Post(s) tagged with ":)"

Para sa taong mamahalin ko sa hinaharap,

Maaaring may mas maganda pa sa’kin dyan sa tabi tabi, pwedeng may mas matalino, may mas mabait at may mas mapagmahal kang makikilala. Magsasawa ka tumawa sa mga joke ko dahil hindi na bumebenta. Mawawalan ka na ng gana kausapin ako dahil wala ng kwenta ang aking mga kinekwento.

Hindi ako sweet, hindi ako clingy, hindi ako needy, hindi ako showy, iba ako sa iba, hindi ako umiiyak ng dahil sa isang lalake, hindi ako nag seselos, hindi ako nagtatampo. Siguro hindi ako girlfriend material, siguro isa lang akong pang-tropa na na-trap sa katawang pang syota. Pero pag nagmahal ako, nawawala yung standards, nawawala yung flaws dahil napapalitan ito ng pagmamahal.

Kaya magsawa man tayo sa isa’t isa, mag evaporate man yung love sa ating dalawa, isa lang ang sinisigurado ko sayo na hindi mawawala, yung company ng isang kaibigan na mabibigay ko na hindi magbabago. (Yuck! pagibig post. kadiri)

Nung una akala ko Infatuation lang. Nung nagtagal napatunayan kong totoo 
nga tong nararamdaman ko sayo.

Source: matabangutak

Kupal man akong kaibigan, pero sigurado naman ako’y maasahan sa oras ng pangangailangan.

Source: matabangutak

I’m proud to be a 90’s kid. :)

belle-femelle:

Sobrang nagpapasalamat ako dito ke Kuya Rhadson (matabangutak) dahil napapadpad ako dun sa Dekada Nobenta chuchu ng blog niya. Alam niyo naman, sobrang maano ako kapag mga nakaraan. Masarap balik-balikan diba? Nakakatuwa nakita ko dun yung :

  • Bomber Man. Circus Charlie. Contra.
  • Bananas in Pajamas
  • Yung matamis na ek ek dun sa Santan. :)
  • 1, 2, 3 VIVA! 
  • Mikmik
  • Plastic Balloon 
  • Sitsirya na me mga laruan sa loob :)

At syempre ang pinakapinagpapasalamat ko sa lahat yung, Funny Komiks. :) Alam niyo ba na bata pa lang ako mahilig na ako sa mga babasahin. Kinokolekta ko yan. As in, kaming magpipinsan tapos gagawa pa kami ng sarili naming komiks komiksan. Naaalala ko diyan yung Anton the Ant at Super Boy Bob. :D Pati na din Tomas at Kulas. Sobra talaga akong natuwa. Nakakalungkot din na wala na nagtitinda niyang dito sa’min, kung meron pa talaga, bibili talaga ako :)

Sayang hindi pa nasasama ni Kuya Rhadson yung Princess Sarah, yung cartoons ah. Paborito ko talaga yun eh. Tsaka basta.

Ang sarap talagang bumalik sa pagkabata. Lalo na pag naaalala mo yung mga ganyang kagandang mga bagay na kung ikukumpara mo sa kasalukuyan, mas gugustuhin mo talagang bumalik na lang. HAHAHAHA

matandangbata:

geh. eto na yung DOODLE ko for kuya Rhads. na upload nato ng classmeyt ko, pero pinost ko pa rin. HAHA. sana magustuhan mo kuya. :)

Thank you. Appreciate ko itong mga ganitong gawa. Hindi kasi ako marunong mag drawing like nga ng sinabi ko dun sa photoset na nauna. Pero eto ok to. Solo e :) Ty!

matandangbata:

geh. eto na yung DOODLE ko for kuya Rhads. na upload nato ng classmeyt ko, pero pinost ko pa rin. HAHA. sana magustuhan mo kuya. :)

Thank you. Appreciate ko itong mga ganitong gawa. Hindi kasi ako marunong mag drawing like nga ng sinabi ko dun sa photoset na nauna. Pero eto ok to. Solo e :) Ty!

I love you! Goodnight! Mwuah!

- Every Teenager?

Source: matabangutak

Natutuwa ako at may mga bagay akong ginagawa na hindi ko napapansin na napapansin ng ibang tao.

Source: matabangutak

Sulat ng taong In-love at baliw na baliw na.

Kamusta aking Irog?

Ay naku!! Gigil na gigil ako sayo! Gusto kong kurutin ang pisngi mo dahil sobrang cute mo, tapos nakakatuwa ang iyong tinig, para bang isang anghel na kumakanta mula sa langit. Para bang isang rosas na hindi malanta lanta dahil punong puno ng buhay. Isang emoticon na kulay dilaw na may kasamang pula na may hawak-hawak at tinitibok na puso. Isang emoticon na sobrang saya. 

Nakakabaliw ka! Nakakamiss ka kahit araw-araw kitang nakakausap at nakakasama sa twina. Sana palagi ka lang nandiyan para sa akin, ganito pala ang inlove talaga, ganito pala! Giliw na giliw ako sayo aking sinta! Sana ay mapansin na ang mga twina, hindi na kailangan kunin ang buwan at bituin, ang mahalaga ikaw ay malapit sa akin. Daig ang ningning ni Sharon Cuneta, All time season kitang mamahalin tulad ni Tita Vilma! 

Isang matinding pusong sobrang naguumapaw, isang pusong masaya, isang pusong nabuhayan! Mabuhay! Mabuhay! Kagigil! Hayyy!! Ayyyy!! Gusto kita kausapin parati! Huwag kang magsasawa, huwag kang maiinis! Dahil damdamin ay hindi mabatak pabalik, nangunguna, malakas ang tibok! Hindi maipaliwanag! Isa na ata akong superhero sa nararamdaman kong ito! 

Tatapusin ang sulat na ito ng nakangiti, dadalhin ang ningning sa iyong mga labi, pakiramdam ko ako ay lumilipad, ayaw ko ng bumaba, ako ay tunaw sa tingin ng iyong mga mata, nauutal sa ngiti mong makulit!

Ayyy!! Yiieeee!! Kagigil!! Mabuhay!! Mabuhay!!

Source: matabangutak

Kung bibigyan ka ni Santa Claus ng isang wish. Anong hihilingin mo?

Makita ko si Khye kahit hindi na kami, kahit isang beses lang. Ang mahalaga makita ko siya at mayakap ko man lang. Kahit isang beses lang. Basta makita ko siya, gusto ko rin siya makita sa personal talaga. Ayun ang wish ko.. Ayun talaga ang wish ko.

Malaking bagay yun. yung isang beses na yun. Miss ko na nga yun e :) Well mahal ko pa rin yung taong yun. Malamang naging girlfriend e diba? Basta, hello khye! See you soon! Nawala man yung label natin as “LOVERS” andito naman ako handa maging kaibigan mo, at magbigay ng payo sayo. Basta, i can feel na makikita rin kita. Promise.. Makikita din kita :)

Pa hug >:D< Tag kita ha? Para mabasa mo.

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack