Post(s) tagged with "pinoy"

Paano hindi ma bully sa eskwelahan?

Alam niyo bang naranasan kong ma bully sa eskwelahan? Yung dumating sa punto na ayaw ko ng pumasok kasi alam kong aasarin ako ng mga kaklase ko sa oras na makita nila ako? Yung lahat ng mata nila sa akin kasi nakikita nila akong mahina at nakikita nilang hindi ko kayang lumaban? Dumating  sa punto na nagsasakit sakitan ako noon para lang makaiwas ng isang araw na hindi pumapasok sa eskwelahan. Maka iwas sa pang aasar, maka iwas sa pambubully ng mga inaasahan mo sanang maging kaibigan.

Madalas ito sa tingin ko kapag transferee ka sa eskwelahan, yung ikaw eh bagong estudyante, tapos magkakaklase dati yung mga nambubully sayo sa school. Yung nakakaramdam sila ng superiority sa mga sarili nila kasi nga “alam nilang may kakampi sila”.

Paano nga ba ito maiiwasan?

  • Labanan mo ito sa pag-aaral ng mabuti - ipakita mo na hindi mo kailangan yung mga taong nambubully sayo. Yung ibang nambubully sayo titiwalag sa grupo yun at sasama sayo. Mag uumpisang magpaturo sayo sa oras na nahihirapan na sila sa mga academics.
  • Mag-iba ka ng target na magiging kaibigan - Minsan ito ang susi eh, minsan kasi kung sino ang mga tingin mong astig, yun ang gusto mo agad kasama. Bakit hindi mo subukan yung mga taong kumakausap sayo? Seatmate mo? O yung mga ibang mga tao na sa tingin mo eh naghahanap ng kaibigan tulad mo?
  • One Time Big Time Ipakilala mo sarili mo kapag inaaway ka - Hindi sa pag gamit ng dahas, hindi sa pag gamit ng pisikal. Tanungin mo sila bakit nila ginagawa sayo yun? Tanungin mo sila ano ba ang pagkakamaling ginawa mo? Kung kinakailangan humingi ka ng tulong sa teacher mo, tandaan mong siya ang pangalawa mong magulang. Para makuha ang atensyon ng mga taong nang aaway sayo.
  • Huwag mo pansinin. Magsasawa din sila - andun na tayo sa puntong kahit hindi mo pinapansin eh patuloy silang nagpapapansin. Hayaan mo lang sila, gawin mo lang ang gusto mong gawin. May mga taong sadyang pasaway. At parte ng buhay sa eskwelahan yan. May nang aaway, may mabait, may kaibigan, may kaibigan na nangongopya, may kaibigan na nagpapakopya at marami pang iba. 

Malalagpasan mo din yan, tandaan mong sa huli magiging kaibigan mo lahat yan. Marahil sila eh bata ang isip palang sa ngayon. Pero in the long run, sila sila rin ang makakausap mo at kayo kayo rin ang magtutulungan. It takes time.. Pero worth it ang pakikisama sa mga taong nakapalibot sayo.

Source: matabangutak

Paano umiwas kahit papano sa Cyber Bullying?

Marami na ang nakakaranas nito, at maraming tao na ang hindi ma handle ang mga ganitong sitwasyon. Naawa ako sa mga taong nakakaranas ng Cyber Bullying. Hindi ko rin ma gets yung mga taong na bubully, kung bakit sila nag papaapekto sa mga taong wala namang kinalaman sa buhay nila, na bakit mas pinapaniwalaan nila yung sinasabi ng tao kesa sa sarili mismo nila.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanila yun.. Kung pwede ko lang sabihin na huwag nilang hahayaan na ma cyber bully sila, na wag na nilang patulan yung mga bagay na naninira sa kanila. In the first place, kung alam mo namang hindi totoo, bakit mo pa papatulan hindi ba? Doon lumalala at gumugulo ang buhay mo eh, sa pagpatol. Pinapalabas mo na totoo kasi nga may dinidepensahan ka.

Magsasawa at magsasawa rin yang mga yan, may mga buhay din kasing sarili yan. So minsan nga nakakainggit yung mga nambubully. Tipong may oras pa sila manira ng buhay ng ibang tao, eh may sarili naman silang buhay. Hindi ko rin sila maintindihan bakit nila kailangang gawin yun. Minsan nga napapaisip ako, ano kaya yung environment o ano yung kwento sa likod ng buhay nila bakit sila nagiging ganun? Minsan trip lang nila, minsan yun na ang nakagisnan nila, yung ramdam nila yung superiority sa Cyber World.

Basta ang tips ko lang sa lahat eh ang internet eh isang panibagong mundong iniikutan mo na may ibat-ibang tao. Accept the fact na this is Internet, at kahit ano eh pwedeng mangyari. Huwag mo hayaang patumbahin ka ng mga salita. Minsan ayos din bawas bawasan yung pag gamit ng Internet para hindi ka lagi napapansin. Nakakatulong yun, lumabas ka ng bahay niyo, sumama sa mga kaibigan niyo, gumala sa malls etc.

Kaya mo yan :) Part ng buhay yan. Lahat tayo nakakaranas niyan :)

Source: matabangutak

Tiwala - ito dapat ang hindi mawawala sa relasyon mo sa taong mahal mo. Kahit na sa kaibigan mo. 

Oras - lahat ng taong gusto kang makasama ay kailangan ng oras mo. Ang pagbibigay ng oras ay nangangahulugang pagbibigay ng atensyon. 

Komunikasyon - Pinaka importante at pinakamahalaga sa lahat ng aspeto. Kapag ito ang nawala ng ilang linggo, ilang buwan. Ilang taon. Mawawala ang mga importanteng tao sayo.

Pagkakaintindihan - kapag may problema, mahalaga ang pagkakaintindihan ng bawat isa. Ilugar mo ang sarili mo sa sarili niya bakit siya nag kakaganun. At kapag nalaman mo na. Lambingin mo na para ma resolba ang simpleng problema.

Pagmamahalan - kapag wala na kayong hinangad na dalawa. Ang tawag dun ay pagmamahalan. Ang tanging hinahangad niyo eh mapasaya ang bawat isa.

Pagsasakripisyo - kapag may ginagawa ang isa. Kailangan mong magsakripisyo sa sarili mo na hindi lahat ng oras eh maari mo siyang makasama. Dahil sa may mga bagay itong ginagawa. Ito ang kulang sa karamihan ng relasyon. Ito ang kulang. Maaring may tiwala ka. Pero kung hindi mo maibibigay ang onting sakripisyo para mas mapabuti ang relasyon niyo, maaring magkaroon ito ng onting bahid. Pero ayos pa rin naman kung madadaan sa mabuting usapan.

Source: matabangutak

Mico Banayo is a victim of vitriolage or acid violence purposef - purposely splashing someone with acid with malicious intent, injuring or disfiguring the person out of jealousy or revenge.


March 15 this year, a stranger who introduced himself as a mail man of a courier company came with a letter. And while he was singing to receive it, the man reportedly poured a bottle filled with acid on his face. He was rushed to the hospital and got initial treatment. 

Source: http://yurbanite.blogspot.com/2012/05/mico-banayo-love-and-hate.html

Mico Banayo is a victim of vitriolage or acid violence purposef - purposely splashing someone with acid with malicious intent, injuring or disfiguring the person out of jealousy or revenge.
March 15 this year, a stranger who introduced himself as a mail man of a courier company came with a letter. And while he was singing to receive it, the man reportedly poured a bottle filled with acid on his face. He was rushed to the hospital and got initial treatment. 

Tips para sipagin pumasok sa paaralan.

  • Tandaan mong may baon ka na ulet.
  • Tandaan mo na makikita mo na ulet ang crush mo.
  • Tandaan mo na may mga bago kang makikilala na kaibigan.
  • Tandaan mong masarap matuto lalo nat hindi ikaw ang nagpapaaral sa sarili mo kundi ang magulang mo.
  • Tandaan mong hindi lahat ng taong katulad mo eh nakakapagaral. Tandaan mo na isa ka sa mga swerteng bata na nakakapagaral sa hirap ng buhay ngayon.
  • Kapag pumapasok ka sa eskwelahan, maari kang makipagsabayan sa usapan ng ilang nakakatanda dahil sa may nalalaman ka sa paksa na yun.
  • Ma eehersisyo na ulit ang iyong utak.
  • May tiyansa ka na namang taasan ang grade mo at humiling ng bagong gadgets sa magulang mo.
  • Tandaan mo na ayan lang ang tanging kasiyahan na maibibigay mo sa magulang mo, ang makakuha ng magagandang marka. Kaya ibigay mo ito. Ibinigay nila sayo ang pang tuition, kaya ibigay mo yung grade na gusto nila.

Source: matabangutak

Limang pagsubok na kailangan malampasan kapag nagmamahal.

Time Test - Gaano ba katagal ang pagmamahalan niyo? Gaano ba katagal ang nararamdaman niyo sa isat-isa? Tatagal ba ito ng linggo? buwan ? taon? Hanggang kailan kayo magiging sweet sa isat-isa? Kapag nakuha mo ba ang gusto mo sa isang tao eh ganun katagal pa rin ba kahigpit ang pagmamahal na ibibigay mo sa kanya?

Distance Test - mahal mo pa rin ba siya kung sakaling malayo siya sayo? mahal mo pa rin ba kung sakaling bigla kayong magkahiwalay dahil kailangan mag ibang bansa ng isa, o kaya naman bigla kayong magkakalayo sa isat-isa dahil may mga pangyayaring hindi inaasahan sa inyong dalawa, hanggang saan at gaano kalayo ang aabutin ng inyong pagmamahalan?

Freedom Test - gaano mo siya kayang tanggapin? hindi ba dapat eh wala kang pinapakealaman sa kanya? Kung totoong may faith ka sa kanya, papatong sa isip mo ang “Kahit ano man ang gawin niya, sino man ang kasama niya, sigurado akong sa akin pa rin ang bagsak niya.”

Growth Test - dito naman ang respeto sa isat-isa na binibigay para maging mas mature ang isang tao, ito ang pagsubok na binibigay para maging open sa bagay bagay at maging mas mature ang isip ng dalawang magkasintahan, kung parehas kayong parang bata sa relasyon niyo, walang mangyayari sa inyo. Bakit hindi ka kumuha ng baby sitter kung kayong dalawa eh bata bata pa. Dapat laging may mature at sigurado akong madadala mo ang partner mo dahil sa pinapakita mong ugali mo. Kailangan ng isang tao na didisiplina sa isang taong nangangailangan ng disipilina. Kailangan ng sapat na oras dito para malamapasan.

Sacrifice Test - handa mo bang ibigay ang sarili mo sa taong mahal mo? handa ka bang ialay ang buhay mo sa kanya bilang isang kasintahan o kaya naman asawa? Kaya mo bang bitawan ang mga bagay na importante sayo pero kailangan mong bitawan para maituloy ang pagmamahalan? May mga tao ka bang handang iwan para sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mong ialay? Gaano kahaba ang pasensyang ibibigay? Masasabi mo bang martyr ka kung ikaw lang ang nagmamahal at nagbibigay ng sakripisyo? Hindi natin alam.. Ibat-iba kasi tayo ng estilo ng pagmamahal at pagbibigay ng sakripisyo, ibat-iba ang mundong ating ginagalawan, ang mga taong nakakapaligid satin, mga taong nakakaimpluwensya sa atin.

Source: matabangutak

Paano mag reblog ng long textposts?

Laging tatandaan na hindi picture ang textposts, kaya hindi ito basta basta nirereblog, dahil kapag mahaba ang nireblog mong textposts, ito ay magiging putol at mabibitin ang magbabasa nito.

Madalas kasi ako makakita ng mga taong nagrereblog ng mahahabang text post at kadalasan eh putol ito. Para maganda ang pagkakalagay sa mga blogs niyo ng mga nirereblog niyong text post, ito ang mga steps na gagawin niyo. Para rin sa mga bago pa sa tumblr. Ito ang instructions.

Marahil sa una eh ganito ang iyong makikita sa oras na pinindot niyo ang reblog button. Kapag pinublish mo ito, eh kung ano ang nakikita mo diyan ay ganyan na din ang kalalabasan niyan.

Kapag mag rereblog ka, at text post ang irereblog mo, meron kang makikita sa Reblog Link tapos mero nkang makikitang as…

Kapag na click mo yang as… na yan may lalabas na dalawang option diyan, kungas text… or as quote…, Tutal mahaba ang text post na nireblog mo, syempre ang pipiliin mo as text…


Kapag napindot mo na yung as text, mag loload ang tumblr mo ng ilang segundo at magiging ganito na



Kumpleto na ang makikita ng mga followers mo, buo ang text post sa blog mo, maari mo na siyang basahin at hindi na kailangan dumirekta sa blog nang pinagreblogan mo. Click mo na ang Reblog Post.
Mas mukhang kaaya aya tignan at hindi bitin basahin, sana eh na gets niyo. Sana ay nakatulong lalo na sa mga bago palang dito. Maari niyong subukan sa mga nakikita niyong mahahabang post.

Source: matabangutak

Mga uri ng blogger.

Textposts Blogger

Wala kang ibang makikita sa kanila, kundi sulat,sulat,sulat. Nakakaenjoy i follow ang mga ganitong blogger, bukod sa kanilang malalim na pag-iisip, friendly sila, tapos iba pa ang dating ng sense of humor nila, kakaiba ang aura ng mga taong ito, tila hindi maapi dahil anu mang oras, maari kang makabasa sa kanila ng matatalim na salita.

Photo Blogger

Ito naman ang blog ay puro pictures,photos, at kung ano ano pang picture, masasabi mo sa tumblr na ang bawat tao ay may kanya kanyang trip, may mga taong puro photo reblogger lang ang finofollow, dahil dito maganda tignan ang dashboard nila at puro pictures lang ito. Karamihan ng mahahakot mong followers kapag photo blogger ka ay sa ibang bansa, parang international blogger na rin ang dating mo, bakit? Dahil hindi mo na kailangan makipagusap, tipong let the picture speak for itself.

Twitter Blogger

Ito yung mga taong, single line lang mag post, tamang makapagsalita lang, parang facebook lang, pero ang maganda dito, nakakatuwa itong basahin, bukod sa maikli lang, makikita mo agad kung ano ang personalidad niya dito.

Warfreak Blogger

Ang blog niya ata ay puro haters, minsan hindi mo alam kung kausap lang ba niya talaga ang sarili niya, nag TA siya sa sarili niya para magkaroon siya ng hater, grabe naman kasi halos araw araw na lang ata may nang away na sa kanya, minsan ito rin yung taong magagaling, kaya maraming hater dahil maraming insecure sa blog niya, kung bakit siya ganun ka AWESOME.

GIF Blogger

Ang blog niya ay puro GIF. Maaring gif niya, o gif ng ibang tao, ang cute minsan bumisita sa blog na ganito, tipong gumagalaw lahat yung makikita mo, makakarelate ka sa mga post dahil sa nakikita mo ang emosyon sa mga gumagalaw na larawan.

Diary Blogger

Minsan ang sarap bumisita sa mga taong parang diary ang blog nila, parang nang iistalk ka sa buhay nila, dahil sa binabasa mo ang pangyayari sa pang araw araw na ginawa nila sa buhay nila, sila yung mga taong sulat ng sulat kahit walang follower mahalaga may online diary sila.

Formspring Blogger

Naging askbox blog na ang blog niya, puro tanong at sagot ang blog niya siguro dahil google siya o kaya naman puro anon ang nagtatanong sa kanya, siya ang google ng industriya ng tumblr.

Porn Blogger

Mahilig sila mag post ng mga taong hubad, naghahalikan, at ibat iba pa. Lahat ng pinopost nila ay tungkol sa pakikipagtalik, bawal pa ito sa mga bata, wag kang ma curious ok? Tska mo pa malalaman ang mga bagay na ito, masyado ka pang bata para sa topic na ito.

Typos Blogger

Ang ginagawa ng mga ito ay kukuha ng isang quote at ilalagay sa picture ang quote, yung ibang tao nilalagyan ito ng design, yung iba simple lang, mahalaga maging picture lang ito, yung iba naman pinapagalaw pa, anong magagawa naten? Meron silang photoshop ~*SKillxzxcz~*

Humor Blogger

Magagaling mag patawa, ang posts ay puro jokes, minsan kapag nagkwekwento siya ng personal niyang buhay matatawa ka rin, mga blog na masarap tambayan kapag malungkot ka. 

Hybrid Blogger

Kung ano lang basta ang trip, mag rereblog kapag gusto niya, mag susulat kapag gusto niya, mag mumura kapag gusto niya, mag popost ng TA kapag gusto niya, kanya kanyang trip, napag hahalo niya ang blog niya sa kung ano anong bagay, in short walang THEME, basta blog lang siya .

Personal Album Blogger

Ito yung mga blogger na kapag binuksan mo puro mukha nila ang nasa blog, may mga pictures kasama ang pamilya, ang kaibigan, ang sarili nila. Nakakatuwa rin pumunta sa mga blog nito, lalo na kung magaganda/pogi.

Source: matabangutak

Pagiging tahimik.

Sa tingin ko ito nga ang nagiging problema ng maraming tao, nananatili silang tahimik akala nila parang sugat lang ito na matutuyo at maghihilom. Hindi nila alam sa oras na handa na nilang sabihin at tuklapin ang sugat na ito, lalo silang masasaktan. Panibagong sugat na naman ang mararamdaman.

Sa tingin ko kapag may problema ka dapat sabihin mo na agad, mahirap dalhin yan araw-araw. Isa sa mga sobrang bigat sa pakiramdam niyan, lalo na sa relasyon dapat napaguusapan agad yan, o kaya naman sa hindi pagkakaintindihan niyong magkaibigan.

Hindi ko na ito hahabaan pa, nasabi ko na siguro ang dapat kong sabihin, baka gumulo pa kapag humaba. Basta yun lang, wag mong i tolerate ang sarili mo na tumahimik lang, ipaglaban mo ano ang tama. Minsan hindi mo maiiwasan na may mga taong hindi na eenjoy ang buhay dahil sa sobrang nagiging seryoso.

Live life to the fullest.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



Iba ang payo ko kay Papa Jack