Now Playing Tracks

paparhodspeaks-deactivated20140 asked:

Kuya rhads, pano mo aayusin ang isang relasyong napaka dami na ng pinagdaanang away at hindi pagkakaintindihan, na minsan na din nakakaramdam ng pagkapagod at pagkasawa na ituloy ang relasyon, minsan na din naisipan maghiwalay sa kadahilanang kasi napapagod na, pero sa kabila ng lahat e nakakakita ka pa din ng paraan para magstay at mahalin siya at gumawa ng paraan? paano ito maaayos? :)

Pag ganyan.. Dinadasal ko talaga eh. Nilalapit ko kay God. Once na sinabi ko siya sa dasal gumagaan pakiramdam ko eh. At least, dun sa sinabi mong “ sa kabila ng lahat e nakakakita ka pa din ng paraan para magstay at mahalin siya at gumawa ng paraan “ well andun ka na sa right path. Kayanin mo. Ipaglabanan mo. Andyan ka na eh :) Kapag nagbago ka pa. Yung bagong yun dadaan ulit sa ganyan. As long naman na sumasama siyang labanan yung pagsubok na yun is walang problema.

The best way para maayos yan is communication. Ask her kung ano ang problema bakit kayo nagkakaganun. Huwag na magbigay ng mga senyales na nagtatampo ka or napapagod ka. Just go straight to the point.

Basta, kapag nahihirapan ka. Pray lang :) Promise. Ako sa dami ng problema ko sa buhay. Nagdadasal lang ako. Tapos ayun, nagiging okay ako. Ewan ko ba, ayun siguro advantage kapag malakas faith mo sa kanya. :D

61 notes

  1. matabangutak posted this
To Tumblr, Love Pixel Union