Dota 2 New User Interface and New Hero Picker and Ogre Magi Release.
Hello ulit at narito na ulit tayo sa Matabangutak Game Blog! Haha!
Ahm bali papakita ko lang yung bago sa Dota 2 at yung Hero Picker nila sa mga nakakapaglaro na rin na ilang tumblrista dito. Baka isama ko na rin yung laro bago ko mabuo ang set of screenshots dito. So eto yung bagong Hero na inilabas si Dota 2. Si Ogre Magi, siya yung Melee Type na Hero na Int Type, malakas rin to, kaso aasa ka sa tsamba. Dahil sa Multicast niya na sa chance lang bumabase. Pero malakas yung Fireblast niya dahil sa ito ay may Stun. So ok siyang support at ganker type na hero.

So ito yung bagong User Interface ng Dota 2. Masasabi kong mas okay siya pero kumplikado ng onti, normal lang naman siguro maging kumplikado dahil bago pa lang at masasanay rin dito pag nagtagal.

Tapos eto naman kapag nakita mo na yung Matchmaking mo.

Tapos eto naman yung bagong HERO PICKER na sinasabi nila. Kung nalaro mo na ang larong League of Legends masasabi mong medyo kinuha ang tema dahil ito ay parang ginawang Card System. Binisita ko ang Forums at ayaw ng mga Players ang pagbabagong ginawa dito. Kahit ako, medyo hindi ako sang ayon, mas mahirap kasi pumili ng Hero. Pero pwede mong i search yung Hero sa Upper Right ng Screen.
Ayan si Rylai

Si Traxex

Si Juggernaut

Pero ang pinili kong Hero kanina ay si Gondar. Kasama ko dito ang bagong Hero na si Ogre Magi. Siya yung naka blue.
Naka Triple Kill ako habang kumukuha ng Screenshot!

Tapos hindi ko namamalayan Ultra Kill na!

Pero sayang hindi nag Rampage. Kasi Natapos na ang laban.

At eto ang Final Stats!

Kills 19 Deaths 1 Assist 8
May patay na isa kasi sinugod ko sila sa Fountain. Ayun namatay. Haha! So ayan!! Wala lang :)) Nag kwento lang ako ng mga pagbabago at binigyan ko ng Idea yung mga taong hindi pa rin nakakakuha ng betakey sa Dota 2.
Salamat! Sa susunod na paglalaro muli :)








