Post(s) tagged with "holding hands"
Bakit nga kaya tuwing Valentines Day na lang nagbibigay ng bulaklak ang ibang kalalakihan? Nawala na ba yung lumang panliligaw na kahit santan lang o sampaguita eh ibibigay ito sa babae masabi lang na importante at nirerespeto niya ito? Na handa niyang pitasin ang lahat ng bulaklak maialay lang sa kanyang babaeng nililigawan o kaya naman eh minamahal.
Minsan nga impromptu pa ang nangyayari, bibili lang ng Rosas, galing pa sa bulsa ng magulang niya, at hindi sa kanya. Masabing makakapagbigay siya ng rosas o ng anumang bulaklak.
Sige bigyan na natin ng credit ang mga taong ganun, pero iba talaga kapag pinag ipunan mo at galing ito sa puso. Yung pinaghirapan mo yung lahat ng bagay na ibibigay mo. Pero ok din naman at nagkaroon ng effort pa manghingi ng pera ang iba dahil nga naman malay natin kung wala talaga silang pera ngayon hindi ba?
Nasaan na nga kaya ang mga masusugid na lalakeng handang magbigay ng bulaklak kahit hindi araw ng mga puso? Kahit na iba na ang henerasyon ngayon, hindi ba’t isa rin namang nakakatuwang bagay sa parte ng babae ang makakuha ng bulaklak? Dahil isa rin sa sinisimbolo ng rosas eh ang kagandahan. At lalo na ang respeto at pag galang mo sa kanya bilang babae.
Ayan ang tunay na lalake.
Source: matabangutak
Isa rin sa gusto natin eh yung taong handang humawak ng kamay natin sa oras na nasa labas tayo ng bahay. Yung taong proud na yung hawak nila eh kamay natin. Yung taong masaya kasi hawak nila ang ating mga kamay.
Tapos kakapit ka rin ng mahigpit pabalik. Hihigpitan mo para ipaalam sa kanya na hindi ka na bibitaw. Na sasama ka saan man siya magpunta. Sabay niyong haharapin yung mundo, ipapakita sa mga taong nakapaligid sa inyo gaano kayo kasaya. Wala ng makakapigil pa.
Wala na talagang mas sasaya pa. Kapag yung hawak mong kamay eh masasabi mong sayong sayo na talaga.
Source: matabangutak
Sa paghawak ng kamay, sinisimbolo nito na hindi mo bibitawan ang isang tao, sinisimbolo din nito na sa kanya ka lang at kahit kailan hindi ka niya hahayaang makuha lang basta ng ibang tao.
Isa sa pangarap ng tao na magkaroon ng partner na hindi mahihiyang hawakan ang kanyang kamay kapag gumagala sila sa mall o saan mang parte ng mundo na magkasama sila. Bihira lang kasi ang taong papayag na humawak sa kamay niya. Napaka espesyal mo sa buhay niya sa oras na payagan kang hawakan ang kamay nito.
Pakiramdam mo ikaw na ang pinakaswerteng nilalang sa mundo kapag hawak mo ang kamay ng isang tao. Para bang ang sarap isigaw na “AKIN TO!” Mahal ko ang taong may ari ng kamay na ito. Pero sapat na yung hawak mo lang, puso mo na lang ang hahayaan mong sumigaw ng ganun.
Maaring may mga kaibigan tayong nahahawakan ang mga kamay, mga sinasabi nating formality kapag close na, pero nandun yung doubt na baka lagyan mo ito ng kahulugan. Kaya iba na rin talaga kapag masasabi mong sayo yung taong hinahawkan mo ang kamay.
Sabayan pa ng paghalik ng lalake o ng babae sa kamay mo? Panalo. Ayan ang isa sa masasayang bagay na makukuha mo sa oras na magmahal ka at pumasok sa isang relasyon. Habang hawak mo kasi ang kamay ng isang tao, para bang hinahawakan na rin niya ang buong pagkatao at puso mo.
Source: matabangutak
Silviu Ghetie, a photographer from Romania, snapped a once in a lifetime shot when he managed to perfectly capture this adorable moment of two penguins holding “hands” in
Holding Hands
Ang hinahanap lang rin naman ng isang tao eh yung taong hahawak sa kanya at ipagmamalaki siya sa harap ng maraming tao, yung hindi lang kamay mo ang hinahawakan niya kundi puso mo na rin. Sa oras kasi na hawak mo ang kamay ng taong mahal mo, ayaw mo na itong pakawalan. Gusto mo laging hawak mo lang ito, dahil sa oras na hawak mo ang kamay niya, parang hawak mo na rin ang buong mundong nagpapasaya sayo.
Iba ang nagagawa ng paghawak ng kamay ng isang tao, kahit na pasmado pa ang kamay mo, o kaya naman magaspang ito, hindi na ito papansinin ng taong importante sayo, ang mahalaga hawak niyo ang isat-isa at magmamahalan kayo ng walang humpay na ligaya.
Sarap ng ganung pakiramdam diba? Kaya patuloy tayong naghahanap ng taong hahawak sa kamay natin ng walang alinlangan.
Source: matabangutak
About
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.


Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.
Iba ang payo ko kay Papa Jack





