Post(s) tagged with "pilosopogyno"
- May napagusapan kami ni Christian Theodore Seballos.
- Ako: Hindi tayo kilala nung babae na yun?
- Gyno: Oo nga eh, nilike ko picture niya sa instagram pero walang comment.
- Ako: Ano kaya ang buhay Internet niya na wala tayo sa Timeline niya? Ang boring ng buhay niya.
- Gyno: Nag Filipino Pose nga siya, nag reply ako ng Nice Pose ang sabi niya sakin "What pose po kuya?"
- Ako: Ang boring talaga. Anung Internet Life meron yung babae na yan. Maganda pa naman. Hahahaha!
Kanina nag uusap kami neto ni Gyno. At natuwa akong may stolen shot kami ng malalim na pag uusap. Bumukod kasi kaming dalawa eh. Haha! Ang lalim nga ng pinag uusapan namin eh. Tungkol sa mga Past Experience namin sa mga Pag-ibig. Tapos habang nakasilay kami sa lahat ng tao na nasa harap namin. Pinag uusapan namin ang mga nakaraan kuno at yung mga ka bitteran namin sa mga nakikita namin.
Tapos may part ng pag uusap namin napunta sa ganito.
Rhadson: Mahirap na kasi ngayon Gyno eh. Manhid na rin ako.
Gyno: Bakit naman?
Rhadson: Hirap na kasi humanap ngayon ng matino. Yung masasabi mong sayo lang talaga.Gyno: …
Rhadson: Kasi tignan mo mga nasa paligid mo. Yung ginagawa niya sayo. Ginagawa rin niya sa iba. Kaya bakit mo pa liligawan? Mas mabuti pang friends na lang kayo kung ang tawag niya sayo ay tinatawag niya rin sa iba. Kung yung mga lambing na nakukuha mo eh nakukuha rin ng iba. Kasi para saan pa at naging kayo diba? Kaya nga tayo nanliligaw or naghahanap ng girlfriend. Kasi gusto natin na tayo lang ang nakakagawa sa kanila nun.
Gyno: Ok yun ah, “Mas mabuti pang friends na lang kayo kung ang tawag niya sayo ay tinatawag niya rin sa iba”
Rhadson: Oh diba? Haha! Wala eh, mahirap na talaga ngayon eh. Edi ok na yung pa ganito ganito na lang rin tayo. Haha!
Gyno: Oo nga. Bakit pa nga naman diba? Haha!
At dumating si Miggy para mag-ayang kumain.
Source: matabangutak
About
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.


Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.
Iba ang payo ko kay Papa Jack





