Post(s) tagged with "90's"

Dati nung bata ako, di ko talaga gets paano kinakain ng batang manika ito. Ito yung kino commercial sa TV nun na “gusto ko rin dati kahit lalake ako dahil cool at gusto ko ipabili kay Mama para sa Kapatid ko para makakalaro ako kasama siya! Haha! Tapos hindi namin afford dahil sobrang mahirap lang kami dati. Pero cool talaga ng mga taong nagkaroon ng ganitong laruan noon. Meron dati ganito pinsan ko eh, sa ibang bansa pa nabili ng Ninong niya. Grabe, inggit na inggit kapatid ko non. Ngayon? Tablets na ang gusto ng kabataan dahil mas gusto nilang maglaro ng Temple Run kesa mag alaga ng creepy na sangol sa murang edad. Pag ako nagkaroon ng anak na babae bibilan ko ng manika at hindi ko imumulat agad sa gadget world para ma enjoy niya ang pagkabata niya.

Kakamiss din yung mga ganitong commercial dati sa TV eh. Haha! Masasabi kong pangarap ng mga batang 90’s ang laruan na ito.

Buti pa ko. Naranasan ko pa to nung bata ako. Haha! Kayo ba?

Buti pa ko. Naranasan ko pa to nung bata ako. Haha! Kayo ba?

Ito pa ang isa sa chichiryang kinaadikan ng lahat ng mga bata noon.

Ito pa ang isa sa chichiryang kinaadikan ng lahat ng mga bata noon.

Kung 90’s kid ka at paborito mo ang boyband na Westlife. Si Mark Feehily yung taong gusto mo laging sinasabayan. O kaya naman sa Videoke eh yung mga lines niya ang gustong gusto mong sinasabayan.

Kung 90’s kid ka at paborito mo ang boyband na Westlife. Si Mark Feehily yung taong gusto mo laging sinasabayan. O kaya naman sa Videoke eh yung mga lines niya ang gustong gusto mong sinasabayan.

Naaalala ko pa yung araw na kapag may project sa school pupunta pa sa Computer Shop para lang mag rent at gamitin ang Microsoft Word + Alt tab ng Onti sa Friendster + Chat ng Onti sa Yahoo Messenger or mIRC. Tapos nun wala na pahinga na sa bahay at makikipaglaro na sa labas. Kamiss yung ganun no? 
Tipong bago mo magawa yung Assignment mo eh bibigyan mo muna ng Testimonial yung kaibigan mo. Kasi nag request siya sayo, dahil daw kapag binigyan mo siya eh bibigyan ka rin niya. Tapos yung testimonial niyo mag uumpisa sa
” Etong si ” Insert name here” ? Naku! Napakabait na kaibigan niyan! Palaging nanlilibre, tapos maasahan talaga sa oras ng pangangailangan! Napaka down to earth ng taong yan! Chuba chu chu chenes chuva eklabu at kung ano ano pang pambobola na sasabihin sa kaibigan. Kaya nakakatuwa may testi dati. May matching glitters pa nga at Youtube Video eh. Sasabihing para sa kanya yung Lyrics ng kanta”. Minsan naman nauubos kakahanap sa Internet o Photobucket o kaya naman sa Glittergraphics para maganda ang itsura. Tapos titignan yung “Who’s Viewed Me”.  Tapos nun Log Out na! 
Tapos humahaba pa lalo yung Rent mo dahil napupunta ka sa mga Clan Chatrooms sa Yahoo Messenger dahil kasama ka sa isang Clan. May mga Clan Wars pa nga dun eh, yung sakupan ng mga Clan sa isang Chatrooms. Tapos ang usong laro lang dati sa YM eh yung Billiards. Kamiss no?
Astig lang ng karanasan ng mga 90’s People dati. Haha!

Source: matabangutak

Tong tong tong tong pakitong kitong, Alimango sa dagat! Malaki at Masarap! Mahirap mahuli! Sapagkat nangangagat!
Ito ang pantasya ng bawat kabataan dati. Magkaroon ng “Magic Pencil”. Ganda kasi ng Lapis na to. Kapag naputol. Huhugutin mo lang at ilalagay uli sa dulo ang naputol na “Lead” para matulis ulit. 12 Pesos ang halaga nito dati sa School Supplies. May mga sampung piso din depende sa Design. May mga Hello Kitty, mga Power Rangers at marami pang iba.
Talagang pagandahan pa dati ng Magic Pencil. Yabangan ang uso dati sa mga estudyante. Tapos dati hindi ko pa alam na may pambura pala sa dulo yun. May nakatakip lang na plastik kaya bumibili pa ko ng pambura dati. Dati kapag walang magawa sa Classroom paulit ulit lang na tinatanggal ang bala ng Magic Pencil at ibabalik lang ulit. Tapos kapag nawala yung isang bala dahil sa kakalaro. Wala ng kwenta, itatapon na agad dahil walang pampigil kasi hindi na sakto. So ang tendency itatapon or bibili na lang ulit ng bago.
Haay! Nakakamiss gumamit ng Magic Pencil!

ONE TWO THREE VIVA!! AHHH!!! NAHULI KA! IKAW ANG TAYA!!

- 90’S KID

Bago pa dumating ang YAKEE at PINTOORA. CRY BABY muna ang talagang gustong tikman ng kabataan noon.

Bago pa dumating ang YAKEE at PINTOORA. CRY BABY muna ang talagang gustong tikman ng kabataan noon.

Song Hits

Dahil bigla akong nakakita sa dashboard ng salitang songhits. Kay “walangutak” ata, nagtanong siya kung bumibili pa ba ng song hits ang mga tao ngayon?

Naalala ko dati, ito yung magazine na mabenta dahil hindi pa afford ng karamihan ang unlimited subscription sa Internet. Sa halagang 20 pesos napakarami ng kantang may lyrics at yung mga bago pa. At ang maganda pa dito eh yung mga song hits na may Top 40 or Top 20. 

Ang astig lang nga dati eh, yung mga cover ng magazine ng song hits eh yung mga boy bands pa. Hindi mawawala sa Cover ang A1, Westlife, Linkin Park, 98 Degrees at marami pang iba.

Tapos may OPM Section pa, lahat ng kanta nila Erik Santos, Jerimiah, Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Janno Gibbs eh makikita dun. Sama mo na ang tropa ng South Border at ng mga kilalang banda tulad ng PnE, E-heads at Rivermaya. Umabot pa nga ang F4 Fever sa mga Song Magazines eh.

Madalas makita ang mga Song Hits na ito sa 7 Eleven malapit sa Entrace o kaya naman sa mga nagtitinda sa palengke kasama ang mga tinapa. 

Haaayyy!! Alam ko meron pa rin netong mga ganito ngayon. Pero who cares na diba? May internet na. Isang type mo lang sa google, may music video pa. Lalo na kapag hindi mo alam ang Title ng Kanta. Isulat mo lang ang lyrics na alam mo sa google at makikita mo na ang title ng kanta. 

Ganyan katindi ang henerasyon ngayon. Hellyeah!! Pero nakakamiss talaga ang bumabad at kumanta kasama ang song hits.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.

a Rafflecopter giveaway

Iba ang payo ko kay Papa Jack