Post(s) tagged with "Pilipinas"

Masaya pa rin ako at nakatira ako at lumaki sa bansang Pilipinas.

Masaya pa rin ako at nakatira ako at lumaki sa bansang Pilipinas.

Source: matabangutak

Pilipinas “lang”.

Hindi ba’t nakakalungkot kapag sa mga bagay na nakikita natin sa paligid natin ay sinasabihan na Pilipinas “lang”. In terms of technology or amenities sa isang mall or hotel na maaring maikumpara mo ito lalo na kapag nakaranas ka ng makabyahe sa labas ng bansa.

Maikukumpara mo ang Pilipinas na sobrang out of date talaga kung tutuusin. Pero nakakatuwa din na kahit papano eh nakikipag kumpetensya na tayo sa ibang bansa. Kung mapapansin mo ang tren ng ibang bansa eh talagang state of the art naman talaga. Lalo na yung mga station nila dun, like Japan or Singapore. Talagang napakatindi ng istasyon nila at talagang ginastusan.

Nadaan kasi sa pondo ng Gobyerno nila dun kaya magaganda ang imprastraktura nila dun. Pero wala naman silang magagandang tanawin tulad ng sa Pilipinas. Isipin mo na lang kung katulad ng ibang bansa yung mga nag gagandahang hotels at buildings natin dito tapos samahan pa ng magagandang tanawin eh masasabi ko talagang ito na ang pinakamaganda.

Lahat naman kasi magagawa talaga kapag may pera diba? Kung nagamit lang sana ng husto. Hindi mo rin naman kasi masisisi ang gobyerno natin ngayon dahil sa mga past governments eh nangyari na ang katiwalian.

Parang nakakainip isipin kung kailan talaga masasabing asenso ang Pilipinas. Yung malilinis ng husto ang maynila ng magagandang bahay at mababawasan ang mga squatters sa atin. Kailan kaya maiisip ng ating mga kaibigan na kailangan din nilang magsikap at hindi gobyerno ang palaging tutulong sa kanila. Akala siguro nila, may presidenteng tutulong magpayaman sa kanila. 

Paano ka nga naman magkakapera kung inom ka lang ng inom at hindi ka nag tatrabaho? Paano nga naman makakaipon kung may bitbit kang tatlong anak tapos buntis ka pa? Sayang ang kinabukasan ng bata, isang potensyal maging kriminal ulit sa maynila kapag napabayaan na lang basta.

Pilipinas “lang”. Isang masakit na salita na sana eh mawala na sa ating bansa. Dapat handa tayo sa mga kritisismo ng ibang bansa para maging ok eh. Hirap kasi sating mga Pilipino, nasanay na tayo sa buhay na ok lang. Kung ano ang mga bagay na nakikita natin ngayon, pinag titiisan na lang. Kaya naman ng Pilipinas eh, mababait kasi ang tao sa atin. Kaya naman mag-kaisa eh. Ewan ko ba talaga ano talaga ang problema. 

Dati kasi lagnat lang ang sakit ng Pilipinas eh, ngayon eh Cancer na. Samut-saring isyu sa nakawan sa gobyerno, patayan dito, patayan doon at marami pang iba. Kapwa pinoy nagkakasiraan imbis na magtulungan.

Sana mabago na, ang sarap siguro tumira sa bansang hindi ka na takot maglabas ng cellphone kapag naglalakad ka. Ang sarap siguro kapag dumating yung araw na ang mga dayuhan naman ang maghahanap ng trabaho sa atin, yung magiging excited din sila umalis at bumyahe kasi pupunta sila sa bansang Pilipinas.

Napakasarap nga naman talagang mangarap para sa Inang Bayan.

Source: matabangutak

That’s why I’m always updated.

That’s why I’m always updated.

World’s new seven wonders of nature

The Amazon rainforest, Vietnam’s Halong Bay and Argentina’s Iguazu Falls were named among the world’s new seven wonders of nature, according to organizers of a global poll. The other four crowned are South Korea’s Jeju Island, Indonesia’s Komodo, the Philippines’ Puerto Princesa Underground River and South Africa’s Table Mountain.

Source: Yahoo

Palawan made it! Congratulations Pilipinas!!

I love lightpaints.

Source: matabangutak

Uhaw na sa pagbabago

Gutom ang lipunan sa pagbabago, ibat-ibang haka haka ang nagsisilabasan. Paano aasenso? Paano mag kakatrabaho? Kanya kanyang diskarte ang laban, kanya kanyang pakikipagtalastasan. Pagdayo ng pangulo sa karatig bansa, parang panlilimos ang kanyang ginagawa. Ang gawain na sana ang dayuhan ang gagawa , pero bakit tayo ang gumagawa? 

Masyadong na tayong sabik sa pagbabago, patuloy na umaasa sa gobyerno. Nagawa na natin kahit papano ang kontribusyon na kailangan ng gobyerno. Pero nanamantala sila at mistulang bulag, bingi, at patuloy tayong ginagawang tanga.

Napakarami ng taong namatay sa gutom, taong nawalan ng pag-asa kaya nagnakaw ng bag ng tao. Kumikil ng buhay, pamilya lang niya ay mabuhay. Nasaan ang hustisya ng mga taong namatay? Suspek na nasa kulungan hindi mahatulan ng bitay.

Kailan magbabago, kailan mararamdaman. Ang turista ay naglipana, kaliwat kanan sa ating bansa.

Source: matabangutak

Basta SALE ugali na ng Pinoy sugurin ang mga Malls.

Kahit wala ng makain, kahit wala ng pang tuition hala sige makabili lang ng sale na damit papatusin na ito ng ating mga kababayan. Paano pa yung mga taong may kaya diba? Lalo na kapag may tatak naman talaga ang damit at matagal mo ng gustong bilhin ang damit na ito, hindi bat napakasaya nga naman mabili ang damit na gusto mo sa murang halaga? 

Isa sa nakakatuwang kultura ito ng Pinoy, talagang susugod sa mall kahit umuulan kahit sobrang init at kahit na maraming tao. Nauuso pa nga ang dukutan kapag siksikan isa ring hindi mawawala na ang mga taong mapagsamantala, pero wala tayong magagawa minsan nga lang naman daw may sale.

Marami sa atin ang nahihilig sa mga sale na damit, dahil bukod sa nakaka tipid tayo eh pwede pa nating doblehin ang damit na bibilhin natin. Ganun din naman eh, gusto mo lang rin naman yung disenyo ng mga ito. 

Pag nakita na si 20%,50%,70% on selected items hala! Sige lang! Sugod dito, bayad doon, swipe ng credit card dito kuha ng lukot na pera doon. Nakakatuwang kultura ng pinoy na sa likod ng kahirapan ng ibang tao eh nagagawa pa rin nila ang gumala at gumasta ng pera para mapasaya ang sarili o kaya naman ang pamilya.

Source: matabangutak

Bata Bata.. Paano ka ginawa?

Ito marahil ang katanungan na masarap itanong sa mga bata at sa tingin ko sa mga taong nakapaligid satin.

Ano nga ba ang milagrong bumabalot sa tanong na yan? Ito siguro ang tanong na kung paano sila palakihin ng magulang nila. Ito ang pagtatanong nang kung paano sila dinisiplina. Paano sila minahal? Paano sila inalagaan?

Maraming bata sa lansangan ang masasabi mong kahit walang pinag-aralan ay masasabi mong may kagandahang asal.

Ikumpara sa mga nag aaral at nasa magandang unibersidad na patuloy na naninira at nang aaway ng kapwa. Bakit hindi nalang pagpalitin ang buhay niyo ng mga batang musmos? 

Ibinigay sayo ang buhay na malayo sa karamihan, ginamit mo ang kapangyarihan mo para makapanira ng kapwa, ikaw mismo na masarap ang buhay ang dapat nakakaranas nito dahil sa paninirang ginagawa mo.

Maraming bata ang gusto guminhawa ang buhay, mga bata sa lansangan, o kaya naman mga kabataan na hirap sa buhay. Lahat ay pantay pantay, mas bumababa ang pagtingin sa iyo ng tao kapag isa ka sa mga taong nang aaway at walang disiplina, anong mapapala mo sa paninira ng kapwa? Akala mo kakatakutan ka? Doon ka nag kakamali..

Sa ating bansang malaya, masasabi nating lamang ang mapagmahal sa kapwa, at iilan lang ang mga masasama, pero makikita mo ang malaking epekto nito sa mga mabubuti. At tayong lahat ay mapapatanong sa sarili at maiisip na

Kung sino pa ang mabubuti, sila pa ang naapi. At kung sino pa ang masama sila pa ang nang kakawawa.”

Source: matabangutak

Pambansang Street Food ” Chicken Balls “

Kung may pambansang street food siguro chicken balls na yun. Kahit saan ata meron nitong tuhog tuhog, nawala na nga sa sirkulasyon nang streetfood ang fishball, kung meron man mangilan ngilan na lang ito, grabe ang chickenballs ngayon. 2.50 na, dati dos lang e, nasabi kong malaking factor pala ang pagtaas ng isang produkto kahit na 25 cents or 50 cents ito.

Eh kasi naman imbis na limang chicken balls ang mabibili mo sa halagang 10 Piso, magiging apat na lang ito. O diba bitin? Samahan mo pa nang masarap na palamig na may halong arnibal, usok ng sasakyan, at yelo na dumaan sa kamay nang nagtitinda.

Masarap ito lalo na kung medyo gutom ka, ayos din na pagkain na trip ng barkada, lalo na kapag sa LRT o MRT ka dumaan, palaging andiyan si manong chickenballs at nagpapalakas ng apoy sa kanyang lutuan. Isabay mo pa ang masarap na sawsawan na malapot lapot, tatlo ang pagpipilian. 

Maanghang, matamis, at suka. Ikaw ang bahalang mamili depende sa iyong trip na panlasa, minsan ingat ka, hindi mo alam nadudukutan ka na pala, dahil sa bawat pagkagat mo nang chickenball sa mga labas ng mall, may mga snatcher sa daan na rin palang nag aabang sayo.

Tuwang tuwa si manong kapag may tumutuhog sa kanyang balls. Sabay sasabihin mong ” MANONG ANG SARAP NG BALLS MO “.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



Iba ang payo ko kay Papa Jack