Post(s) tagged with "GIF"

Aww :3

Source: little-fire

Kung bawat hiling natin eh gagamit tayo ng isang bituin. Siguro ubos na ang bituin sa kalangitan. Sa hirap makuha ng taong gusto natin eh kakailanganin natin humiling ng marami bago ito matupad. Maiisip lang naman natin humiling kapag nagawa mo na yung parte mo eh. Kapag wala naging outcome yung paghihirap na ginawa mo. Buti pa ang bituin sa kalangitan. Kahit na nag-iisa paminsan minsan eh nakukuha pa rin nitong kuminang at mabuhay.
Kaya lang naman natin gusto ng kasama dahil sa takot na baka mabuhay tayo at masanay mag-isa. Ayaw natin mangyari yun. Dahil bawat isa sa atin, dapat may isang taong handang magmahal. Yung taong hahayaan nilang kuminang ang bituin. Yung taong hindi hahayaang humiling ka pa para mabawasan ulit ang mga bituin sa langit.
Yung taong sasama sayo… Pagmasdan ang mga bituin..

Mababaw ang luha ng mga babae, at kung gaano naman kababaw ang luha ng mga babae eh ganun naman katindi magpigil ng luha ang mga lalake. Dahil nga sa mga nangyari sobrang bigat, mas nauuna ang babae dahil mahina ang bagahe nito ng emosyon. Mahina ang loob nila, onting kibot lang, onting away, lalo na kapag mahal nila ang isang tao eh iyak agad.
Taglay na iyakin ang babae, may mga babaeng iyakin talaga. At may mga babaeng patuloy na nag tatapang tapangan pero sa huli ng araw, luha pa rin nila ang magwawagi, parang ilog kung dumagsa ang luha sa mata. Daig pa ang bulkan kapag sumabog na ang damdamin. Poot, sakit, pighati, samut saring nararamdaman. Naguguluhan kung dapat ba siyang magalit, dahil unang una siya rin naman ang nagpasya na mag mahal ng sobra.
Patuloy silang iiyak, patuloy na uubusin ang emosyon at luha. Hanggang sa masanay na lang sila at makalimutan ang problema.

Kapag daw umiyak ang babae, asahan mong nasaktan mo talaga sila, o kaya may isang bagay silang tinatago na sobrang bigat na. Hindi naman yan artista para umiyak ng walang dahilan. Hindi magsasayang ng luha yan para kaawaan mo lang. Umiiyak yang mga yan dahil may mali, may gusto silang itama.
Kapag umiyak ang babae, gawin mo agad ang lahat ng makakaya mo mapatahan lang siya. Kung sa tingin mo naman lilipas ang galit mo dahil sa maliit lang na ginawa niya patawarin mo na. Yakapin mo na lang siya. Dahil kapag ang babae umiyak, sobrang bigat ng nararamdaman nila.
Isa akong lalake, pero nararamdaman ko yun kapag nakakakita ako ng umiiyak na babae. Unang una sinasabi natin na hindi natin sila papabayaan, kaya hindi mo rin siya papabayaan na makikita na lang na umiiyak. Kapag umiyak sa harapan mo, punasan mo agad ang luha niya. Ayos na ang kamay mo o kaya naman panyo kung meron ka.
Halikan mo sa noo, hawakan mo ang kamay. Yakapin mo. Lambingin mo. Yun ang hanap niya sa oras na umiiyak siya sa harap mo. Normal lang naman ang pag-aaway. Ayos lang mag-away hanggat may natututunan kayo sa mga pinag-aawayan niyo.

Charlie: You deserve better than me! Would you say something, please. I tried, okay. I mean, what do you want from me?
Max: I want you to fight for me! That’s all i ever wanted.

Madalas natin itanong to kapag nasasaktan tayo. Bakit masakit kapag iniwan tayo ng isang taong mahal natin. Siguro dahil sa nasanay kang importante ka sa kanya? Siguro dahil sa binigay niyang oras dati. Tapos ikaw naman tong si tanga, binigyan lahat ng ibig sabihin ang lahat ng ginagawa niya. Kasi nga, sa lahat ng taong malalapit sayo siya lang ang napapansin mong nag eeffort. Pero hindi ibig sabihin nun eh espesyal ka na sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ang mahalaga at espesyal eh may pinagkaiba rin.
Ang taong mahalaga sa buhay ng isang tao eh yung mga taong andyan lang palagi yung mga taong ayaw mo ring mawala sa buhay mo. At ang taong espesyal naman eh yung mga taong mahalaga na at may parang special treatment. Tipong may concern factor at alaga factor. Gets? 
Ang mahirap kasi sa parte ng babae eh nahihirapan sila magtanong kung may pinaparating ba ang lalake dahil ayaw nila lumabas na nag aassume sila kahit na deep inside may inaassume na sila sa lalakeng yun.
At ang mahirap naman sa parte ng lalake eh yung paramdam sila ng paramdam pero natatakot silang umamin dahil nga natatakot silang umalis sa comfort zone. Dahil baka magbago ang lahat. 
Nakakatuwa na sa likod ng sakit na nararamdaman eh hindi pa rin sumusuko ang tao sa paghahanap ng taong mamahalin nila. Well, we live to love.

Source: matabangutak

May mga lalake pa rin na sobrang nirerespeto ang mga babae. May mga lalake pa rin na patuloy na nagmamahal ng totoo sa mga babae. Kaya huwag idamay na pare pareho lang ang lahat ng lalake. Huwag ka maging bitter sa isang lalake at tska mo idadamay yung mga lalakeng kahit kailan eh hindi ka man lang naisipan kahit minsan lokohin.
Hindi lahat ng lalake bastos. Pero may mga lalake na bastos. Hindi lahat ng lalake manloloko, pero may mga lalake talagang manloloko. Tulad naming mga lalake, hindi kayo nalalayong mga babae. May mga babae ding nanloloko samin, may mga babae din na nag papa asa. 
Tulad niyong mga babae, gusto rin naming nirerespeto, gusto rin naming ginagalang. Kumbaga, kung ano ang ibinibigay naming pag galang at pag respeto sa inyo eh ganun din sana kayo samin. Hindi kami ganun ka showy tulad niyo. Kaya madalas kami ang napapasama kasi madalas tahimik lang kami at hindi namin ugali ang mag kwento. 
Wala na kasi kaming magagawa, may mga ugali kami na kapag tapos na eh maaring tapos na talaga. Takot kaming mag paliwanag, basta tahimik lang kami. Nirerespeto namin ang desisyon niyo kapag kayo ang nang iwan samin. At sa mga lalakeng nang iwan sa inyo, tanggapin niyo na lang rin na ganun talaga minsan ang pag-ibig. Maaring masaya ka noon, maaring malungkot ka ngayon. Pero darating ang araw na sasaya ka muli, dahil sa hindi lahat ng lalake ay pare pareho.
Maraming tao diyan ang handang magmahal sayo. Hindi lang makapasok. Dahil sarado ang puso mo.

Yung “Excitement Factor” kapag gigising ka sa Umaga.

Alam mo yun? Madalas mong hanapin yung excitement ng buhay mo. O kaya naman excitement na gumising sa umaga, yung umaga na i lolook forward mo talaga kasi parang may mangyayaring maganda na hindi mo malaman. Alam mo yun? Yung nawala na sayo yung anu mang kilig factor, yung hindi mo na alam ang gagawin mo sa buhay mong mag-isa. Oo andyan ang magulang at kapatid mo para magmahal sayo. Given the fact na yun eh, kumbaga obligasyon ka nilang mahalin kasi pamilya ka nila at binuhay ka nila sa mundong ibabaw.

Pero hellyeah naman kasi yung gusto natin diba? Yung gusto natin yung taong aangkinin talaga natin. Yung taong ipagmamalaki natin sa maraming tao na hawak mo ang kamay niya at kulang na lang eh ipagsigawan mong nagmamahalan kayong dalawa. Pero madalas kang mahiya diba? Eh si John Lloyd lang ata ang madalas gumawa nun. Paano naman kasi scripted.. Pati yung mga taong nasa paligid.. Hindi tulad sa tunay na buhay.. Huhusgahan ka, madalas sasabihin pa ng tao sayo eh “ay ang baduy naman nun!”.

Gets niyo ba yung point ? Yung excitement? Yung spark na hinahanap mo madalas sa sarili mo o kaya naman sa ibang tao. Ang panget gumising sa umaga na ang tanging alam mo eh papasok ka lang sa eskwelahan.. Mahirap mag-aral ng walang inspirasyon.

Nakakamiss maging lutang ang isip mo kakaisip sa kanya. Bakit kaya nawala na yun? Sayo ba? Nawala rin ba? Hinahanap mo rin ba? O patuloy na naghihintay na lang? Kasi umaasa kang darating din ang taong magmamahal sayo ng buo. Minsan iiyak ka na lang sa kwarto no? Kasi nga nahihirapan ka na.. Ang bigat sa loob at dyahe sa pakiramdam yun. 

Hell yeah na. Fuck yeah pa. Asteeg.

Slowpoke… what are you doing?

Napakababaw ng kaligayahan ng babae kung tutuusin. Lalo na kapag mang gagaling yung joke eh sa taong gusto nila. Madalas hindi nila mapigilan yung kilig. Yung oras lang na kasama mo siya kinikilig na, paano pa kaya kapag nag effort ka pa magpatawa sa kanya. Kahit baduy o korny ang joke mo hindi ka niya ipapahiya. Tatawa pa rin siya dahil sa kilig na hindi mapigilan o kaya naman sobrang na appreciate niya yung moment niyong dalawa. 
Kaya sobrang panalo sa babae ang lalakeng may sense of humor. Kaya hindi totoo na sa mukha lang sila tumitingin. Maraming babae pa rin ang praktikal. Hindi na mahalaga ang itsura. Ang mahalaga eh yung lalakeng nakakapagpasaya sa kanilla, yung lalakeng may oras palagi sa kanila.
That’s Love :)

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack