin mo, mahirap kapag ikaw anag naloko, ikaw ang napabilang at napasama para makumpleto ang kalendaryo niya ng babae na isusunod sayo.

Hindi mo naman kailangan ng taong mamahalin pangsamantala kung may kaibigan ka naman na laging nandiyan sayo para mahalin ka at mapasaya. Maraming taon, maraming araw, pakasaya ka muna sa buhay mong yan.

Ganito ang sabihin mo

Kesa sa umasa ka at ibigay ang lahat ng effort mo sakin, ngayon palang sinasabi ko sayo na wala kang pag-asa, yes as in walang pag-asa. Ibigay mo ang effort na yan sa iba, kung gusto mo bumili ka ng efflen para landingan ang effort mo. Huwag ako, hindi ako ang para sayo, para sa ibang babae ka. Hindi ako ang tipo mo. Maniwala ka sakin. Kesa sa umasa at masaktan ka sa huli, sinasabi ko na sayo ito. Hindi talaga tayo.

O diba? Parang movie line lang. Ganyan lang naman kung talagang iritang irita ka na eh. 

Mahahalata mo naman sa isang tao kung gusto ka niya talaga, yung hindi yung taong sobrang agresibo, yung lalakeng rerespeto ng pagkababae mo, at yung lalakeng rerespeto din ng privacy mo sa buhay. Yung lalakeng marunong mag hintay. Sa tingin ko yun ang para sayo :)

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack