Post(s) tagged with "Goodnight :)"

After ka iwan? Alagaan mo sarili mo. Ayusin mo sarili mo physically. Hindi para sa kanya. Kundi para sayo at sa susunod na magmamahal sayo.

Source: matabangutak

HAPPY 6th MONTHSARY!

theskullcandiii:

6 months na kami ni Rhadz!!! YAY! Ahehehe. <3 

Wala pa akong nagagawang regalo para sakanya. :(( Di bale, babawi ako sa pagpunta niya dito. Malapit na. hehe. 

Sa mga hindi nakakaalam, Long Distance kami ng boyfriend ko. Marikina siya, Camarines Sur ako. 8-10 hours ang byahe kung bus ang gagamitin mo. Hindi pa kami nagkikita. Hopefully, sa 3rd or last week ng buwang ito, matuloy ang pagpunta niya. :) 

Kahit napakaraming trials na humaharap samin, hindi kami bumibitaw. Kahit na minsan, muntik na. Pero kumakapit pa rin. Ganyan namin kamahal ang isa’t isa.

Tila imposible para sa ibang tao ang relasyon namin, pero tignan niyo kami, at ang ibang long distance na couples na mas malayo pa ang distansiya, eh natatalo pa ang ibang magkakasintahang malapit lang sa isa’t isa. 

May iba kasing magkakasintahan na halos araw-araw nagkakasama, pero hindi sila masaya. Meron ding tulad namin, na kahit hindi pa nagkakasama sa personal, eh halos laging masaya. Sabi nga nila, ang mga nabibilang sa Long Distance ay ang mga pinaka-matatag at matatapang na tao. :)

Ngunit hindi ko sinasabing mahihina ang mga nasa short-distance relationship. Kanya-kanyang diskarte lang yan. Kung mahal niyo talaga ang isa’t isa, gagawin niyo ang lahat para maayos ang problema, at ma-overcome ang differences niyo.

MAHAL KONG RHADZ,

Thank you talaga sa lahat. Hindi man ako nakapag-exert ng effort ngayong buwan para ipakita sayong mahal kita, may LIFETIME pa naman ako para patunayan sayong totoo lahat ang mga sinabi ko. HINIHINTAY KO LANG ANG PAGPUNTA MO DITO AT GAGAWA TAYO NG VIDEO. (HINDI SEX VIDEO HA? SAKA NA YUN. HAHAHAHAHHA)

Sorry sa pagiging immature ko, sa pagiging iyakin. Parang drugs na kasi yan eh, ang hirap baguhin ang nakasanayan na. Pero maniwala ka man o hindi, ginagawa ko ang makakaya ko.

Sana maging mas matatag pa tayo. 6 months na, and a lifetime to go. :) 

Mahal na mahal kita, baby! <3

~Khye

Lesson of the day.

Hindi mo makikilala ang taong magmamahal sayo hanggat hindi mo nakikita ang ugali niya.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack