Now Playing Tracks

Sino si Rhadson?

Ako yung tao na ayaw mapagalitan o masigawan ng magulang, kung nandito lang kayo sa bahay at nakikita ako. Ako yung taong sobrang tahimik, maaring masayahin ako sa harap niyo pero ang tunay na Rhadson (matabangutak) ay tahimik lang sa bahay.

Andito lang ako sa harap ng computer at type ng type, kung ano ang pumasok sa isip ko tinatype ko, mahilig ako magbigay ng payo, dahil dito dumami ang kaibigan ko. 

Yung nagumpisa ako mag tumblr, nagulat ako at sulat lang ako ng sulat at nagugulat na lang kinabukasan na dumadami ang kaibigan ko.

Simple lang akong tao, mabait ako. Wala akong bisyo. Madrama akong tao, marami na rin kasi akong pinagdaanan, nakatira lang ako sa squatters area dati kung hindi niyo naitatanong, hindi pa ito yung sapat na oras para ikwento ko yung buhay namin dati, siguro hindi pa ko umaabot sa sobrang emosyon, basta ikwento ko yun sa araw na handa na ako. 

Pakiramdam ko kasi hindi pa kumpleto ang kwento, kasi wala pang nangyayari sa buhay ko. Patuloy akong parasite sa piling ng magulang ko, hindi pa ko nakakaranas magkaroon ng sahod, perang pinaghirapan at pera galing sa ibang tao.

Minsan nakakahiya, minsan nakakahiya na talagang humingi ng baon o kaya naman mag demand sa kanila, kung tutuusin kasi kanila lang yung pera, kasi sila ang naghirap at nagtrabaho dun. 

Tahimik akong tao dahil takot akong magkamali, hindi ako handa sa mga negatibong komento ng mga tao, tao lang din kasi ako, nagkakamali din pero ang pinakanakakatakot kong maranasan eh yung mapagalitan talaga ng magulang.

Ayan ako, ilan yan sa ugali ko, basta kapag narinig mo ang pangalan Rhadson, takot sa magulang yan. Kaya siguro akong lumaking mabuting anak, dahil sa disiplina at lumaki akong takot sa kanila. 

(Source: matabangutak)

135 notes

  1. prinsipengitim reblogged this from matabangutakappreciationblog
  2. geraldiology reblogged this from matabangutak
To Tumblr, Love Pixel Union