Yung display picture ko matabanghipster. Haha
Post(s) tagged with "matabangutak"
Dahil idol kita, ikaw ang uunahin ko. :D
HAHAHAHAHAHAHA.
Ewan ko, pero tuwing meet up, siya talaga ang una kong hinahanap.
Kasalukuyan siyang nagkakalikot ng kanyang GALAXY NOTE II ng bigla akong lumapit.AKO: Pogi, papicture naman. :)
SIYA: Nagulat naman ako. Sige. (Sabay ngiti.)HAHAHA. Wala lang. Thank you! Parang last year lang, ganun din. Nagpapicture din ako. Kapalan na ng mukha ito. Hiheh,ü tapos alam nyo ba? Hindi pa ko nakuntento non.
After 30mins siguro, lumapit ulit ako.AKO: Dahil famous ka, papicture ulit. :)
SIYA: (Walang keme, ngumiti.)Salamat Kuya Rhads, @matabangutak. :)
Next meet up uli, hahanapin kita. Wacky naman tayo. HAHAHAHA. Tapos? Kantahan mo ko ng m-o-v-e-s like jagger. :))Wala lang. Hanga ako sayo. Kasi nag-eeffort ka talagang pumunta kung saan kahit taga-Marikina ka pa.
Isa kang huwarang blogger. CHOT!
STAY NICE & KIND!
Idol talaga kita. :)
Until next time. :D (at Alabang Town Center)
Haha! Pasaway to eh :)) Salamat! Sa susunod ulit! Ingat palagi!
- Matabangutak
- Rhadson Mendoza (matabangutak)
Bilang isang 90s kid o early 90s kid masasabi ko na may mga bagay talaga na kahit ngayon ay natutuwa pa din akong balik-balikan noong ako ay bata pa.
May mga laro tulad ng mga paborito kong Playstation 1 o kahit SEGA games pati na din ang ilang Game Boy games na nilalaro ko noon sa Game Boy Color na kahit malaro ko ngayon ay natutuwa pa din ako. May mga pagkain o candy tulad ng Haw-Haw, Haw Flakes, Bazooka, pretzel (yung may asukal, basta yun alam niyo na yun), Stay Fresh at iba ipa na sa tuwing makikita ko sa grocery ay bigla akong natutuwa at isasama ko sa mga bibilhin ko. May mga palabas o cartoons o anime noon tulad ng Hirayang Manawari, Sineskwela, Popeye, Rocko’s Modern Life, Dexter’s Laboratory, Ghost Fighter, Flame of Recca, Dragon Ball Z, Slam Dunk, Voltes V, Shaider at iba pa na kung minsan ay di ko maiwasang hanaphanapin ngayon.
Masasabi natin na mas simple talaga ang buhay ng mga tao noon sa ngayon isang kadahilanan dito ay ang limitadong teknolohiya dati. Hindi namin maiwasang matawa ng mga kaibigan ko sa tuwing naiisip namin na parang sobrang tagal na panahon ang pagitan ng henerasyon namin at henerasyon ngayon pero hindi. Sa loob ng isang dekada napakabilis ng pagunlad ng teknolohiya at sadyang naging malaking dahilan din ito kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan dati sa ngayon.
Ngayon, may mga bata pa naman na naglalaro ng mga larong-kalye at may mga bata na nagbabasketball kahit ala syete na ng gabi. Pero sa puntong ito wala pa akong nakikilala na bata (sabihin natin nasa 10 years old) na makakapagsabi sa akin na nakapag laro na siya ng mga laro sa Family Computer (Contra, Circus Charlie, etc.) habang ang madalas na gadget nila ay PSP na. May bata akong pinsan na kung minsan ay nakipaglaro ako ng ilang lumang laro gamit ang emulator sa laptop ko at iba din ang tuwa niya na kahit hindi kagandahan ang graphics, nakakatuwa pa din.
Sa tingin ko may mga mapagmamalaki naman sila ngayon na pinagmalaki natin dati tulad ng pagkain/candy, mga laro, mga palabas at iba pa pero siguro nga hindi natin maiiwasan ikumpara sa kung anong meron tayo dati. Sa ibang aspeto siguro masasabi natin na higit tayo at may ibang aspeto na higit din sila. Pero kung iisipin mo, hindi naman na habang buhay kung anong meron tayo yun din ang meron sila. Kung nagbago man ang mga palabas at laro na kinaki-adikan nila ngayon at sa iyong palagay mas maganda ang meron tayo dati, hindi naman maari na hindi na gumawa ng mga bagong palabas at laro diba?
Naalala niyo pa ba kung gaano tayo kasaya ng unang nalaro natin yung NBA Live 2003 sa PC? Yung pagkakaiba ng NBA Live 2003 sa PC at sa Playstation 1 noon? Tapos yung mga bata ngayon malamang NBA 2K series na ang nasubaybayan nila. Naalala niyo pa ba noong dial-up connection pa ang gamit natin at palaging nadidisconnect sa tuwing may tumatawag kaya sobrang late na talaga kung mag internet dati? Ngayon karamihan ay may DSL connection na at unlimited ang oras, mas mabilis at mas stable ang connection.
Siguro sa mga susunod na henerasyon hindi man nila na alam ang Fruit Ninja, Doodle Jump, Angry Birds, Plants Vs Zombies, Adventure Time, Ben 10, Sponge Bob at iba pa sigurado akong may mga papalit dito at siyang maipagmamalaki din nila sa mga susunod pang henerasyon. Sa dami ng meron tayo ilan lang talaga ang mananatili. At para manatili ito dapat hindi natin ipagdamot kung ano ang meron tayo noon at ngayon para maranasan din ito ng mga tao ngayon at ng mga darating pa.
Sa lahat ng bagay na mapagmamalaki ng mga kabataan at isama na din natin ang henerasyon natin ngayon, ang pinakamaipagmamalaki ko ay: may ilan sa mga kabataan ngayon na nakikita ang mga mali na nangyayari sa paligid natin at sa maliliit na pamamaraan nila siguro at sana gumagawa sila ng paraan para maitama ito. Alam natin ang estado ng karamihan ng kabataan ngayon pero para sa akin, hangga’t naririto ang ilan na ito, masasabi natin na may pag-asa pa talaga na magbago para sa ikabubuti ng karamihan.
Masasabi ko ang malaking diperensya ng henerasyon natin sa mga darating pang henerasyon ay nakita at nabuhay tayo sa bilis ng pagbabago ng mga bagay-bagay sa mundo. Tulad nga ng sabi ko, sa loob ng di kahabaang panahon madami ang nagbago. Gaano kabilis pa ang magiging pagbabago at pag-unlad natin? Yan ang dapat nating abangan.
«benjcyclopedia.tumblr»
Ano ang mga bagay or na experience ko sa henerasyon ngayon na ipagyayabang ko sa susunod na henerasyon or 20 or 30 Years from now?
Kung meron man ay yung mga larong pinoy/ larong kalye. Aba, di mo naitatanong, master na master ko kaya ang agawan-base/moro-moro-yes-kuryente-mas-bagong base-ako-sayo na madalas naming laruin ng mga kaklase ko sa kalsada. Hindi lang yun, pati na rin ang langit-lupa-yes-bilangan-yes-sungkitan, bamsak, habulan-tulungan, taguan tsinelas, itlog-iltogan, taguan-wala-sa-harap-wala-sa-likod, ten-twenty-yes-magic-with-matching-tinikling-1 on by 1, A for the apple sa jump rope at syempre ang patintero na never kong ginustong maging patotot!
Hephep! Meron pa, JACKSTONE VARSITY ata to no! Kabisado ko ata halos lahat ng exhibition, 2 pc, oil, kweba at iba pa. Yes siopao o kaya shower kapag jambol. Syempre, isa rin sa paborito kong laruin kasama ng mga kapatid ko ay ang sungka. Bukod sa matuto ka sa diskarte e masasanay ka rin sa pagbibilang.
Kung sa mga hi-tech na laro naman,meron din kami sa henerasyon naming ganyan. Mas tipid pa, yung mga video games na huhulugan mo ng piso. Usong-uso sa amin nun yung videohan e, at ang pinakamabenta nun ay yung super mario na pwede mong malaro sa loob ng 3 minuto sa halagang piso. Sulit ns sulit ka na boy! Kung gusto mo naman yung medyo Rated SPG, aba meron din nyan. Gals panic naman. Kailangan mabuo mo yung picture ng sexy anime character, kasi kapag natapos mo at natalo yung mother, sa dulo may “Showtime”. Meron din naman yung parang war game, di pa uso Tekken nun, di bale, meron namang Street Fighter o kaya Marvel vs. Capcom. Basta kapag pumunta ka sa videohan, marami kang pagpipilian, kaso kailangan mo nga lang pumunta ng maaga para di ka maunahan sa gusto mong laruin.
Bukod sa mga laro, may isa akong book series na kinahumalingan nung nasa elementary ako para siyang Nancy Drew bawat libro may misteryong nireresolba. Yun ay ang B1 Gang. Natuwa nga ako kasi may e-book na rin sila ngayon, na-faced out na kasi etong series na to. Sa henerasyon kasi ngayon mas tinatangkilik na nila yung mga gawa ng foreign author at di na rin masyadong mabenta ang adventure series katulad ng B1 Gang.
Syempre, sino bang makakalimot sa Funny Komiks, dati sa halagang 12 pesos, masasaya na ang mga bata. Si niknok at ang planet of de eyps! Nakakatuwa pa kasi yung mga drawing mo, pwede mong ipadala sa kanila at ipupublish sa kanilang mga susunod na issue. (O?Alam? Nagpadala ng drawing!Hahaha)
Kung may laro at babasahin, siyempre, meron ding pagkain. Dahil masaya na ako kapag binigyan ako ng nanay ko ng 2 piso, yung may niyog sa likod at kalabaw sa harap, puro kendi at tsitsirya ang madalas kong bilin. Andyan ang Tarzan, Bazooka, Nougat, Viva, Pompoms, Pritos Ring, Litsong Baka,Nata at Cola (Na sagana sa magic sugar), Jellybee, Jolly juice at ice candy.
Isa rin sa mga kinahiligan ko noon ay ang manood ng mga cartoons kapag umaga, yung tipong may matutunan kang aral at hindi katulad ngayon na action-violence themed ang mga palabas. Andyan si Haidi at si Lolo Alps? Si Remi na kabisado ko ang kanta, si Charlotte at Georgie na halos magkamuka,Si Sophie, Si Marcelino, Si Julio at Julia ang kambal ng Tadhana, Si Chow Chow Marco, Si Judy Abot at si Daddy Long Legs at marami pang iba.
E ikaw? Anong kwentong kabataan mo?
A Reply: Matabangutak: Ano ang mga bagay or na experience mo sa henerasyon ngayon na ipagyayabang mo sa susunod na henerasyon or 20 or 30 Years from now?
Nagbabackread ako sa dashboard ko (malamang) nang makita ko ang post ni Kuya Rhadson na ito. Nagtatanong siya kung ano daw yung mga bagay o naexperience ko sa henerasyon “namin” (kasi I assume na kaunti lang pagitan ng edad namin. Mga 2-3 years lang) na maipagmamalaki ko 20-30 years from now. Napaisip ako ng sobra. Ano nga ba yung mga bagay na ipagmamalaki ko pagtanda ko?
Binigay niya ang example ng mga larong kalye nung mga bata kami at yung mga simpleng bagay na nakakapagpasaya na sa simpleng batang Pilipino. Simple, bakit kamo? Kasi ang saya saya na natin sa tigpipisong babolgam na may komiks at yung sayang nararamdaman natin sa paggawa ng plastic balloons. At sobrang sang-ayon ako dun.
Sabi din niya na sobrang maipagmamalaki niya ang mga 80’s-90’s songs. No doubt about that. Maski ako, mas naappreciate ko yung mga kanta nung mga panahon na yun. Halatang pinag-isipan bawat liriko at tono na ipinatong dito. Pati yung paraan ng pagkanta, punong puno ng damdamin.
Pero hindi lang ‘yan ang maipagmamalaki ko. Maipagmamalaki ko yung mga pagdayo sa “Picture City” para magpastudio picture kasama ang barkada na ang gamit pa ay films at talagang lahat may print out pa. Yung saya habang nagiisip ng posing. Tipong pinagiisipan talaga kasi sayang kung magiging pangit. Sa panahon ngayon digital na ang lahat kahit ilang kuha pede pang burahin bsta pangit. paano pa kaya sa panahon na yun?
Isa pa sa maipagmamalaki ko ay ang mga sulat kamay na mga love letters. Hanggang ngayon, marami pa akong nakatagong hand-written love letters. Sobrang ipagmamalaki ko yun dahil binigyan ng effort yun. Tipong hindi lang basta nag-isip ng isusulat pero yung paraan kung paano niya sinulat. Minsan meron pang mga letters na gawa sa pinaggupit gupit na mga letra galing sa mga lumang magazines tapos ididikit sa makukulay na papel para gawin letter. O kaya naman yung paraan kung paano ito itinupi para lang makadagdag ng excitement dun sa pagbibigyan. Sa ngayon nga ay hindi na gaanong uso ito. Meron sigurong gumagawa parin pero hindi katulad noon na ito lang talaga ang paraan para makapagusap at makapagligawan. Hahaha. Mas sincere kasi kaysa sa texts/chats/e-mails.
At sino ba ang makakalimot sa mga tigbebenteng songhits na nabibili sa mga bangketa? Punong puno ng mga kantang kauuso lang o yung mga sikat na kanta sa lumipas na ilang linggo at ilang buwan. Baka sa panahon na yun wala nang songhits kasi lahat ng chords at lyrics nasa internet na. Pero yung excitement na makita yung paborito mong kanta sa songhits hindi na nila mararamdaman. Pagaagawan pa yun ng barkada habang nakatambay kasi lahat gustong makisabay sa pagkanta. Yung saya incomparable, priceless kung baga.
Yan ang mga ilang bagay na maipagmamalaki ko sa mga susunod na henerasyon. Siguro para sa kanila napakacorny o walang kwenta. Digital generation na eh. Pero para sa akin, ito yung mga simpleng bagay na nakapagbigay ng kulay sa buhay ko nilang isang bata, isang teenager at isang tao sa henerasyong ito.
by: Bienpi
About
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.


Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.
Iba ang payo ko kay Papa Jack




