Post(s) tagged with "matabangutak textposts"

Sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat.

Hindi mo kasi magiging kasintahan ang isang tao kapag hindi mo siya naging kaibigan, wala naman atang pumapasok sa relasyon na hindi mo man lang naging kaibigan, kung meron man eh alam nating hindi nagtatagal yun.

Ang relasyon ay parang pakikipag kompetensya sa panahon, habang tumatagal lalo kang napapamahal sa isang tao, hanggat lagi kayong nagsasama, malaki ang posibilidad na maging kayo sa huli, hindi natin masisisi na may mga taong handang isakripisyo ang pagkakaibigan dahil alam nila sa sarili nila na kaya nilang alagaan yung kaibigan nila na masasabi nilang boyfriend/girlfriend.

Sa pagkakaibigan nagsisimula ang mga simpleng ngiti na napapalitan ng mahinhin na pagtawa. Dahil dito naibibigay ang ligaya na gusto ng bawat isa. 

Masarap magmahal, lalo na kapag naiintindihan ka ng kaibigan mo.

Paano mag move on ang babae?

Nakikinig sa music - hindi yung kantang sinasampal sa kanila ang lyrics, kundi sa masasayang kanta katulad ng Waka Waka, Fireworks, Bad Romance, AFRICA AFRICA. Kung ano mang masasayang kanta.

Magdamag kausap ang bestfriend - hindi mawawala sa babae ang umiyak ng umiyak, kawawa si bestfriend, basang basa na nang luha, tipong mag kakasinat kapag natuyuan, daig pa ang na ambunan. Payo ko kay bestfriend, himasin ang likod niya, painumin mo ng tubig, galing sa gyera ng pagmamahal yan.

Kung blogger ka din namang babae - sinasabi lang rin nila ang sinasabi nila, nagpaparinig sila baka sakaling may magkagusto sa kanila, sasabihin yung mga katangian na kaya nilang gawin kapag nagkaroon sila ng karelasyon.

Mag eexercise/ magpapaganda - Beauty is the best revenge nga daw, nag eenjoy na sila sa ginagawa nila, nakaka benefit pa ang kalusugan nila, gumaganda pa sila. Tipong maiisip mo na ” SINONG NAGKAMALI SA ATIN NGAYON? “

Siraan ang babaeng ka on ng boyfriend nila - Eh syempre, mabigat ang pakiramdam, edi siraan na lang, kahit dun man lang makabawi sila sa boyfriend nila. Nilalait ng mga babae ang bagong syota ni boypren nila na panget, mataba hindi sexy. Ang masama nun nalaman nila sa huli na ipinagpalit sila sa mukhang tungaw.

Manglandi - lalake lang ba ang malandi? Ang babae rin no. Parang sa lalake lang rin, hindi para pababain ang sarili, kundi puwang ang pag kukulang sa pusong uhaw sa pagmamahal. Madalas nilang nilalandi ay yung mga kaibigan lang rin nilang lalake na tanggap kung sino at ano sila.

Pagtanggap - lahat naman nakakamove on sa oras na tinanggap na nilang wala yung taong ito. Wala na silang magagawa e, nangyari na kasi, may pride din naman kasi ang mga babae na bakit sila mang hahabol? Eh babae sila, ang tunay na babae naniniwalang sila ang hinahabol at nililigawan.

Kapag nagkaroon na nang bagong relasyon - Syempre, bagong love life. Bagong buhay, bagong yugto, bagong saya. Bagong taong makikilala, taong tatanggap, at taong magmamahal.

Paano kung masaktan ulit si babae? Paano ulit mag momove on? Basahin mo ulit muli sa umpisa. Paulit ulit lang yan. 

Ang relasyon parang sinehan.

Ok paano ko ba ipapaliwanag to. Ahh ganto!

Ang relasyon ay parang sinehan. Dahil kahit gaano man kaganda ang palabas, sa huli aalis ang mga tao.

Parang sa relasyon. Gaano man kaganda ang pinag tunguhan ng inyong relasyon. Wala tayong magagawa kundi tanggapin na balang araw mawawala sila. Na aalis sila. Dahil kapag ang bagay ay ginawa paulit ulit nakakasawa.

Pero may mga palabas na bumabalik. May part 2. Siguro dun maganda na ang kwento.

Mga Biglaang Pagibig.

Madalas maranasan ito sa mga taong magaganda at gwapo. 

May kasabihan nga tayong kung sino pa tong magaganda sila pa tong mga taken. Siyempre in demand e. Same sa babae, kapag gwapo ang lalake naku tapos maganda pa ang babaeng manlalandi sa lalake? Patay na. Take advantage tong si lalake. Ito naman eh hindi ko nilalahat. Di naman ako ganun e :) Joke lang.

Dati nabibiktima ako ng ganto. Ito ang tinatawag na infatuation yung mga biglaang nararamdaman. Yung nasasabi mong AYYYY!! Gusto ko na siya! Kasi cute siya! Cute siya sigurong mag mahal. Cute niya siguro man lambing. Cute niya siguro umiyak. Aminado kong nabibiktima ako paminsan minsan nito. Ayun eh kung may babaeng aamin na maganda siya. Siguro nga. 

Naku! patay na! diyan na tayo malilintikan. Diyan na mauuso ang sinasabing lokohan. Break ups. 

May mga pagkakataon din naman na swertihan nga. Na sa mga unang araw palang nagkita eh spark na ang sinasabi natin. Sa unang tingin. Pareho nilang nagustuhan ang isat-isa. Ayun eh kung may itsura ang dalawang bagay.

Wag na tayong mag salita ng in general. Ka plastikan yun e. Yung sasabihing “Kahit walang itsura. Basta mahal ako.” SINONG NILOKO MO? MAMA MO? PAPA MO? LOLA MO? NINUNO? PUSA? ASO? UTOT MO! 

Maaring maniwala pa ko sayo kung sasabihin mo yan sa edad na 30 ka na o 40 o 50. Baka nga wala pang pumatol sayo dahil matanda ka na. Depende na lang kung may pera ka na.

Kung sakaling umabot ka dito. Aba saludo ako sayo. Nag basa ka. Naniwala at binasa ang ideya na nilalaman ng utak ko.

Ang relasyon parang sinehan.

Ok paano ko ba ipapaliwanag to. Ahh ganto!

Ang relasyon ay parang sinehan. Dahil kahit gaano man kaganda ang palabas, sa huli aalis ang mga tao.

Parang sa relasyon. Gaano man kaganda ang pinag tunguhan ng inyong relasyon. Wala tayong magagawa kundi tanggapin na balang araw mawawala sila. Na aalis sila. Dahil kapag ang bagay ay ginawa paulit ulit nakakasawa.

Pero may mga palabas na bumabalik. May part 2. Siguro dun maganda na ang kwento.

Single/Taken na buhay kapag gumagala sa Mall.

Buhay ng single sa mall.

  • Dirediretso sa pupuntahan mo.
  • Bibilin agad ang gusto.
  • Lahat ng dumadaan matitignan mo.
  • Galit ka sa mga taong PDA at naglalandian sa mall.

Buhay ng taken sa mall.

  • Ang tagal niyong makapunta sa pupuntahan niyo, lahat na lang kasi gustong pasukan ng kasama mo.
  • Hindi mo mabili ang gusto mo, dahil alam mong may kasama ka at nahihiya kang gumastos at iisiping pang kakain mo na lang ito.
  • Hindi ka makalingon, sa takot na magalit ang kasama mo at bitawan ang kamay mo.
  • Tuwang tuwa kapag may nakikitang PDA, dahil alam mong hindi ka nag-iisa.

Ang relasyon parang sinehan.

Ok paano ko ba ipapaliwanag to. Ahh ganto!

Ang relasyon ay parang sinehan. Dahil kahit gaano man kaganda ang palabas, sa huli aalis ang mga tao.

Parang sa relasyon. Gaano man kaganda ang pinag tunguhan ng inyong relasyon. Wala tayong magagawa kundi tanggapin na balang araw mawawala sila. Na aalis sila. Dahil kapag ang bagay ay ginawa paulit ulit nakakasawa.

Pero may mga palabas na bumabalik. May part 2. Siguro dun maganda na ang kwento.

Ang relasyon parang sinehan.

Ok paano ko ba ipapaliwanag to. Ahh ganto!

Ang relasyon ay parang sinehan. Dahil kahit gaano man kaganda ang palabas, sa huli aalis ang mga tao.

Parang sa relasyon. Gaano man kaganda ang pinag tunguhan ng inyong relasyon. Wala tayong magagawa kundi tanggapin na balang araw mawawala sila. Na aalis sila. Dahil kapag ang bagay ay ginawa paulit ulit nakakasawa.

Pero may mga palabas na bumabalik. May part 2. Siguro dun maganda na ang kwento.

Unexpected Love.

May araw na sasabihin mo. Ayaw kong magmahal, masasaktan lang ako. Hindi mo alam nandiyan lang pala siya sa tabi mo.

Sabi mo dati ayaw mong magmahal, lolokohin ka lang. Pero ano ang nangyari ikaw ngayon ay masaya sa piling niya.

Sabi mo dati ayaw mong magmahal, parepareho lang sila. Pero ano ang nangyari? Napatunayan niyang hindi lahat ng tao ganon.

Minsan nakakagulat na lang talaga na ang pag-ibig na hindi naman natin inaasam ay dumadating na lang basta sa buhay natin. Sabi nga nila huwag mong hintayin ang pag-ibig at kusang dadating. Noon walang naniniwala dito. Pero nakakapagtaka na dumadating ito bigla sa isang tao.

Kailangan mo pa ba ng oras? Kailangan mo pa ba ng tamang panahon?

Kung ang pag-ibig na gusto mo ay walang pinipiling oras at panahon?

Tips sa mga mag mamahal.

  • Magpakatotoo ka lang.
  • Kung ano lang ang kaya mo yun lang ang ibigay mo.
  • Huwag pilitin ang ayaw, kapag nainis yan lalo ka na mawawalan ng pag-asa.
  • Kung sakaling aamin kang mahal mo siya, handa ka dapat na mawala siya.
  • Kung hindi mo naintindihan yung nasa unahan dapat alam mong pwede siyang mawala, pwede kayong magkatampuhan sa oras na magkaaminan na.
  • Magtira ng maraming pagmamahal sa sarili.
  • 70% dapat ng pagmamahal sa sarili mo at 30% sa taong mahal mo. Malaki pa nga yun, kapag naging mag-asawa kayo, tandaan mong magiging 50% ito ay sa sarili mo at 50% sa asawa mo.
  • Huwag kang manloloko.
  • Huwag mong sadyain pagselosin ang bf/gf mo. Masama ito.
  • Kung magmamahal ka dapat totoo, minsan ka lang magmamahal.
  • Kapag mag - aaway kayo, babaan mo ang pride mo.
  • Huwag mong isipin ang iisipin ng iba, ang mahalaga ay kayong dalawa.
  • Kung mag-aaway kayo at hindi naman ganun kalalim ang problema, ikaw na ang magparaya, ikaw na ang mag sorry.
  • Normal na may kaibigan ang taong mahal mo, huwag agad itong pagselosan.
  • Dapat malawak ang pag intindi mo sa taong mahal mo.
  • Mahalin ito ng lubos, pero huwag mong kalimutang mahalin din ang sarili mo.
  • Hindi laging materyal na bagay ang dapat mong ibigay, mas maganda kung puro emosyonal ang naibibigay mo, yun ang kailanga niya, at hindi ang mga bagay na binibigay mo.
  • Sorpresahin mo siya. Gusto niya yun.

Pwede mo pang dagdagan ito. Napakarami pang pwedeng gawin para magmahal, hinding hindi ka mauubusan.

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack