Post(s) tagged with "haha"

Sometimes you have to distance yourself from people to make them realize you don’t always have to be there, and that you’re not one to be taken for granted.
  • Boy: Galit ka ba sakin?
  • Girl: Hindi.
  • Boy: Bakit ang cold mo?
  • Girl: Wala lang.
  • Boy: Bakit nga?
  • Girl: Sige wala na ko load. Bye.
  • Boy: Huwag mo nga ako gawing tanga. Naka VIBER tayo!!

Source: matabangutak

Kapag sobrang inspired ka mag GYM.

Source: matabangutak

“May sasabihin ako sayo”

Nasindak ka na ba ng salitang yan? Ramdam mo biglang heart attack no? Bigla kang mangingilabot at sobrang kakabahan kapag nakita mo yang salitang yan sa text o sa chat o kaya naman maaring sa Personal o kaya sa Telepono. Pero ang dyahe ng pakiramdam kapag sa text tapos mahina ang signal tapos atat na atat kang malaman kung ano yun at the same time sobrang kinakabahan. Natatakot ka na sobrang napaparanoid dahil parang alam mong may mali o kaya naman eh nagdududa ka sa itatagal ng relasyon niyo.

Tipong kapag hindi pa siya nagrereply ang daming papasok sa isip mo. Malas mo pa kapag delay ang message niya sayo. Syempre napadali nga naman iwan ng isang tao eh. Pwede nilang sabihin na ayaw na nila sayo. Pwede rin namang sorpresa pala nila yun sayo. Sinong makakaalam? Wala. Kundi sila lang. Kaya nakakayamot kapag may mga ganyan. Madalas din kasi sa break up ang hantong kapag mag on kayo. Minsan naman may aaminin na sobra kang masasaktan. 

Kanya kanyang kwento yan eh. Pakshet lang talaga yung pakiramdam na yan. Parang ilang taon kang naghihintay sa loob ng isang minuto. Tapos laking ginhawa mo lang kapag sinabi niya na “Mahal kita” o kaya naman malas mo naman kapag lalake ka. Ang sasabihin sayo ng babae eh “Buntis ako, hindi ikaw ang ama.” Shet na malagkit. Daig pa ang nabanlian ng mainit na kape sa Tarvax!! Buhay nga naman! Bakit pa kasi nabuo yang pangungusap na yan e no? Pwede namang mag straight to the point na lang. Bakit kailangan pang sabihin na may sasabihin siya sayo. Nakakapanghina kaya. 

Source: matabangutak

ADMU ko Facebook? NU email mo? Try ko ha? FEU funo na ata friends ko eh. CEU later na lang!

Source: matabangutak

Chewy Chewy Menthol~ iCool Chewy~

image

Source: matabangutak

Minsan nakikita ko ang benefit na may suot na malaking Headphones. Bukod sa mukha kang mayaman at astig eh  kapag dumaan ka pa sa mga nagaabot ng papel sa mga MALL o kaya yung mga Ahente ng Condo eh hindi ka na aabutan dahil alam nilang wala kang pakialam. Minsan kasi aksayado sa papel. Kukunin tapos itatapon.

Nilandi na niya lahat ng taong makita. Single man o Taken.

Source: matabangutak

Mabuti pa ang payong may lovelife.

Source: matabangutak

Ang hirap mamili sa dalawang tao na may karapatan sayo.

- Two Timer.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack