Post(s) tagged with "love"

Kapag matagal na kayong hindi nagkikita ng taong mahal mo, para bang sobrang sabik ka sa kanya. Para bang pakiramdam mo bago na ulit ang lahat, para bang first time lang ulit nangyayari sayo. Kumbaga sa Computer na refresh yung nararamdaman mo sa kanya. Para bang first time mo ulit magmahal sa sobrang kasabikan mo sa kanya.
“Sa wakas! Nakita at nakasama ko na rin ang taong kakampi ko, ang taong nakakaintindi sakin ang taong andyan palagi sa likod ko.” Ganyan lagi ang madalas na nasasabi ng isang tao kapag nakita na ang taong malapit sa puso niya.
Gusto mo kurutin, hampasin, halikan at yakapin ng mahigpit. Tila ba ayaw mong pakawalan, kasi nga posible palang mayakap ang mundo. At doon mo nalalamang masarap pala talaga kapag may nagmamahal at nag aalaga sayo. Ayaw mong isipin kung ano ang posibleng mangyari sa future niyo. Ang mahalaga kasi sayo yung ngayon at kung ano ang meron kayo.

Source: matabangutak

Madalas natin itanong to kapag nasasaktan tayo. Bakit masakit kapag iniwan tayo ng isang taong mahal natin. Siguro dahil sa nasanay kang importante ka sa kanya? Siguro dahil sa binigay niyang oras dati. Tapos ikaw naman tong si tanga, binigyan lahat ng ibig sabihin ang lahat ng ginagawa niya. Kasi nga, sa lahat ng taong malalapit sayo siya lang ang napapansin mong nag eeffort. Pero hindi ibig sabihin nun eh espesyal ka na sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ang mahalaga at espesyal eh may pinagkaiba rin.
Ang taong mahalaga sa buhay ng isang tao eh yung mga taong andyan lang palagi yung mga taong ayaw mo ring mawala sa buhay mo. At ang taong espesyal naman eh yung mga taong mahalaga na at may parang special treatment. Tipong may concern factor at alaga factor. Gets? 
Ang mahirap kasi sa parte ng babae eh nahihirapan sila magtanong kung may pinaparating ba ang lalake dahil ayaw nila lumabas na nag aassume sila kahit na deep inside may inaassume na sila sa lalakeng yun.
At ang mahirap naman sa parte ng lalake eh yung paramdam sila ng paramdam pero natatakot silang umamin dahil nga natatakot silang umalis sa comfort zone. Dahil baka magbago ang lahat. 
Nakakatuwa na sa likod ng sakit na nararamdaman eh hindi pa rin sumusuko ang tao sa paghahanap ng taong mamahalin nila. Well, we live to love.

Isipin mo na ang paru-parong yan eh yung taong darating sa buhay natin. Kailan nga kaya dadapo sa atin ang pagmamahal na matagal na nating hinahanap? Minsan dumapo na pero mailap talaga ang tadhana para sa ating lahat. Kaya minsan, dumapo na ito sa ating mga palad pero lumilipad pa rin palayo. Dahil sa mga problemang hindi agad nasolusyunan. Pero sabi nga sa kanta ng Session Road na Cool Off ” Palayain ang isat-isa, kung tayo tayo talaga. “ Maaring hindi kayo ngayon, maaring hindi man maging ok ang lahat sa inyo ngayon. Pero malay mo? Sa mga susunod na araw.. Sa tamang panahon. Sayo ulit dadapo ang paru-parong hinahanap mo. Dadapo sa bulaklak na hinahanap niya. At ikaw ang magandang bulaklak na yun :)

Mga sinasabi kapag makikipag break.

Im confused and  I need some time out to find myself.

Hindi mo pa ba nahahanap sarili mo? Naiwan mo ba sarili mo nung nagmahalan tayo? Saan ka nalito? San banda? Anyare sa desisyon mo. Kailangan mo nga siguro ng oras para hanapin ang sarili mo. Saan ka naguguluhan? Kung sino ang nagkamali? Ikaw lang nagkamali. Ikaw lang dumadahilan e.

Maybe this is not the right time for us.

Talaga? Anong oras mo ba dapat sinasagot ang isang tao? Tuwing gabi lang? Alas onse? Alas dose? O baka naman ala una? Anong relo ba ang gusto mo para tumama ang oras natin. Bench ba? Penshoppe? Fossil? O rolex? Ang mahal mong mahalin kung ganun.

Di kita maalagaan ng tulad ng inaasahan mo. You deserve someone better. That’s not me.

Sana alam mong hindi ka liligawan ng isang tao kung hindi ikaw ang gusto niya. Hindi naman caregiver ang hanap niya. Taong magmamahal lang at susuporta sa kanya ang kailangan niya. Bakit ka ganyan? Sarap mong kotongan.

We are too different from each other.

Malamang. Babae siya at Lalake ka. Pwede ring Lalake ka at babae siya. Ano pa ba ang dapat ipareho? Bakit kailangan bang magkapareho? An dami mo kasing hinahanap kaya ayan ang dahilan mo. Kaya nga unique ang tao. Ibig sabihin walang katulad. Ano gusto mo? Kambal?

Someday,hahanapin kita when we’re both ready. Kung tayo talaga, tayo rin in the end. diba?

Talaga? Kailangan talaga? So maglalaro tayo ng tagu taguan? Hindi na ko magpapakita sayo. Bakit? Ikaw lagi ang taya. May kalaro na ko ng habul habulan sa oras na ayain mo ko ng tagu-taguan. Bakit kailangan pa sa huli? Kapag nagsawa ka na sa iba? Tska ka babalik? OH MEN!

I really think that we should break up. Because I don’t know if I still love you.

Anyare? Sabi mo kaibigan mo lang? Tapos ka holding hands? Ang sweet mong kaibigan. Tama makipag break ka na nga. At di ko na rin alam kung mahal rin kita. At nakapag isip ka pa ng lagay na yan. 

Its not you, its me…

Oo buti alam mo. Dito ka lang ata tumama. Diyan ka magaling.

I just realized that I dont want to be attached.

Anyare ulet? Email ka? Email? attach file? Attache case? Ewan! :)) Gusto mo ba ng stapler remover? Para ma dis attach na tayo?

I need space

Di mo naman kasi agad sinabing astronaut pala ang gusto mo pag laki. O kaya naman gusto mong maging keyboard? Ang haba ng space dito o. Eto milky way. Sayo na.

Kung talagang tayo, kahit saang sulok ng mundo, magtatagpo tayo.

Kung nasa dulo ako ng mundo. Ikaw nasa labas ka na. Diba pangarap mong maging astronaut? Tska kung sakaling magiging keyboard ka. Nasa dulo ka lang ng computer table.

Papakawalan mo pa ba? Kung mahal niyo naman talaga ang isa’t-isa? Bibitaw ka pa ba? Kung hawak mo na? Minsan makaranas lang ng onting lungkot at pagkakamali yung partner natin. Gusto na agad natin bumitaw. Dahil sa pride na “sinaktan” na nila tayo, niloko at pinaglaruan. May mga taong mas piniling maging tanga pangsamantala. Patuloy na kumakapit sa taong mahal nila. Gustong patunayan sa taong mahal nila na kahit gaanong kasakit ang ginawa nila andun pa rin siya para sa relasyon na meron sila. 
May mga taong gustong mabago ang taong gusto nila sa paraan ng pagmamahal nila. Tatanggapin ang lahat ng sakit, tatanggapin ang lahat ng pagsubok. Mapatunayan lang na mahal talaga nila ang taong yun. Dahil sa ginagawa nilang yun, umaasa sila na mabago nila yung taong taken for granted lang siya. Pinipilit niya kahit mahirap. Pinipilit niya kahit na siya ay nasasaktan. Ang mahalaga, magkasama sila. Ang mahalaga hindi siya bumibitaw. Hawak mo na yung taong pinangarap mo eh. Nasayo na. Ipaglalaban mo lang ulit. Sayo na yun eh. Bibitawan mo pa ba?

Bakit gusto natin mapasa atin ang isang tao?

  • Dahil gusto natin maramdaman na yung atensyon niya eh sa atin naka focus.
  • Gusto mo rin maranasan yung lambing na inaasahan mo matagal na.
  • Gusto mo na rin maranasan na minamahal ka ng taong mahal mo.
  • Gusto mong mahawakan ang kamay ng isang anghel na hinulog sa langit para saluhin at alagaan mo.
  • Gusto natin siya alagaan, dahil nga sa mahal natin ang isang tao hindi natin siya papabayaan, bubunuin ng pagmamahal ang kanyang nararamdaman.
  • Gusto mong gumawa ng sariling mundo kasama siya, mundo ng kasiyahan, mundo ng pagmamahalan, mundo na kayong dalawa ang may gawa. Mundo na walang ibang makakasira. Mundo kung saan magiging masaya kayong dalawa sa hirap at ginhawa.
  • Gusto mong maranasan ano ang pakiramdam kapag dumampi ang iyong labi sa kanyang mga labi.
  • Gusto mo maramdaman na espesyal ka rin sa kanya. Gusto mo ng lambing niya. Dahil yun ang nagpapasaya sayo, yun ang nagbibigay ligaya sa iyong damdamin.

Gusto natin ang isang tao kasi mahal natin sila. Gusto natin ang isang tao dahil importante sila sa atin. Gusto natin sila kasi sila ang nakakapagpasaya sa atin. May itsura man o wala, ang mahalaga dito tao ang pinaguusapan. Bonus na yung may itsurang mabait at maibibigay sayo ang pangangailangan ng isang taong nagmamahal.

May mga lalake pa rin na sobrang nirerespeto ang mga babae. May mga lalake pa rin na patuloy na nagmamahal ng totoo sa mga babae. Kaya huwag idamay na pare pareho lang ang lahat ng lalake. Huwag ka maging bitter sa isang lalake at tska mo idadamay yung mga lalakeng kahit kailan eh hindi ka man lang naisipan kahit minsan lokohin.
Hindi lahat ng lalake bastos. Pero may mga lalake na bastos. Hindi lahat ng lalake manloloko, pero may mga lalake talagang manloloko. Tulad naming mga lalake, hindi kayo nalalayong mga babae. May mga babae ding nanloloko samin, may mga babae din na nag papa asa. 
Tulad niyong mga babae, gusto rin naming nirerespeto, gusto rin naming ginagalang. Kumbaga, kung ano ang ibinibigay naming pag galang at pag respeto sa inyo eh ganun din sana kayo samin. Hindi kami ganun ka showy tulad niyo. Kaya madalas kami ang napapasama kasi madalas tahimik lang kami at hindi namin ugali ang mag kwento. 
Wala na kasi kaming magagawa, may mga ugali kami na kapag tapos na eh maaring tapos na talaga. Takot kaming mag paliwanag, basta tahimik lang kami. Nirerespeto namin ang desisyon niyo kapag kayo ang nang iwan samin. At sa mga lalakeng nang iwan sa inyo, tanggapin niyo na lang rin na ganun talaga minsan ang pag-ibig. Maaring masaya ka noon, maaring malungkot ka ngayon. Pero darating ang araw na sasaya ka muli, dahil sa hindi lahat ng lalake ay pare pareho.
Maraming tao diyan ang handang magmahal sayo. Hindi lang makapasok. Dahil sarado ang puso mo.

Yung “Excitement Factor” kapag gigising ka sa Umaga.

Alam mo yun? Madalas mong hanapin yung excitement ng buhay mo. O kaya naman excitement na gumising sa umaga, yung umaga na i lolook forward mo talaga kasi parang may mangyayaring maganda na hindi mo malaman. Alam mo yun? Yung nawala na sayo yung anu mang kilig factor, yung hindi mo na alam ang gagawin mo sa buhay mong mag-isa. Oo andyan ang magulang at kapatid mo para magmahal sayo. Given the fact na yun eh, kumbaga obligasyon ka nilang mahalin kasi pamilya ka nila at binuhay ka nila sa mundong ibabaw.

Pero hellyeah naman kasi yung gusto natin diba? Yung gusto natin yung taong aangkinin talaga natin. Yung taong ipagmamalaki natin sa maraming tao na hawak mo ang kamay niya at kulang na lang eh ipagsigawan mong nagmamahalan kayong dalawa. Pero madalas kang mahiya diba? Eh si John Lloyd lang ata ang madalas gumawa nun. Paano naman kasi scripted.. Pati yung mga taong nasa paligid.. Hindi tulad sa tunay na buhay.. Huhusgahan ka, madalas sasabihin pa ng tao sayo eh “ay ang baduy naman nun!”.

Gets niyo ba yung point ? Yung excitement? Yung spark na hinahanap mo madalas sa sarili mo o kaya naman sa ibang tao. Ang panget gumising sa umaga na ang tanging alam mo eh papasok ka lang sa eskwelahan.. Mahirap mag-aral ng walang inspirasyon.

Nakakamiss maging lutang ang isip mo kakaisip sa kanya. Bakit kaya nawala na yun? Sayo ba? Nawala rin ba? Hinahanap mo rin ba? O patuloy na naghihintay na lang? Kasi umaasa kang darating din ang taong magmamahal sayo ng buo. Minsan iiyak ka na lang sa kwarto no? Kasi nga nahihirapan ka na.. Ang bigat sa loob at dyahe sa pakiramdam yun. 

Hell yeah na. Fuck yeah pa. Asteeg.

Kapag bago kayo sa relasyon napakahirap gumawa ng first move no? Hindi mo alam kung dapat mo na bang hawakan kamay niya o kaya naman eh umakbay sa kanya. Syempre nakakailang sa una eh, tska andun na din yung takot na baka ma reject yung nais mong gawin. Minsan naman nakakatakot kasi baka sabihin na ” Ang bilis mo naman”. Kaya napakahirap gawin lalo na kung walang paalam.
Pero napakasaya nga naman talaga kapag nagawa mo na, walang kasing saya sa kadahilanang may masasabi kang sayo. Hindi mo man inaangkin ng husto, masasabi mong sayo yung taong yun. Sarap lang kapag may partner kang mahahawakan ang kamay o kaya naman maakbayan pag katabi mo sa sinehan. Tipong sabay kayo matatakot kung horror ang pinapanuod niyo, at sabay naman kikiligin kung love story naman ang pinapanuod niyo.
Nagkakaroon din kayo ng privacy na dalawa na manuod at isang sweet bonding na rin ito. 
Napakasaya nga naman talaga kapag may taong nagmamahal sayo. Yung proud, yung handang yumakap, handang kunin ang kamay mo at ipagmalaking pag mamay ari ka ng taong yun, at ang pag akbay na sinasabi mo sa taong.. “Walang aagaw dito.. Akin to”.

Im not Bob Ong, Im not PapaJack,Im simply Rhadson.: Paano kung sabihan ka ng ⇢

    • Humanap ka na lang ng iba.
    • Iwan mo na lang ako.
    • Wala kang mapapala saken.
    • Di ko kayang ibigay yung pagmamahal na gusto mong ibigay ko sayo.
    • Im not the right person for you.
    • Hindi na magwowork ito.
    • Ayaw ko na.

Parang movie lines lang no? Pero nakakatuwang mga common na dahilan ito para…

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack