Now Playing Tracks

A Scene from the Agham Road demolition, Photo credits sa Yahoo.

Ok, layo muna tayo sa Vhong Issue dahil nakaka umay na makita sa balita at siguradong panalo na siya sa kaso ayon sa CCTV.

What can I say about this Demolition Thingy~?

Nung bata pa ako. Kapag nakikita ko ang mga pulis na sinisira ang bahay ng kapitbahay namin ( dahil nakatira kami sa squatters area dati. swerte lang kami dahil yung lupa na natayuan ng bahay namin eh sa Lola namin pero hindi naiiba ang bahay namin sa kanila ). Eh awang awa ako sa mga kapitbahay namin at galit na galit ako sa mga Pulis. Kasi nakikita ko na bahay nila yun eh. Bakit sinisira nung mga Pulis? Isang tanong ng bata na walang kamalay malay sa paligid niya. Pati nung nagka-isip ako. Kapag may nakikita akong balita sa TV. Galit na galit ako sa mga pulis. Kasi nakikita kong binabatuta, pinapalo, sinasakal, at ginagamitan ng dahas ang mga tao.

Edi syempre nag bibirthday din ako. So tumanda na naman ako. So nagka isip na naman ako. Na realize ko na kaya siguro nagagawa ng pulis yun eh may ginawa sigurado yung mga Informal Settler na masama. Na may mga protocol ang pulis na kapag nadaan sa magandang usapan eh walang mangyayari na masama. 

Then hindi ko akalain na ma-eexperience namin to. At kami na mismo yung may ari ng lupa na tinirhan na din ng squatters area. Hindi ko akalain na dadating sa point kailangan na namin pumunta sa mga Hearing at may mga abogado pa kami. Ano pinag lalaban namin? Yung lupa. Nasa amin yung titulo at binili namin yung lupa. Pero ayaw maniwala nung mga tao dun. So nanalo kami sa kaso laban sa lupa.

For me, once na andun ka na. Dun mo palang maiintindihan. Parang ang hirap nga naman sa may-ari ng lupa na makikita mong binili mo yun at pinaghirapan mo yung perang pinambili mo dun eh titirhan lang ng mga squatter. Wala eh, mayayabang yung ibang mga nasa squatter at akala mo kanila talaga ang lupa. Ang problem din kasi eh hindi sila gumagawa ng paraan para magka pera o makahanap man lang ng trabaho. Naging squatter din ang Pamilya namin. At naranasan ko maging Squatter. Tumira sa hindi mo sariling lupa. Akala ko dati ok lang yun. Pero dahil nagsikap ang mga magulang ko. Andito na kami sa buhay ngayon na masasabi nating hindi na magugutom. Makakakain kung kailan gusto. At nagawa ng magulang ko yun na hindi umaasa sa Gobyerno.

Feel ko yun ang problema ng Pilipinas sa mga informal settlers ngayon. Sinukuan na nila ang buhay at kinakalaban na lagi ang Gobyerno. Na akala nila once na nag elect sila ng Presidente eh magiging okay yung presidente na yun once na pinayaman sila o binigyan sila ng Pera. Nope, hindi ganun yun mga kababayan. Kailangan mag sikap talaga at maging madiskarte sa buhay. Nakita kong ginawa ng magulang ko yun. Yung pagmamahal nila sa anak nila at disiplina ang nagdala sa amin kung nasaan kami ngayon. Sinamahan pa namin ng pagtitiwala sa Diyos kaya nagkaroon parents ko ng lakas para lumaban nang lumaban. Hindi pwedeng iaabot sayo ng Gobyerno ang pera at gagastusin mo. Ang role ng Gobyerno eh pagandahin ang Pilipinas at hindi ang buhay niyo. Sabi nga eh, pare parehas lang tayo nagtatrabaho. Pero hindi naman maikakaila na corrupt talaga ang Gobyerno natin sa Pilipinas. Pero hindi ibig sabihin nun eh wala ka ng magagawa. Meron. Kahit sino pa ang presidente dyan. Ikaw ang gagawa ng sarili mong buhay. Kahit sino pa mahalal dyan. Wala silang maitutulong sayo kundi yung benefits nung program nila. 

Hindi Gobyerno ang tutulong sayo. Sarili mo.

(Source: matabangutak)

101 notes

  1. xpukey reblogged this from matabangutak
  2. rocelcadingan reblogged this from matabangutak
  3. rockeratheart reblogged this from matabangutak
  4. matandang-dalaga reblogged this from matabangutak
  5. yanyanityyy reblogged this from matabangutak and added:
    👍👏
  6. mikaeradesu reblogged this from matabangutak
  7. daydreamerazzah said: totoo yan. kaya, Rhadson for president sa 2016!!hehe
  8. livestrongtonight reblogged this from matabangutak
To Tumblr, Love Pixel Union