Sabi nila sana daw may UNDO ang buhay. Tipong yung utak mo eh may CTRL+Z na lang bigla. Tipong gusto mong mawala ang isang bagay sayo.. Gusto mong burahin ang isang alaala na palaging nagpapalungkot sayo. Kaso minsan may experience tayong pag ka CTRL Z natin lalong nasisira diba? Tipong sumobra yung expected mong uulitin. Tipong nagsimula ulit sa umpisa at wala ka ng magawa kundi ulitin ulit ang nasimulan.
Ayun ang mahirap kapag may CTRL Z ang buhay. Tipong wala ka ngang problema. Kaso yung matututunan mo sana sa problemang yun eh yung solusyon na tutulong sayo in the near future. Parang ang panget din kapag lagi mong dinaya ang sarili mo. Tipong hindi ka na mamromroblema.. Kasi aasa ka sa CTRL Z mo e. Buti na lang no? Sobrang normal nating mga tao. Haha!



