Post(s) tagged with "love"

Alam mo yun? May mga taong kahit ano ang gawin mo eh parang hindi napapansin ang effort mo. Yung mga effort na pinaghihirapan parang wala lang sa kanila, yung mga bagay na akala mo ma appreciate niya eh balewala lang pala sa kanya. Minsan nga nakangiti ka na lang tatanggapin ang lahat ng pangyayaring ginagawa niya sayo bilang tao. Wala kang magawa kasi pinili mong gawin eh.
Minsan mapapaisip ka talaga kung tama lang ba yung effort na ginawa mo. Kung worth it ba siya o kung ano pa man. Kasi kapag napapagod ka na, naiisip mo lahat ng ginawa mo sa kanya, parang nauuwi lang sa wala.

Alam mo yun? May mga taong kahit ano ang gawin mo eh parang hindi napapansin ang effort mo. Yung mga effort na pinaghihirapan parang wala lang sa kanila, yung mga bagay na akala mo ma appreciate niya eh balewala lang pala sa kanya. Minsan nga nakangiti ka na lang tatanggapin ang lahat ng pangyayaring ginagawa niya sayo bilang tao. Wala kang magawa kasi pinili mong gawin eh.

Minsan mapapaisip ka talaga kung tama lang ba yung effort na ginawa mo. Kung worth it ba siya o kung ano pa man. Kasi kapag napapagod ka na, naiisip mo lahat ng ginawa mo sa kanya, parang nauuwi lang sa wala.

Source: matabangutak

Tiwala - ito dapat ang hindi mawawala sa relasyon mo sa taong mahal mo. Kahit na sa kaibigan mo. 

Oras - lahat ng taong gusto kang makasama ay kailangan ng oras mo. Ang pagbibigay ng oras ay nangangahulugang pagbibigay ng atensyon. 

Komunikasyon - Pinaka importante at pinakamahalaga sa lahat ng aspeto. Kapag ito ang nawala ng ilang linggo, ilang buwan. Ilang taon. Mawawala ang mga importanteng tao sayo.

Pagkakaintindihan - kapag may problema, mahalaga ang pagkakaintindihan ng bawat isa. Ilugar mo ang sarili mo sa sarili niya bakit siya nag kakaganun. At kapag nalaman mo na. Lambingin mo na para ma resolba ang simpleng problema.

Pagmamahalan - kapag wala na kayong hinangad na dalawa. Ang tawag dun ay pagmamahalan. Ang tanging hinahangad niyo eh mapasaya ang bawat isa.

Pagsasakripisyo - kapag may ginagawa ang isa. Kailangan mong magsakripisyo sa sarili mo na hindi lahat ng oras eh maari mo siyang makasama. Dahil sa may mga bagay itong ginagawa. Ito ang kulang sa karamihan ng relasyon. Ito ang kulang. Maaring may tiwala ka. Pero kung hindi mo maibibigay ang onting sakripisyo para mas mapabuti ang relasyon niyo, maaring magkaroon ito ng onting bahid. Pero ayos pa rin naman kung madadaan sa mabuting usapan.

Source: matabangutak

Ipaglaban mo ang taong mahal mo, hindi yung para kang gago naghihintay sa wala.

Kapag magka aaway kayo, suyuin mo hanggat sa makakaya mo. At kapag matigas talaga ang ulo at ayaw kang batiin nito. Ipakita mo na nagtatampo ka rin. Ipakita mo sa kanya na hindi lang lagi ikaw ang makikisama sa ugali niya.

Hindi na mahalaga kung ano ang sabihin ng tao sa inyong dalawa. Tandaan na mahalaga na kayong dalawa lang naman ang nagkakaintindihan. Hindi na mahalaga ang opinyon ng ibang tao, as long na mahal niyo ang isat-isa.

Isipin mo yung mga bagay na makakapagpasaya sa kanya, huwag mo itanong kung ano ang gusto niya. Subukan mong hulaan ito, o kaya naman magtanong sa mga kaibigan niya. Para sa ganung paraan, masorpresa siya.

Minsan hindi busy ang isang tao. Minsan kulang lang talaga sa effort. May mga tao lang talagang mas binabalingan ng atensyon kesa sayo.

Source: matabangutak

Limang pagsubok na kailangan malampasan kapag nagmamahal.

Time Test - Gaano ba katagal ang pagmamahalan niyo? Gaano ba katagal ang nararamdaman niyo sa isat-isa? Tatagal ba ito ng linggo? buwan ? taon? Hanggang kailan kayo magiging sweet sa isat-isa? Kapag nakuha mo ba ang gusto mo sa isang tao eh ganun katagal pa rin ba kahigpit ang pagmamahal na ibibigay mo sa kanya?

Distance Test - mahal mo pa rin ba siya kung sakaling malayo siya sayo? mahal mo pa rin ba kung sakaling bigla kayong magkahiwalay dahil kailangan mag ibang bansa ng isa, o kaya naman bigla kayong magkakalayo sa isat-isa dahil may mga pangyayaring hindi inaasahan sa inyong dalawa, hanggang saan at gaano kalayo ang aabutin ng inyong pagmamahalan?

Freedom Test - gaano mo siya kayang tanggapin? hindi ba dapat eh wala kang pinapakealaman sa kanya? Kung totoong may faith ka sa kanya, papatong sa isip mo ang “Kahit ano man ang gawin niya, sino man ang kasama niya, sigurado akong sa akin pa rin ang bagsak niya.”

Growth Test - dito naman ang respeto sa isat-isa na binibigay para maging mas mature ang isang tao, ito ang pagsubok na binibigay para maging open sa bagay bagay at maging mas mature ang isip ng dalawang magkasintahan, kung parehas kayong parang bata sa relasyon niyo, walang mangyayari sa inyo. Bakit hindi ka kumuha ng baby sitter kung kayong dalawa eh bata bata pa. Dapat laging may mature at sigurado akong madadala mo ang partner mo dahil sa pinapakita mong ugali mo. Kailangan ng isang tao na didisiplina sa isang taong nangangailangan ng disipilina. Kailangan ng sapat na oras dito para malamapasan.

Sacrifice Test - handa mo bang ibigay ang sarili mo sa taong mahal mo? handa ka bang ialay ang buhay mo sa kanya bilang isang kasintahan o kaya naman asawa? Kaya mo bang bitawan ang mga bagay na importante sayo pero kailangan mong bitawan para maituloy ang pagmamahalan? May mga tao ka bang handang iwan para sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mong ialay? Gaano kahaba ang pasensyang ibibigay? Masasabi mo bang martyr ka kung ikaw lang ang nagmamahal at nagbibigay ng sakripisyo? Hindi natin alam.. Ibat-iba kasi tayo ng estilo ng pagmamahal at pagbibigay ng sakripisyo, ibat-iba ang mundong ating ginagalawan, ang mga taong nakakapaligid satin, mga taong nakakaimpluwensya sa atin.

Source: matabangutak

Sa oras na magkakahiwalay ang dalawang tao na nasa relasyon at yung isa eh lubos na nagmamahal pa. Ang tanging maririnig mo sa boses niya eh “
Huwag muna, huwag mo ko iwan, mahal kita. Mahal kita”.
” Hindi ko kayang mawala ka “.
” Magmahalan lang tayo, Ayusin natin to “.
” May pag-asa pa ba?”
” Gagawin ko lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong iwan”.
” Bakit mo ko iiwan? Wala naman akong ginagawang masama. Loyal naman ako sayo ah? “
” Huwag mo kong ipagtabuyan. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang “
At marami pang nakakalungkot na eksena. Minsan ano man ang gusto nating paraan eh wala na tayong magagawa kapag ayaw na talaga ng karelasyon mo, wala kang ibang gagawin kundi tanggapin ito ng buo. Na isipin mo yung mga bagay tulad ng
Kapag ikaw ang mahal niya, ikaw ang pipiliin niya.
Isipin mo na sa oras na magkabalikan kayo, posibleng iwan ka ulit niya.
Baka hindi ka lang niya talaga mahal. Nabigla lang siya sa mga desisyon niya. ( Kailangan mong tanggapin na nangyayari talaga ito sa mundo, kaya wala ka talagang magagawa dahil hindi mo kontrolado ang buhay ng isang tao. )
Isipin mo na malaya ka na ulet. Nasayo ulit ang oras at desisyon mo sa sarili mong buhay.
Marami namang paraan para sumaya eh. At ikaw mismo ang tutuklas nun.

Sa oras na magkakahiwalay ang dalawang tao na nasa relasyon at yung isa eh lubos na nagmamahal pa. Ang tanging maririnig mo sa boses niya eh “

Huwag muna, huwag mo ko iwan, mahal kita. Mahal kita”.

  • ” Hindi ko kayang mawala ka “.
  • ” Magmahalan lang tayo, Ayusin natin to “.
  • ” May pag-asa pa ba?”
  • ” Gagawin ko lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong iwan”.
  • ” Bakit mo ko iiwan? Wala naman akong ginagawang masama. Loyal naman ako sayo ah? “
  • ” Huwag mo kong ipagtabuyan. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang “

At marami pang nakakalungkot na eksena. Minsan ano man ang gusto nating paraan eh wala na tayong magagawa kapag ayaw na talaga ng karelasyon mo, wala kang ibang gagawin kundi tanggapin ito ng buo. Na isipin mo yung mga bagay tulad ng

  • Kapag ikaw ang mahal niya, ikaw ang pipiliin niya.
  • Isipin mo na sa oras na magkabalikan kayo, posibleng iwan ka ulit niya.
  • Baka hindi ka lang niya talaga mahal. Nabigla lang siya sa mga desisyon niya. ( Kailangan mong tanggapin na nangyayari talaga ito sa mundo, kaya wala ka talagang magagawa dahil hindi mo kontrolado ang buhay ng isang tao. )
  • Isipin mo na malaya ka na ulet. Nasayo ulit ang oras at desisyon mo sa sarili mong buhay.

Marami namang paraan para sumaya eh. At ikaw mismo ang tutuklas nun.

Source: matabangutak

Love is somehow making choices. It is either choosing happiness for other’s pain or choosing pain for other’s happiness.

Bakit nahuhulog tayo sa mga tao na nakilala lang natin sa social networking sites?

Dito kasi lagi tayo nakatutok, dito na umiikot ang mundo natin. Kumbaga dito ka nakafocus eh, so hindi malabong dito mo rin mahanap yung taong mamahalin mo. Araw-araw ka ba naman naka online at araw-araw mong kausap yung mga tao dito dahil tulad mo, ito rin ang hilig nila. Kumbaga nasa iisang mundo kayong ginagalawan. 

Syempre, parang kasama mo na rin palagi sa buhay yan eh, nakikita mo litrato niya, siya lagi yung may oras sayong kausapin ka sa oras na tahimik ang buhay mo hindi ba? Kaya sobrang hindi labong mangyari yun. Pero yun nga, mahirap ang internet relationship. Maari kasing bigla na lang itong mawala, kasi minsan hindi mo alam masaya ka lang sa atensyon na binibigay niya. Pero sa huli baka magkasawaan rin kayo lalo na kung malayo kayo sa isat-isa.

Kaya iba pa rin yung power ng nakilala mo siya sa internet pero nagkikita kayo physically. Mahirap pumasok sa Long Distance Relationship na hindi pa kayo nagkikita, kahit sabihin mong LDR ka ngayon at hindi pa kayo nagkikita eh sasabihin mo sakin na kaya mo dahil tiwala lang ang kailangan at komunikasyon. Nagkakamali ka.. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo rin siyang protektahan kapag aalis siya, gusto mo siyang samahan pero wala kang magawa, lalo na sa parte ng lalake. Kapag binabastos na yung babae wala kang magawa kundi mag text lang. Ito naranasan ko sa past relationship kong Long Distance Relationship din. 

I feel so helpless, kapag binabastos siya ng mga kalalakihan kahit wala naman siyang ginagawang masama, ako tong parang tanga na nagagalit na lang at walang magawa. Alam mo yun? Yung gusto mong magkaroon ng security yung taong mahal mo pero hindi mo magawa kasi nga ” Malayo nga kayo” at “Never pa kayo nagkita” kasi malayo kayong dalawa sa isat-isa.

So ayun, meet before you commit talaga ang masasabi ko sa mga taong susugal sa relasyon na inilakad ng Internet.

Source: matabangutak

Ang hirap kapag nasanay na maging Single yung isang taong papasok sa relasyon.

Alam mo yung pakiramdam na dati sobrang hawak mo ang oras mo, yung pakiramdam na baka manibago ka kasi may tao ng maghahanap or magdedeman ng oras sayo. Ito ang ayaw maramdaman ng mga taong single eh, yung na enjoy nila ng husto yung single life nila kaya yung pumasok na sila sa relasyon eh ramdam nila nasasakal sila kahit hindi naman.

Eh masisisi mo ba yung mga single? eh syempre gagawa at gagawa ng paraan yan para sumaya, tipong stay put lang sila sa buhay habang nag-aabang ng taong magmamahal sa kanila.

Dati nakakapagpuyat ka, ngayong papasok ka sa relasyon asahan mong may susuyuin ka na kapag nagpuyat ka pa. Kasi magagalit yan at mahuhuli na hindi ka pa pala natutulog. Mapwepwersa kang sumunod dahil takot kang mawala siya sayo. 

Basta, sobrang life changing ang magkaroon ng relasyon, lalo na kung sa sarili mo eh gusto mo na talagang i commit na “siya na talaga”. So magpapakaloyal ka, maraming mababago sa daily routines mo. Hahawakan mo na ulit cellphone mo, magpapaload ka na ulet, may kausap ka na lagi sa telepono. Hindi na uubra yung aalis ka na hindi magpapaalam. Kailangan muna lagi sasabihin mo sa karelasyon mo mga lakad mo.

Basta, kaya dapat nag-iisip isip ka. Once na pumasok ka sa relasyon, ilan yan sa mga dapat tatandaan mo.

Source: matabangutak

Long Distance at Short Distance Relationship.

Tandaan isa lang naman ang  pinagkaiba ng dalawang ito, tandaan mong parehas lang kayo mag mamahalan, parehas lang kayo dapat mag tiwala sa isat-isa. Ang tanging pinagkaiba lang nito ay ang distansya, hindi ka dapat bias sa LDR na dapat may mas effort, na dapat may mas tiwala, dapat pati sa SDR ganun din, ito ang pagkakamali ng karamihan sa tingin ko, ang dapat lang rin tandaan ng karamihan ay hindi dapat tinitaken for granted ang SDR dapat masaya kayong dalawa at nagkakasama kayo di tulad ng LDR.

Pero ang rules ang regulations ng pagmamahal ay nandoon pa rin. Hindi ito dapat mawala, magmamahalan kayo, magtitiwala, aalagaan ang isat-isa. Maraming paraan para magmahal nasa inyong dalawa yon kung kayong dalawa ay maguusap.

Lahat ng magagandang bagay ay nagsisimula sa magandang pag-uusap.

Source: matabangutak

Para sa may mga taong may relasyon na pinagseselosan ang kaibigan.

Normal lang naman na may mga kaibigan yang relasyon niyo, wag niyong ikulong sa kahon, pumasok yan sa relasyon para mahalin mo, hindi para gawing preso. Oo nandun tayo sa selfish ka pag dating sa kanya. Pero what the actual fuck na pagbawalan ang mga kaibigan kausapin siya? Wala ka pa sa buhay niyan may mga kaibigan na yan. At kapag nag-away kayo, malamang na ang tatakbuhan niyan eh kaibigan. Lalo na kung hindi pa naman kayo legal. At kahit legal, bihira mag open ang mga tao sa mga magulang nila. Kasi ayaw nilang mapasama at ayaw nilang magsabi ng problema kung mababaw lang naman yung pag-aaway.

Yung mga kaibigan yung nag-alaga sa taong mahal mo nung mga araw na wala ka pa. Kaya wag kang madaya diyan. Inalagaan namin yan para hindi saktan at hindi bigyan ng problema at bibigyan mo ng option mamili kung ikaw o mga kaibigan niya.

Pagselosan mo yung mga kaibigan na pansin mo eh sobra ng manlandi. Yung mga kaibigan na hindi marunong dumistansya. Pero yung mga kaibigan na minsan lang nakakasama at wala namang motibo na mang agaw. Paubaya mo naman kahit mnsan. Hindi yung pagbabawalan mo siya sa mga kaibigan niya, tapos ikaw naman eh kasama mo eh puro kaibigan mo din. Wag ka maging unfair sa kanya. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Oo mahal ka niya, pero di nangangahulugan na hindi niya rin mahal ang mga kaibigan niya.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



Iba ang payo ko kay Papa Jack