Post(s) tagged with "love"

Love isn’t always a fairytale.

1. There are people who give so much love to those who don’t love them back.
2. There are some who feel so loved and find out in the end that they were fooled.
3. There are some who is into mutual love but can’t call their partner as their own because someone already holds the title.
4. There are some who give so much love but the other won’t believe because s/he always considers your past.
5. There are some who receive so much love but can’t seem to move on from previous relationship.
6. Others just want to play the game and choose their playmate.


Now, which story is yours?

Single/Taken na buhay kapag gumagala sa Mall.

Buhay ng single sa mall.

  • Dirediretso sa pupuntahan mo.
  • Bibilin agad ang gusto.
  • Lahat ng dumadaan matitignan mo.
  • Galit ka sa mga taong PDA at naglalandian sa mall.
  • Madalas manuod ka ng sine mag-isa.
  • Madalas kumakain ka sa Eat All You Can mag-isa.
  • Madalas kumakanta ka sa Videoke Hub mag-isa.
  • Madalas maglalaro ka sa Arcade mag-isa.
  • Kapag mag-isa ka napapatingin ka na lang at nalulungkot kapag nakakakita ng mga taong sweet sa relasyon nila.
  • Ayaw mong tumambay sa mga bench dahil yun ang place na maraming nag lalambingan.
  • Bitter ka sa mga naka holding hands.
  • May pampalubag loob ka laging sasabihin na ” Balang araw, magkakaroon din ako ng ganyan”.

Buhay ng taken sa mall.

  • Ang tagal niyong makapunta sa pupuntahan niyo, lahat na lang kasi gustong pasukan ng kasama mo.
  • Hindi mo mabili ang gusto mo, dahil alam mong may kasama ka at nahihiya kang gumastos at iisiping pang kakain mo na lang ito.
  • Hindi ka makalingon, sa takot na magalit ang kasama mo at bitawan ang kamay mo.
  • Tuwang tuwa kapag may nakikitang PDA, dahil alam mong hindi ka nag-iisa.
  • Hindi ka pwedeng tumingin sa iba. Lagot kang bata ka.
  • May ka holding hands ka habang naglalakad.
  • Kapag may pawis ka may mag pupunas sayo with matching kiss pa.
  • May kasama kang manuod ng sine. Ma sheshare mo ang pakiramdam na maganda ang pinapanuod mo.
  • Malaking bagay ang makita mong partner mo na nakangiti. Nakaka goodvibes yun.

Paano mo malalaman kung ayaw na sayo ng isang tao?

  • Madalas na itong nagdadahilan para hindi kayo magkita. Kunwari sasabihin niyang may project siya, kunwari busy siya, kunwari pagod siya. Tapos pag-uwi pala maglalaro lang, magpapahinga at mas pipiliin na katext ka na lang.
  • Hindi nagpapa alam at bigla bigla na lang hindi nag rereply.
  • Minsan na lang mag text, hindi na siya yung dati na mahaba lagi ang message sayo. Malamig ang texts. Sobrang tipid.
  • Mas marami ang miss call mo kesa sa receive call.
  • Naghahanap ng dahilan para mag-away palagi na maaring humantong sa break-up.
  • May mga bagay na ginagawa na hindi niya madalas gawin dati.
  • Feeling mo ayaw kang kausap at hindi na malambing sa telepono.
  • Nahuhuli mong busy ang phone.
  • Sobrang taas na ng pride. Parang wala na siyang pakialam sa nararamdaman mo masaktan ka man sa sinasabi niya o hindi.
  • Natitiis niyang mag kaaway kayo ng isang araw. Hahayaan niyang lumipas ito at hindi aayusin. Papaganahin ang pride. Mag susumbatan na maari ring mauwi sa break up kung kayo ay magkarelasyon.

Kung tutuusin napakarami pa. May mga tao na ayaw sila yung makikipag break. Kaya gagawa at gagawa ng paraan para yung partner nila ang makipag break sa kanila.

Break Ups.

Ayan ang hirap sa mga breakups eh, break na nga tapos kapag may kinausap tong isa magagalit yung isa. Tipong nagdesisyon ibigay yung kalayaan tapos magsasakalan pa rin sa huli. Tipong pakiramdam mo eh lahat pa rin ng galaw mo eh tinitignan. Lahat ng galaw na hindi mo ginagawa dati eh kapag ginawa mo eh magmumukha kang masama sa paningin niya.

Tipong sinasabi niyo sa mga sarili niyo na wala na talaga kayong pakialam sa isat-isa. Pero bawat gabi eh siya at siya rin ang iniisip mo. Tipong ano ba ang ginawa niya maghapon, sino kaya mga nakakausap niya habang wala ka? Tipong masaya ka na, kapag sumagot siyang tulog lang siya maghapon if ever mag reply siya sa concern text kuno mo sa kanya. Minsan talaga kahit break na, hindi pa rin maiwasan magkamustahan eh. Depende na rin siguro sa pinag-awayan at naging dahilan ng hiwalayan.

Nakakatuwa rin kahit papano no? Malaman mong kahit break na kayo. Kahit papano may “care” pa rin na naiiwan sa isat-isa. Syempre, sariwa pa ang sugat. Hindi ba’t kapag sariwa pa ang sugat kapag nadapa ka e lagi mo itong mapapansin sa kadahilanang ito ay kumikirot. Pero kapag nilagyan na ng gamot. Minsan yung peklat eh nakikita na lang natin pero hindi na natin mararamdaman.

Ang saya lang makipagbiruan at makipag chill sa taong mahal mo no? Sa gusto mong patigilin ang oras eh lalong bumibilis ito. Paano nga naman kasi nag eenjoy ka. Natutuwa kang kasama siya. Minsan hindi talaga natin matatago ang ngiti eh. Bigla na lang bubulwak ang ngiti at ating mga tawa. 
Madalas natin pantasyahin ang mga ganitong tagpo. Ang simpleng buhay na kasama ang taong gusto natin. yung simpleng tawanan, yung simpleng biruan, mga simpleng bagay na ginagawa nila eh napapasaya na nila tayo. 
Kailan nga kaya nila mapapansin na mahalaga rin pala tayo? Na may kaya pala tayong ibuga. Na mas ok pala tayo kesa sa taong gusto nila. Bakit kasi may mga bagay pang dapat paghirapan para maranasan yung saya eh. Sabagay.. Dun mo mararamdaman yun eh, yung sa tagal mong walang kasama, sa tagal na walang pumapansin sayo. Tapos darating bigla yung araw na may taong mag bibigay na ng importansya sayo.
Sarap siguro ng pakiramdam. Taong nagpapasaya.. Taong nagpapamahal. Sana hindi na lang ito mag mistulang pangarap no? Sana maramdaman din nating lahat.

Ang saya lang makipagbiruan at makipag chill sa taong mahal mo no? Sa gusto mong patigilin ang oras eh lalong bumibilis ito. Paano nga naman kasi nag eenjoy ka. Natutuwa kang kasama siya. Minsan hindi talaga natin matatago ang ngiti eh. Bigla na lang bubulwak ang ngiti at ating mga tawa. 

Madalas natin pantasyahin ang mga ganitong tagpo. Ang simpleng buhay na kasama ang taong gusto natin. yung simpleng tawanan, yung simpleng biruan, mga simpleng bagay na ginagawa nila eh napapasaya na nila tayo. 

Kailan nga kaya nila mapapansin na mahalaga rin pala tayo? Na may kaya pala tayong ibuga. Na mas ok pala tayo kesa sa taong gusto nila. Bakit kasi may mga bagay pang dapat paghirapan para maranasan yung saya eh. Sabagay.. Dun mo mararamdaman yun eh, yung sa tagal mong walang kasama, sa tagal na walang pumapansin sayo. Tapos darating bigla yung araw na may taong mag bibigay na ng importansya sayo.

Sarap siguro ng pakiramdam. Taong nagpapasaya.. Taong nagpapamahal. Sana hindi na lang ito mag mistulang pangarap no? Sana maramdaman din nating lahat.

Pag hindi mo inalagaan yan, sa iba mag papa alaga yan. Atensyon din kasi hanap niyan at hindi puro pagpaparamdam lang.

Ganun naman ang tao diba? Kumbaga surivival mode, kumbaga sa isda kailangan lagi ng tubig na mahihingahan yan. Kumbaga sa halaman, kailangan ng lupa niyan para mabuhay. Tubig pa nga eh, tska sikat ng araw. Parang sa tao, tulad ng sa halaman, parang may photosynthesis din na kailangan. Hindi lang pagmamahal ang kailangan, kundi atensyon, pag-aalaga at marami pang iba.

Sa oras na mapabayaan ang mga taong nagbibigay nito, lilipat sa iba, maghahanap ng magbibigay ng importansya. Parang sa mga banda, kapag walang nakikinig sa kanila hindi na sila gagawa ng kanta. Kumbaga sa writer, kapag walang nagbabasa, why bother pang magsulat hindi ba? Di bale na lang kung passion talaga nila ang pag susulat, at hindi nila iniintindi ang mga taong nakapalibot sa kanila.

Ganun lang naman ang buhay eh, kapag hindi nabibigyan ng atensyon ang isang tao, hahanap ito ng paraan o didiskarte ng kanya para lang makahanap ng atensyon. Tulad ng pagiging malungkot, pagiging sobrang masayahin, pero minsan nasasabihan ka pa ng KSP (Kulang sa Pansin).

Kailangan kasi ng atensyon eh, para alam mo kung nag eexist ka ba sa kanila o napapansin ka. Minsan yun na lang rin ang tanging paraan para malaman mo kung buhay ka pa ba o hindi mo namamalayan matagal ka na lang palang kaluluwa na nag eexist sa buong sanlibutan.

Kaya mo ng wala siya :)

Masasabi mo lang ang salitang hindi ko kayang mawala ka eh sa araw na malungkot ka lang. Kapag nakaranas ka na ng kasiyahan sa sarili mo, maiisip mo na kaya mo pala, na hindi mo naman pala talaga kailangan ng isang tao para buuin ang sarili mo. Maaring sa pagtagal ng panahon eh pwede ito, pero sa edad mong munti eh napaka imposible pa naman talaga magkaroon ng true love ika nga, wala pa namang manghuhula na tumama sa pagsabi ng kapalaran eh. Lotto nga hindi nila mahulaan yung tamang numero, yung pag-ibig pa kaya na yan?

Tska kaya nga MANGHUHULA eh, wala silang alam. Wala namang makakapagsabi talaga kung kailan darating yang pagmamahal nayan. Bigla na lang UY GUSTO KONG PAKASALAN/IPAKASAL sa taong yan!

Kaya mo maging masaya, bigyan mo lang ng oras ang sarili mo tanggapin ang mga bagay bagay :)

Paano mag move on? Video blog.

Kelan mo masasabi kung huli na ang lahat?


Mahal mo na siya, may mahal na siyang iba -
Ito ang madalas mangyari, parang mapagtuksong tadhana no? Tipong ok na nga eh, nakapagdesisyon ka na mamahalin mo na siya ulit tapos biglang may iba na agad? Para bang hindi mo alam kung ano ang nararapat mong gawin. Kapag sobrang aga mo nagsabi sasabihin parang ang bilis, at kapag naman matagal kang nagpaparamdam sasabihin eh ang kupad kasi ng galawan mo.

Sumuko ka na - sumuko ka na, sinabi mo na ang masasakit na salita, sinumbat mo na ang lahat, lahat ng hinanakit sa buhay mo, lahat ng hinanakit sa pagtitiis na ginawa mo. Wala na, sumuko ka na , sobrang huli na ng lahat, di mo na pwedeng bawiin. Malas mo pa minsan, sa oras na sumuko ka na eh yun na pala yung oras na magiging ok na ang lahat.

Natagalan kang mag move on - parati mong hinahanap yung taong nawala sayo, tapos parinig ka ng parinig na gusto mo pa siya bumalik, ayun tuloy yung mga taong may gusto sayo patuloy nawawalan ng pag-asa, dahil alam nilang wala silang pag-asa at gusto mo pa rin makabalikan yung taong nang-iwan sayo. Ano na lang iisipin nila? Wala na silang maiisip, dahil ikaw lang ang iniisip nila. Wala na, huli na ang lahat, naghanap na siguro ng iba.

Nahuli ka na niya - kitang kita ka na, aangal ka pa? Ayan kasi di ka makuntento sa isa, patuloy kang nang hahaliparot eh taken ka na. Alam mo ba na ok lang manlandi pero sa taong single lang? Nakakahiya naman manlandi na meron ka na diba? Hindi bat nakakailang yun sa taong lalandiin mo? Hindi lahat ng taong nilalandi mo ay nilalandi ka rin, minsan approachable lang sila sayo dahil alam nilang hindi mo lolokohin ang kinakasama mo, alam nilang walang patutunguhan ang pinag tritripan niyo. May kasabihan nga na hindi daw manlalamig sa taong mahal mo kung wala siyang nilalandi na iba. 

Bakit gusto natin mapasa atin ang isang tao?

  • Dahil gusto natin maramdaman na yung atensyon niya eh sa atin naka focus.
  • Gusto mo rin maranasan yung lambing na inaasahan mo matagal na.
  • Gusto mo na rin maranasan na minamahal ka ng taong mahal mo.
  • Gusto mong mahawakan ang kamay ng isang anghel na hinulog sa langit para saluhin at alagaan mo.
  • Gusto natin siya alagaan, dahil nga sa mahal natin ang isang tao hindi natin siya papabayaan, bubunuin ng pagmamahal ang kanyang nararamdaman.
  • Gusto mong gumawa ng sariling mundo kasama siya, mundo ng kasiyahan, mundo ng pagmamahalan, mundo na kayong dalawa ang may gawa. Mundo na walang ibang makakasira. Mundo kung saan magiging masaya kayong dalawa sa hirap at ginhawa.
  • Gusto mong maranasan ano ang pakiramdam kapag dumampi ang iyong labi sa kanyang mga labi.
  • Gusto mo maramdaman na espesyal ka rin sa kanya. Gusto mo ng lambing niya. Dahil yun ang nagpapasaya sayo, yun ang nagbibigay ligaya sa iyong damdamin.

Gusto natin ang isang tao kasi mahal natin sila. Gusto natin ang isang tao dahil importante sila sa atin. Gusto natin sila kasi sila ang nakakapagpasaya sa atin. May itsura man o wala, ang mahalaga dito tao ang pinaguusapan. Bonus na yung may itsurang mabait at maibibigay sayo ang pangangailangan ng isang taong nagmamahal.

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack