Post(s) tagged with "love"

Kung bawat hiling natin eh gagamit tayo ng isang bituin. Siguro ubos na ang bituin sa kalangitan. Sa hirap makuha ng taong gusto natin eh kakailanganin natin humiling ng marami bago ito matupad. Maiisip lang naman natin humiling kapag nagawa mo na yung parte mo eh. Kapag wala naging outcome yung paghihirap na ginawa mo. Buti pa ang bituin sa kalangitan. Kahit na nag-iisa paminsan minsan eh nakukuha pa rin nitong kuminang at mabuhay.
Kaya lang naman natin gusto ng kasama dahil sa takot na baka mabuhay tayo at masanay mag-isa. Ayaw natin mangyari yun. Dahil bawat isa sa atin, dapat may isang taong handang magmahal. Yung taong hahayaan nilang kuminang ang bituin. Yung taong hindi hahayaang humiling ka pa para mabawasan ulit ang mga bituin sa langit.
Yung taong sasama sayo… Pagmasdan ang mga bituin..

Sana wala ng magbago. Kahit constant na lang. Masaya na ko sa kung anong meron tayo. Kuntento na ko.

- Rhadson Mendoza (matabangutak)

Mababaw ang luha ng mga babae, at kung gaano naman kababaw ang luha ng mga babae eh ganun naman katindi magpigil ng luha ang mga lalake. Dahil nga sa mga nangyari sobrang bigat, mas nauuna ang babae dahil mahina ang bagahe nito ng emosyon. Mahina ang loob nila, onting kibot lang, onting away, lalo na kapag mahal nila ang isang tao eh iyak agad.
Taglay na iyakin ang babae, may mga babaeng iyakin talaga. At may mga babaeng patuloy na nag tatapang tapangan pero sa huli ng araw, luha pa rin nila ang magwawagi, parang ilog kung dumagsa ang luha sa mata. Daig pa ang bulkan kapag sumabog na ang damdamin. Poot, sakit, pighati, samut saring nararamdaman. Naguguluhan kung dapat ba siyang magalit, dahil unang una siya rin naman ang nagpasya na mag mahal ng sobra.
Patuloy silang iiyak, patuloy na uubusin ang emosyon at luha. Hanggang sa masanay na lang sila at makalimutan ang problema.

Tiwala - ito dapat ang hindi mawawala sa relasyon mo sa taong mahal mo. Kahit na sa kaibigan mo. 

Oras - lahat ng taong gusto kang makasama ay kailangan ng oras mo. Ang pagbibigay ng oras ay nangangahulugang pagbibigay ng atensyon. 

Komunikasyon - Pinaka importante at pinakamahalaga sa lahat ng aspeto. Kapag ito ang nawala ng ilang linggo, ilang buwan. Ilang taon. Mawawala ang mga importanteng tao sayo.

Pagkakaintindihan - kapag may problema, mahalaga ang pagkakaintindihan ng bawat isa. Ilugar mo ang sarili mo sa sarili niya bakit siya nag kakaganun. At kapag nalaman mo na. Lambingin mo na para ma resolba ang simpleng problema.

Pagmamahalan - kapag wala na kayong hinangad na dalawa. Ang tawag dun ay pagmamahalan. Ang tanging hinahangad niyo eh mapasaya ang bawat isa.

Pagsasakripisyo - kapag may ginagawa ang isa. Kailangan mong magsakripisyo sa sarili mo na hindi lahat ng oras eh maari mo siyang makasama. Dahil sa may mga bagay itong ginagawa. Ito ang kulang sa karamihan ng relasyon. Ito ang kulang. Maaring may tiwala ka. Pero kung hindi mo maibibigay ang onting sakripisyo para mas mapabuti ang relasyon niyo, maaring magkaroon ito ng onting bahid. Pero ayos pa rin naman kung madadaan sa mabuting usapan.

Maraming tao ang ayaw mang abala ng tao para lang humingi ng payo. Kaya sinasabi na lang niya palagi na ok siya at madalas tahimik lang. Minsan kasi kapag nag assume tayong may tutulong satin at wala namang tumulong eh mas lalo pa tayong masasaktan. Kaya madalas tayong mag disguise or yung sinasabi nating nagtatago sa masayang maskara. Tipong kapag tinanong ka nila kung kamusta ka eh sasabihin mo na lang na “Ok ka lang”. Kahit alam mong hindi pa naman talaga. Hindi mo naman kasi maloloko sarili mo eh. Tipong sa oras na sinabi mong “OK KA LANG” eh may kasunod na hinga ng malalim.
May mga taong tinatabi na lang ang problema. Dahil alam nilang mawawala din ito pag tagal. Tipong aasa na lang sa tagal ng panahon at masasanay ding wala ang taong nang-iwan sa kanya. Hindi mo masisisi ang mga taong ito. Ito yung mga taong naka move on na dati at nasaktan lamang muli. Ito yung mga taong dinidiskartehan ang kasiyahan para lang maka survive sa araw na nalulungkot sila.

Source: matabangutak

Kapag single tayo. Napakarami nating pangarap sa taong gusto natin. Karamihan gusto eh yung tinipid yung paningin also known as “Singkit”. May mga taong gusto naman eh parang kwago yung mga mata also known as “Malinaw ang mga Pangarap”. Napakarami nating gustong mga magagandang Physical Appearances. 
Pero alam mo ang maganda kapag bigla kang tinamaan ng Love na yan? Nawawala lahat. Yung lahat ng kailangan mo sa isang tao eh nawawala kapag nakita mo at naramdaman mo yung love na yun sa tao. Wala ka ng pake kung ano itsura niya. Basta naibigay niya yung pagmamahal na hinahanap mo at yung atensyon na matagal mo ng hinahanap.. Nawawala lahat ng iyon.. Itatabi mo ang pagiging High Standard mo. Sabagay, pangarap nga lang naman yun eh. Pero ang kulet lang kasi yung naiisip nating Prinsipe/Prinsesa ng buhay natin. Hindi nagkakatotoo dahil mas masaya ka sa nakita at nakasama mo ngayon.
Nandoon ang Love. Hindi nasusukat sa Pisikal na Anyo. Sa huli kukulubot ang lahat ng balat niyan. Mahalin mo yung taong bibigyan ka ng magandang buhay. Hindi yung magandang lahi lang. Nabigyan ka nga ng magandang lahi. Pumangit din dahil wala kayong mapakain o naghihirap. Not judging naman din lahat ng may itsura eh walang maibibigay na maganda sayo. Pero look at the brighter side. Mas marami ang choices kapag wala kang standards diba? Kapag pag-ibig na mismo ang pumili ng taong para sayo? Tipong siya na mismo eh sobrang perpekto na sayo. Wala ng makakahigit pa. Masasabi mong sure ka na. Siya na nga at wala ng iba.
Ang sarap magmahal ng ganun. Hindi ka magsasawa. Kasi minahal mo siya sa ugali. At hindi sa pinapantasya mong diwata o kaya naman eh knight in shining armor mo.

Kapag gusto mo maging masaya at pakiramdam mo eh ayaw ng tao ito para sa iyo. Huwag mo silang pansinin. Gawin mo ang gusto mo. Mabuhay ka sa buhay na ibinigay sayo. Dapat palagi mong iniisip na may gawin ka man o wala sa tao. Patuloy itong may sasabihin sayo. Huwag mo silang hayaan na diktahan kung ano ang dapat sayo.
Madalas kasi ang tao ang palaging iniintindi eh pasayahin ang karamihan. Pero yung sarili niya eh hindi niya mapasaya. Wala naman silang magagawa sa gusto mong gawin eh. Hangga’t masaya ka at wala kang ginagawang masama? Bakit mo iisipin ang opinyon ng iba? Eh may buhay din naman silang kanila.
Kaya gawin mo ang lahat ng gusto mo. Kapag may mahal ka? Ipaglaban mo hanggang sa makakaya mo. Hanggat di ka nagiging tanga edi go. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Ayan kasi ang naiisip mo na magpapasaya sayo eh. Yung siya ang makakasama mo sa buhay mo. Pero kapag wala na ng pag-asa. Edi hanap bago. Happiness is a choice. Hindi ka palaging malungkot. Kaya tayo nalulungkot dahil iniisip natin yung kasiyahan ng iba. At nakakalimutan natin na pwede namang pasayahin ang sarili na wala ang opinyon ng ibang tao. Hangga’t di ka nagiging makasarili. GO LANG ng GO!

Vice Versa

Vice Versa

Hindi natin nakakalimutan ang isang tao. Nasasanay lang tayo na wala sila. Dahil ang taong nakakalimutan oras na makita mo eh hindi mo na talaga kilala. Maaring wala na yung nararamdaman natin sa kanila. Pero hindi mo makakalimutan ang isang tao. Palaging nandyan na yan. 
Once na naging parte na sila ng buhay natin. Maganda man o hindi ang ginawa nila sa atin. Patuloy na mag-iiwan ng onting bakas sa isip natin yan. Kunwari pumunta ka sa isang lugar na kasama mo siya dati. Sa oras na bumalik ka dun at wala na kayo. Malaki ang posibilidad na maalala mo siya. Automatic yan. Tipong maalala ka na hindi na nasasaktan. Tipong ngingiti ka na lang. Nalagpasan mo na lang yung problema eh. Kahit pa may kasama ka ng iba. Once na pumunta kayo sa lugar na yun, maiisip at maiisip mo pa rin yung taong unang nakasama mo dun.

Nakakamiss yung mga gabing napupuyat pa tayo dahil katext natin sila no? Yung ok lang mag cram kinabukasan sa assignment ang mahalaga nakakausap natin yung taong mahal natin o kaya naman si crush. Para bang hindi ka talaga makakatulog dahil alam mong “Once in a blue moon” lang mangyayari yung mga ganung pagkakataon sa buhay. 
Para bang namromroblema ka pa dahil wala ka ng ma itopic sa kanya. Pero gustong gusto mo talaga siya kausap. So kung ano ano na lang sinasabi mo sa kanya bukod sa kumain ka na ba? Ano ginagawa mo? Anong Year mo na? Anong course mo? Saang subject ka nahihirapan at marami pang iba.
Astig yung ganitong moment sa buhay no? Yung tipong handa tayong maglaan ng oras para lang sa kanila. Kasi nga espesyal sila sa buhay natin eh. Kahit na mawala man sila. Mananatili na silang alaala sa isip natin. At least kapag tumingin ka sa bright side. Masasabi mong naranasan mo ring kiligin. Kasi pinansin ka ng taong gusto mo :)

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack