Post(s) tagged with "love"

is when you look into someone’s eyes and see their heart.
is not finding someone to live with, it’s finding someone you can’t live without.
Reminds you that nothing else matters.
is the master key which open the gates of happiness.
that is true never gets old.
is a path to the heart that knows its own way.
conquers everything.

  • is when you look into someone’s eyes and see their heart.
  • is not finding someone to live with, it’s finding someone you can’t live without.
  • Reminds you that nothing else matters.
  • is the master key which open the gates of happiness.
  • that is true never gets old.
  • is a path to the heart that knows its own way.
  • conquers everything.

Bakit daw tumitigil magparamdam ang isang lalake sa isang babae after ng rejection?

Malamang, after pumili ng babae na ibang lalake pala ang gusto niya ano aasahan niya? Na same pa rin yung pagpaparamdam ng lalake sa kanya habang siya eh minamahal pa ng iba?

Tipong nagmamahal siya ng ibang lalake, tipong minamahal rin siya nito, tapos ang gusto pa rin niya eh minamahal pa rin siya ng kabila? Tipong may nagmamahal na nga sa kanya, gusto niya may naghahabol pa rin sa kanya?

Hindi na ganung katanga ang kalalakihan para maghabol pa. Dahil ang kalalakihan eh marunong dumistansya kapag alam nilang medyo ginagago na sila. Ayun ang hirap sa iba, sinabi mong ayaw mo na sa kanila pero umaasa ka pa rin na same yung pag trato niya sayo after ng rejection. Ang matindi pa dun, tipong i kwekwento pa nila sa mga kaibigan nila na “Barbero lang naman yun eh, mahal daw ako. Pero sumuko.”

Eh kung hindi ka ba naman ungas na pinili ang ibang nanakit lang sayo tapos sa huli hahabulin mo yung lalakeng nagpaparamdam ng tunay na pagmamahal sayo eh parang unfair naman sa part ng lalake yun.

Napakaraming man haters, pare pareho lang daw ang mga lalaki, lahat manloloko, lahat malalandi, as in literal na nilalahat. Edi tumanda kang dalaga. Napakaraming angal sa buhay, pero hindi man lang nagkaroon ng oras mag reflect sa sarili kung sino ba talaga ang mali o kung saan sila nagkamali.

Hirap sa ibang tao, masabing maganda lang, nakiki mainstream ng trip ng iba eh.

Hindi na siguro iba sa iyo ang mga letra, maaring nabasa mo na yan sa isang taong pinag aminan mo ng nararamdaman mo.
Hindi na siguro  iba sa iyo ang mga letra, maaring nasabi mo na yan sa isang tao na hindi mo masabi na hindi mo siya maaring mahalin bilang isang nobyo/nobya.
Hindi na siguro  iba sa iyo ang mga letra, maaring nasabi mo na yan sa isang tao na ibinigay na ang lahat pero hindi mo talaga kayang mahalin dahil wala ka talagang maramdaman sa kanya.

Paano daw malalaman na sincere ang isang tao?

    • Pag effort, effort talaga.
    • Bihira mangako, ginagawa na lang basta.
    • Walang binibigay na ideya kung ano ang gusto niya.
    • Ginagawa lang niya basta, kasi gusto niya.
    • Kahit gaano ka kalayo, handa niyang hamakin ang maputik na daan mapuntahan ka lang.
    • Pag pinakilala ka na sa magulagn niya.
    • Tipong hindi mo mararamdaman na illegal ang relasyon niyo, kasi handa ka agad ipakilala sa magulang niya.
    • Ipapakilala ka niya sa mga kaibigan niya, kasi proud siya na ikaw ang gf/bf niya. 
    • Kahit may tigyawat ka sa ilong tapos pulang pula? Kinikiss pa rin niya yun!! 
    • Kahit oily ang mukha mo? Aba hihimasin pa din niya yan. Kasi nga mahal ka eh. Sincere siya.
    • Kapag may sakit ka, handa kang puntahan.
    • Kapag clingy na siya sayo.
    • Kapag medyo napaparanoid siya sayo.
    • Kapag kahit busy siya, may oras siya pan text.
    • Kung mahilig naman mag dota/ mag tetris yang tao na yan. Wala silang pakialam kung matalo sila. Ang mahalaga panalo sila sa puso mo. 
    • Sobrang generous niya sayo bilang manliligaw/kasintahan. Tipong wala siyang pakialam sa ginagastos niya as long na kasama ka niya.
    • Lahat ng social networking sites nilalandi ka, sa twitter may I love you. Sa facebook may MAHAL NA MAHAL KITA. Tapos sa Tumblr may mahabang text post gaano ka niya kamahal. SHETS!

Iba talaga kapag inlove ka, may sarili kang kilig sa sarili mo, yung mag-isa kang tumatawa, yung mag-isa kang ngumingisi, may sarili kang mundo kasi ka text mo o kausap mo lang siya. Kakaiba eh, iba ang pakiramdam. hindi naman siguro Love sa una, siguro eh wiling wili ka lang makausap siya, hindi bat magandang simbolo ito na natututo ka na ulit magmahal? Na parang handa mo na ulit harapin ang bukas na kasama siya. 
Pero mahirap pasunggab sunggab, kumbaga sobrang nipis lang ng taling dinadaanan mo, doon sa nipis na yun ay maari kang mahulog, swerte mo na lang kung sa oras na nahulog ka eh saluhin ka niya o kaya naman abutin ang kamay mo at sabay kang iakyat papunta sa mundo ng kasiyahan.
Kanya kanyang karanasan yan eh, paano sila magmamahal, paano nila sasagutin yung nanliligaw sa kanila, anong diskarte ang gagawin ng mga lalake para mapasagot ang iniirog nilang babae.
Basta, sobrang kakaiba talaga, ibang iba ang pakiramdam kapag nagmamahal ka na. Mawawala lahat ng kapaitan mo sa buhay, kasi minsan kaya ka lang nagiging mapait sa isang bagay dahil naiinggit ka. Gusto mo meron ka rin noon, gusto mo makuha mo rin yon. Paano mo makukuha yung mga bagay na yun? Simple lang. Matuto tayo maghintay.

Isa rin ang mga lalake sa mga dakilang Martyr. Magaling kasi magtago ng nararamdaman ang mga lalake eh. Hindi tulad ng ibang babae na sobrang expressive kapag nagmahal. Syempre ang mga babae isa yan sa maiingay magmahal. Depende rin siguro sa naging environment nila. Pero majority. Gusto nila ipagsigawan. 
Pero hindi lahat ng mahal ng lalake eh napupunta sa kanila. Kailangan nilang ligawan yung babae, kailangan nila patunayan na totoo ang nararamdaman nila. Sobrang effort ang kailangan para mapabilib si babae, lalo na kung hindi ka naman gusto. Pero minsan ang sobra na sa iyo eh kulang pa rin sa iba, wala pa rin talaga kahit ano ang gawin mo. Lalo na’t hindi naman talaga ikaw ang gusto. Kaya itong si Lalake, ang tanging masasabi na lang sayo eh sana masaya ka na lang palagi. Yun din naman ang ginagawa ng mga lalakeng nanliligaw, gusto lang mapasaya yung taong minamahal nila. Ang lalake hindi magaling manumbat ng mga ginagawa yan, kapag tapos na at wala ng pag-asa. Kapag hihilingin niyong kami ay mawala, sa una tatanggi kami. Ipaglalaban namin sa umpisa. Pero kapag wala na na talagang pag-asa. Itatago lang namin ang bigat ng nararamdaman. 
Maaring may oras na umiiyak din kami. Pero bihira namin ipakita sa tao yun. Madalas nangyayari yun kapag mag-isa lang kami. Karamay ang kumot at unan sa malungkot na gabi.
Basta sa aming mga lalake. Simple lang ang gusto namin. Kami man o hindi ang gusto niyo mahalaga masaya kayo sa ginagawa namin. 

Pag-isipan mong mabuti ang isang bagay bago mo sabihin o bago ka mag desisyon.

Kapag iiwan mo ang isang tao, pag isipan mo ito ng ilang beses, kung maaring 100 beses mong pag-isipan gawin mo, hindi biro ang pagbitaw sa isang relasyon, maaring akala mo lang wala talaga siyang nararamdaman sayo yun pala may hinihintay lang rin siyang gawin mo. 

Hindi solusyon ang paghihiwalay kung dalawa talaga kayong nag iibigan, maaring nakakagawa ka ng desisyon dahil sa galit ka, pero maghintay kang magpalipas ng ilang oras at magiging ayos din yan.

Kapag ginawa mo kasi ang isang bagay habang galit ka, parang hindi mo kilala ang sarili mo, tipong kinabukasan pag gising mo hinahanap mo ulet siya.

Hindi bat kawawa naman ang taong naiwan, kawawa naman ang taong gusto pang lumaban, sa una ikaw ang laban ng laban, sa huli ikaw pala ang bibitaw. Hindi dapat ganun ang pagmamahalan, hanggat maari intindihin niyo ang isat-isa.

Maaring madaling mabasa ang mga nakasulat dito, pero idea na rin ito sa mga taong makakaranas ng pagaaway.

Ano nga ba ang Pseudo Relationship?

Sa mga nagtatanong kung ano ang Pseudo Relationship ito yung parang kayo, pero hindi kayo.

Halimbawa.

  • Holding hands while walking kahit hindi naman kayo.
  • Kinakausap niyo palagi ang isat-isa. Halos araw-araw. Daig niyo pa ang couple minsan.
  • Hindi mo siya matiis kahit na magkaibigan lang kayo. Ibig kong sabihin eh kapag sinubukan mo siyang hindi itext eh nag aalala ka at napaparanoid na lang bigla.
  • May tawagan kayong dalawa, parang mag karelasyon. Call of Endearment ika nga.
  • Araw araw mong tinitignan ang profile niya kung may kalandian na ba siyang iba. Kasi kahit hindi kayo. Gusto mo sayo lang siya.
  • Palagi mo siyang iniisip.

Para itong open relationship eh. Yung kahit sino pwedeng pumasok sa buhay mo. Dapat walang mag papaapekto sa inyong dalawa, kung may bago siyang nakilala. Susuportahan mo siya. Syempre fair naman yan eh. Kapag nakakita ka rin ng bagong kakilala. Susuportahan ka rin dapat niya. Kulet nga ng ganito eh. Parang friends with benefits lang. Tipong ang ma inlove talo. Pero ang mahirap dito eh kung kailan ka hihiwalay. Tipong gusto mo sayo pa rin yung isa, tipong kailangan mo isakripisyo kung ano ang meron sa inyo kasi nga kailangan mo para sa pagbibigay ng respeto sa bago mo. Sa taong makakarelasyon mo.

Di mo pwedeng ipakitang nagseselos ka kapag na inlove ka sa kanya. Kasi unang una may kasunduan kayong dalawa. Pero minsan may mga taong hindi nila alam na pinasok na pala ang ganitong sistema ng atensyon sa bawat isa. Hindi ka rin dapat mag demand. Hindi naman kasi kayo. Yung oras niya eh dedepende kung gusto ka niya maalala o hindi. Ang mga taong nasa pseudo relationship eh kailangan open minded kayong dalawa. Tipong magkaibigan pa rin kayo sa huli kahit mahanap niyo na ang tunay na pag-ibig sa bawat isa.

Gusto mo ba makarelate ng husto? Pakinggan mo ang kantang Migraine ng MOONSTAR88. Pakinggan mo sa youtube. Kung gusto mo makawasak damdamin. Binibigay ko na sayo ang link ng kantang ito.

Source: matabangutak

Ano daw masasabi ko sa taong walang lovelife?

  • Mabuti pa kayo walang problema. 
  • Mabuti pa kayo wala kayong pinagseselosan.
  • Mabuti pa kayo hawak niyo ang oras niyo.
  • Mabuti pa kayo malayang malayang gagawin ang gusto niyo.
  • Mabuti pa kayo malayang nakakalandi ng walang nagagalit.

Pero ganun pa man, iba pa rin ang meron. Yang mga nasa taas na yan ang isasakripisyo mo para magkaroon ng taong

  • Magmamahal sayo ng tunay at hindi mo na kailangan lumandi pa.
  • Taong magbibigay ng oras at atensyon sayo.
  • Hindi mo man hawak ang sariling oras mo, hawak mo naman ang kamay niya.
  • Hindi mo man nagagawang malaya ang sarili mo gawin ang mga bagay na gusto mo. May mga bagay naman kayong malayang nagagawa na dalawa kapag kasama niyo ang isat-isa.
  • Ang selos na nasa relasyon eh normal lang, dahil gusto mo ikaw lang ang may ari ng mundo mo. Kasi alam mong pinaghirapan mo ito. Kaya hindi mo ito basta basta ibibigay.

Sa huli naman diyan ang tuloy. Sa huli yan ang hahanapin ng mga tao sa paligid. Yung taong magmamahal at magtitiwala sa kanila na kaya nila. Na kahit ano ang mangyari. Ipaglalaban nila. Kasi nga mahal nila ang isat-isa.

Source: matabangutak

Long Distance at Short Distance Relationship.

Tandaan isa lang naman ang  pinagkaiba ng dalawang ito, tandaan mong parehas lang kayo mag mamahalan, parehas lang kayo dapat mag tiwala sa isat-isa. Ang tanging pinagkaiba lang nito ay ang distansya, hindi ka dapat bias sa LDR na dapat may mas effort, na dapat may mas tiwala, dapat pati sa SDR ganun din, ito ang pagkakamali ng karamihan sa tingin ko, ang dapat lang rin tandaan ng karamihan ay hindi dapat tinitaken for granted ang SDR dapat masaya kayong dalawa at nagkakasama kayo di tulad ng LDR.

Pero ang rules ang regulations ng pagmamahal ay nandoon pa rin. Hindi ito dapat mawala, magmamahalan kayo, magtitiwala, aalagaan ang isat-isa. Maraming paraan para magmahal nasa inyong dalawa yon kung kayong dalawa ay maguusap.

Lahat ng magagandang bagay ay nagsisimula sa magandang pag-uusap.

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack