Post(s) tagged with "Philippines"

A runner makes his way along a trail on a butte in front of the “super Moon” at Papago Park in Phoenix, Arizona May 5, 2012. A “super Moon” will light up Saturday’s night sky in a once-a-year cosmic show, overshadowing a meteor shower from remnants of Halley’s Comet, the U.S. space agency NASA said. The Moon will seem especially big and bright since it will reach its closest spot to Earth at the same time it is in its full phase, NASA said. Photo by REUTERS/Darryl Webb
MANILA, Philippines – The country will witness the so-called “super moon” tonight, state weather bureau PAGASA said.
In an interview with dzMM TeleRadyo, PAGASA weather forecaster Glaiza Escullar explained the size of the “super moon” appears to be 14% larger than normal because the moon will be in its nearest distance from the Earth tonight.
Meanwhile, Escullar said it is going to be a warm Sunday across the country, particularly in the northern and central Luzon with just isolated rains in the afternoon or evening.
PAGASA said a high pressure area extending over Bicol region and Eastern Visayas is causing the hot weather.
Source: ABS CBN NEWS

A runner makes his way along a trail on a butte in front of the “super Moon” at Papago Park in Phoenix, Arizona May 5, 2012. A “super Moon” will light up Saturday’s night sky in a once-a-year cosmic show, overshadowing a meteor shower from remnants of Halley’s Comet, the U.S. space agency NASA said. The Moon will seem especially big and bright since it will reach its closest spot to Earth at the same time it is in its full phase, NASA said. Photo by REUTERS/Darryl Webb

MANILA, Philippines – The country will witness the so-called “super moon” tonight, state weather bureau PAGASA said.

In an interview with dzMM TeleRadyo, PAGASA weather forecaster Glaiza Escullar explained the size of the “super moon” appears to be 14% larger than normal because the moon will be in its nearest distance from the Earth tonight.

Meanwhile, Escullar said it is going to be a warm Sunday across the country, particularly in the northern and central Luzon with just isolated rains in the afternoon or evening.

PAGASA said a high pressure area extending over Bicol region and Eastern Visayas is causing the hot weather.

Source: ABS CBN NEWS

Masaya pa rin ako at nakatira ako at lumaki sa bansang Pilipinas.

Masaya pa rin ako at nakatira ako at lumaki sa bansang Pilipinas.

Source: matabangutak

Pilipinas “lang”.

Hindi ba’t nakakalungkot kapag sa mga bagay na nakikita natin sa paligid natin ay sinasabihan na Pilipinas “lang”. In terms of technology or amenities sa isang mall or hotel na maaring maikumpara mo ito lalo na kapag nakaranas ka ng makabyahe sa labas ng bansa.

Maikukumpara mo ang Pilipinas na sobrang out of date talaga kung tutuusin. Pero nakakatuwa din na kahit papano eh nakikipag kumpetensya na tayo sa ibang bansa. Kung mapapansin mo ang tren ng ibang bansa eh talagang state of the art naman talaga. Lalo na yung mga station nila dun, like Japan or Singapore. Talagang napakatindi ng istasyon nila at talagang ginastusan.

Nadaan kasi sa pondo ng Gobyerno nila dun kaya magaganda ang imprastraktura nila dun. Pero wala naman silang magagandang tanawin tulad ng sa Pilipinas. Isipin mo na lang kung katulad ng ibang bansa yung mga nag gagandahang hotels at buildings natin dito tapos samahan pa ng magagandang tanawin eh masasabi ko talagang ito na ang pinakamaganda.

Lahat naman kasi magagawa talaga kapag may pera diba? Kung nagamit lang sana ng husto. Hindi mo rin naman kasi masisisi ang gobyerno natin ngayon dahil sa mga past governments eh nangyari na ang katiwalian.

Parang nakakainip isipin kung kailan talaga masasabing asenso ang Pilipinas. Yung malilinis ng husto ang maynila ng magagandang bahay at mababawasan ang mga squatters sa atin. Kailan kaya maiisip ng ating mga kaibigan na kailangan din nilang magsikap at hindi gobyerno ang palaging tutulong sa kanila. Akala siguro nila, may presidenteng tutulong magpayaman sa kanila. 

Paano ka nga naman magkakapera kung inom ka lang ng inom at hindi ka nag tatrabaho? Paano nga naman makakaipon kung may bitbit kang tatlong anak tapos buntis ka pa? Sayang ang kinabukasan ng bata, isang potensyal maging kriminal ulit sa maynila kapag napabayaan na lang basta.

Pilipinas “lang”. Isang masakit na salita na sana eh mawala na sa ating bansa. Dapat handa tayo sa mga kritisismo ng ibang bansa para maging ok eh. Hirap kasi sating mga Pilipino, nasanay na tayo sa buhay na ok lang. Kung ano ang mga bagay na nakikita natin ngayon, pinag titiisan na lang. Kaya naman ng Pilipinas eh, mababait kasi ang tao sa atin. Kaya naman mag-kaisa eh. Ewan ko ba talaga ano talaga ang problema. 

Dati kasi lagnat lang ang sakit ng Pilipinas eh, ngayon eh Cancer na. Samut-saring isyu sa nakawan sa gobyerno, patayan dito, patayan doon at marami pang iba. Kapwa pinoy nagkakasiraan imbis na magtulungan.

Sana mabago na, ang sarap siguro tumira sa bansang hindi ka na takot maglabas ng cellphone kapag naglalakad ka. Ang sarap siguro kapag dumating yung araw na ang mga dayuhan naman ang maghahanap ng trabaho sa atin, yung magiging excited din sila umalis at bumyahe kasi pupunta sila sa bansang Pilipinas.

Napakasarap nga naman talagang mangarap para sa Inang Bayan.

Source: matabangutak

We might don’t have the largest buildings, but we have the largest Natural Resources, and beautiful Natural Wonders.

Bagyong Sendong

Nakipaglaro na naman ang tadhana. Akala niya ulit ang lahatng tao ay bata. Bakit sa pasko pa? Bakit ang kalamidad eh palaging natataon tuwing pasapit ang pasko? Bakit kailangan marami ang kukunin? Nakakalungkot sa CDO, at sa parte ng Mindanao, kung tutuusin may mga kalamidad at trahedya pa na hindi nabibigyan ng hustisya.

Nakakaawa sila, tulad ko naranasan ko rin mahagupit ng bagyo ng todo. Oo, tama ka. Na ondoy kami, at sobrang hirap naman talaga. Walang signal ang mga cellphones, walang kuryente, hindi madaanan ang binabahang daan, kulang sa supplies, naranasan rin magutom, nilamig at nagkasakit.

Eh swerte pa kung tutuusin, kasi nasa siyudad pa kahit papaano, pero sa mga probinsya na hindi sementado ang daan. Sobrang kawawa, naghalo halo ang trahedya, mga malalapit sa ilog, malalapit sa mga landslides prone area, mga trosong biglang yayapos sa kanilang bahay bahay. Napakatindi, nakakaawa, nakakapanlumo.

Tulad din ng mga nangyari dati, alam kong kaya ng PINOY yan. Darating ang araw na babalik ang ngiti sa kanilang mga labi. Sabi na eh, mangyayari at mangyayari talaga yan. Hindi man sa NCR, pero sa ibat-ibang parte ng bansa. Kaya dapat iniingatan ang sarili at lahat tayo ay handa.

Ako ay nakikiramay sa lahat ng Pamilyang apektado sa mga kapatid na sobrang tinamaan ng trahedya/sakuna sa Mindanao.

Maari natin silang tulungan, kesa sisihin ng sisihin ang ating Gobyerno. Wala na tayong magagawa, dahil sa nangyari na ito. Bakit hindi na lang tayo tumulong? Gamit ang mga ito.

Bank of Philippine Islands account under RIGHT START COMMUNITY DEV’T INC. - Account Number: 004021-0129-42

Banco de Oro: account under RIGHT START COMMUNITY DEV’T INC. — Account Number: 2030132221

DOLLAR ACCOUNT:
Banco de Oro under account name:
Right Start Community Dev’t Inc.
account number: 102030129115

Pwede rin kayo magtext, kesa ipang unli niyo eh sakripisyo muna tayo. Tulungan tayo mga kaibigan. Nag donate na ako, pero hindi ko na lalagyan ng presyo. Ang mahalaga, napansin mo ito. Naisipan mong tumulong.


FOR GLOBE:Text: RED <amount> and send it to 2899. You may donate in these denominations: 5, 25, 50, 100, 300, 500 and 1000.

FOR SMART:Text: RED <amount> to 4143. Valid donation amounts 10, 25, 50, 100

Source: matabangutak

Ibat-ibang klase ng Karoling ( Pinoy Version )

Batang Nangangaroling -Hindi na nawala sa tradisyon ng kabataan ang pangangaroling kahit na onti na lang ang nakakaalala nito eh may mga batang patuloy pa rin bumubuo ng grupo, gumagawa ng mga materyales na pampaingay at sabay sabay aalis ng bahay at mangangaroling na sa ibat-ibang bahay.

Dala ang tambol, dala ang gawa-gawang gitara, ang instrumento na gawa sa niyuping tansan para makagawa ng ingay , lalagyanan ng Nido na lata na nilagyan ng Plastik at Lastiko/Makapal na Itim na Goma para makagawa ng mala Drum na tunog. Madalas nagpapagawa ang mga batang ito sa mga magulang nila, madalas sa Tatay. Bonding na rin nila bilang mag-ama. At habang nasa likod si Nanay na nilalagyan ng Bimpo ang anak at pinapaalalahanan na mag-iingat sa aso at magsuot ng sumbrero baka mahamugan.

Karoling ng Choir - ito yung mga nasa simbahan na grupo kung pumunta, mga choir sa simbahan, yung mga kumakanta, mga talentadong tao pagdating sa kantahan. Ito ang ibang level ng pangangaroling, tipong aabutan ka ng sobre at sigurado kang bawal ang barya at papel talaga ang ibibigay mo. Depende sayo kung anong kulay ng Pera ang ibibigay mo. Orange? Green? Ube? O cheap ka? Orange. Kahit nga naman daw anong halaga eh pwede na, pero kakainin ka ng hiya dahil sa dami nila eh kulang pa talaga ang 100 pesos. Isama mo na ang handang pampakain sa kanila.

Madalas kang makakaranas nito kung may kapatid, kakilala ka na kumakanta sa simbahan, o kaya naman may kilala lang sa simbahan, kapag alam nilang may makukuha silang maagang aginaldo sayo, kahit saan pa ang bahay mo. Siguradong pupuntahan ka ng mga ito.

Solo Flight - meron mga taong sobrang nangangailangan talaga, talagang Solo lang sila, kumbaga talentado, hindi kailangan ng kasama, hindi mo alam kung may kaibigan o wala, kung bumukod o gustong makasolo ng kita. Madalas may ganito, gamit ang improvised na tambol o kaya ang kamay na palakpak lang eh gumagawa na ito ng tinig na pampasko. Minsan takot pang kumanta ang mga batang ito kapag may aso sa harapan ng bahay na pupuntahan nila. Bihira ang taong ganito, pero kanya kanyang trip nga naman.

Minsan akala mo mag-isa lang sila, yun pala nandun yung isang kasama sa kabilang bahay at nangangaroling din. Aba malulupit ang mga ganitong bata. Syempre kung ikaw ang magbibigay eh maawa ka naman talaga dahil sa napakatiyaga ng batang ito mangaroling mag-isa.

Duo - isang taga tunog ng instrumento, maaring isa ring taga kanta. Pwede rin namang pareho silang tumugtog at sinasabayan ito ng kanta. Ito eh madalas sa mga batang mag bestfriend ika nga, o kaya day off ng iba nilang kaibigan sa pangangaroling, maaring napagod, minalat, kinagat ng aso o kung ano-ano pa.

Ito ang madalas na makita sa labas ng bahay, ito ang mga taong madadalas mangaroling, madali kasi bumuo kapag partner lang kayo, kapag dalawa lang kayo. Nakakabuo ng bonding ang dalawang magkaibigan na ito, at sabay ginagastos o kaya naman iniipon ang nakuhang pera sa pagkanta at pagtipa ng gitara.

Source: matabangutak

Samut-saring pangyayari sa isang Christmas party.

  • Gusto mo katabi lagi ang crush mo.
  • Kapag sap picture gusto mo kasama mo eh yung magaganda/gwapo  basta may itsura.
  • Kapag nag papicture laging naka peace sign yung isa, tapos nakadila naman yung isa, tapos naka wacky yung isa at hindi mawawala yung nakaakbay sayo.
  • Kapag sa exchange gift 100 pesos ang budget ang madalas mong makuha na regalo ay

Pencil Case na may laman na ballpen, pambura, ruler at lapis.

Handkerchief 

Wallclock na may price tag na 99.75 tapos may naka scotchtape na bentsingko sa likod para saktong P 100.00

Uso ang 3 for 100 na underwear, mga tatak na ENCH, UMA, DIDAS, ICKIES. Jocke, at samut saring mga underwear na nakalagay sa Box na gatas ng Nido, Bearbrand, depende kung anong brand ng ng regalo sayo.

Kapag babae naman, madalas na ang mga maliliit na stufftoy na nabibili sa Bear Cuddler o Blue Magic.

Pabango ng Aficionado.

Walang kamatayang Alarm Clock.

Sagwa kapag makakatanggap ka ng payong na may pangkalawit. Dyahe pa dalhin sa tricycle, tapos maiiwan mo dahil nga makakalimutin ka.

  • Gusto mo rin maka partner ang crush mo sa games tulad ng 
  1. Kagatan ng Mansanas - Ito yung nakasabit yung mansanas at kakagatin niyong dalawa.
  2. Pasahan ng Piso/Baraha gamit ang bibig, ito yung matindi eh, gusto mo na lang lunukin yung piso para tuluyan ng mailapat sa labi niya.
  3. Kapain mo ako - ito yung isa pang matindi, yung naka blindfold yung babae tapos nakatayo lang si lalake hahanapin yung piso kung saan nilagay ni loko-lokong lalake.
  4. Stop Dance tiklop Newspaper Version - yung partner kayo tapos bawal lumagpas sa Dyaryo, kundi matatangal kayo. Ito yung simpleng pang chansing kapag kayo ang natira sa huli. Kasi sasakay sayo, papasan, bubuhatin mo ang babae dahil maliit na ang tatapakan na diyaryo.
  5. Trip to Jerusalem - tamang trip lang, lalandiin mo habang umiikot ang crush mo. Tamang hawak sa balikat, mga galawan mo nga naman oh.

Source: matabangutak

World’s new seven wonders of nature

The Amazon rainforest, Vietnam’s Halong Bay and Argentina’s Iguazu Falls were named among the world’s new seven wonders of nature, according to organizers of a global poll. The other four crowned are South Korea’s Jeju Island, Indonesia’s Komodo, the Philippines’ Puerto Princesa Underground River and South Africa’s Table Mountain.

Source: Yahoo

Palawan made it! Congratulations Pilipinas!!

Basta SALE ugali na ng Pinoy sugurin ang mga Malls.

Kahit wala ng makain, kahit wala ng pang tuition hala sige makabili lang ng sale na damit papatusin na ito ng ating mga kababayan. Paano pa yung mga taong may kaya diba? Lalo na kapag may tatak naman talaga ang damit at matagal mo ng gustong bilhin ang damit na ito, hindi bat napakasaya nga naman mabili ang damit na gusto mo sa murang halaga? 

Isa sa nakakatuwang kultura ito ng Pinoy, talagang susugod sa mall kahit umuulan kahit sobrang init at kahit na maraming tao. Nauuso pa nga ang dukutan kapag siksikan isa ring hindi mawawala na ang mga taong mapagsamantala, pero wala tayong magagawa minsan nga lang naman daw may sale.

Marami sa atin ang nahihilig sa mga sale na damit, dahil bukod sa nakaka tipid tayo eh pwede pa nating doblehin ang damit na bibilhin natin. Ganun din naman eh, gusto mo lang rin naman yung disenyo ng mga ito. 

Pag nakita na si 20%,50%,70% on selected items hala! Sige lang! Sugod dito, bayad doon, swipe ng credit card dito kuha ng lukot na pera doon. Nakakatuwang kultura ng pinoy na sa likod ng kahirapan ng ibang tao eh nagagawa pa rin nila ang gumala at gumasta ng pera para mapasaya ang sarili o kaya naman ang pamilya.

Source: matabangutak

Larong Pinoy: Luksong Baka

Batas ng Laro:

1. Dapat may isang baka o ang alam natin lahat na “TAYA”. Para magkaroon ng taya kailangan niyo mag ” maibaaaa.. TAYA! ” o kaya naman ” Gumaya sa akennnnn… TAYA!”.

2. Hindi ka dapat sasabit sa taong tatalunan mo o kaya mahulog sa oras na tumalon ka sa taya.

3. Ang taya ay mag uumpisa sa posisyon na nakaluhod. Kailangan matibay ang iyong tuhod kapag medyo mataas ka na, para maiwasang matumba o kaya naman suporta na rin sa iyong likod.

4. Lahat ng kasapi ay tatalon sa baka, kapag nakatalon lahat, ikaw ay magpapalit ulit ng posisyon at onti onting tatayo para sa susunod na pagsubok sa mga tatalon.

5. Ang tanging pwede lang na humawak sa likod ng taya ay ang kamay ng tatalon. Ano man ang sumabit sa likod ng baka ay magiging taya. At kung sakaling sumabit ka, ikaw naman ang magiging taya, ikaw naman ang magiging baka. Ang mga manlalaro ang magdedesisyon kung kailan tatapusin ang laro, kapag umiyak na ang taya dahil naburot na ito.

Sa tingin ko ay nakalimutan na ito ng mga masasabi nating kabataan ngayon, wala na akong nakikita sa kalsadang naglalaro ng Luksong Baka, marahil sa puro Computer na lang ang ginagawa nito.

Nakakalungkot at laging sa bahay na lang ang karamihan ng bata dahil masyado silang na hohook sa computer games, kung meron man mangilan ngilan na lang siguro ang mga batang ito.

Nakakamiss ang kabataan at ang larong Pinoy.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



Iba ang payo ko kay Papa Jack