Paano nagsimula si Matabangutak?
Nabuhay ang URL na matabangutak noong December 23, 2010
Dati nung nag umpisa ako dito sa Tumblr. As in kinakapa ko paano mag uumpisa dito as in sobra kong natatanga dahil hindi ako marunong mag ayos ng blog noon. Nag umpisa pa nga theme ko sa madilim na theme, tapos theme na may dugo dugo at ang blog ko ay nagkaroon din ng maingay na background music dati. At isa pa eh ung paano isusulat ang unang post. Kung ano ba ang catchy na URL para kapag finollow ko yung tao eh ma cucurious din sila sa URL ko. Maaring swerte rin siguro ako sa URL. Dahil matagal pa bago ko napatunayan na kahit papano eh hilig ko ang pagsusulat. Natataon din na bigla akong napopromote dahil sa mga screenshots ng mga finofollow ko. Parang na cucurious sila na “Wow, matabangutak. Mukhang ok ang blog nito.”
Dati sobrang O.C ko sa Blog. Tipong kailangan text posts lang lahat. Lalo na yung first page. Kasi inassume ko na ang tao kapag nag check ng blog eh first page lang ang tinitignan. So kapag kumakausap ako dati ng mga taong finofollow ko eh andun na rin yung umaasang ifofollow nila ako.
Hindi kasi uso ang Answer Privately dati. So makikita at makikita nila yung mga isinusulat ko dito. First time akong natuwa eh meron akong 40 na followers tapos nagulat ako nag post ako at umabot bigla ng 100+ notes. May natuwang famous ata hindi ko na maalala kung sino nag reblog nung post na yun. It’s either Katrina Rose or nung time na na promote ako ni Kristelle a.k.a strawberytelle.
Sulat lang ako ng sulat dati. As in walang tigil na sulat. Yung time din kasi na yun eh sobrang broken hearted ako. So nagkataon na puro kadramahan sa Love at nagkataon na marami ring broken hearted non. Kaya siguro nakarelate sila kaya ayun nareblog nila ang ilan sa mga post ko. At kinatuwa ko naman yun, sabi ko sa sarili ko may napapala yung kadramahan ko at the same time nailalabas ko sama ng loob ko.
Kapag nag popost ako, palagi kong nilalagyan ng tags. Like thoughts, rants, one liner, love, joke, quotes. Para kung sakaling may mag search sa internet ng quotes eh malaki ang chance na mabisita nila ang blog ko.
Nagumpisa din ako na puro One Liner. As in puro ganun lang. Kung ano maisip ko ilalagay ko. Akala nung tao sobrang seryoso ako dahil hindi pa ko nagpapakita nun at Utak na may mata lang ang picture ko nun. Balak ko nga sana maging ganun tipong Anonymous Blogger. Tipong Bob Ong sana ang gusto ko, yung walang mukha, yung basta alam ng tao nagsusulat lang. Kaso may mga meetups pala dito. Kaya hindi ko na pinush yung pagiging mysterious blogger.
Ayun lang, til ngayon ganun lang din ang ginagawa ko. Sulat lang ng sulat. Tumblr Ask ng Tumblr Ask sa mga taong nagtatanong. Minsan nagtatanong din ako. Ginagandahan ko yung tanong ko dun sa taong pagtatanungan ko para may Chance akong ma promote sa Followers niya dahil maganda ang tanong ko. Nasa followers na lang niya yun kung ma cucurious sila tignan blog ko.
Ganun naman talaga sa umpisa eh. Hahanap ka muna ng mga taong babasa. Tapos kapag nakaipon ka na. Tska ka magsusulat ng marami para sa sarili mo at para na rin sa kanila.
Masaya ko. Hanggang ngayon tinatangkilik niyo ang Blog na ito. Never ko inasahan na aabot sa ganito ang Blog ko. Salamat sa mga naging kaibigan, sa mga naging ka close. Sa mga taong naka relasyon ko dito na mga nawala na rin dahil sa hindi pagkakaintindihan. Salamat rin sa inyo dahil kung hindi nangyari yun eh wala tayong matutunan. Salamat dahil naging parte ako ng buhay niyo.
Basta, yun ang halos naging kwento ko dito sa Tumblr. Never ako nagpa promote, never ko hinangad na magkaroon ng maraming Followers na ginagawang Big Deal ng karamihan. Masasabi kong nagpakatotoo lang ako at hindi tinalikuran ang lupang aking unang tinapakan.
Salamat ulit! Mahal ko kayo :)