Now Playing Tracks

Imbis na maghanap ng trabaho. Imbis na maki isa eh sila pa tong nag papalala ng sitwasyon. Yung pagsunog na yan? Makaka apekto pa sa Ozone Layer natin yan. Parang wala namang matinong Presidente sa mga taong to eh. Minsan ba, hindi nila naitanong sa sarili nila na bakit may mga taong patuloy na yumayaman kahit sino pa ang naging Presidente na nahalal? Hindi ba nila naisip na kung nagsikap lang sila at gumawa ng paraan eh posibleng wala sila dyan at busy sila sa trabaho nila? Oo, kurakot naman talaga ang Gobyerno eh. Palagi ka bang magpapadala sa ganun? May mga taong patuloy na nagsisikap na hindi naambunan ng Gobyerno. Tipong sila pa nga ang nagbabayad palagi ng malalaking buwis na napupunta sa mga Lower Class na Family eh. At yung mga middle class eh nangengealam din naman pero ok lang sa kanila kasi sapat naman ang nakakain nila sa araw-araw.

Paano mo aasahan umasenso ang mga taong nasa Lower Class na Family? Bigyan ng pera ng Gobyerno. Ayan, BINGO dyan, Alak dyan, Sugal dyan at Shabu PA sa tabi tabi. Na hindi man lang naiisip na para yun sa Pamilya nila at mapag-aral ang mga anak nila.

Kahit kailan hindi ko maiintindihan ang mga taong ito. Hindi mo alam kung ano ba ang pinaglalaban nila talaga. Gets ko naman na kung wala yang mga yan eh hindi malalaman yung baho ng Gobyerno. At the same time concern lang din naman ako sa kanila. 

Kami dati, sobrang hirap ng buhay. Nagsikap mga magulang ko at ilang Presidente ang dumaan eh hindi sila nag pa apekto. Hindi sumuko magulang ko buhayin kaming magkapatid dahil mahal nila kami. Kung mahal nila ang mga anak nila. Magsisikap din sila, Maghahanap din sila ng trabaho. At kapag nangyari yun? Kasabay nun yung pagunlad ng Pilipinas eh.

(Source: matabangutak)

402 notes

  1. rinarayuma reblogged this from pasmadongbunganga
  2. leanijoey08 reblogged this from matabangutak
  3. parislondonmanila reblogged this from matabangutak
  4. kuyabra reblogged this from viviklaaang
  5. gagandadinako reblogged this from matabangutak
  6. hawhawkarabaw said: sila ang mga makakaliwa na tinatawag…. laging kaliwa ang daan at pananaw
To Tumblr, Love Pixel Union