Now Playing Tracks

Happy 6th Monthsary Tumblr!

Tama, ngayon palang yung 6 months, parang kailan lang nagkamali ako sa buwan ng tagal ng pag tutumblr ko. December 23 2010 ako nag umpisa sa mga hindi pa nakakaalam, at sa tuwing 23 ng buwan nag popost ako ng ganito, pasasalamat sa isang buwan ng ating mga pagsasama.

Ito ang shortcut ng mga pictures na nangyari sa akin sa loob ng June Month.

Ilan yan sa masasayang araw ng buhay ko, pero mas gusto ko yung pinakamasayang araw ng buhay ko, syempre yun ang makasama ang GF ko, sa mga hindi pa rin kasi nakakaalam, LDR kami at never pa po kami nag kita. Pinasok namin ang relasyon na ito dahil may tiwala kami sa isat-isa. Magkikita rin kami, kapag mabait ang panahon at pagkakataon.

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa aking blog, kung wala akong natatanggap mula sa inyo eh siguro matagal na akong wala dito, siguro masasabi kong nag boblog ako sa sarili ko pati na rin sa kapakanan ng ibang tao, simple lang naman mag sulat eh, edi ishare ko na lang diba?

Maraming salamat sa mga meetups. Dahil doon nakita ko sa personal yung mga kaibigan ko dito ng ilang buwan na, marami pa rin akong kaibigan dito na hindi pa nakikita ng personal. 

Maraming salamat rin sa a4kada, dahil sa inyo patuloy na sumasaya ang ating samahan, walang iwanan mga tsong, mataas at buong buo ang respeto ko sa inyo.

Sa Followers, sobrang maraming maraming salamat sa inyo talaga.

Ky Khye, salamat at lagi kang nandiyan para sa akin.

At sa lahat lahat ng taong nandito ngayon, sa mga taong nag memessage, nababasa ko lahat ito, minsan hindi ako nakakasagot dahil hindi palakaibigan yung internet.

Ang bilis ng panahon.. Kalahating taon na ako.

(Source: matabangutak)

95 notes

  1. wanportri said: HAPPY MONTHSARY sa tumblr mo :D
  2. biggest-and-baddest said: dami foLLowers! keep it up sir!
  3. chupetto said: isasanib ko ung palowers ko sayo para 10k sakto haha
To Tumblr, Love Pixel Union