Post(s) tagged with "love"

LOVE LETTER
Alala ko pa dati, tinatago mga love letters para hindi makita ng magulang. Ngayon, ang Love letter nasa inbox na lang ng cellphone, o kaya nasa message sa facebook or tumblr ask sa tumblr.
Maraming pinagsusulatan ng Love Letters dati eh, sa 1/4 na papel, sa Intermediate Pad, sa Likod ng Notebook, o kaya naman sa Stationery na scented pa minsan. Dati kapag panget ang sulat, naghahanap ka ng kaibigan mo o kaya ng kaklase mo na maganda mag sulat. Tapos dinidectate mo yung gusto mong sabihin at isusulat na ito ng kaibigan mo.
Alala ko rin dati kung gaano kahirap mag construct ng Love Letter. Hindi mo kasi alam paano uumpisahan. Tska sa murang edad eh talagang kahit ano na lang ang maisulat mo maiparating mo lang na gusto mo siya. Ang love nga naman talaga eh walang pinipiling edad. Mapa puppy love man yan, mapa unconditional love, kapag naramdaman mo yang crush crush o love love na yan eh talagang mapapa isip ka ng mga bagay para ma appreciate ng tao na gusto mo siya.
Naalala ko to nung Highschool at Elementary, talagang effort kung effort mag sulat ng mga Love Letter dahil nga sa wala pa namang cellphone nun at walang murang cellphone noon. Kaya ang pagpapahiwatig ng nararamdaman sa taong “crush mo” or maari nating sabihin na “Puppy Love” eh nakakakilig naman talaga. Tipong hihintayin mo yung susunod na Love Letter na matatanggap mo sa taong pinagbigyan mo. 
Minsan nga sa Intermediate o kaya naman sa Scratch Paper, tatawagin ka sa labas ng Classroom tapos naka lukot yung love letter o kaya naman nakatupi na galing pa sa crush mo yun ha? Tapos kapag binasa mo eh kung ano mang nakalagay dun eh talagang napapangiti ka talaga.
Kaya iba kapag maganda ang sulat ng crush mo eh, nakaka inlove lalo. Ang sarap i display sa kwarto kung legal lang mag display sa magulang dahil nga bata pa. Kung pwede lang ipagsigawan dati yun, ang sarap sana i share sa mga tao na may natatanggap kang Love Letter.

Source: matabangutak

Bitawan mo daw ang isang tao at kung talagang sayo siya babalik yun.

Isa ako sa mga taong hindi naniniwala dito.

Bakit mo bibitawan? Eh alam mong sayo na nga. Parang ang gulo diba? Ayan ang hirap kapag nasanay sa kowts ang karamihan, kapag nasanay sa mga teleserye na pinapaikot lang naman ang ating isipan.

Paano siya mapapasayo ulit kung binitawan mo na? Paano siya mapapasayo ulit kung sinaktan mo na siya dulot ng kahapon? Hindi ba’t isang kalokohan yun? Isa rin ako sa mga taong hindi naniniwala sa destiny. Ang lahat ng nangyayari ngayon eh depende sa kung ano ang desisyon mo. 

Kung desisyon mong siya ang mamahalin mo ipaglalaban mo. Kung desisyon mo ang iwan siya, hindi talaga siya ang sayo. Hindi mo kasi pinaglaban eh diba? Katulad nalang ito sa normal na buhay. Kung desisyon mong huwag mag-aral eh kawawa ka naman sa hinaharap. Kahit na naniniwala ka sa destiny mo na magiging mayaman ka sa hinaharap pero hindi ka naman nagtapos at hindi ka naghahanap ng trabaho. Sa tingin mo ba gagana ba yung destiny na yun? Hindi diba?

Kaya ang pagmamahal sa isang tao, inaalagaan yan, pinoprotektahan, hindi pinapabayaan at lalong hindi binibitawan.

Ang mga lalake, kapag inaasar ka niyan ng walang dahilan, posibleng trip ka niyan. Lalo na kapag lagi ka niyang pinagtritripan? Madalas niyan diyan nag uumpisa yung pagpaparamdam. Hindi ba’t napakasaya kapag may isang taong handang magpatawa sayo at asarin ka ng mga bagay tulad ng “Bully ka”, ang taray mong tao ka, at marami pang iba.
Ang mga lalake masasabi nating busy na tao yan eh, marami kasing pwedeng gawin. Pwedeng maglaro lang ng computer maghapon yan eh, pwedeng lumabas ng bahay at makipaglaro o makitambay sa mga kaibigan niya.
Kaya sa oras na binigyan ka ng oras niyan eh nakooo! baka nagpaparamdam na yan. Minsan dapat mo ng isipin kung dapat mo na rin ba siyang pansinin kasi palagi siya sayong nagpapapansin o kaya naman worth na rin ba yung effort niya sayo para mag effort ka na din? Nasasayo yan. Yun ang maganda, yung mga taong hindi padalos dalos. Yung dadaanin ka muna sa asar asar na yan kesa naman kakakilala niyo pa lang eh manliligaw na agad.

Napakababaw ng kaligayahan ng babae kung tutuusin. Lalo na kapag mang gagaling yung joke eh sa taong gusto nila. Madalas hindi nila mapigilan yung kilig. Yung oras lang na kasama mo siya kinikilig na, paano pa kaya kapag nag effort ka pa magpatawa sa kanya. Kahit baduy o korny ang joke mo hindi ka niya ipapahiya. Tatawa pa rin siya dahil sa kilig na hindi mapigilan o kaya naman sobrang na appreciate niya yung moment niyong dalawa. 
Kaya sobrang panalo sa babae ang lalakeng may sense of humor. Kaya hindi totoo na sa mukha lang sila tumitingin. Maraming babae pa rin ang praktikal. Hindi na mahalaga ang itsura. Ang mahalaga eh yung lalakeng nakakapagpasaya sa kanilla, yung lalakeng may oras palagi sa kanila.
That’s Love :)

“Cody”

“The only creatures that are evolved enough to convey pure love are dogs and infants.” 
― Johnny Depp

Source: matabangutak

GirlAko yung tipo ng taong kumerengkeng man ng todo, kiligin sa iba at magka- crush ng tatlong dosena ang puso ko naman ay para lang sa iisa.

Boy: Ulol! Papatayin mo ako sa selos!

Girl: 

Boy: Nagpapaliwanag lang.

Huwag mo munang gastusan habang hindi pa kayo.

Payo sa mga lalakeng nanliligaw,

Hindi mo naman kailangan ipakita na galante ka, ipakita mo lang yung tunay na ikaw eh ayos na yun.

Hindi mo na kailangan ilibre sa Starbucks ang taong nililigawan mo, sapat na ang kahit anong mumurahin na inumin basta ang mahalaga tunay ang nararamdaman mo at magkasama kayo.

Hindi problema kung hindi ka kapos sa budget, pero kung estudyante ka palang rin naman na nakikiburaot pa lang rin sa magulang mo, aba mag isip isip ka sa gastos utoy. 

Hindi mo naman kailangan maging galante para sagutin ng taong minamahal mo eh, tandaan mo nanliligaw ka palang, huwag ka magpakitang gilas sa kanya na kaya mo siyang pakainin sa ganito, maibili ng ganun, tandaan mo hindi pa kayo.

Paano kung sagutin ka niya? At sa oras na sinagot ka niya eh doon ka na walang pera? Hindi ba mas dyahe yun kaibigan? Kaya hanggat maari wag kang maglalabas ng malaking pera kapag nanliligaw, kahit naman kasi ano ang gawin mo kung may pag-asa ka talaga sa chicks mo pare eh kahit san mo dalhin eh uubra yan. 

Ang gusto lang naman makita ng babae eh yung effort mo na gusto mo siyang makasama, yung effort na mararamdaman niya sa salitang “Mahal Kita”. Sa tingin mo ba mabibili mo ang mga salitang yun? Hindi diba? Kaya easy lang, marami pa kayong pagdadaanan, malay mo kailanganin mo ng pera pambili ng pregnancy test kapag naging kayo na.

O diba? Dyahe? Daddy ka na.

Define Ouch.

Define Ouch.

Source: matabangutak

Pag nagmahal ka, paniniwalaan mo lahat eh, yung mga Love at First Sight, mga happy endings, tapos yung mga destiny destiny na yan, nasasabi mo sa taong mahal mo kasi nga masaya ka, kasi nga nag eenjoy ka pa sa relasyon niyo. Tapos sa huli kapag nag-away kayo mawawala yung destiny, mawawala yung happy ending, mag-uumpisa kang maniwala sa “Love is greater the second time around”. Tapos niyan, mag iiba na ng mag-iiba ang pananaw mo sa pag-ibig. Sariling diskarte mo na lang. Ganyan ang pag-ibig eh, sa una puro katangahan muna mararanasan mo, syempre bago ka palang eh. Sa oras na nasaktan ka at nasaktan malalaman mo lahat ng pagkakamali, maitutuwid mo ito at magagamit sa susunod na taong mamahalin mo ulit. Huwag mapagod magmahal, ayan na nga lang ang pakiramdam na nakakapagpasaya at nagiging dahilan para magkaroon tayo ng inspirasyon sa araw-araw eh.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack