Post(s) tagged with "love"

Para sa mga taong palagi na lang nasasaktan.

Sa likod ng mga nangyari sakin.. Ayun, natuto na lang akong maghintay. Mahirap pala talaga kapag minamadali mo ang mga bagay na hindi dapat madaliin. Dapat palang hihintayin na lang biglang maramdaman. Kapag kasi naghahanap tayo, madalas akala natin yun na. Paano kasi naghahanap tayo ng isang taong hindi naman natin kilala, kumbaga sa isang Adventure nag travel ka ng walang Mapa. Sa isang gera sumugod ka na wala namang misyon. Parang sa paghahanap din ng pagmamahal madalas tayong maghanap na hindi naman alam kung ano ba talaga ang gusto natin. Madalas sinasabi ng tao na kahit walang itsura, basta mahal sila. Syempre, aasa yung mga taong yun sayo. Sasabihin mong naghahanap ka ng pagmamahal pero nung dumating tinaboy mo dahil hindi mo gusto. Yun ang point ko. Hindi mo kasi alam kung ano ang talaga ang gusto mo. Inlove ka sa feeling ng “InLove.”

Time will come na maiintindihan din natin na bakit patuloy tayong nasasaktan. Kapag masyado kang nabibilisan sa nararamdaman mo. Dapat palagi mong tinatanong ang sarili mo kung Infatuation lang ba yan? o kaya naman baka Attracted ka lang? Or akala mo madalas love. Tapos kapag may nakita ka na namang bago Love na naman?

Di dapat ganun. Sa tingin ko, masyado mong pinipressure ang sarili mo maghanap ng taong mamahalin. Sabi nga ng isang taong bumasted sakin. “There’s more to life than love.” Na akala ko love na rin dati. Pero ano nangyari? Lumipas ang araw, natanggap kong wala siya. Na akala ko Love yung naramdaman ko sa kanya. Tapos yun, tama nga ako. Attracted lang pala ako sa kanya. Ganun dapat, huwag ka kakapit sa taong hindi ka handang hawakan. Pinaglalaban mo ang isang taong hindi alam na siya yung pinaglalaban mo. Kung ayaw niya sayo, walang pakialam sa nararamdaman mo yan. Tandaan mo yan.

Oras na para pagbigyan ngumiti ang sarili mo kaibigan.

Source: matabangutak

Minsan ang hirap tanggapin na hindi sapat na dahilan na mahal mo lang yung tao no? May mga balakid talaga eh. Hindi rin uubra basta yung kapag gusto ka at gusto mo rin siya eh magiging kayo agad. Hindi ganun kadali eh. Kung iisipin mo parang ang dali lang no? Nakakaloko na yung ganun eh.

Tapos wala kang magawa kundi tanggapin yung mga nangyayari na yun sa inyong dalawa. Hindi kasi biro yung sakripisyo na gagawin niyo para lang maging kayo eh. May mga bagay na sinasarili mo na lang at hindi mo na lang pinapaliwanag dahil kahit naman sabihin mo sa kanila, hindi rin naman sila makakatulong at hindi rin mababago kung ano man yung problemang yun.

Minsan ang lungkot ng buhay. Nakita mo yung taong para sayo. At nakakatuwa sanang ikaw din ang nakita niya. Kaso, di uubra eh. Matinding pwersa ang pumipigil. Hindi sapat na mahal niyo lang at gusto eh. Minsan talaga dapat aayon sa inyo ang tadhana eh. Tipong aasa ka sa salitang dun ka sa taong nakalaan sayo. Yung tipong hindi ka pwedeng mag marunong na lang basta.

Lahat na lamang ba ng masakit eh dapat tanggapin? Na may mga problemang hindi biro ang solusyon? Bakit? Bakit ganun? Bakit ganun pa dapat? Hindi na ba sapat yung mahal niyo at gusto ang isa’t-isa? 

Source: matabangutak

Dota 143

  • Friend: Stun mo!! Bobo! Wala ka bang MANA?!
  • Friend: Hoy! Galaw!
  • Friend: Hoy AFK ka ba?! Bobo ayaw mo mag FARM!
  • Friend: Hoy naka ALT TAB ka ba?!
  • Boy: Wag kayong maingay at magulo! Ka text ko GIRLFRIEND KO!

Source: matabangutak

Minsan parang ang hirap nung tanging Friendship na lang ang ma ooffer niya sayo no? Tapos close kayo o masaya ang pinagsamahan niyo. Tapos ang malungkot pa dun alam mo sa sarili mo na “never” na magiging kayo. Yun bang darating yung araw na magkakaroon siya ng taong mamahalin niya tapos ikaw nakamasid lang sa kanila. Tipong yung pinapangarap mong love story niyo eh nakikita mo sa kanya kasama ang iba?
Yung palaging andun yung sakit. Yung hindi mawala wala yung ilusyon mo sa isip na “Paano kaya kung ako yung taong mamahalin niya?” Mararamdaman ko rin kaya yung sobrang kasiyahan dahil nung magkaibigan palang kami eh sobrang saya na naming dalawa? Paano pa kaya kapag nagmahalan pa kami?
Tapos minsan na iilusyon mo yung mga araw na baka mag I love you rin siya sayo. Tapos mag iilove you ka rin sa kanya pero wala eh, gumagawa ka ng sariling love story sa isip mo. Ikaw ang direktor, at kayong dalawa ng taong gusto mo ang loveteam. Minsan napakahirap tanggapin na wala kang masamang intensyon sa kanila pero napipili ka pa rin nilang saktan at iwan.
Hindi mo masabing mahal mo siya dahil baka sabihin niyang masyadong mabilis. At may mga pagkakataon naman na gusto mo maging natural lang lahat sa inyo. Yun bang, mag uusap na lang kayo na maging kayo kasi nga sobrang saya na ng memories niyong dalawa. Tipong landi landi muna at wala ng ligawan na mangyayari tapos isang araw kayo na agad. Kumbaga dumaan kayo sa proseso eh, hindi kayo nagmadali. Pero ang mahirap nasa proseso kayo tapos sa huli ma rerealize niya na hindi ka pala talaga niya mahal. Na nasasayo kung tatanggapin mo yung offer na friendship niya… o magiging strangers kayong dalawa.

Bea: “Bru, samahan mo na kasi ako.”
John: pwede bang pass muna ko?
Bea: sige na alam ko namang hindi moko matitiis eh.
John: Ayun na nga ang masakit eh. Hindi kita matiis.
Bea : “Kasi mahal mo ako”

Ang lalake hilig lang niyan tumitig sa babae kapag masaya sila. Ang mga babae naman lumalambing sa lalake kapag nagiging masaya sila. Tipong sa harapan ng lalake eh pwede nilang ipakita yung tunay na sila. Kung gaano sila kabaliw at kakulit. Ang mga lalake todo suporta lang yan sa hilig ng babae, kahit na mahirap minsan sa mga lalake ang gusto ng babae. Mag e effort ang mga lalake para lang mapasaya yung babaeng sobrang importante sa kanila. Kahit na maging baduy ang mga lalake at maging korny gagawin nila ang best nila para lang hindi tumigil sa pag ngiti ang babaeng gusto nila.
Ang mga babae kasi mababaw ang kaligayahan lalo na kapag nanggaling sa taong mahal nila yung mga binitawan na salita. Tipong lahat big deal sa kanila. Kapag sinabing maganda sila kinikilig agad sila. Aba syempre yung taong gusto niya ang nagsabi nun eh. Mararamdaman niyang na appreciate ka niya kung ano ka. Kapag nag joke, tatawa agad dahil alam niyang effort mag-isip ng mga bagay na tulad nun. Minsan naman effortless na sa lalake yung ganun kung may sense of humor siya. Ganito yung mga moment na sobrang tipid. Walang gastos. Tipong masaya lang kayong magkasama kayo, nagpapalitan kayo ng matatamis na salita. Nagkakaroon kayo ng moment na dalawa na hindi niyo talaga makakalimutan,
Sadyang napakasarap nga naman kapag may tao kang nandyan parati para tignan ka ngumiti. Yung taong handa kang damayan sa kasiyahan at kalungkutan. Eto yung mga pakiramdam na parang wala ka ng hihilingin pa. Tipong sa dami ng tao sa mundo matutuwa ka na lang dahil masasabi mong swerte ka dahil kasama mo siya. Kaya patuloy na nasasaktan ang ibang tao dahil patuloy nilang hinahanap ang taong handang magpasaya din sa kanila. Alam kasi nila balang araw mawawala yung sakit na yun dahil may taong handang ipaglaban sila at naniniwala silang mangyayari rin sa kanila ang mga ganitong klase ng bagay :)

“May sasabihin ako sayo”

Nasindak ka na ba ng salitang yan? Ramdam mo biglang heart attack no? Bigla kang mangingilabot at sobrang kakabahan kapag nakita mo yang salitang yan sa text o sa chat o kaya naman maaring sa Personal o kaya sa Telepono. Pero ang dyahe ng pakiramdam kapag sa text tapos mahina ang signal tapos atat na atat kang malaman kung ano yun at the same time sobrang kinakabahan. Natatakot ka na sobrang napaparanoid dahil parang alam mong may mali o kaya naman eh nagdududa ka sa itatagal ng relasyon niyo.
Tipong kapag hindi pa siya nagrereply ang daming papasok sa isip mo. Malas mo pa kapag delay ang message niya sayo. Syempre napadali nga naman iwan ng isang tao eh. Pwede nilang sabihin na ayaw na nila sayo. Pwede rin namang sorpresa pala nila yun sayo. Sinong makakaalam? Wala. Kundi sila lang. Kaya nakakayamot kapag may mga ganyan. Madalas din kasi sa break up ang hantong kapag mag on kayo. Minsan naman may aaminin na sobra kang masasaktan. 
Kanya kanyang kwento yan eh. Pakshet lang talaga yung pakiramdam na yan. Parang ilang taon kang naghihintay sa loob ng isang minuto. Tapos laking ginhawa mo lang kapag sinabi niya na “Mahal kita” o kaya naman malas mo naman kapag lalake ka. Ang sasabihin sayo ng babae eh “Buntis ako, hindi ikaw ang ama.” Shet na malagkit. Daig pa ang nabanlian ng mainit na kape sa Tarvax!! Buhay nga naman! Bakit pa kasi nabuo yang pangungusap na yan e no? Pwede namang mag straight to the point na lang. Bakit kailangan pang sabihin na may sasabihin siya sayo. Nakakapanghina kaya. 

Kapag may nagalit satin. Madalas galit rin tayo sa sarili natin. Dahil minsan sa sobrang sikip ng nararamdaman mo kung ano ano ang nasasabi mo. Kung ano ang tampong nararamdaman mo kahit hindi ka naman dapat magtampo. Madalas nakakapagsumbat ka ng mga bagay na hindi naman dapat sinusumbat. Sa sobrang sikip ng nararamdaman mo eh kung ano ano na lang ang sinasabi mo. May mga bagay kang nagagawa na hindi niya gusto at sobrang nagiging immature pa minsan kapag sobrang bigat na talaga.
Tipong kapag nasabi mo lahat yun at nasaktan mo ang damdamin niya o kaya naman eh nairita mo siya mag sosorry ka at kapag pinatawad ka eh parang lalabas na parang wala lang nangyari. Minsan iisipin mo what if palagi ka na lang tahimik? May mangyayari kaya? What if palagi ka nalang ngingiti para kunwari wala kang problema? Mapapansin niya kaya na may pinagdadaanan ka?
Natutuwa tayo kapag masaya sila. Tapos kapag nagagalit sila satin. Pati tayo.. Nagagalit sa sarili natin. Parang ang hirap kasi tanggapin nun eh diba? Yung taong mahal mo. Galit sayo.

Minsan, pakiramdam natin wala lang tayo sa mundong ito. Pakiramdam natin mag-isa lang tayo palagi. Pakiramdam natin nabubuhay tayo para sa sarili lang natin. Nakakainis na nabubuhay ka sa buhay na takot kang sumugal. Sa buhay na takot kang mawala lahat. Naging ikaw yung tao na ayaw mo. Yung taong walang tiwala sa sarili, yung taong sobrang mababa ang self esteem dahil sa paulit ulit na nangyayari sa buhay mo.
Madalas mong isipin na ano nga kaya ang mali sa sarili mo bakit patuloy na nawawala ang tao sayo? Minsan nandyan yung tao pero ramdam mong anytime pwedeng bumitaw. Ina apply mo naman yung mga natutunan mo sa mga dati mong naranasan pero sa huli wala pa rin at iba pa rin. Lakas pa ng loob mong sasabihin mong kaya mo na pero wala.. Pakiramdam mo sobrang wala ka. Sobrang hindi ka nag eexist sa buhay ng tao. 
Madalas gusto nating mag-isa, Pero nalulungkot tayo dahil wala tayong mapagsabihan at wala tayong makakwentuhan. Madalas na pinipili nating mag-isa dahil andun yung paniniwala nating walang problema kapag mag-isa. Pero nakakatuwa na kahit sinasabi mo yung bagay na yun eh kapag may taong handang pumasok sa buhay mo eh pinapatuloy mo naman ito. 

Minsan ang kulet din kapag malayo kayo sa isa’t-isa no? Tipong telepono at webcam lang ang dahilan para magkita kayo. Buti nga may mga mga Application na tulad ng Viber, Voxer at Skype. Tipong parang hindi na kayo malayo sa isa’t-isa. Ito yung mga experience na hindi mo na rin halos maranasan kapag nakikita niyo na ang isa’t-isa. Kasi alam niyo namang pwede naman kayong magkita eh. Bakit pa kayo mag wewebcam o mag-uusap diba? Tska pwede mo siya tawagan sa cellphone anytime.
Pero ang mahirap kapag malayo eh yung magkaiba pa kayo ng timezones na dalawa. Tipong ang gising niya eh yung oras naman ng pagtulog mo. Pero nakakatuwa at namamanage niyo yung oras niyong dalawa. Hindi nawawala yung oras para magkamustahan, andun lagi yung komunikasyon at yung tiwala sa isa’t-isa. Dito mararanasan mo pang panuorin siya matulog. Tapos hindi mo na siya magising kapag na disconnect yung connection niyo dahil ayaw mo na siyang maabala at para makapagpahinga na rin siya.
Minsan hanggat maari ayaw natin mapasok sa LDR type na relasyon. Mahirap kasi. Pero kapag tinamaan tayo ng pag-ibig na yan. Makakaya mo lahat eh. Alam mo kasing tutulungan ka niya. Alam mong hindi lang ikaw ang nagmamahal. Alam mong seryoso kayo sa ginagawa niyo. Aasa ka na lang na sa isang araw sana umuwi na siya ng Pilipinas o kaya magkita kayo kung nasaan man siya. Makasama mo man lang siya. Mahawakan mo man lang yung taong minsang naging malayo sayo. :)

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack