Post(s) tagged with "payo"

Para sa mga taong palagi na lang nasasaktan.

Sa likod ng mga nangyari sakin.. Ayun, natuto na lang akong maghintay. Mahirap pala talaga kapag minamadali mo ang mga bagay na hindi dapat madaliin. Dapat palang hihintayin na lang biglang maramdaman. Kapag kasi naghahanap tayo, madalas akala natin yun na. Paano kasi naghahanap tayo ng isang taong hindi naman natin kilala, kumbaga sa isang Adventure nag travel ka ng walang Mapa. Sa isang gera sumugod ka na wala namang misyon. Parang sa paghahanap din ng pagmamahal madalas tayong maghanap na hindi naman alam kung ano ba talaga ang gusto natin. Madalas sinasabi ng tao na kahit walang itsura, basta mahal sila. Syempre, aasa yung mga taong yun sayo. Sasabihin mong naghahanap ka ng pagmamahal pero nung dumating tinaboy mo dahil hindi mo gusto. Yun ang point ko. Hindi mo kasi alam kung ano ang talaga ang gusto mo. Inlove ka sa feeling ng “InLove.”

Time will come na maiintindihan din natin na bakit patuloy tayong nasasaktan. Kapag masyado kang nabibilisan sa nararamdaman mo. Dapat palagi mong tinatanong ang sarili mo kung Infatuation lang ba yan? o kaya naman baka Attracted ka lang? Or akala mo madalas love. Tapos kapag may nakita ka na namang bago Love na naman?

Di dapat ganun. Sa tingin ko, masyado mong pinipressure ang sarili mo maghanap ng taong mamahalin. Sabi nga ng isang taong bumasted sakin. “There’s more to life than love.” Na akala ko love na rin dati. Pero ano nangyari? Lumipas ang araw, natanggap kong wala siya. Na akala ko Love yung naramdaman ko sa kanya. Tapos yun, tama nga ako. Attracted lang pala ako sa kanya. Ganun dapat, huwag ka kakapit sa taong hindi ka handang hawakan. Pinaglalaban mo ang isang taong hindi alam na siya yung pinaglalaban mo. Kung ayaw niya sayo, walang pakialam sa nararamdaman mo yan. Tandaan mo yan.

Oras na para pagbigyan ngumiti ang sarili mo kaibigan.

Source: matabangutak

Kapag gusto mo maging masaya at pakiramdam mo eh ayaw ng tao ito para sa iyo. Huwag mo silang pansinin. Gawin mo ang gusto mo. Mabuhay ka sa buhay na ibinigay sayo. Dapat palagi mong iniisip na may gawin ka man o wala sa tao. Patuloy itong may sasabihin sayo. Huwag mo silang hayaan na diktahan kung ano ang dapat sayo.
Madalas kasi ang tao ang palaging iniintindi eh pasayahin ang karamihan. Pero yung sarili niya eh hindi niya mapasaya. Wala naman silang magagawa sa gusto mong gawin eh. Hangga’t masaya ka at wala kang ginagawang masama? Bakit mo iisipin ang opinyon ng iba? Eh may buhay din naman silang kanila.
Kaya gawin mo ang lahat ng gusto mo. Kapag may mahal ka? Ipaglaban mo hanggang sa makakaya mo. Hanggat di ka nagiging tanga edi go. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Ayan kasi ang naiisip mo na magpapasaya sayo eh. Yung siya ang makakasama mo sa buhay mo. Pero kapag wala na ng pag-asa. Edi hanap bago. Happiness is a choice. Hindi ka palaging malungkot. Kaya tayo nalulungkot dahil iniisip natin yung kasiyahan ng iba. At nakakalimutan natin na pwede namang pasayahin ang sarili na wala ang opinyon ng ibang tao. Hangga’t di ka nagiging makasarili. GO LANG ng GO!

Ayaw ko sayo. NO!

Diretsuhin mo na lang yung mga taong hindi mo gusto at iniirita ang araw mo. Payo ko sa mga babaeng gusto munang manahimik sa buhay, para mawala na yang mga admirers na puro pambobola lang naman ang ginagawa at binabalak kayong gawing porselana dahil ibabalandra nila sa MALL ang inyong ganda.

May mga tao kasing maprepresko at sasabihin lahat ng mabubulaklak na bagay sayo, kaso madaling malanta yung mga salitang iyon. Diretsuhin mo, mahirap kapag ikaw anag naloko, ikaw ang napabilang at napasama para makumpleto ang kalendaryo niya ng babae na isusunod sayo.

Hindi mo naman kailangan ng taong mamahalin pangsamantala kung may kaibigan ka naman na laging nandiyan sayo para mahalin ka at mapasaya. Maraming taon, maraming araw, pakasaya ka muna sa buhay mong yan.

Ganito ang sabihin mo

Kesa sa umasa ka at ibigay ang lahat ng effort mo sakin, ngayon palang sinasabi ko sayo na wala kang pag-asa, yes as in walang pag-asa. Ibigay mo ang effort na yan sa iba, kung gusto mo bumili ka ng efflen para landingan ang effort mo. Huwag ako, hindi ako ang para sayo, para sa ibang babae ka. Hindi ako ang tipo mo. Maniwala ka sakin. Kesa sa umasa at masaktan ka sa huli, sinasabi ko na sayo ito. Hindi talaga tayo.

O diba? Parang movie line lang. Ganyan lang naman kung talagang iritang irita ka na eh. 

Mahahalata mo naman sa isang tao kung gusto ka niya talaga, yung hindi yung taong sobrang agresibo, yung lalakeng rerespeto ng pagkababae mo, at yung lalakeng rerespeto din ng privacy mo sa buhay. Yung lalakeng marunong mag hintay. Sa tingin ko yun ang para sayo :)

Ang hirap kapag nasanay na maging Single yung isang taong papasok sa relasyon.

Alam mo yung pakiramdam na dati sobrang hawak mo ang oras mo, yung pakiramdam na baka manibago ka kasi may tao ng maghahanap or magdedeman ng oras sayo. Ito ang ayaw maramdaman ng mga taong single eh, yung na enjoy nila ng husto yung single life nila kaya yung pumasok na sila sa relasyon eh ramdam nila nasasakal sila kahit hindi naman.

Eh masisisi mo ba yung mga single? eh syempre gagawa at gagawa ng paraan yan para sumaya, tipong stay put lang sila sa buhay habang nag-aabang ng taong magmamahal sa kanila.

Dati nakakapagpuyat ka, ngayong papasok ka sa relasyon asahan mong may susuyuin ka na kapag nagpuyat ka pa. Kasi magagalit yan at mahuhuli na hindi ka pa pala natutulog. Mapwepwersa kang sumunod dahil takot kang mawala siya sayo. 

Basta, sobrang life changing ang magkaroon ng relasyon, lalo na kung sa sarili mo eh gusto mo na talagang i commit na “siya na talaga”. So magpapakaloyal ka, maraming mababago sa daily routines mo. Hahawakan mo na ulit cellphone mo, magpapaload ka na ulet, may kausap ka na lagi sa telepono. Hindi na uubra yung aalis ka na hindi magpapaalam. Kailangan muna lagi sasabihin mo sa karelasyon mo mga lakad mo.

Basta, kaya dapat nag-iisip isip ka. Once na pumasok ka sa relasyon, ilan yan sa mga dapat tatandaan mo.

Yung “Excitement Factor” kapag gigising ka sa Umaga.

Alam mo yun? Madalas mong hanapin yung excitement ng buhay mo. O kaya naman excitement na gumising sa umaga, yung umaga na i lolook forward mo talaga kasi parang may mangyayaring maganda na hindi mo malaman. Alam mo yun? Yung nawala na sayo yung anu mang kilig factor, yung hindi mo na alam ang gagawin mo sa buhay mong mag-isa. Oo andyan ang magulang at kapatid mo para magmahal sayo. Given the fact na yun eh, kumbaga obligasyon ka nilang mahalin kasi pamilya ka nila at binuhay ka nila sa mundong ibabaw.

Pero hellyeah naman kasi yung gusto natin diba? Yung gusto natin yung taong aangkinin talaga natin. Yung taong ipagmamalaki natin sa maraming tao na hawak mo ang kamay niya at kulang na lang eh ipagsigawan mong nagmamahalan kayong dalawa. Pero madalas kang mahiya diba? Eh si John Lloyd lang ata ang madalas gumawa nun. Paano naman kasi scripted.. Pati yung mga taong nasa paligid.. Hindi tulad sa tunay na buhay.. Huhusgahan ka, madalas sasabihin pa ng tao sayo eh “ay ang baduy naman nun!”.

Gets niyo ba yung point ? Yung excitement? Yung spark na hinahanap mo madalas sa sarili mo o kaya naman sa ibang tao. Ang panget gumising sa umaga na ang tanging alam mo eh papasok ka lang sa eskwelahan.. Mahirap mag-aral ng walang inspirasyon.

Nakakamiss maging lutang ang isip mo kakaisip sa kanya. Bakit kaya nawala na yun? Sayo ba? Nawala rin ba? Hinahanap mo rin ba? O patuloy na naghihintay na lang? Kasi umaasa kang darating din ang taong magmamahal sayo ng buo. Minsan iiyak ka na lang sa kwarto no? Kasi nga nahihirapan ka na.. Ang bigat sa loob at dyahe sa pakiramdam yun. 

Hell yeah na. Fuck yeah pa. Asteeg.

Kapag antok ka sa klase.

1.Maaring nakakaantok magturo ang professor. - dahil sa style niya ng pagtuturo, marahil napaka oldies ng pagtuturo niya, maaring puro pareport ang ginagawa niya, pwede rin namang nakaantok ang boses niya, posible rin pumasok  dito ang aura niya bilang professor na nakaantok talaga, pwede rin sa sobrang tahimik ng klase. Maraming paraan para antukin.

2. Hindi ka interisado sa subject. - Isa pa itong problema, minsan hindi ka interisado, madalas mong isipin  kailangan ba to sa trabaho ko sa dadating na panahon? Marami kaya akong mapapala kapag sineryoso ko to? Masyado na kasing naka mindset sayo yung salitang, MINOR lang naman yan eh, pwes kung baguhan ka palang tandaan mo na mas maarte pa ang MINOR na subjects na yan.

3. Napuyat dahil sa TV - Dahil mahilig kang manuod ng TV simula alas siyete eh nakaupo ka na dahil nanunuod ka ng Telenovela sa Kapamilya Network o kaya naman ng mga palabas sa Kapuso at Kapatid Network, dahil inaabangan mo ang mga singkit na tao na lumabas sa telebisyon, handa ka na ulit para kiligin at makipagkwentuhan sa mga kaklase mo kinabukasan, yun nga lang ang problema antok ka sa klase.

4. Maraming Projects, Assignment, Reports, Plates, Powerpoint Presentation, Thesis - Hell ang highschool? Inferno naman ang college kapag dumating ka na sa punto ng nagsabay sabay ang professors mo nagbigay ng reports, quizzes at dahil diyan kailangan mo pang mag review, pero ano ginagawa mo? Minsan hindi mo maalis ang computer sa sarili mo, mag cocomputer ka ng ilang oras tapos hindi mo pa pala natatapos yung ginagawa mo. Kailangan mo pang pagandahin ang powerpoint presentation mo dahil sa i dedefend mo ang thesis mo. Isama mo pa ang mga walang sawang professor na nagpapa Assignment ng isang buong Chapter. Cool! makiki RAKENROL na lang ako kay KikoMachine.

5. Ikaw ang may kasalanan. - Bakit ikaw ang may kasalanan? Papaano pinuyat mo ang sarili mo para makipag i love youhan sa karelasyon mo, makipagkiligan at makipagpalitan ng cheesy lines sa crush mo, o kaya naman computer ka ng computer, o sige idamay mo ang tumblr, isama mo na ang facebook at ibat-iba pang social networking sites na masisisi mo. Isa sa mga dahilan bakit ka inaantok dahil kulang ka sa tulog. Kulang ka sa disiplina sa sarili mo, umpisahan mong matulog ng maaga, kapag pinipigilan ka ng mapanuksong aura ng computer, i shutdown mo ito, edi tapos, patay ang computer, makakatulog ka na ng maayos, YEHEY! Palakpakan.

Maaring kaya mong magising, ang tanong dito kaya mo bang i kunin lahat ng impormasyon na maaring ituro sayo ng guro habang antok ka sa loob ng klase? Sa tingin ko hindi.. 

Piliin mo kung saan kayo magtatagal.

- Rhadson Mendoza (via ninyaholic)

Nasaktan ka dahil nagmahal ka? Hayaan mo! Malayo sa Bituka yan :)

Ilang beses na nga kaya natin nababasa ang salitang ” Assume, Masakit, Move-on, Kalimutan, at higit sa lahat ang salitang Mahal kita at Di kita Iiwan? ” Ang daming beses na siguro, sa dami eh wala ka na talagang ideya kung ilang beses ng nasulyapan sa Internet. Kadalasan yun ang laman ng status ng mga kabataan, mga madalas itanong, mga madalas sagutin. 

Pero mas napapansin ko ang maraming beses mong mababasa eh ang salitang “Move-on”. Nakakatuwa na ang mga kabataan eh nagmamahal at nasasaktan. Pero tinatanong nila ang salitang “Paano mag move on?” Isang pahiwatig na gusto na nilang bumangon ulit, bumangon na isang taong nasaktan na may natutunan. Ibig sabihin lang eh gusto nila mag umpisa muli. 

Ganyan lang yan. Hayaan mong magmahal ng magmahal at masaktan ang sarili mo. In the future, di mo na mararamdaman yan. Isa yan sa mga mararanasan mo talaga sa edad na yan eh. In the future, magkakaroon ka na rin ng pamilya at masisigla at mga bibong anak. Yun na lang ang proproblemahin mo at kung paano bubuhayin ang pamilyang ito.

Kaya kung ano man ang lahat ng nararanasan mo? Go lang!! Kasama sa paglaki yan :) Tandaan mo na lang na nasaktan ka man dahil nagmahal ka. Ang mahalaga malayo sa bituka yan :)

LOVE LETTER
Alala ko pa dati, tinatago mga love letters para hindi makita ng magulang. Ngayon, ang Love letter nasa inbox na lang ng cellphone, o kaya nasa message sa facebook or tumblr ask sa tumblr.
Maraming pinagsusulatan ng Love Letters dati eh, sa 1/4 na papel, sa Intermediate Pad, sa Likod ng Notebook, o kaya naman sa Stationery na scented pa minsan. Dati kapag panget ang sulat, naghahanap ka ng kaibigan mo o kaya ng kaklase mo na maganda mag sulat. Tapos dinidectate mo yung gusto mong sabihin at isusulat na ito ng kaibigan mo.
Alala ko rin dati kung gaano kahirap mag construct ng Love Letter. Hindi mo kasi alam paano uumpisahan. Tska sa murang edad eh talagang kahit ano na lang ang maisulat mo maiparating mo lang na gusto mo siya. Ang love nga naman talaga eh walang pinipiling edad. Mapa puppy love man yan, mapa unconditional love, kapag naramdaman mo yang crush crush o love love na yan eh talagang mapapa isip ka ng mga bagay para ma appreciate ng tao na gusto mo siya.
Naalala ko to nung Highschool at Elementary, talagang effort kung effort mag sulat ng mga Love Letter dahil nga sa wala pa namang cellphone nun at walang murang cellphone noon. Kaya ang pagpapahiwatig ng nararamdaman sa taong “crush mo” or maari nating sabihin na “Puppy Love” eh nakakakilig naman talaga. Tipong hihintayin mo yung susunod na Love Letter na matatanggap mo sa taong pinagbigyan mo. 
Minsan nga sa Intermediate o kaya naman sa Scratch Paper, tatawagin ka sa labas ng Classroom tapos naka lukot yung love letter o kaya naman nakatupi na galing pa sa crush mo yun ha? Tapos kapag binasa mo eh kung ano mang nakalagay dun eh talagang napapangiti ka talaga.
Kaya iba kapag maganda ang sulat ng crush mo eh, nakaka inlove lalo. Ang sarap i display sa kwarto kung legal lang mag display sa magulang dahil nga bata pa. Kung pwede lang ipagsigawan dati yun, ang sarap sana i share sa mga tao na may natatanggap kang Love Letter.

LOVE LETTER

Alala ko pa dati, tinatago mga love letters para hindi makita ng magulang. Ngayon, ang Love letter nasa inbox na lang ng cellphone, o kaya nasa message sa facebook or tumblr ask sa tumblr.

Maraming pinagsusulatan ng Love Letters dati eh, sa 1/4 na papel, sa Intermediate Pad, sa Likod ng Notebook, o kaya naman sa Stationery na scented pa minsan. Dati kapag panget ang sulat, naghahanap ka ng kaibigan mo o kaya ng kaklase mo na maganda mag sulat. Tapos dinidectate mo yung gusto mong sabihin at isusulat na ito ng kaibigan mo.

Alala ko rin dati kung gaano kahirap mag construct ng Love Letter. Hindi mo kasi alam paano uumpisahan. Tska sa murang edad eh talagang kahit ano na lang ang maisulat mo maiparating mo lang na gusto mo siya. Ang love nga naman talaga eh walang pinipiling edad. Mapa puppy love man yan, mapa unconditional love, kapag naramdaman mo yang crush crush o love love na yan eh talagang mapapa isip ka ng mga bagay para ma appreciate ng tao na gusto mo siya.

Naalala ko to nung Highschool at Elementary, talagang effort kung effort mag sulat ng mga Love Letter dahil nga sa wala pa namang cellphone nun at walang murang cellphone noon. Kaya ang pagpapahiwatig ng nararamdaman sa taong “crush mo” or maari nating sabihin na “Puppy Love” eh nakakakilig naman talaga. Tipong hihintayin mo yung susunod na Love Letter na matatanggap mo sa taong pinagbigyan mo. 

Minsan nga sa Intermediate o kaya naman sa Scratch Paper, tatawagin ka sa labas ng Classroom tapos naka lukot yung love letter o kaya naman nakatupi na galing pa sa crush mo yun ha? Tapos kapag binasa mo eh kung ano mang nakalagay dun eh talagang napapangiti ka talaga.

Kaya iba kapag maganda ang sulat ng crush mo eh, nakaka inlove lalo. Ang sarap i display sa kwarto kung legal lang mag display sa magulang dahil nga bata pa. Kung pwede lang ipagsigawan dati yun, ang sarap sana i share sa mga tao na may natatanggap kang Love Letter.

Source: matabangutak

Yung “Excitement Factor” kapag gigising ka sa Umaga.

Alam mo yun? Madalas mong hanapin yung excitement ng buhay mo. O kaya naman excitement na gumising sa umaga, yung umaga na i lolook forward mo talaga kasi parang may mangyayaring maganda na hindi mo malaman. Alam mo yun? Yung nawala na sayo yung anu mang kilig factor, yung hindi mo na alam ang gagawin mo sa buhay mong mag-isa. Oo andyan ang magulang at kapatid mo para magmahal sayo. Given the fact na yun eh, kumbaga obligasyon ka nilang mahalin kasi pamilya ka nila at binuhay ka nila sa mundong ibabaw.

Pero hellyeah naman kasi yung gusto natin diba? Yung gusto natin yung taong aangkinin talaga natin. Yung taong ipagmamalaki natin sa maraming tao na hawak mo ang kamay niya at kulang na lang eh ipagsigawan mong nagmamahalan kayong dalawa. Pero madalas kang mahiya diba? Eh si John Lloyd lang ata ang madalas gumawa nun. Paano naman kasi scripted.. Pati yung mga taong nasa paligid.. Hindi tulad sa tunay na buhay.. Huhusgahan ka, madalas sasabihin pa ng tao sayo eh “ay ang baduy naman nun!”.

Gets niyo ba yung point ? Yung excitement? Yung spark na hinahanap mo madalas sa sarili mo o kaya naman sa ibang tao. Ang panget gumising sa umaga na ang tanging alam mo eh papasok ka lang sa eskwelahan.. Mahirap mag-aral ng walang inspirasyon.

Nakakamiss maging lutang ang isip mo kakaisip sa kanya. Bakit kaya nawala na yun? Sayo ba? Nawala rin ba? Hinahanap mo rin ba? O patuloy na naghihintay na lang? Kasi umaasa kang darating din ang taong magmamahal sayo ng buo. Minsan iiyak ka na lang sa kwarto no? Kasi nga nahihirapan ka na.. Ang bigat sa loob at dyahe sa pakiramdam yun. 

Hell yeah na. Fuck yeah pa. Asteeg.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack