Post(s) tagged with "personal"

Para sa pinakamasikap at mapagmahal na Ama. Happy Birthday Papa!
Gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para magpasalamat Papa sa buhay na ibinigay niyo samin ni Mama. Sa pagsisikap niyong dalawa eh naging ganito ang buhay natin. Naging isang sobrang masayang Pamilya tayo. Gusto ko pong magpasalamat dahil sa likod ng hirap na nadanas natin noong nasa maliit na bahay pa lamang tayo eh hindi kayo sumuko at ginawa kaming inspirasyon para maitaguyod ang Pamilyang meron tayo ngayon. 
Pa, sobrang salamat talaga. Napakaswerte ko na sa buhay na pinahiram satin ng Diyos eh kayo ang nakasama ko. Lumaki akong kasama kayo. Nabuhay akong kayo ang nag-aalaga sakin. Kayo ang nagmulat sakin sa mga bagay bagay. Lahat ng aral niyo sinunod ko po. Kaya eto ako ngayon isang mabuting anak.
Proud ako at kahit kanino ikwekwento ko kung paano niyo nataguyod ang buhay natin. Simula sa pag bobote, basahan  at plastic eh bakal na ang hinahawakan natin. Nakapagtaguyod ng Kumpanya na masasabi nating atin. Pa, aalagaan ko rin yung Company natin. Di ako mawawala sa tabi niyo ni Mama :).
Salamat po dahil hindi niyo ko hinahayaan nung bata na mainggit sa kalaro ko. Gumagawa kayo ng paraan para mabili ako ng laruan na gusto ko. Hanggang ngayon pa.. Salamat talaga.
Ipapangako ko pong magiging mabuting kapatid ako at sobrang mamahalin ko si Kim. Salamat din po at binigay niyo siya sa akin. 
Basta Pa, alam ng taong nakapalibot satin kung gaano ka kabait. Mas iniisip mo ang kapakanan ng ibang tao kesa sayo. Tipong bago ikaw, sila muna. Sayo ko natutunan ang lahat ng yon. Salamat talaga Papa! Mahal na mahal ko kayo.
At sa iyong dagdag edad ng pagtanda. Huwag kayong matakot tumanda. Dahil tandaan niyong andito kami ni Kim. Para alagaan kayo ni Mama palagi. Pa.. Never akong magiging sakit ng ulo sa inyo ni Mama :) Huwag kayong mag-alala at promise ko talaga na never akong magkakabisyo tulad ng alak at sigarilyo. Magiging mabuting anak po ako.
Happy Birthday ulit Pa! I love you! Mahal ka namin ni Mama at ni Kim. Vikings ha? Hahaha!! 
Masaya ako. Kasi nasaksihan ko ang hirap at ginhawa na nangyari sa Pamilya natin.

Her Name is Pom. And I can say na I’m secretly in-love with this person. Pero naparaming pumipigil sakin na sabihin yung nararamdaman na yun. Alam mo yun? Ako nang friendzone ng sarili ko. Tipong inassume ko lang na hanggang dun lang kami. Kasi kuntento na ko sa type ng bonding namin na meron kami ngayon. Natatakot akong kapag umamin ako eh mawala yung lambing namin sa isa’t-isa. Yung way namin magusap at yung approach namin sa isa’t-isa. Ayaw ko sa lahat eh mawala pa yung natitirang taong may nilolookforward ako.

Yung kahit walang label.. Masaya na ako. Kasi napapasaya niya ako. Kasi sabi niya rin sakin na gusto niya masaya ako. Hindi ko nga alam paano kami nag umpisa eh. Basta ang kulet lang ng mga nangyari. Matagal na rin kaming magkakilala. 2 Years na. Inabutan ko na nga pag ikli ng buhok niya eh. Haha!

Ewan ko ba, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa taong yan. Pero yun nga, minsan na ring pumasok sa isip ko na sabihin ko kaya sa kanya? Kasi baka pagsisihan ko sa huli na hindi ko sinabi. Pero ilang beses na kasi akong nasaktan eh. Parang hindi na ko handang masaktan ulit. Parang natakot na ko sa posibleng mangyari sakin kapag sa kanya nangyari yung mga bagay na ayaw kong mangyari

Lahat kasi ng qualities na gusto ko nasa kanya. Short Hair, Mas maliit sakin, Boyish, magaling kumanta, mahilig tumawa etc.

Siguro.. Time will come na masasabi ko rin. Kapag stable na ang buhay ko, kapag fully recovered na ko sa lahat ng nangyari sa nakaraan. Kapag kaya ko na siyang puntahan ng sarili kong sasakyan sa Pampanga. Kapag pwede kong ipagmalaki sa magulang niya na kaya ko na siyang buhayin. Kapag masaya na ako.

It sounds stupid but.. Magka bf man siya ngayon? Wala.. Tatanggapin ko.. Naniniwala ako na kung kami kami, at gagawa ng way si God samin. I will take the opportunity at di na sasayangin pa yun. Still, kung mag away man sila. I can be her crying shoulder. Byabyahe agad ako ng Pampanga for her.

For me, siya yung babaeng worth waiting for. At pinagpaalam ko na rin siya sa babaeng sobra ko ring minahal pero di kami pwede due to “religion” issues. Thank you din sayo. Kilala mo na kung sino ka :)

Edad lang nabago samin. Eto ang pinaka recent picture naming magkapatid. Haha! Naalala ko umiiyak pa to si Kim dati kapag umiiyak ako dahil kinurot niya ako. Para kaming aso at pusa nung bata. Talagang away kung away. Pero syempre, hindi naman mawawala sa buhay ng magkapatid yun eh.

At ngayong nagka-isip na kami. Aba, syempre para siyang Prinsesa at ako naman ang kawal niya. Ako nag kawal na magliligtas palagi sa kapatid ko. Nag-aalala ako dito kapag hindi pa nakakauwi. Syempre sa Maynila pa eskwelahan nito eh. So ako tong si Kuya na napaparanoid dahil alam ko ang buhay sa Maynila.

Basta, ang hangad ko lang sa kapatid ko eh kasiyahan. Suportado ko lahat siya sa gusto niya. Dahil dumaan din ako sa edad niya. Basta, I’m always here for her :) I really love my kapatid. Gusto kong pasalamatan si God dahil si Kim ang binigay saking regalo. Nung sinabi ko nung bata akong gusto ko ng kapatid :)

Dahil ito lang ang litrato naming magandang dalawa. Ewan ko, dahil Valentines Day na. Ito ang babaeng masasabi kong sobrang totoo sakin. Dito ko naramdaman sa babaeng to kung paano magmahal ng sobra. Pero magkaibigan kami ngayon. Di na namin tinuloy kung ano yung balak dati dahil unang una magkaiba kami ng Religion. Huwag niyo sabihing kaya namin.. Dahil hindi namin talaga kaya. Sabi nga eh magmahal ka ng taong same ng belief sayo.
Sa buong buhay ko. Sa kanya lang ako nanghinayang. Alam mo yun, pwede eh! Pero bawal! Gets? Ewan ko, gusto ko lang ulit siya i appreciate. Sobrang mahal ko tong babaeng to eh. Kahit na sa kaibigan na lang. Kumbaga siya yung Number 1 sa lahat. 
Palagi kong iniisip tong babaeng to. Kung kamusta kaya siya sa Work niya sa Hongkong. Kung umiiyak ba siya ulit bigla. Kung may nang-aaway ba sa kanya. Ewan ko, basta namimiss ko siya. Hindi ko expected na nagsusulat ako ng pasasalamat sa kanya. Tinanong ko kasi sarili ko kanina. Kung kanino ko naramdaman yung as in pagmamahal. Yung unconditional love.. Siya unang pumasok sa isip ko.
Uhm. Klai. Hindi man natuloy yung balak ko dati. Andito lang ako palagi bilang kaibigan mo ok? Wala eh, hanggang dun na lang ang kaya natin. Naka destined tayong ganun. Diba? Maniniwala lang tayo kay God? Na siguro mas maganda yung plano niyang ganito satin.
Basta, ingat ka ha? Love kita palagi!
Andito lang si Kuya Rhads mo :) Handang payuhan ka. At kapag kailangan mo ng kausap. Andito lang palagi ako.
Happy Valentines Day sayo. Say Hello kay Mama ok? Miss ko na kayo. Haha! Putek. Naluha ako :)

Paano nagsimula si Matabangutak?
Nabuhay ang URL na matabangutak noong December 23, 2010
Dati nung nag umpisa ako dito sa Tumblr. As in kinakapa ko paano mag uumpisa dito as in sobra kong natatanga dahil hindi ako marunong mag ayos ng blog noon. Nag umpisa pa nga theme ko sa madilim na theme, tapos theme na may dugo dugo at ang blog ko ay nagkaroon din ng maingay na background music dati. At isa pa eh  ung paano isusulat ang unang post. Kung ano ba ang catchy na URL para kapag finollow ko yung tao eh ma cucurious din sila sa URL ko. Maaring swerte rin siguro ako sa URL. Dahil matagal pa bago ko napatunayan na kahit papano eh hilig ko ang pagsusulat. Natataon din na bigla akong napopromote dahil sa mga screenshots ng mga finofollow ko. Parang na cucurious sila na “Wow, matabangutak. Mukhang ok ang blog nito.” 
Dati sobrang O.C ko sa Blog. Tipong kailangan text posts lang lahat. Lalo na yung first page. Kasi inassume ko na ang tao kapag nag check ng blog eh first page lang ang tinitignan. So kapag kumakausap ako dati ng mga taong finofollow ko eh andun na rin yung umaasang ifofollow nila ako. 
Hindi kasi uso ang Answer Privately dati. So makikita at makikita nila yung mga isinusulat ko dito. First time akong natuwa eh meron akong 40 na followers tapos nagulat ako nag post ako at umabot bigla ng 100+ notes. May natuwang famous ata hindi ko na maalala kung sino nag reblog nung post na yun. It’s either Katrina Rose or nung time na na promote ako ni Kristelle a.k.a strawberytelle. 
Sulat lang ako ng sulat dati. As in walang tigil na sulat. Yung time din kasi na yun eh sobrang broken hearted ako. So nagkataon na puro kadramahan sa Love at nagkataon na marami ring broken hearted non. Kaya siguro nakarelate sila kaya ayun nareblog nila ang ilan sa mga post ko. At kinatuwa ko naman yun, sabi ko sa sarili ko may napapala yung kadramahan ko at the same time nailalabas ko sama ng loob ko.
Kapag nag popost ako, palagi kong nilalagyan ng tags. Like thoughts, rants, one liner, love, joke, quotes. Para kung sakaling may mag search sa internet ng quotes eh malaki ang chance na mabisita nila ang blog ko.
Nagumpisa din ako na puro One Liner. As in puro ganun lang. Kung ano maisip ko ilalagay ko. Akala nung tao sobrang seryoso ako dahil hindi pa ko nagpapakita nun at Utak na may mata lang ang picture ko nun. Balak ko nga sana maging ganun tipong Anonymous Blogger. Tipong Bob Ong sana ang gusto ko, yung walang mukha, yung basta alam ng tao nagsusulat lang. Kaso may mga meetups pala dito. Kaya hindi ko na pinush yung pagiging mysterious blogger.
Ayun lang, til ngayon ganun lang din ang ginagawa ko. Sulat lang ng sulat. Tumblr Ask ng Tumblr Ask sa mga taong nagtatanong. Minsan nagtatanong din ako. Ginagandahan ko yung tanong ko dun sa taong pagtatanungan ko para may Chance akong ma promote sa Followers niya dahil maganda ang tanong ko. Nasa followers na lang niya yun kung ma cucurious sila tignan blog ko.
Ganun naman talaga sa umpisa eh. Hahanap ka muna ng mga taong babasa. Tapos kapag nakaipon ka na. Tska ka magsusulat ng marami para sa sarili mo at para na rin sa kanila.
Masaya ko. Hanggang ngayon tinatangkilik niyo ang Blog na ito. Never ko inasahan na aabot sa ganito ang Blog ko. Salamat sa mga naging kaibigan, sa mga naging ka close. Sa mga taong naka relasyon ko dito na mga nawala na rin dahil sa hindi pagkakaintindihan. Salamat rin sa inyo dahil kung hindi nangyari yun eh wala tayong matutunan. Salamat dahil naging parte ako ng buhay niyo.
Basta, yun ang halos naging kwento ko dito sa Tumblr. Never ako nagpa promote, never ko hinangad na magkaroon ng maraming Followers na ginagawang Big Deal ng karamihan. Masasabi kong nagpakatotoo lang ako at hindi tinalikuran ang lupang aking unang tinapakan.
Salamat ulit! Mahal ko kayo :)

Sa wakas! Na process na ung order ko at tuwang tuwa ako sa Customized Casing at Interchangeable design Idea ni Miss A. Nakakatuwa! Haha! Promote ko Instagram niya dito dahil dun lang siya available at makikita. Excited na ko makuha to bukas or sa isang araw sana mabilis lang pagpapa LBC.instagram.com/big_a_shopFollow niyo siya dun para makita niyo paano umorder at yung ibang mga existing designs pa. Sasabihin niya paano.What do you think of my design guys? Yehey! Tuwang tuwa ako yung nakita ko yung matabangutak na design na gawa pa sakin ni Vinquilop.. Tska lahat pala! HAHAHA

Sa wakas! Na process na ung order ko at tuwang tuwa ako sa Customized Casing at Interchangeable design Idea ni Miss A. Nakakatuwa! Haha! Promote ko Instagram niya dito dahil dun lang siya available at makikita. Excited na ko makuha to bukas or sa isang araw sana mabilis lang pagpapa LBC.

instagram.com/big_a_shop

Follow niyo siya dun para makita niyo paano umorder at yung ibang mga existing designs pa. Sasabihin niya paano.

What do you think of my design guys? Yehey! Tuwang tuwa ako yung nakita ko yung matabangutak na design na gawa pa sakin ni Vinquilop.. Tska lahat pala! HAHAHA

Source: matabangutak

https://twitter.com/matabangutak

https://twitter.com/matabangutak

Source: matabangutak

Finally downloaded and installed new Picture Styles for my Canon EOS 7D.

Yehey! Maraming salamat nga pala sa mga tumulong mag Decide kung S3, Iphone5 or Note 2. At di ako nagsisi dito sa Note 2. After ko rin manuod ng mahigit 30+ Youtube Comparisons eh Note 2 ang hilig ng karamihan. Salamat kay Mama at Papa. Sobrang saya ko. At sa wakas makakatulog na ko ng ayos dahil katabi ko na matulog. Kita niyo yung SPECS? Ganyan ka halimaw yan :)) Quadcore sa Cellphone? Imba. Haha!Punta agad ako mall. Papalagyan ko Screen Protector at bibili ng Casing. Nyahah! Ang SAYA KO!!

Yehey! Maraming salamat nga pala sa mga tumulong mag Decide kung S3, Iphone5 or Note 2. At di ako nagsisi dito sa Note 2. After ko rin manuod ng mahigit 30+ Youtube Comparisons eh Note 2 ang hilig ng karamihan. Salamat kay Mama at Papa. Sobrang saya ko. At sa wakas makakatulog na ko ng ayos dahil katabi ko na matulog. Kita niyo yung SPECS? Ganyan ka halimaw yan :)) Quadcore sa Cellphone? Imba. Haha!

Punta agad ako mall. Papalagyan ko Screen Protector at bibili ng Casing. Nyahah! Ang SAYA KO!!

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack