Now Playing Tracks

Maraming nagtatanong sakin. Iphone 5 or Samsung Note 2?

Dahil halos parehas lang ang Price nito. At hindi naman natin mapipilit ang tao sa mga gusto natin. Pero magsasabi ako ng napansin ko lang at medyo kampi ang entry na ito sa Galaxy Note 2. Dahil meron ako nito at naging Apple Baby din naman ako kahit papano.

Masasabi ko lang na kapag

Iphone 5 ang gusto mo.

  • Ayaw mo na magkalikot masyado ng phone mo.
  • Nasanay ka na sa Apps ng Previous Apps ng Iphone, Ipad, Itouch mo.
  • Gusto mo maging classy.
  • Yung design niya na metallic. 
  • Kapag hindi ka fan ng masyadong malaking Phone.
  • Kapag casual user ka lang ng Phone.
  • Mahilig ka magpalit ng mga Accessories. Mas marami kasing nabibiling Accesories ang Iphone 5 kesa sa Note 2.  
  • Ang problem ko lang dito is. Size lang halos yung nagbabago. Pero yung Features and Apps eh halos ganun pa rin. Tipong bumili ka ng bagong phone dahil sa dagdag na numero. Like Iphone 4 got A4 chip tapos 5 megapixel, Iphone 4s got A5 then mas mataas ulit ng onting megapixel. Iphone5 got A6 Chip. Pero ganun at ganun pa din naman ang gagawin mo dun.

Kapag Galaxy Note 2 naman.

  • Kapag masyado kang makalikot sa Phone eh ayos na ayos ito sayo.
  • Techie ka masyado. Mahilig ka sa mataas na specs. Like Quad Core ang Note 2 While Dual Core ang Iphone 5.
  • Mahilig ka tumambay at manuod sa Phone. Talagang masasabi kong go ka sa Note 2 dahil click and drag lang at hindi na kailangan i convert pa.
  • Android siya. Ang Android kasi, hindi madamot. Lalo na madaling mag download ng laro mula sa Google Play Store.
  • Expandable Memory siya. So pwede kang bumili ng 16Gig na Note 2 then bumili ka na lang ng 32gig expandable Memory.
  • Naalis yung likod niya. Meaning pwede kang bumili ng Spare Battery Life. Ito ang pinakanagustuhan ko dito. Yung flexibility mo as a user. Unlike sa Iphone. Kapag bumili ka ng Iphone yun at yun na lang ang battery mo. At kung ano ang binili mong memory eh yun lang at hindi mo na ma eexpand.
  • Yung SPEN feature ng Galaxy Note 2. Kapag mahilig ka magdrawing or mag take down ng Notes. Para sayo ang cellphone na ito.
  • Nakakatuwa yung Widgets sa Screen. For easy acces ng Tumblr, Twitter and Facebook.
  • Multi Screen - Pwede kang mag operate ng 2 apps at the same time. Pwede kang mag Internet while watching Movie. Or mag open ng 2 browsers sa Screen mo.
  • No need to jailbreak. Dahil i open mo lang yung “Trust from Unknown Sources” mo. MaDL mo na yung mga cracked games para sa Android mo.
  • 2 Megapixels yung sa Harapan niya while sa Iphone 5 is 1.4 lang.
  • May burst shot siya at mas maraming Camera Apps.
  • Download directly PDF, Songs, at Videos sa Phone mo.
  • Pwede kang mag TORRENT. YES MAG TORRENT sa Samsung Note 2.
  • Lahat ng useful apps na meron sa IOS. Sa tingin ko nakuha na rin ng Android. Ang wala lang sa Android is yung Garageband.
  • Ang tawag sa kanya ay PHABLET. Phone + Tablet.
Nung una, litong lito rin ako kung ano ang bibilhin. Kasi hindi biro ang presyo nitong mga ito. Ang nakakatakot kasi sa Apple ngayon eh napakadali nilang magpalit ng Unit. Pero after ko manuod ng around 30+ Video Reviews about sa Iphone 5 and Samsung Galaxy Note 2. For me, I made the right decision. I ordered Galaxy Note 2.

So kung money wise ka at makalikot pagdating sa features ng isang phone. I will get Galaxy Note 2. 

(Source: matabangutak)

138 notes

  1. geloreyes said: sir, pwede ka ng maging salesman ng Galaxy Note 2. :))
  2. thegirlwholovestosleep said: Note 2 promise di ka magsisisi :)
  3. karlabamba said: Nice thought galing mo mag differentiate in all fairness nabigyan mo ng differences ang apple and samsung. Nonetheless, im an apple fan but as i’ve read your review and watch the video you’ve posted…. Shet!!! Na amazed nga ako sa samsung… :))
To Tumblr, Love Pixel Union