Mga larong nauso sa Pinoy!
Pogs - ito yung bilog bilog na karton na may ibat-ibang anime characters, kapag may nakita kang grupo ng lalake o kaya naman eh may halong mga babae at nakatingin ito sa ibaba eh siguradong pogs na ang nilalaro nito, tinitira niya ang pogs ng kalaban at kapag tumaob ito eh kukunin na niya ang pogs ng kalaban niya.
Teks - Chub cha! Debi! Lagot ka kapag nasangga mo kasi uulitin mo, ingatan mo ang ayos ng teks mo at baka Oblik yan at magalit ang kalaban mo. Maraming design ang teks na ito, minsan nauso pa ang ghost fighter, dragon ball, pokemon, flame of recca at lalo na ang hunter x hunter. Minsan hindi mo alam bakit may araw na ang galing galing mo at laging lumalabas ang pamato mo. Malay ba ng pamato mo na magaling siya, eh hindi naman siya iba sa ibang teks na gamit mo.
Habulan - 1 2 3 Viva!! Ito ang habulan, minsan mangibangiba taya bago mag simula ang isang laro, kapag iba ang posisyon ng kamay mo sa karamihan, lagot ka ikaw ang taya. Biglang magtatakbuhan at kakaripas ng takbo ang mga kasali at ikaw naman tong hahabol. Nakakapagod ito, kumpleto nga daw ang kabataan mo kapag naranasan mo ang larong habulan at naranasan mong madapa.
Agawan Base - minsan eh Moro-Moro kung tawagin ito, ito yung laro na maririnig mo ang ” MAS BAGONG BASE AKO SAYO, at PALIT BOTE “. Bawal mo kasing tayain ang taong mas bagong base sayo, ibig sabihin nito siya yung mas huling umalis sa base kesa sayo. At yung PALIT BOTE naman eh maririnig mo kapag nahuli na ang magaling mong kakampi. Minsan hindi sila pumapayag dahil ang nahuli ng kakampi niyo eh patalo sa grupo nila. Kawawang kakampi, hinayaan ng mga kasama.
Bahay-bahayan - uso rin ata to sa mga teenagers ngayon, hindi lang ata pambata ito, minsan nga nagiging realistic at nagiging tatay at tunay na nanay ang mga kaibigan, eh paano binahay ba naman yung kalaro o kaya naman kinwarto ayun! Nadale ni manoy si manay. Haha! Ito yung laro ng bata na magluluto lutuan at marami pang iba. Nakakatuwang sa murang edad ng kabataan eh nakakapaglaro na sila ng mga ganitong klase ng laro.
Tagu-taguan - 1 2 3… 8 9 10 GAME? Tapos may sisigaw ” OO GAME NA! ” Edi nalaman kung saan siya, kawawang bata. Ito naman eh yung hahanapin mo ang kalaro mo na nagtatago kung saan saan, minsan sa likod ng poste, sa likod ng puno, sa mga butas butas at marami pang iba kung saan saan pa nakatago ang mga ito. Kapag nahuli mo lahat sila sasabihan mo eh BOOM!! Tapos tatakbo ka sa base kung saan ka nagbilang at kapag nauna kang makipag base sa nahuli mo, siya naman ang taya.
Langit Lupa - parang habulan din, ang problema dito madadaya ang kalaro mo kapag ikaw ang taya dito mo masasabi na larong burutan. Eh paano ba naman, hahabulin mo tapos aakyat lang sa medyo mataas na lugar at yun na ang langit, bawal mo na siyang tayain, minsan may bilang na sampu para makaalis ka sa lugar mo, lagot ka kapag binilangan ka. Syempre kapag binilangan ka. Malamang binabantayan ka na.
Patintero - isa sa mga laro ng kahit na sino, lalo na kapag cool na mga barkada ang kalaro mo, magkakaroon kayo ng kampihan at iiwasan mo ang mga nagbabantay at iiwasan mo mataya ng taong bantay, kailangan ng mabilis at magaling na teamwork dito. Dahil lagot ka kapag nahuli ka, baka masisi ka pa ng mga kakampi mo.
Luksong baka - ito yung may taya na nakaupo sa umpisa, tapos pataas ng pataas hanggang sa nakatuwad na ito, tatalunan mo lang ang likod niya at kapag nataya ka edi ikaw naman ang taya, simple lang ang larong ito. Kailangan mo lang talaga na magaling kang tumalon.
Luksong tinik - oo tama ang nabasa mo, bukod sa baka meron pang tinik. Ito naman eh may dalawang tao na taya at nakaupo itong dalawa, gamit ang paa at kamay para mapataas ang bagay na tatalunan mo, at kapag sumabit ka ikaw naman ang taya.
Piko - gamit ang chalk pag gawa ng laruan niyo ng piko, gamit ang bato para maging pamato handang handa ka na maglaro ng piko. Ito ang madalas na laro ng batang kababaihan. Dito nauubos ang oras nila kasama ang mga ka berks nila.
Chinese Garter - wala bang Pinoy Garter? Alam rin ang larong ito bilang Ten Twenty, pwede rin namang gawin na parang Limbo Rock ang garter na ito. Ito pa ang isa sa mga larong maaring makita mo pa sa daan, isa pang laro ng mga kababaihan.
Dr Kwak Kwak - kapag may nakita kang mga pulupulupot eh siguradong ang larong ito eh Dr.Kwak Kwak. Dito na ata mararanasan ng isang bata na mabalian dahil sa sobrang pulupot nila sa isat-isa. Ang goal kasi ng larong ito eh hindi mahulaan ng Dr.kwakwak na paghiwahiwalayin kayo.
Ice Ice Baby - ito naman ang larong parang habulan din, pero kapag nahuli ka eh titigas ka at kapag nahuling gumalaw ka ikaw naman ang taya. Kailangan may isang kasali na hahawak sayo at pwede ka na ulit gumalaw.
Sili sili maanghang - hindi ko sigurado kung ito ang tawag ng larong ito, isa rin itong klase ng habulan na kapag nataya ka eh gagalaw ka na parang naaanghangan at hahawakan ka ng isa pang kasali at sasabihin niyang tubig para makagalaw at makatakbo ka na ulit. At kapag nataya kayong lahat ang sasabihin niyong lahat ay VIVA!
Marami pang laro ang mga kabataang pinoy, minsan sila sila na ang gumagawa ng sarili nilang laro. Isang bagay na mamimiss mo sa mga kabataan ngayon dahil puro computer games na lang ang nangyayari sa kanila ngayon. Kaya karamihan ng kabataan ngayon matataba, kulang sa ehersisyo at ang kanilang buhay kabataan ay kulang dahil sa hindi man lang nila naranasan ang mga larong ito.



