Ilan na ba ang minahal mo? Ilang beses ka na bang nasaktan? Ilang beses mo ng sinabing hindi mo kaya? Palagi namang ganun diba? Palagi natin sinasabing hindi natin kaya. Lalo na sa mga unang beses tayong nabigo pagdating sa pag-ibig na yan. Palagi natin sinasabing the first cut is the deepest. O kaya naman ang first love eh hindi namamatay. Pero imagine kung kanino ka nagdadrama ngayon? Hindi ba’t sa ibang tao na? Hindi ba’t dun na sa taong hindi mo naman naiisip na dadating dati? Kaso yun nga lang ang masama dun.. Nasaktan ka ulit. 

Pero look on the bright side. May dahilan siguro ang lahat ng yan. Minsan sunod sunod. Minsan matumal. That’s life eh. Sabi nga ni Murakami “Pain is inevitable suffering is optional”. Kumbaga it’s all in the mind eh. Palagi kasi natin silang iniisip. Hindi tayo gumagawa ng paraan para makalimutan sila.

Palagi kang Online, Palagi kang nasa lugar kung saan mo sila nakilala. Dapat umaalis tayo diyan at iniiwasan pangsamantala. Bumalik ka lang sa lugar kapag ok ka na. Para kahit maisip mo sila. Hindi mo na maiisip yung sakit. Kasi ok ka na eh. 

Tandaan mong lahat ng problemang nararamdaman mo sa Love ay kaya mong lagpasan. Kailangan mo lang tanggapin lahat ng nangyayari sayo. At intindihin ang mga bagay bagay kung bakit nangyari yun.

Source: matabangutak

Notes

  1. pakisaloako reblogged this from matabangutak
  2. nelazana reblogged this from matabangutak
  3. nmlthzl000 reblogged this from matabangutak
  4. doktorsapagiisip reblogged this from matabangutak
  5. lifetimehappiness reblogged this from matabangutak and added:
    Ilan na ba ang minahal mo? Ilang beses ka na bang nasaktan? Ilang beses mo ng sinabing hindi mo kaya? Palagi namang...
  6. dianadzn reblogged this from matabangutak
  7. disqualified-heroine reblogged this from matabangutak
  8. fvckinuseless reblogged this from matabangutak
  9. crazylazyeksdi reblogged this from prinsesangkalos
  10. prinsesangkalos reblogged this from matabangutak
  11. catheerose reblogged this from matabangutak
  12. thesimplegamer reblogged this from matabangutak
  13. ohitshanney reblogged this from matabangutak
  14. percivale27 replied:
  15. jeapforever28 reblogged this from matabangutak

← Previous Post Next Post →

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack