Post(s) tagged with "kabataan"

Bilang isang 90s kid o early 90s kid masasabi ko na may mga bagay talaga na kahit ngayon ay natutuwa pa din akong balik-balikan noong ako ay bata pa.

May mga laro tulad ng mga paborito kong Playstation 1 o kahit SEGA games pati na din ang ilang Game Boy games na nilalaro ko noon sa Game Boy Color na kahit malaro ko ngayon ay natutuwa pa din ako. May mga pagkain o candy tulad ng Haw-Haw, Haw Flakes, Bazooka, pretzel (yung may asukal, basta yun alam niyo na yun), Stay Fresh at iba ipa na sa tuwing makikita ko sa grocery ay bigla akong natutuwa at isasama ko sa mga bibilhin ko. May mga palabas o cartoons o anime noon tulad ng Hirayang Manawari, Sineskwela, Popeye, Rocko’s Modern Life, Dexter’s Laboratory, Ghost Fighter, Flame of Recca, Dragon Ball Z, Slam Dunk, Voltes V, Shaider at iba pa na kung minsan ay di ko maiwasang hanaphanapin ngayon.

Masasabi natin na mas simple talaga ang buhay ng mga tao noon sa ngayon isang kadahilanan dito ay ang limitadong teknolohiya dati. Hindi namin maiwasang matawa ng mga kaibigan ko sa tuwing naiisip namin na parang sobrang tagal na panahon ang pagitan ng henerasyon namin at henerasyon ngayon pero hindi. Sa loob ng isang dekada napakabilis ng pagunlad ng teknolohiya at sadyang naging malaking dahilan din ito kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan dati sa ngayon.

Ngayon, may mga bata pa naman na naglalaro ng mga larong-kalye at may mga bata na nagbabasketball kahit ala syete na ng gabi. Pero sa puntong ito wala pa akong nakikilala na bata (sabihin natin nasa 10 years old) na makakapagsabi sa akin na nakapag laro na siya ng mga laro sa Family Computer (Contra, Circus Charlie, etc.) habang ang madalas na gadget nila ay PSP na. May bata akong pinsan na kung minsan ay nakipaglaro ako ng ilang lumang laro gamit ang emulator sa laptop ko at iba din ang tuwa niya na kahit hindi kagandahan ang graphics, nakakatuwa pa din.

Sa tingin ko may mga mapagmamalaki naman sila ngayon na pinagmalaki natin dati tulad ng pagkain/candy, mga laro, mga palabas at iba pa pero siguro nga hindi natin maiiwasan ikumpara sa kung anong meron tayo dati. Sa ibang aspeto siguro masasabi natin na higit tayo at may ibang aspeto na higit din sila. Pero kung iisipin mo, hindi naman na habang buhay kung anong meron tayo yun din ang meron sila. Kung nagbago man ang mga palabas at laro na kinaki-adikan nila ngayon at sa iyong palagay mas maganda ang meron tayo dati, hindi naman maari na hindi na gumawa ng mga bagong palabas at laro diba?

Naalala niyo pa ba kung gaano tayo kasaya ng unang nalaro natin yung NBA Live 2003 sa PC? Yung pagkakaiba ng NBA Live 2003 sa PC at sa Playstation 1 noon? Tapos yung mga bata ngayon malamang NBA 2K series na ang nasubaybayan nila. Naalala niyo pa ba noong dial-up connection pa ang gamit natin at palaging nadidisconnect sa tuwing may tumatawag kaya sobrang late na talaga kung mag internet dati? Ngayon karamihan ay may DSL connection na at unlimited ang oras, mas mabilis at mas stable ang connection.

Siguro sa mga susunod na henerasyon hindi man nila na alam ang Fruit Ninja, Doodle Jump, Angry Birds, Plants Vs Zombies, Adventure Time, Ben 10, Sponge Bob at iba pa sigurado akong may mga papalit dito at siyang maipagmamalaki din nila sa mga susunod pang henerasyon. Sa dami ng meron tayo ilan lang talaga ang mananatili. At para manatili ito dapat hindi natin ipagdamot kung ano ang meron tayo noon at ngayon para maranasan din ito ng mga tao ngayon at ng mga darating pa.

Sa lahat ng bagay na mapagmamalaki ng mga kabataan at isama na din natin ang henerasyon natin ngayon, ang pinakamaipagmamalaki ko ay: may ilan sa mga kabataan ngayon na nakikita ang mga mali na nangyayari sa paligid natin at sa maliliit na pamamaraan nila siguro at sana gumagawa sila ng paraan para maitama ito. Alam natin ang estado ng karamihan ng kabataan ngayon pero para sa akin, hangga’t naririto ang ilan na ito, masasabi natin na may pag-asa pa talaga na magbago para sa ikabubuti ng karamihan.

Masasabi ko ang malaking diperensya ng henerasyon natin sa mga darating pang henerasyon ay nakita at nabuhay tayo sa bilis ng pagbabago ng mga bagay-bagay sa mundo. Tulad nga ng sabi ko, sa loob ng di kahabaang panahon madami ang nagbago. Gaano kabilis pa ang magiging pagbabago at pag-unlad natin? Yan ang dapat nating abangan.

«benjcyclopedia.tumblr»

Kapag nakatulog ka sa SOFA, pag gising mo nasa KAMA ka na.

Natatandaan mo pa ba ito nung bata ka pa? Yung kapag nakatulog ka sa sofa o kaya sa sahig eh bubuhatin ka ng Mama/Papa mo at pag gising mo nasa KAMA ka na. Hindi ka na kasi pwedeng buhatin tulad ng dati, hindi ka na basta basta madadala sa kwarto nila, dahil maaring may sariling kwarto ka na at nakahiwalay ka na sa kanila.

Ngayon kasi ang nangyayari, kung saan ka nakatulog, doon ka rin magigising, hindi ka na gigisingin ng magulang mo dahil ayaw niyang maabala ang iyong pag tulog, nakaka miss ang mga tagpong ito. Hindi naman sa naghahanap tayo ng kalinga, nakakamiss lang talaga ulit maging bata.

Dati hindi sila tutulog na hindi ka nahehele, na hindi palalampasin ang pagtapik sa iyong pwet para makatulog lang. Ang sarap maging bata.. Sobrang sarap..

Kung medyo nauna kang isilang sa mundo, marahil sila yung kinakain mo noon hanggang ngayon.

Maaring hanapin mo ulit ito dahil ngayon mo lang naalala, mga paninda na bihira na makita sa tindahan. Kaya nga sobrang classic ng mga tindahan na meron pang mga ganito. Lalo na yung Iced Gems at yung Annie’s Langka,yung Krim stik parang mga 90’s or early 20’s na lumabas.

Isama mo na ang champola na uso pa rin hanggang ngayon, pero iba talaga kapag yung LANGKA Candy ang makikita mo, pang masa na pang masa na panghimagas ang datingan.

Dumating rin ang walang kamatayang MIK-MIK na mauubo ka kapag dalidali mong inistraw yung gatas at yung Pompoms na 1986 pa eh meron na  na parang cheese curls dati na makakaubos ka ng halos limang balot nito sa loob ng limang minuto.

Ito yung madalas kainin kapag nakikipaglaro ka sa mga kaibigan mo habang tumutulo ang sipon mo, hindi mo lubos maisip na maalat yung cheese pero sipon mo na pala ang nalalasahan mo.

Nakakamiss lang ulit ang maging bata, pero bahagya na tayong lumaki. Kaya huwag na nating balikan, kundi sabay sabay na lang ulit natin alalahanin ang mga pangyayari nung ating mga kabataan.

Hindi sakin ang litrato, lahat ng litrato ay hinanap lamang sa google.

Simbang Check In!

Hanep ibang iba na talaga ang teknolohiya ngayon at ang mga kabataan ngayon. Dati kung ang mga simbang tab.. gabi eh talagang pure na simba lang, aba sosyal ngayon! At may mga makikita ka na sa mga Social Networking Sites na nag Check-In pa ha! Magsisimba na lang. Ang kulit lang tipong

Puyat pa ako! - At Quiapo Church

Ang tagal naman ni Loves! - At Sto. Domingo Church

Im with my barkada, after magsimba tambay starbucks later! You know, drink some coffee, read some book with my barkada. Syempre, puyat, i need to make gising na eh - At Barasoain Church.

<Insert Church Image Here> - via instagram

Pero sabi nga ng isa kong idolo rin dito eh hindi naman natin sila masisisi, kahit naman siguro ikaw mismo, gusto mong ipakita na banal ka, kahit na napipilitan ka lang minsan. Parang formality, masabi mong nagsisimba ka, kahit na nawawala na yung sakramento ng pagsisimba eh sige pa rin. At least nag effort ka, at alam mo naman sa sarili mo yung ginagawa mo eh. Kung sino ang niloloko mo.

Source: matabangutak

Kapag nakatulog ka sa SOFA, pag gising mo nasa KAMA ka na.

Natatandaan mo pa ba ito nung bata ka pa? Yung kapag nakatulog ka sa sofa o kaya sa sahig eh bubuhatin ka ng Mama/Papa mo at pag gising mo nasa KAMA ka na. Hindi ka na kasi pwedeng buhatin tulad ng dati, hindi ka na basta basta madadala sa kwarto nila, dahil maaring may sariling kwarto ka na at nakahiwalay ka na sa kanila.

Ngayon kasi ang nangyayari, kung saan ka nakatulog, doon ka rin magigising, hindi ka na gigisingin ng magulang mo dahil ayaw niyang maabala ang iyong pag tulog, nakaka miss ang mga tagpong ito. Hindi naman sa naghahanap tayo ng kalinga, nakakamiss lang talaga ulit maging bata.

Dati hindi sila tutulog na hindi ka nahehele, na hindi palalampasin ang pagtapik sa iyong pwet para makatulog lang. Ang sarap maging bata.. Sobrang sarap..

Source: matabangutak

Kung medyo nauna kang isilang sa mundo, marahil sila yung kinakain mo noon hanggang ngayon.

Maaring hanapin mo ulit ito dahil ngayon mo lang naalala, mga paninda na bihira na makita sa tindahan. Kaya nga sobrang classic ng mga tindahan na meron pang mga ganito. Lalo na yung Iced Gems at yung Annie’s Langka,yung Krim stik parang mga 90’s or early 20’s na lumabas.

Isama mo na ang champola na uso pa rin hanggang ngayon, pero iba talaga kapag yung LANGKA Candy ang makikita mo, pang masa na pang masa na panghimagas ang datingan.

Dumating rin ang walang kamatayang MIK-MIK na mauubo ka kapag dalidali mong inistraw yung gatas at yung Pompoms na 1986 pa eh meron na  na parang cheese curls dati na makakaubos ka ng halos limang balot nito sa loob ng limang minuto.

Ito yung madalas kainin kapag nakikipaglaro ka sa mga kaibigan mo habang tumutulo ang sipon mo, hindi mo lubos maisip na maalat yung cheese pero sipon mo na pala ang nalalasahan mo.

Nakakamiss lang ulit ang maging bata, pero bahagya na tayong lumaki. Kaya huwag na nating balikan, kundi sabay sabay na lang ulit natin alalahanin ang mga pangyayari nung ating mga kabataan.

Hindi sakin ang litrato, lahat ng litrato ay hinanap lamang sa google.

Source: matabangutak

Mga kwentong bata.

Naalala ko yung mga kwentong bata na paano mo ipapasok ang elepante sa Refrigerator?  Tska yung kwento na nagtawag si Tarzan sa kagubatan at kung sino daw ang wala. Tapos yung mga tanong pa na may walong ibon sa sampayan, binaril yung isa. Ilan ang natira?

Na miss ko lang yung mga ganito, isama mo na ang bugtong na biglang nawala na lang basta sa sirkulasyon ng mga kabataan ngayon. Nauso na lang kasi basta ang Angry Birds, DOTA, Plants Vs Zombies, at kung ano ano pang laro na nagkalat ngayon.

Wala na nga naglalaro ng patintero sa daan, o kaya ng luksong baka man lang. Basta namiss ko lang, pati naman siguro kayo na miss niyo pag-usapan ang mga ganito. Ang daming nawala na ngayon, ikumpara dati.

Hindi mo masisisi ang magulang mo na nagkwekwento ng buhay nila dati, kasi alam ko nga na mas masaya nga dati dahil sa ang lahat ng bata noon eh nasa lansangan para makipaglaro sa isat-isa.

Kaya ayan, nagkalat ang obese, yung mga bochog na bata. Puro PSP na lang kasi ang hawak nila. Ewan ko ba, hindi na siguro maibabalik yung mga pangyayari dati talaga. Kumbaga history na lang at wala na tayong magagawa kundi balikan na lang ang mga alaala ng swerteng 90’s na kabataan na nabuhay sa mundong ito :)

Source: matabangutak

Nagka idea ako sa sinabi ni obscuredsoul. ” Iba na ang nilalaro ng mga bata sa henerasyon ngayon”

Magandang reply sa aking blog kaibigan.

Dahil dito nag karoon ulet ako ng idea. At ating talakayin ang bata dati at bata ngayon.

Ano ba nilalaro ng mga bata dati? 

Mga piso pisong bidyuhan.

Andiyan ang tagutaguan, Patintero, Habulan , Langit lupa at marami pang iba. Mga oras na aktibo pa ang mga bata sa lansangan. Masasabi mo naman talagang an laki na nang pinag iba ng mga kabataan ngayon.

Masaya ako kasi naabutan natin ang kabataan noon. At tayo ay nandito ngayon. 

Ano ba ang meron sa kabataan ngayon? Mas wild ang mga bata ngayon. Ano ano nilalaro? Limang taong gulang palang nag lalaro na nang computer.

Pitong taon palang nag lalaro na nang special force. At sayang saya sa pagpatay ng tao.

Edad na sampung taon gulang palang may PSP na agad. Dati masaya na tayo sa PS1. O kaya sa pa piso pisong bidyuhan.

Edad na dose nakakapagdota na at nag lalaro na ng RPG games.

Siguro ang mga batang nakakalaro nalang nang mga laro dati eh yung mga batang nasa mahihirap na pamilya. Oo tama ka. Mga batang nasa squatters area. Dahil hindi sila makakapag laro ng computer. Wala silang ibang gagawin kundi maglaro kasama ang mga kapwa bata sa labas ng kanilang bahay.

Nakakalungkot. Pero wala tayong magagawa. Ganun ang magulang nila e. Mga magulang na sumuko agad para gumanda ang buhay ng mga anak nila.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack