Now Playing Tracks

Korina Sanchez is still my favorite reporter. Well, don’t judge her too quickly. May point ang magkabilang panig. Pero malaki ang paniniwala ko kay Cooper sa mga reports niya. Unang una walang mapapala si Cooper kung pagtatakpan niya ang Pilipinas. At hindi natin masisisi si Cooper sa makikita niya dahil unang una galing siya sa Amerika. Ang gobyerno nila dun eh aksyon agad. So normal sa isang tao na galing sa isang magandang bansa na masilip ang ganitong bagay. Pangalawa reporter si Cooper sa ibang bansa. So mapagmasid siya at lahat ng detalye eh makikita niya dahil kailangan niya yun dahil nagtatrabaho siya sa isang kilalang news broadcasting at yun eh CNN.

Posibleng gusto lang nga pagtakpan ni Ms.Korina si Mar Roxas dahil asawa niya ang maiipit dito. Pero mali ang sinabi niya kay Anderson Cooper na “hindi niya alam ang sinasabi niya” dahil unang una. Si Korina Sanchez eh nasa studio lang at wala sa Tacloban at si Anderson Cooper eh nasa Tacloban mismo. So sino ang mas nakakakita? Sino ang mas nakakaranas? Si Cooper diba?

So hindi imposibleng magsabi ng rant si Cooper about sa Pilipinas. Kung pati naman tayo alam naman nating mabagal ang Gobyerno pero sigurado akong nagawa na ni PNOY yung effort niya sa pakikipag kaibigan sa bansa. Isipin mo, kung hindi siya nakipag kaibigan sa mga bansa tulad ng Korea, Japan, USA, UN at iba pa. Sa tingin mo ba makakakuha tayo ng malaking tulong mula sa kanila? Hindi na rin maalis ang crabmentality ng Pinoy na once na napunta sa Gobyerno eh makukurakot agad. Bigla nga nawala yung mga balita tungkol kay Napoles eh.

So bilang reporter ginawa lang ni Cooper yung trabaho niya. Nakita niya yung pinag kaiba ng pag assist ng government natin sa trahedya sa bansa nila.

Eto example:

Galing ka sa Pilipinas. Let’s say 14 Years kang andito. Tapos lumipat ka ng ibang bansa. Tapos sa eskwelahan mo dati mapapansin mong mababait ang tao. Tapos pumunta ka ng ibang bansa tapos uso dun ang pagkakaroon ng bully. So ma ikukumpara mo kung ano ang meron dati sa bansa mo na nakikita mo sa bansang kinaroroonan mo ngayon. O kaya naman pumunta ka ng Singapore. Magugulat ka na bakit sobrang linis ng Singapore? Hindi ba’t minsan eh nagtatanong tayo bakit hindi ganun sa Pilipinas? So sa issue ni Anderson, ganun lang din ang ginawa niya. Naihambing lang niya yung bansa natin sa bansa nila.


So to make the long story short.

Ginawa lang ni Anderson Cooper ang role niya bilang reporter.
At ginawa lang ni Ms.Korina Sanchez ang role niya bilang asawa.

(Source: matabangutak)

266 notes

  1. oneawkwardbeing reblogged this from matabangutak
  2. ohsunshinepaparapap reblogged this from jjjjjaaaaaaaammmmmmm and added:
    Bilang ‘asawa’ hahahahahaha okay! :)))
  3. pttslvhm reblogged this from walangdahilan
  4. walangdahilan reblogged this from allsnfthprz
  5. piggles601 reblogged this from matabangutak
  6. metaphoricalcatastrophical reblogged this from matabangutak
  7. kneally reblogged this from kapeprince
  8. rainbows-everywhere reblogged this from matabangutak
To Tumblr, Love Pixel Union