Now Playing Tracks

Larong Pinoy: Luksong Baka

Batas ng Laro:

1. Dapat may isang baka o ang alam natin lahat na “TAYA”. Para magkaroon ng taya kailangan niyo mag ” maibaaaa.. TAYA! ” o kaya naman ” Gumaya sa akennnnn… TAYA!”.

2. Hindi ka dapat sasabit sa taong tatalunan mo o kaya mahulog sa oras na tumalon ka sa taya.

3. Ang taya ay mag uumpisa sa posisyon na nakaluhod. Kailangan matibay ang iyong tuhod kapag medyo mataas ka na, para maiwasang matumba o kaya naman suporta na rin sa iyong likod.

4. Lahat ng kasapi ay tatalon sa baka, kapag nakatalon lahat, ikaw ay magpapalit ulit ng posisyon at onti onting tatayo para sa susunod na pagsubok sa mga tatalon.

5. Ang tanging pwede lang na humawak sa likod ng taya ay ang kamay ng tatalon. Ano man ang sumabit sa likod ng baka ay magiging taya. At kung sakaling sumabit ka, ikaw naman ang magiging taya, ikaw naman ang magiging baka. Ang mga manlalaro ang magdedesisyon kung kailan tatapusin ang laro, kapag umiyak na ang taya dahil naburot na ito.

Sa tingin ko ay nakalimutan na ito ng mga masasabi nating kabataan ngayon, wala na akong nakikita sa kalsadang naglalaro ng Luksong Baka, marahil sa puro Computer na lang ang ginagawa nito.

Nakakalungkot at laging sa bahay na lang ang karamihan ng bata dahil masyado silang na hohook sa computer games, kung meron man mangilan ngilan na lang siguro ang mga batang ito.

Nakakamiss ang kabataan at ang larong Pinoy.

(Source: matabangutak)

82 notes

  1. maecillelovesyou reblogged this from matabangutak
  2. upang-inamo reblogged this from matabangutak
  3. akosiariiiz reblogged this from sheenanats
  4. endormimeduse reblogged this from matabangutak
  5. welltheregoesmylifetoo reblogged this from matabangutak
  6. alexautic said: Nakakamiss Kasi Ung Ganyang Laro…Kahit Yung Kapatid Ko… Na 5 Pa ALang Nag PSP na lang Kaysa Lumabas.. :(
  7. sheenanats reblogged this from matabangutak
  8. wimpydrawings said: ito! tsaka luksong tinik. :) pero all-time fave ko paden patintero :D
  9. nickileodion said: Muntik ko nang ikamatay ang larong iyan.
To Tumblr, Love Pixel Union