Post(s) tagged with "love"

Ano bang feeling mainlove sa kaibigan/bestfriend?

Ito ang isa sa pinakamahirap na feeling sa lahat ng mararamdaman mo sa isang kaibigan. Alam naman nating mahal natin ang lahat ng ating kaibigan, pero iba kapag sinabi nating “In-love”. In-love ibig sabihin, may gusto tayo sa kanila. May espesyal na pagtingin, may gustong patunguhan, gusto mong alagaan o kaya naman angkinin.

Kadalasan kasi kapag na iinlove ka sa kaibigan, tanggapin mo na sa sarili mo na posible kang mawalan. Marahil sa oras na umamin ka eh hindi niya gusto ang ginawa mong pag-amin. Kunwari close kayo, at inisip mong i next level ang pagkakaibigan niyo eh may pagkamalabo ang kalalabasan nito.

Minsan kasi, sapat na sila yung nandiyan ka lang. Yung pareho kayong nakakabenefit sa bawat isa. Yung tipong sweet kayo, pero walang commitment. Pero nandun yung closeness. Gets? Yung pwede mo siyang lambingin parati, ( kaya ka na inlove ) kasi nga malaya mong nagagawa yung mga bagay na meron yung ibang taong pumapasok sa relasyon.

About sa “FriendZone Thingy” ito ata yung isa sa pinakamasakit na mangyayari sayo. Yung hindi ka lang busted, kundi kinandado na talaga ang pagkakaibigan niyo tapos tinapon sa dagat o tinunaw sa apoy yung susi ng Padlock na yun. Kasi wala na talaga, tipong kahit pag-aralan ka niyang mahalin eh wala na talaga. Masaya lang siya na kaibigan mo siya, na nag-uusap at kilala niyo lang ang dalawa.

Basta isa sa pinakamahirap na pakiramdam talaga ang ma inlove sa bestfriend o kaibigan. Pero dun naman lahat nag uumpisa. Sa pagiging magkaibigan muna. Syempre darating tayo sa puntong ” Getting to know each other muna “. 

Tip ko lang sa lahat. Kapag binabalak mong ligawan. Wag mo masyadong lalambingin habang magkaibigan pa lang kayo. Kasi kapag ayan sinanay mo na nilalambing mo kapag magkaibigan palang kayo eh malaki ang chance na ma friendzone niyan. May mga senyales kasi yan eh, wag mo laging amuhin, ipakita mo lang na espesyal siya. 

Umiwas ka at medyo huwag kang pumayag kapag tinatawag ka ng “KAPATID” “KUYA” o “TATAY” sa mga lalake. Punyeta, wala ka ng pag-asa sa mga yan. “SIBLING ZONED” naman ang tawag diyan. Yung tatawagin ka ng mga sweet na tawagan na ganyan? Juskupo. Asa ka pang sagutin ng mga taong yan.

Ang feeling kasi kapag na ganun ka, parang binalatan ka ng buhay at pinigaan ka ng isang kilong kalamansi onti-onti, patak patak. Parang pinalalasap sayo ang sakit na pang kaibigan ka lang dahil sa sobrang kabaitan mo.

Pagtanggap lang naman ang susi diyan eh. Wala namang masama kung susubukan mong sabihin ang gusto mo. Malay mo may mga tao na hindi nag stick sa mga decision nila. Kapag ayan kasi wala ng nakilalang tunay na magmamahal sa kanila. Minsan no choice yan. Ikaw pipiliin niyan. Kaso ang awkward nung ganun diba?

Natuto na rin ako sa mga ganyang problema ko sa buhay. Kapag gusto ko ang isang tao, hindi ko masyado nilalambing. Wala kaming tawagan. Tinatawag ko lang siya sa pangalan niya. Hindi Ate, hindi Prinsesa, kundi kung sino lang siya. Alam mo naman kasi yung mga tawag na iiwasan mo eh, para hindi ka mabilang sa mga taong na friendzoned.

Sabi nga ni Lolo MArio Pinanganak tayo para sumaya. Which is tama siya. At dadagdagan ko pa.

Pinangak tayo para sumaya. At hindi para maging last option lang ng iba.

Kahit na ano pang galit natin sa taong mahal natin, hindi natin sila matitiis. Kahit na sabihin mong mataas ang pride mo at hindi niya kayang pantayan. Sa huli ikaw ang bababa at hihingi ng tawad. Dahil alam mong walang patutunguhan kapag nagtagal ang away. Syempre ayaw niyo mawala yung isa’t-isa. Takot kayong baka maghanap siya ng taong magbibigay ng payo sa kanya. At mas takot kang yung nagbibigay ng payo sa kanya eh pagsamantalahan ang kahinaan niya at kung ano ano ang ipayo. Kaya napag desisyunan mo na lang na humingi ng tawad at iuwi ang lahat sa lambingan.
Ang lalake kasi madalas magalit, madalas palakihin yung mga maliliit na bagay. May pagkaseloso pero hindi namin inaamin. Medyo baduy kasi. Pero nagseselos in the way na sobrang pinagdadamot namin ang mga babae dahil yun ang mundo namin eh. Alangan naman mundo mo, tapos umiikot sa iba diba? Pero alam naman namin limitasyon namin.
Yung mga simpleng tampuhan sa relasyon, nag aantay lang ng lambing at babaan ng pride yan. Hindi maaring matiis ka nyan. Maaring hindi ka niya itext kapag nagtatampo siya. Pero nag-aalala yan sayo. Minsan kasi ang tao gusto niya kapag alam niyang ikaw ang may kasalanan. Sorry lang ang hinahantay niya sayo. Yung sayo mismo manggaling. At ikaw naman, huwag mo na ipagkaila kapag alam mong kasalanan mo. Harapin mo ang pagkakamali mo. Ayusin mo ang sarili mo. Para rin naman sa inyong dalawa yan eh.
Mahalin palagi at patawarin ang isa’t-isa. Huwag hahayaang sumuko ang isa. Huwag bibitawan ang kamay. Ikaw lang ang sasagip sa kanya. Nag decide kayo maging kayo. Ibig sabihin nun nag decide kayong magtulungan sa hirap at ginhawa. Kumbaga sa estudyante OJT niyo palang yan habang mag nobyo/nobya kayo. Kailangan malagpasan niyo palagi yan. Paano kung kayo talaga? Edi mahirap diba? Kapag mag-aaway kayo at meron na kayong pamilya.
Oo mahirap aminin ang pagkakamali. Pero yun ang kailangang gawin dahil yun ang tama.
Basta kapag mahal mo. Kahit anong mangyari. Huwag kayong susuko :)

Kahit na ano pang galit natin sa taong mahal natin, hindi natin sila matitiis. Kahit na sabihin mong mataas ang pride mo at hindi niya kayang pantayan. Sa huli ikaw ang bababa at hihingi ng tawad. Dahil alam mong walang patutunguhan kapag nagtagal ang away. Syempre ayaw niyo mawala yung isa’t-isa. Takot kayong baka maghanap siya ng taong magbibigay ng payo sa kanya. At mas takot kang yung nagbibigay ng payo sa kanya eh pagsamantalahan ang kahinaan niya at kung ano ano ang ipayo. Kaya napag desisyunan mo na lang na humingi ng tawad at iuwi ang lahat sa lambingan.

Ang lalake kasi madalas magalit, madalas palakihin yung mga maliliit na bagay. May pagkaseloso pero hindi namin inaamin. Medyo baduy kasi. Pero nagseselos in the way na sobrang pinagdadamot namin ang mga babae dahil yun ang mundo namin eh. Alangan naman mundo mo, tapos umiikot sa iba diba? Pero alam naman namin limitasyon namin.

Yung mga simpleng tampuhan sa relasyon, nag aantay lang ng lambing at babaan ng pride yan. Hindi maaring matiis ka nyan. Maaring hindi ka niya itext kapag nagtatampo siya. Pero nag-aalala yan sayo. Minsan kasi ang tao gusto niya kapag alam niyang ikaw ang may kasalanan. Sorry lang ang hinahantay niya sayo. Yung sayo mismo manggaling. At ikaw naman, huwag mo na ipagkaila kapag alam mong kasalanan mo. Harapin mo ang pagkakamali mo. Ayusin mo ang sarili mo. Para rin naman sa inyong dalawa yan eh.

Mahalin palagi at patawarin ang isa’t-isa. Huwag hahayaang sumuko ang isa. Huwag bibitawan ang kamay. Ikaw lang ang sasagip sa kanya. Nag decide kayo maging kayo. Ibig sabihin nun nag decide kayong magtulungan sa hirap at ginhawa. Kumbaga sa estudyante OJT niyo palang yan habang mag nobyo/nobya kayo. Kailangan malagpasan niyo palagi yan. Paano kung kayo talaga? Edi mahirap diba? Kapag mag-aaway kayo at meron na kayong pamilya.

Oo mahirap aminin ang pagkakamali. Pero yun ang kailangang gawin dahil yun ang tama.

Basta kapag mahal mo. Kahit anong mangyari. Huwag kayong susuko :)

Source: matabangutak

Deep in the Costa Rican
jungle, a fisherman named
Chito discovered a crocodilethat had been shot in the eyeby a cattle farmer and left fordead.
Chito was able to dragthe massive reptile into hisboat and brought him to hishome, where he stayed by hisside for months, nursing himback to health.
He named the croc Pocho. “Istayed by Pocho’s side while hewas ill, sleeping next to him atnight. I just wanted him tofeel that somebody loved him,that not all humans are bad.”said Chito, ““It meant a lot ofsacrifice. I had to be thereevery day. I love all animals –especially ones that havesuffered.”
The day finally came whenPocho was strong enough to goback into the wild. Chito tookhim to a lake near his houseand released him, but theanimal simply got back out ofthe water and followed himhome.
“Then I found out that when Icalled his name he would comeover to me.” says Chito. Thefisherman has been hesitant totell his story, even though 20years have passed since hefirst rescued Pocho.
Pocho is roughly 5.18 meters(17 feet) long. He and Chitoplay, wrestle and hug on adaily basis. That bond, Chitosaid, took years to forge.“After a decade I started towork with him.”, says Chitocasually, “At first it was slow,slow. I played with him a bit,slowly doing more.”
Chito has told his story nowonly to raise awareness of thecruelty that can be done toanimals, and the differencethat affection and treatingother rightly can make.“He’s my friend, I don’t wantto treat him like a slave orexploit him.”said Chito, “I am happybecause I rescued him and he ishappy with me because he haseverything he needs.”

Deep in the Costa Rican

jungle, a fisherman named

Chito discovered a crocodile
that had been shot in the eye
by a cattle farmer and left for
dead.

Chito was able to drag
the massive reptile into his
boat and brought him to his
home, where he stayed by his
side for months, nursing him
back to health.

He named the croc Pocho. “I
stayed by Pocho’s side while he
was ill, sleeping next to him at
night. I just wanted him to
feel that somebody loved him,
that not all humans are bad.”
said Chito, ““It meant a lot of
sacrifice. I had to be there
every day. I love all animals –
especially ones that have
suffered.”

The day finally came when
Pocho was strong enough to go
back into the wild. Chito took
him to a lake near his house
and released him, but the
animal simply got back out of
the water and followed him
home.

“Then I found out that when I
called his name he would come
over to me.” says Chito. The
fisherman has been hesitant to
tell his story, even though 20
years have passed since he
first rescued Pocho.

Pocho is roughly 5.18 meters
(17 feet) long. He and Chito
play, wrestle and hug on a
daily basis. That bond, Chito
said, took years to forge.
“After a decade I started to
work with him.”, says Chito
casually, “At first it was slow,
slow. I played with him a bit,
slowly doing more.”

Chito has told his story now
only to raise awareness of the
cruelty that can be done to
animals, and the difference
that affection and treating
other rightly can make.
“He’s my friend, I don’t want
to treat him like a slave or
exploit him.”
said Chito, “I am happy
because I rescued him and he is
happy with me because he has
everything he needs.”

Pagkukumpara sayo sa ibang tao.

Kapag maganda ang papuri sayo ayos lang ikumpara ka sa ibang tao, pero kapag panget puna sayo sasabihin mo pang “ Huwag na huwag at ayaw kong kinukumpara ako sa ibang Tao”.

Nakakatuwa lang, napapansin ko sa ibang tao na ganito, sa problema ng mga kaibigan, sa mga kaibigan na nakakausap at sa mga taong nakapaligid sakin. Ganun na lang ata talaga ang Pinoy o ng tao? Porket may nabasang huwag ikumpara sa libro o sa internet eh gagamitin na rin niya ang linyang ito at sasabihing ” Iba kasi ako sa kanila kaya huwag mo kong kinukumpara “.

Pero totoo nga namang nakakagalit ikumpara lalo nat may nagawa kang pagkakamali, tipong Bakit hindi ka nagtetext? Buti pa si ano dati laging nagtetext. Yung mga ganyan na sinasabi ng isang tao, o kaya naman ayan na lang ba ang kaya mo? Buti pa yung dati kahit hindi ko sabihin ginagawa niya pa rin.

Dito na puputok ang butsi ng taong sinabihan, dito na nagsisimula ang gyera, ang bombahan ng mga salita ang barilan ng pagkatao at marami pang iba. Sa tingin ko hanggat maari eh huwag tayong magkukumpara, dahil people are different from each other.

Mali ba daw mahalin ang taong hindi ka mahal?

Hindi mali ang magmahal ng taong hindi ka mahal, kaya ka nga nagmamahal kasi umaasa kang mahalin ka din niya pabalik. Pero kapag dumating yung araw na puro ikaw na lang ang nagmamahal, matuto kang makiramdam, aba baka naman sa sobrang pag ka martyr mo eh magkaroon ka na ng pakpak at bilog sa ulo niyan? Maging Anghel ka na sa sobrang kabaitan na pinapakita mo sa kanya.

Hindi naman masama minsan ang sumuko eh, minsan kaya tayo sumusuko kasi wala na tayong nakikitang pag-asa, as in wala na talaga. Hindi naman kasi tayo susuko kapag nakikitaan pa natin ng kahit sobrang liit na pag-asa hindi ba? Kaya oks na oks lang magmahal talaga kahit hindi ka mahal. Ganun tayo eh, sobra tayong magmahal.

Masaya magmahal. Kaya hindi dapat pinipigilan yan.

Magkapareho lang ba daw yung nagsawa at napagod (sa relasyon)?

Kung ako ang tatanungin magkaiba ito, ibibigay ko ang opinyon ko dito. Kapag ang tao nagsawa, kahit anong effort ang gawin mo eh wala ng kwenta sa kanya ito. Di tulad ng napagod eh pwedeng magpahinga sandali at tska magmahal ulit.

Yung mga taong nagsasawa eh depende, maaring sa tagal ng relasyon nila, nagiging paulit ulit na lang ang nangyayari sa kanilang dalawa. Madalas na nangyayari sa relasyon ng matagal na magkasintahan na parehong pumapasok pa ay 

  • Mag tetext ng goodmorning
  • Mag tetext ng Kain na.
  • Magsasabi ng I love you.
  • Teka lang may gagawin lang ako/ Pasok na ako sa school.
  • Kain ka na tanghalian.
  • Kelan ulit tayo magkikita?
  • Magsasabi ng I love you.
  • Papasok sa eskwelahan
  • Uuwi sa eskwelahan.
  • Sasabihan ng pagod.
  • Mag-uusap, wala ng mapagusapan dahil napagusapan na sa mga nakaraang araw. Paano pa kung hindi nagkita?
  • Mag goodnight.
  • Kinabukasan eh halos ganun ulit.

Minsan ang tao eh nagsasawa kapag paulit ulit yung nangyayari, parang formality na lang, Date tayo, Usap tayo, I love you dito, I love you too doon.

Ang taong napagod eh bigyan mo lang ng oras mag-isip eh handa na ulit magmahal ito, maaring mapatawad ka, pagbigyan ka pa ng isang pagkakataon o kaya naman eh tuluyang mapagod at sa ibang balikat na siya magpahinga. Depende na naman sa tao yan lahat eh.

Ewan ko ha, iba iba kasi ang nangyayari sa bawat tao eh, lahat ng nasisirang relasyon eh may sikretong hindi mo malalaman at silang dalawa lang talaga ang may alam.

Kung tutuusin parehas lang yan, parehas lang kasi kakalabasan niyan. Iniwan ka rin naman eh, yun nga lang nagkaiba sa kung may pag-asang bumalik o hindi.

Pinag ka iba daw ng Gusto Kita sa Mahal kita.


Gusto kita

  • Kasi mabait ka.
  • Kasi magaling kang makisama.
  • Parati kang nandiyan.
  • Isang tawag ko lang sayo nandito ka na sa tabi ko.
  • Kapag kailangan kita, hindi mo ko pinapahiya at pinupuntahan/tinutulungan mo ako.
  • Gwapo ka/Maganda ka.

Mahal kita

  • kahit na masama ka sakin.
  • kahit na sinasaktan mo ako.
  • kahit na pangit ka.
  • kahit na pinapaiyak mo lang ako.
  • kahit na niloloko mo lang ako.
  • kahit na may iba ka na.

Gets mo yung logic nung examples ko? Yung tipong kapag mahal mo ang tao, kahit sino at ano ito eh tatanggapin mo. Pero karamihan ng nagmamahal eh yung sa GUSTO KITA Example din. Pinagsasama nila yan.


Tiwala
- ito dapat ang hindi mawawala sa relasyon mo sa taong mahal mo. Kahit na sa kaibigan mo. 

Oras - lahat ng taong gusto kang makasama ay kailangan ng oras mo. Ang pagbibigay ng oras ay nangangahulugang pagbibigay ng atensyon. 

Komunikasyon - Pinaka importante at pinakamahalaga sa lahat ng aspeto. Kapag ito ang nawala ng ilang linggo, ilang buwan. Ilang taon. Mawawala ang mga importanteng tao sayo.

Pagkakaintindihan - kapag may problema, mahalaga ang pagkakaintindihan ng bawat isa. Ilugar mo ang sarili mo sa sarili niya bakit siya nag kakaganun. At kapag nalaman mo na. Lambingin mo na para ma resolba ang simpleng problema.

Pagmamahalan - kapag wala na kayong hinangad na dalawa. Ang tawag dun ay pagmamahalan. Ang tanging hinahangad niyo eh mapasaya ang bawat isa.

Pagsasakripisyo - kapag may ginagawa ang isa. Kailangan mong magsakripisyo sa sarili mo na hindi lahat ng oras eh maari mo siyang makasama. Dahil sa may mga bagay itong ginagawa. Ito ang kulang sa karamihan ng relasyon. Ito ang kulang. Maaring may tiwala ka. Pero kung hindi mo maibibigay ang onting sakripisyo para mas mapabuti ang relasyon niyo, maaring magkaroon ito ng onting bahid. Pero ayos pa rin naman kung madadaan sa mabuting usapan.

“Falling in love with a Tumblrista”

Wala naman sigurong masama magmahal ng kapwa tumblrista. Kung araw-araw ka namang Online dito eh hindi imposibleng hindi ka talaga ma iinlove sa mga tao dito. Lalo na kung paano sila magsalita, paano sila magsulat, sa mga angking talento nila at alam naman natin na isa itong pugad ng taong magaganda at gwapo (ehem) talaga.

Tapos parang instant “JAMICH” pa kayo kung kayo yung magkarelasyon na “ODA”. Online Display of Affection. Tipong landian sa Tumblr Ask, minsan ipopost pa, appreciation posts sa bawat isa. Monthsary and other stuffs. 

Mahirap lang dito, kung gaano kayo ka sweet at kapag nag-away kayo eh asahan niyo ng may mga taong involved na. Maari kayong mahusgahan ng mga tao tungkol sa mga galawan niyo. At syempre ang mga nasasabi niyo sa isa’t-isa eh posibleng magmarka sa isip ng mga taong nakakakita or sumusubaybay sa blogs niyo.

Mahirap din ma inlove sa Tumblrista dahil sa rami ng koneksyon nito. Hindi mo alam kung ikaw lang ba talaga ang gusto niya o ang kinakausap niya. Napakaraming tukso. Lalo na’t napakabilis ikalap ng mga litrato at impormasyon dito. Which is normal naman dahil nga sa henerasyon ngayon eh uso na ang landian ng landian ng landian na walang katapusan. Di mo maiiwasan mag selos sa mga kaibigan mo dahil kinakausap nila ito. Normal yun. 

Kahit na sabihin nating Online Platform lang ito? Malaki ang impact nito dahil iba ang community at halos “bright” na mga tao ang nandito. May kanya kanyang opinyon na maaring mabasa ng marami na maaring makapagpabago ng mga pananaw nila kung paano sila magmamahal.

Para sa akin eh ingat lang, huwag laging ibibigay ang isang bagay dahil gusto mo lang siya. Huwag basta mag dedesisyon dahil lang na pabor kayong dalawa sa nararamdaman niyo. Minsan mag-isip din. Kung pang long term ba yan? O another fling o Love Story na bigla na lang mawawala sa Online World?

Source: matabangutak

Laging ganito tayo eh. Mag aaway,mag cool off. Mag sosorry ka sasabihin mong hindi mo na uulitin pero ginagawa mo pa rin yung mga bagay na pinag aawayan natin. Para bang taken for granted mo ako dahil nga alam mong pinagbibigyan kita kapag nag aaway tayo. Ayaw mo kong mawala sa buhay mo, pero ikaw ang gumagawa ng dahilan para mapalayo ako sayo. Puro ka I love you sa text, pero di mo naman mapatunayan. Sasabihin mo saking mahalaga ako sayo pero di ko maramdaman na espesyal ako sa buhay mo. Sasabihin mong maglalaan ka ng oras saken pero puro laro at kaibigan mo pa rin ang inaatupag mo. Mahal kita eh, kaso onti onting nawawala yun sa paulit ulit na sakit at pag babalewalang ginagawa mo sakin. Hindi ka ba natatakot na sa mga oras na wala ka sakin at sa mga oras na hindi mo ako pinapansin eh baka may ibang tao na nagbibigay ng oras at nagpapasaya sakin? Ngayon… Isang sagot lang gusto ko.. Wala kong ibang gustong marinig kundi oo o hindi lang. Mahal mo ba ko at gusto mong makipagbalikan sakin?

- Girl Minalas kay Boy Malas

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack